Moment?

Especially For You

A/N: Alam ko po madami na akong utang. Eto kaunting pampalubag loob. Really sorry but I've been very busy with a lot of things this past few months. But I promised myself that I'll finish this FF. Happy reading!

Pagkatapos umidlip ng saglit at kumain ng full breakfast ay wala na kaming sinayang na panahon at excited kaming nagsisakay na muli sa van.

Dahil nga sa medyo may edad na si Lolo Jose ay di na siya sumama sa aming ikutin ang lalawigan ng Ilocos, sa halip ay ipinaghanda na lamang niya kami ng itinerary.

Kung tama ang aking pagkakabasa kanina, majority ng aming pupuntahan ay mga historical structures like the old houses of Vigan, mga lumang simbahan, ang ancestral home ng dating Pangulong Marcos at ang last stop namin ay ang Fort Ilocandia kung saan na rin kami magpapalipas ng magdamag bago dumiretso patungong Baguio.

Bagaman medyo nate-tense ako sa presence ni kurimaw ay di ko pa rin naitago ang excitement dahil isa akong bonafide culture tripper. Sadyang may kakaibang appeal talaga sa akin ang mga lakad na may kinalaman sa pag-retrace ng nakaraan.

Habang nasa byahe papunta sa Paoay kung saan matatagpuan ang ancestral home ng mga Marcos pati na rin ang controversial na “preserved” na labi ng dating pangulo ay isinalang ni Papa ang kanyang favorite na CD, ang album ng 70s hit group na Bread.

Tawagin na nila akong manang and all pero di lang si Papa ang fan ng Bread. Dahil na rin siguro sa nakasanayan ko na itong pakinggan ay naging paborito ko na rin ang mga kanta nila to the point na memorize ko na ang mga lyrics.

Everybody needs a someone
Waiting to be there
When things are looking bad
So if you feel a little lonely
Go out find your one and only
Someone out there
Someone who cares
For you and then
Never let her go.

“Feel na feel…” Pang-aasar ni John Paul.

Hala! Di ko na namalayan na kumanta na pala ako. Shemets! Kundi lang nakakahiya ay binatukan ko na ang sarili ko.

“JP, pabayaan mo nga ang ate mo. Maganda naman ang boses ni Kimmy. Di ba Gerald?” Susog pa ng nanay ko.

Haaayyy! Pag minamalas nga naman...

“A, opo. Sa sobrang ganda nga po ng boses ni Kimmy parang naiiyak na ako.” Pilosopong sagot naman ni Geraldo.

“At least ako nasa tono...” Bulong ko sa sarili ko. Ang lakas naman ng loob nitong si kurimaw na mag-criticize e boses palaka naman s’ya! Grrrr!

Behave Kimmy. Wag kang padadala sa mga pambubuska nila. Don’t let them ruin your mood. Sayang ang view, sayang ang experience.

With that thought ay nagkasya na lang ako sa tahimik na pagbabasa ng aking baong pocketbook – Five People You Meet In Heaven by Mitch Albom.

Makalipas ang isa’t kalahating oras ay narating rin namin ang Paoay. Hindi na kami nag-arkila ng tour guide for the trip dahil sabi naman ni Lolo Jose ay tourist friendly naman ang mga pupuntahan naming spots.

Una muna naming inikot ang kabuuan ng ancestral house na puno ng memorabilia ng pamilya Marcos. May itsura rin naman pala si Ferdinand Marcos nung kabataan n’ya pero kung physical appearance lang ang pagbabasehan masasabing naka-jackpot ito kay Imelda na mala-beauty queen ang dating.

“Kaya naman pala…” Nagulat ako nang biglang sumulpot sa aking likuran si kurimaw.

“Anong sabi mo?”

“Ang sabi ko, kaya naman pala naging sunud-sunuran si Mr. Marcos kay Mrs. Marcos kasi naman champion naman sa kagandahan at kaseksihan si Imelda.” Paliwanag nito.

“Alam mo Geraldo, si Marcos graduate ‘yan ng UP. Meaning, matalino ‘yan. I don’t think Imelda manipulated him to do all the things he had done. Ang tawag dun political will. Tsaka for your information, hindi lahat ng lalaki katulad mo na puro physical lang ang nakikita.” Pambabara ko dito.

“I beg to disagree!” Singhal nito.

“Disagree on what Mr. Anderson?”

“Na physical lang ang nakikita ko sa mga babae.”

