-Day Three- (creamy)
Life of a Personal Alalay (FILIPINO)
"wag mo na intindihin ang sinabi ko. Kuha mo na lang ako ng kape, please." sabi nya. Agad naman akong tumayo. Personal-alalay ako eh. Hindi naman ako leading lady. Pero alam mo, diary. Arte pala ng amo ko. Bago pa kasi ako makapasok sa hotel, may sinabi pa sya. "Oy, yung creamy huh." Nasabihan ko tuloy ng "choosy?" Sabi naman nya,"choosy? I choose real. Creamy lang, dapat with nestle milk." alam mo, parang narinig ko na yun. San nga ba? ewan. "only kakaibang creamy touches my lips." pagpapatuloy nya. Teka, di ba hindi na kanya ang line na yun? Iniwan ko na syang nagngangangawa dun. Dumiretso ako sa hall at naabutan ko yung mataray na staff. Tinarayan na naman ang lola mo. Pero dahil sinabi ko na humihingi ng kape si Dhariel, hindi na sya magkandaugaga. Siya na daw magdadala sa amo ko. Pinapunta na nga ako sa kwarto ko. E di sya na. Pagbigyan na yung mataray na yun. Mas maganda naman ako sa kanya. Hmp. Sige na. Kadarating lang nung food ko. Kakain na ako then matutulog. Goodnight :* -Tom Jones na, Riyu.
Comments