-Day One-
Life of a Personal Alalay (FILIPINO)
Oy Diary. Di ka maniniwala sa bago kong trabaho. Oo, meron na ulit ako bagong trabaho. At take note, bonggang trabaho. Tanda mo ba yung si Lalaine? Yung kaibigan ko na laging kachat sa fesbuk. Ipinasok nya ako sa trabaho. Noong sinabi nya na magiging katulong ako, tinanggap ko agad. Bigtime daw kasi yung magiging amo ko. Eh yung sinabi naman niyang bigtime ay di ko naman inakala na bigtime talaga. As in. Grabe diary. Nakakaloka! Akalain mo yun. Noong nagkita kami ni Lalaine, dinala niya ako sa Everest CBN. Ang isa sa pinakamatagumpay na network sa Pinas. At syempre, starstrucked ako sa mga nakita ko. Hanep talaga diary. Para akong nasa fairytale. Parang mga dyosa ang nasa paligid ko. Ako ata ay nagmukhang palaka dito. At alam mo ba, ang daming artista doon. Nakita ko si Richard Kap, Deserey DiBale, Maja Selinyador, at maging si Doris Bigote-nya, nakita ko. Grabe, ang ganda talaga ni Maja. Pagdating namin sa isang kwarto, nakita ko ang magiging alaga ko-si Dhariel Padilla. Hooh! Hanep. Nae-excite ako diary!
Nakakaloka talaga diary. Akalain mo
yun? Ang sikat na si Dhariel Padilla,
aalagaan ng isang maganda (at syempre
feelingera) na si Riyu Natividad? Susko.
Grabe nga kanina eh. Nganga ako. As in,
nganga talaga. Laglag panga. Lalo na
nung humarap sya sa akin tapos...
tapos... aaaah! Ang gwapo nya nung
tinanggal nya ang salamin nya. Ang
gwapo talaga. Kaso, diary. Hindi ko
manlang nakamayan o nakausap man
lang si Dhariel. Umalis din kasi agad eh.
Magkakape daw, yung creamy ata. Pero
okay lang diary. Kapag nagsimula na
akong magtrabaho sa kanya, hindi lang
autograph at picture ang makukuha ko sa
kanya. Malay mo, pati brief manakaw ko
pa. Hihi. Ang bad ko. O sige na diary,
matutulog na ako. Maaga pa akong
pupunta sa bahay ni Dhariel. Oh, di ba?
May address na ako agad. Ay malamang.
Hihi. Pero di ko sasabihin sa iyo ang
address, baka may baliw na fans pang
makakuha sayo. Malaman pa nya ang
address ng amo ko, e di mauunahan pa
ako sa brief, di ba? Sige na. G'night. -
magbu-beauty sleep, Riyu.
Comments