“A talaga?! Kaya naman pala…” Nakangisi kong sagot.

“Kaya nama pala ano?”

“Now I know why you need to have four girlfriends. Siguro yung IQ ng bawat isa e one fourth lang ng IQ ng isang matalinong babae.”

“Ang yabang mo ha! Hindi bobo sina Nina. Tsaka bakit ba napunta na naman sa akin ang usapan? Si Marcos ang topic ah!” Depensa nito.

“Bakit kasi lapit ka ng lapit sa akin? If you can’t take my strong personality you better stay away from me.” Pagtataray ko pa sabay walk out.

San Agustin Church, Paoay, Ilocos Sur

Kilala ang lugar na ito sa picturesque na lumang simbahan. Halos lahat daw ng mga prominenteng kasalan sa Ilocos ay dito naganap at ang pinakasikat ay ang kasal ni Imee Marcos.

Pagbaba ko pa lang ng sasakyan ay di ko na napigilang kumuha ng mga litrato. Sadyang kakaiba ang façade ng simbahan dahil di katulad ng ibang simbahan na dinaanan namin ito ay mayroong napakalawak na harapan at may sariling driveway. Nakadagdag din sa charms ng simbahan ang lumang bell tower na nasa unahan din ng simbahan.

Kung sa harapan pa lang ay namangha na ako. Mas lalo akong nagulat nang makita ko ang ruins at kumbento sa gilid nito.

Wala akong inaksayang sandali at kahit na busy ang buong grupo na nagpapa-picture sa harap ng simbahan ay excited ko nang inexplore ang kumbento at ruins sa gilid ng simbahan. May mga tablet naman na nagsasabi ng mga historical facts tungkol sa mga lugar na ito. Yung ruins pala ay parte pa rin nang lumang kumbento na kaya lamang nasira ay nabomba rin noong World War II. Samantalang ang loob ng kumbento ay punong-puno ng historical pieces. Ang sahig nito na halatang well-preserved ay gawa sa matitibay na bricks, ang ilang bahagi naman ay gawa sa narra. Sa sobrang katahimikan ay yabag lang ng mga paa ko ang naririnig ko. Sa isang parte ng kumbento ay may isang bagay na nakakuha ng aking atensyon. Dito naka-display ang isang torture chair. According sa information na nakalagay sa tablet ay dito pinapaupo noong panahon ng mga Kastila ang mga taong pinaghihinalaang sinasapian ng masasamang espiritu at ine-exorcise. Di na pinaliwanag kung paano ang pamamaraan nang exorcism na ginagawa noon. Pero the fact na alam kong maraming buhay ang kinitil sa upuang iyon ay nakapagpatindig ng balahibo ko.

Nang may malaking kamay na biglang kumapit sa balikat ko.

Sa sobrang gulantang ay napatili ako.

“Sssshhh! Ano ka ba! Baka mapagalitan tayo ng mga pari.” Saway ni kurimaw.

“Walanghiya ka! Bakit ba andito ka? Muntik na akong atakehin sa puso sa’yo.” Di ko napigilan ang aking mabigat na kamay at pinagsusuntok ko talaga sa braso ang loko-lokong intruder.

“Hoy miss! Di ko naman ginusto na mapunta dito no? Pinahanap ka lang sa akin nina Mommy. Sa susunod kasi matuto kang magpaalam.” Sita muli nito sabay talikod.

Nakakahiya mang sabihin, pero di ko na natiis na sumunod dito dahil na rin sa takot na lumukob sa akin na dala ng torture chair na iyon.

Paglabas namin ng kumbento at nakita ko nang muli ang liwanag ay tila na-regain ko ang aking explorer’s spirit.

Sunod na nakakuha ng aking atensiyon ang lumang bell tower sa bandang kanan ng simbahan. Lakad-takbo akong lumapit dito at pinagkukunan ng litrato ang nakamamanghang lumang structure. Nang makita kong hindi naka-lock ang maliit na gate nito ay pasimple akong pumasok.

Ang buong kampanarya pala ay gawa sa brick at corals, at sa loob nito ay makikita ang lumang-lumang hagdanan paakyat mismo sa kampana. Ang ganda siguro sa tuktok ng bell tower.

Paglapit ko sa dulo ng hagdan ay sinubukan kong umapak sa unang hakbang nito pero sa kalumaan ng kahoy at dahil sa kinakalawang na rails ay lumaganit ang hagdan.

“Hoy!”

