-Day Two-
Life of a Personal Alalay (FILIPINO)
Bago pa man ako makapag-doorbell ay may tumahol sa aking dalawang aso. Susko, diary. Alam mo naman ang phobia ko sa aso, di ba? Bigla na lang ako napatigil doon at nanigas. Ni hindi ako makaharap dun sa mga aso. Tahol nang tahol sila. Palapit nang palapit. Base sa narinig ko, alam ko na malalaking aso ang nasa likuran ko. Nang malapit na sila, may dumating. Oo diary, may dumating. Ganito ang nangyari. "Waki! Wiki! Tama na yan." sabi ng isang boses, ng isang gwapong boses. At syempre, dahil sa kalahating malandi din ako. Lumingon ako...nang da...han...da...han. Yung parang sa commercial. Ganun, diary. Ganun. Nang makalingon ako, susko diary. Alam mo ba kung sino ang nakita ko? Siyempre hindi mo ulit alam. Nakatayo lang naman sa harap ko si... si... "Da-Dhariel?" pabebeng sabi ko. Malandi ako eh. Tumingin naman siya sa akin. Mula ulo hanggang paa, the ulo again. Alam mo, diary, feeling ko, feeling lang ah, na-love-at-first-sight sa akin si Dhariel. Ah, love-at-second-sight pala. Iba talaga ang alindog ko. Ahaha
Comments