Talaga, sila na? E sinong nanligaw?

Poems and Prose

Yan. Yan ang madalas na tanong nila pag may napabalitang nagkatuluyan si girl at si boy. Hindi ba pwedeng maging masaya na lang sila para sa kanila? Okay na yung simpleng 'Congrats dude' o 'I'm happy for you teh'. Ewan ko. Hindi naman masamang magtanung pero paranmg may kasamang panghuhusga agad yung tanong.

Eto kasi mahirap satin e. Masyado tayong madaming misconception sa napakadaming bagay, lalo na sa pag-ibig at relasyon. Baket? kapag ba sinabing 'ligaw' e lalake lang may karapatan?

Nung ginawa ni Bathala si Eba at si Adan, and sinabi lang niya ay 'Humayo kayo at magpadami.' Wwala siyang sinabing, 'Adan, ikaw gumawa ng paraan kung paano kayo magpaparami.'

Siyempre, hindi naman magagwa ng lalake ang pagyabungin ang isang relasyon ng walang kooperasyon mula sa babae. Two-way process yan. Manliligaw si lalake, ganun din si babae. Kumbaga, sa prosesong ito, dito mo sisimulang ipakilala ang iyong sarili sa taong tinitibok ng puso mo. Kung si lalake lang ang manliligaw, unfair yun.

tsaka anu naman ngayon kung sakaling si babae ang nanligaw? Masama ba yun? Siguro sa mata ng iba, hindi yun appropriate. Kasi nga, ang perception nila sa pagiging babae ay yung tipong Maria Clara. Walang masama kung ganun man. Pero hindi sa lahat ng panahon e nagwowork ang salitang 'appropriate'.

APPROPRIATE - Parte lang yan ng pagiging pormal, mas ethical at mas maganda lang daw kasing tignan pag yung lalake ang nauna. (So its all how it looks like ang peg?)

O siguro e maarte lang sila. Dami kasi nilang chechebureche sa buhay e. Simple lang naman ang pag-ibig, masyado lang talaga tayong complicated. Dameng alam. Walang masama dun dahil kanya kanyang standards lang yan, walang basagan ng trip. Pero hindi ibig sabihin na iba na sa normal na pamantayan ng iba e mali na.

Dahil sa dulo, hindi naman titignan kung sino ang unang gumawa ng hakbang para maging posible ang isang relasyon lalo na kung masaya kayo. Wala sa gender yan. Ika nga nila, nasa tao ang gawa, nasa Diyos ang awa.Kaya kung nganganga ka na lang jan, wala talagang mangyayare. Wag kang masyadong umasa kay Destiny, dahil 10% lang ang parte niya sa buhay mo.

Wag mo na lang sigurong isipin ang sasabihin ng mga epaloids na tao sa tabi tabi, ang mahalaga masaya ka dahilmahal ka din ng taong mahal mo. Yun na yun.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
caramelatte
#1
Chapter 12: Hello! ; u ;
So i came across this and you wrote beautiful poems! ^-^
And youre a kpoper too omg *^*
So yeah.
Keep writing! ^^