“Ay! Anak ng putakte!” Napatalon ako sa gulat ng umecho sa loob ng kampanarya ang authoritative na boses ni kurimaw.

“At ano na namang kalokohan to Kimmy?” Sita nitong muli.

“Sinusundan mo ba ako?” Paninita ko dito.

“Yup, but not at my own will. Pinasundan ka na nina Tita dahil sobra kang gala baka daw kung san ka maligaw.” Singhal nito.

Ouch naman! And here I was thinking na talagang sino-stalk n’ya lang ako.

Ewan ko ba kung anong pumasok sa isip ko pero sa sama ng loob ko ay lalo namang lumakas ang pagkagusto kong marating ang tuktok ng tower. I need fresh air at mukhang masarap mag-muni-muni dun sa may kampana. Malayo sa presensya ni kurimaw.

“Umalis ka na, sabihin mo andito lang ako sa tower.” Pagtataboy ko dito.

Kahit na kinakabahan ay dali-dali akong umakyat sa lumang hagdanan.
Nang nasa one third na ako ng hagdan...

“Kim, bumaba ka na dyan. Delikado o. Parang bibigay na yung mga steps.” Warning nito.

“Pakialam mo? Lumabas ka na dito!” Singhal ko. As if naman you care kung mahulog ako dito. Nagpupuyos na drama ng aking heart.

Hay naku Kimmy, if only for this act pwede ka nang manalo ng best actress in a stupid movie. Buyo ng utak ko.

Nang makarating na ako sa kalahati ng hagdan ay napagpasyahan kong magpahinga ng konti dahil nangangatog na rin ang tuhod ko sa nerbiyos.

“Ano? Di ka talaga bababa? Gusto mo sunduin pa kita dyan?” Giit muli ni kurimaw, this time may halong pagbabanta.

By that time, ang puso ko naman ay parang gusto nang lumabas sa dibdib ko di lang sa sama ng loob dahil sa statement ni Ge na napilitan lang syang sundan ako pero higit dahil di ko na maikakaila ang takot dahil di ko alam kung kakayanin ko pang umakyat or bumaba sa lumang staircase na iyon.

Pagtingin ko sa baba ay nakatingala at halatang nag-wo-worry na rin si kurimaw sa akin.

“Ano na Kimberly Sue?! Dito na lang tayo forever?” Ang tila nagsusumamo nang tanong ni Geraldo.

Tayo. Forever.

Did he just say that? So ang siste, pag di na ako makakababa ay willing na syang samahan na lang ako forever sa loob ng bell tower? How romantic…

Hoy Kimberly! Sigaw ng utak ko. Tama na ang pagde-daydream. It’s either bumaba ka na or ituloy mo ang pag-akyat sa kampana.

Dahil na-inspire ako sa last statement ni kurimaw ay lakas loob ko nang binaybay ang kalahati pa ng hagdanan. And the view at the top of the bell tower was all worth it.

Mga isang minuto ko ring inenjoy ang kagandahan ng landscape sa paligid nang marinig kong umingit muli ang hagdan. This time si Gerald naman ang maingat na umakyat papunta sa may kampana.

My heart leapt at the thought that my prince is coming to save me. Pero ang sarkastiko kong utak ay nang-uuyam. Gaga! Na-curious lang yang si kurimaw kung anong nakikita mo sa may kampana, wag kang feeling!

“Wow! Ang ganda pala dito.” Puno ng pagkamangha ang boses ni Gerald.

“I could stay here forever.” Ooops! Slip of the tongue. Ngani-ngani ko nang sampalin ang sarili ko dahil sa parang dreamy na pagkakasabi ko nung huling sentence na yun.

“Oo nga.” Sang-ayon naman nito.

For almost ten minutes we just stood, in companionable silence, by the big window of the tower. Nakaka-relax ang simoy ng hangin at ang napakagandang landscape. Sa sobrang pagka-relax ko ay di ko napansin na nasa likod ko si Gerald at nakasandal na pala ako sa may dibdib nito. Parang nasa isang classic Pinoy cheesy movie lang ang itsura namin.

This could have been just another day
But instead we’re standing here
No need for words it’s all been said
In the way you hold me near…

At that instant, I realized that whatever happens to us. Kahit na alam kong walang kakapuntahan ang unrequited love ko para kay Gerald, I’ll forever treasure this moment.

There! I’ve said it. I’m admittedly in love with the monster behind me.

Sigh.

I knew then that I’ve lost the battle.

