-Day Two- (p.s.)
Life of a Personal Alalay (FILIPINO)
Oy, diary. Pahabol lang ha. May goodnews ako. Pagkatapos ko kasi magsulat sayo ay lumabas ako ng kwarto ko dito sa hotel na tinuluyan namin. Nakasalubong ko si Karyn Bernardo. Mag-isa lang siya. Tinanong nya ako kung bakit hindi pa daw ako natutulog. E di sinabi ko yung problema ko. At alam mo ba ang ginawa nya? Syempre di mo pa rin alam. Lagi ka namang walang alam. Ayun, pinahiram nya ako ng damit. Ang bait nya nuh. Pero di lang yung natapos dun. Sinabi ko na akin na lang yung damit. Pumayag naman sya. Bait talaga nuh. Tapos pinapirmahan ko sa kanya yung damit. Malaking perma. Hihi. Ibebenta ko to sa kapitbahay ko sa Mindoro. haha. Syempre, di na ako nagtagal dun. Inabala ko na sya eh. ang bait pa naman nya. Pagbalik ko sa kwarto ko, naalala ko na di pala ako nakapagtoothbrush o kahit mouthwash man lang. alam ko meron si Karyn nun. Endorser sya nun eh. Kanta kanta pa nga sya dun. Pero naisip ko, ok lang. Dati nga ay one week na wala ako toothbrush sa probinsya, buhay pa naman ako.okay lang -bad breath, Riyu.
Comments