-Day Five- (oo, walang day four)
Life of a Personal Alalay (FILIPINO)
Oy, diary kong pink. Pasensya na huh. Hindi ako nakapagkwento sa'yo kahapon. Sa sobrang pagod ko kasi, nakatulog agad ako pagdating dito sa boarding house ni Aling Ising. Pagkatapos kasi ng taping kahapon ay umuwi na kami galing Zambales. Then mula pa kina Dhariel ay nagcommute pa ako pauwi dito sa boarding house. Kaya diary, super haGardo Versosa ang lola mo. At dahil tapos na ang taping ng amo ko sa bago nyang movie, magpapahinga daw muna sya. Tatawagan na lang daw ako ng manager nya para sa sched nya. At dahil walang trabaho, nakipagdate muna ako diary. Oo, date with myself, diary. Hehe. Wala, pumunta lang ng mall. Dun malamig eh. Pero wala din akong nagawa, diary. Pangit din pala mamasyal mag-isa. Pero alam mo, andami kong nakitang artista dun. Nakita ko dun si Ben Paras, yung basketball player, yun bang tatay ni Chichay. Kasama nya yung anak nya, yung taga kabilang station. Nakita ko din dun si Julie Baretto. Yung nasa 'bounce bounce bounce, three times a day.' ang pretty pretty pala nya nuh, diary. Hihi
Comments