This is not your ordinary
No ordinary love
I was not prepared enough
To fall so deep in love

“Sungit, baka gusto mong sagutin yung phone mo? More than one minute na ata yang nagri-ring.”

And just like that, the moment was broken.

“H-ha?”

“Sabi ko kanina pa nag-riring ang phone mo. Ang baduy ng ring tone mo ha!” Pang-aasar na muli nito.

“Pakialam mo ba!” Ganti ko naman dito.

Apparently, ilang beses na palang tumatawag sa akin sina Mama. Nag-aalala kung nasan na daw kami ni Ge. And all the while akala ko sa sobrang poignant ng moment e imagination ko lang ang paulit-ulit na pag-playback ng No Ordinary Love sa utak ko.

“Sige na po Ma, pababa na po kami.” At dali-dali ko nang tinapos ang call bago pa ako ratratan ng sermon ng nanay ko sa phone.

“Tara na. Nagagalit na sina Mama, tayo na lang daw hinihintay.” Yakag ko kay kurimaw.

“A... Kimmy. Pwede one minute?”

“One minute para saan?” Lumipas na ang moment kaya medyo iritable na naman ako kay kurimaw.

“May itatanong sana ako.”

“Ano yun?” Kunwari ay nauubusan na ako ng pasensya sa kanya. Pero deep inside ay curious naman talaga ako.

Aba! At seryoso si Geraldo. Ano kayang itatanong nya sa akin? OMG! Baka magtatapat na sya sa akin... There may be hope after all.

“May suicidal tendencies ka ba?” Ang tila naninimbang na tanong nito.

Anak ng! Pakiramdam ko that time ay isa akong magandang butterfly na lumilipad-lipad tapos bigla akong pinutulan ng pakpak. How stupid of me to think na may chance na may gusto rin sya sa akin. Ano ba namang panama ko sa 4 na girlfriends nya di ba? This is the wake up call that you need Kimmy.

“Wala! Pero tingin ko kaya kong pumatay ng tao ngayon.” Pagtataray ko dito sabay talikod at sinimulan ko na ang nakakatakot na pagbaba sa hagdan.

In fairness to him ay sinubukan nya akong alalayan pababa pero sa sobrang disappointment na nararamdaman ko ng panahong iyon ay iniiwas kong mahawakan nya kahit dulo ng siko ko.

Nang lumapat na muli ang mga paa namin sa lupa, I was caught off guard by his next action dahil bigla nya akong hinatak at niyakap ng mahigpit.

“Wag mo na uling gagawin yun ha?” Bulong nito sa akin sabay patalilis na tumakbo papunta sa parking lot kung saan naghihintay ang aming nanggagalaiti nang mga magulang.

Ano yun?! It’s either bipolar sya o natuluyan na akong masiraan ng ulo at lahat ng pangyayari ay hallucination ko lang.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
summer-star
#1
Visiting old fics!
TheArvie99 #2
sana ma-update mo 'tong story mo ... cute sya .... thanks
SimplisticElegance
#3
http://www.asianfanfics.com/story/view/157213/mokona-modoki-shop would you like graphic designs and a review for this story? then please check out my shop *^^*
hunny_kg #4
WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!

at talagang binasa ko siya uli from the top! LOL!

update mo kaya, exciting na eh!

akala ko aabot ako dun sa part ng COLEMAN moment,

hindi mo pa pala nasusulat yun?

para kasing alam ko na

pero iba pa din pala pagka nababasa! WINNER KA!
b1_nipahut #5
@ms mayin

hope u cud update soon..

super bitin !hahahahaha

p.s. love ur vids too of kg!!
zeewee #6
Please update again!
nichtzutune #7
wow nabitin nmn ako rito pls........ ang karugtong lang kung puwede ang ganda ng istorya nito thanks.....
Anderchiuenca #8
Please update soon! Love ur story! Love kimmy's character! Hehe looking forward 4 the following chaps! ^_^
keegee #9
wahaha!!! ang kulelets nmn ng conscience ni kimmy dear..wahaha..super love the SIGN!!she's such a crazy cutie!! haha..Geraldo habulin mo HAPPINESS mo...thanks ate mayin...
enderez #10
naku ge habulin mo at magtapat kana, bago pa syang mag sungit ulit saiyo at pag inaway ka wagnang patulan...para hindi sya lalong magalit...kainin mo ge ang fried checkin mo at magtapat agad ha ha...thanks sa update...update pa pls thanks