-Day Six- (date...daw)
Life of a Personal Alalay (FILIPINO)
One word to describe this day, KILIG-MATS x2 x2 x2! Parang kagibunshen technique lang. Oo, diary. Kiligmats to the highest level. Hihi. Jusko. Ganito kasi ang nangyari. Di ba wala pa akong trabaho, i mean, day-off ko pa. Tinawagan ako ng amo ko- ni Dhariel. Punta daw ako sa kanila. Wala daw kasi syang kasama. Mag-isa lang sya. At dahil meron akong mahalay na utak, naligo agad ako. Todo hilod ako kanina, diary. Nag-ahit pa ako. Girl scout to eh. Ou, girl scout. Laging handa. So ayun nga, mga 3pm ako nakarating sa kanila. At alam mo kung sinong sumundo sa akin sa gate? Syempre, hindi mo alam. Sinundo ako ni Wiki at Waki. Tanda mo? Yung dalawang brown na aso na malalaki. Bwisit nga eh. Hindi pa naman ako dog-friendly. At hindi rin nila ako tinuturing na friend. Kasalanan ko ba na iba ang itsura ko sa mga makikinis, mapuputi at magagandang artista na parati nilang nakikita? Kay Karyn, Julie, Lavine at Aiza? Mukhang pati mga hayop sa panahon ngayon, mapanghusga na, diary. Nakakahurt. Hmp.
Comments