-Day One-

Life of a Personal Alalay (FILIPINO)
Oy Diary. Di ka maniniwala sa bago kong trabaho. Oo, meron na ulit ako bagong trabaho. At take note, bonggang trabaho. Tanda mo ba yung si Lalaine? Yung kaibigan ko na laging kachat sa fesbuk. Ipinasok nya ako sa trabaho. Noong sinabi nya na magiging katulong ako, tinanggap ko agad. Bigtime daw kasi yung magiging amo ko. Eh yung sinabi naman niyang bigtime ay di ko naman inakala na bigtime talaga. As in. Grabe diary. Nakakaloka! Akalain mo yun. Noong nagkita kami ni Lalaine, dinala niya ako sa Everest CBN. Ang isa sa pinakamatagumpay na network sa Pinas. At syempre, starstrucked ako sa mga nakita ko. Hanep talaga diary. Para akong nasa fairytale. Parang mga dyosa ang nasa paligid ko. Ako ata ay nagmukhang palaka dito. At alam mo ba, ang daming artista doon. Nakita ko si Richard Kap, Deserey DiBale, Maja Selinyador, at maging si Doris Bigote-nya, nakita ko. Grabe, ang ganda talaga ni Maja. Pagdating namin sa isang kwarto, nakita ko ang magiging alaga ko-si Dhariel Padilla. Hooh! Hanep. Nae-excite ako diary! Nakakaloka talaga diary. Akalain mo yun? Ang sikat na si Dhariel Padilla, aalagaan ng isang maganda (at syempre feelingera) na si Riyu Natividad? Susko. Grabe nga kanina eh. Nganga ako. As in, nganga talaga. Laglag panga. Lalo na nung humarap sya sa akin tapos... tapos... aaaah! Ang gwapo nya nung tinanggal nya ang salamin nya. Ang gwapo talaga. Kaso, diary. Hindi ko manlang nakamayan o nakausap man lang si Dhariel. Umalis din kasi agad eh. Magkakape daw, yung creamy ata. Pero okay lang diary. Kapag nagsimula na akong magtrabaho sa kanya, hindi lang autograph at picture ang makukuha ko sa kanya. Malay mo, pati brief manakaw ko pa. Hihi. Ang bad ko. O sige na diary, matutulog na ako. Maaga pa akong pupunta sa bahay ni Dhariel. Oh, di ba? May address na ako agad. Ay malamang. Hihi. Pero di ko sasabihin sa iyo ang address, baka may baliw na fans pang makakuha sayo. Malaman pa nya ang address ng amo ko, e di mauunahan pa ako sa brief, di ba? Sige na. G'night. - magbu-beauty sleep, Riyu.
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
anonymous_j
#1
Chapter 21: hahahahah! LOL....kawawa naman siyaaa.hahha
anonymous_j
#2
Chapter 12: that moment tho, " pa kasi ako" AHAHAHAHAHAHAHAHA!
Chinfabregas #3
Pagsave ko po kasi sa latest chap ay nagdodoble-doble. Bale, madaming chaps ang nadadagdag pero iisa lang naman ang laman. Kaya binubura ko yung iba. Sorry :( di ko rin kasi alam kung bakit nadodoble ang chap. :(
anonymous_j
#4
Chapter 10: author-nim...dumodoble yung updates mooo..hahha! pero nevertheless its very an entertaining read. ^^
anonymous_j
#5
author-nim...bakit nawawala wala? :((((
Chinfabregas #6
Chapter 5: Yung 4th chap, second version na yun. Nabura ko din kasi kanina. Isat kalahating shonga si author eh. hehe. :) bakit kasi dumodoble ang chaps. nalilito tuloy ako. hihi :)
anonymous_j
#7
Chapter 6: hahahaha...natatawa ako sa oc...promise
anonymous_j
#8
Chapter 3: oo nga naman, di ko isusulat sa diary ang address no..hahha! mabuti nang sigurado...ahahha!
Chinfabregas #9
Thank you po :) medyo kinakabahan akong i-open yung comments kanina :) hehe. Thanks po ulet at nagustuhan nyo :)
PinkInnocence25 #10
Chapter 2: oh my god!!!!!! grabe nakakatawa talaga lalo na yung part na binago mo yung names nilala
//le laughs so hard// GOOD JOB Author nim!!!!!!!!