Sweet 16

Especially For You

I was really overwhelmed when I saw all my close friends and relatives gathered sa garden pagkagising ko the night of my birthday. Ang sabi kasi sa akin ni Mama mag-siesta daw muna ako dahil sa gabi daw ang birthday treat nila sa akin ni Papa so ever the masunuring anak e natulog naman ako agad.

Buti na lang naisipan kong magpalit na ng damit before I went downstairs. Nakita ko kasi ang pink baby doll dress and matching slip-ons na regalo ni Mama na nakahanger sa may cabinet ko, or else nakita ako ng lahat na suot ang butas-butas kong Hello Kitty jammies.

Nagulat ako ng biglang tumunog ang favorite song ko na For All Of My Life at may kumalabit sa balikat ko.

Kakuntsaba pala noon ni Mama sina Mel kaya naman wala akong kamalay-malay na naimbitahan pala nila ang crush ko since grade 6 na si Robi at siya ang main surprise ko sa party.

“Can I have this dance?” Ang medyo nahihiyang tanong ni Robi.

OMG! Is this for real?

“Yihee!” Sabay-sabay na hiyaw ng mga kabarkada at ilang classmates namin. Alam ko that time namumula ako hanggang anit sa sobrang kilig pero sa loob-loob ko that was the best birthday party ever!

Sa unang stanza pa lang ng kanta, pakiramdam ko e nakalutang na ako sa ere. Ang bango-bango ni Robi at in fairness to him marunong rin pala s’yang sumayaw.

Habang nagsasayaw kami ni Robi ay nakita ko sina Mel at Erich na kinikilig na nagbubulungan sa isang sulok ng garden. Si Papa naman, kahit na mukhang aligaga, ay pilit pa ring nag-smile nang makita n’ya akong nakatingin sa kanya. Sina Mama at Tita Vangie ay nasa tabi naman ng cake at busy na naghuhuntahan. Biglang nawala ang malaki kong ngiti ng mahagip na paningin ko si Gerald na nakatingin sa amin ni Robi na parang nakakaloko. Mukhang may binabalak na namang di maganda ang peste. A ewan! Basta ako i-eenjoy ko lang ang moment ko with Robi kaya dahan-dahan kong hinilig ang aking ulo sa may balikat ng crush ko at kuntentong pinikit ang aking mga mata.

Di pa man natatapos ang unang chorus ay bigla na lang akong nakaramdam ng kamay sa may siko ko.

“Pare can I cut in?” Ang tanong ng boses na four years ago ko pa isinumpa.

“Huh? Can we finish this dance?” Sagot naman ni Robi.

“Pasensya na pare, I was supposed to dance first with Kimmy, na-late lang ako ng konti kaya pina-sub ka nila.” Nakangising sagot ni Ge.

“G-ganun ba? Pasensya na pare ha. Kimmy, excuse me muna.” Ang napahiyang paalam ni Robi.

Sa sobrang bilis ng mga pangyayari ay ni hindi ako nakakibo. The next thing I know e si Gerald na ang kasayaw ko.

“What the hell?!” Ang pigil-inis kong tanong.

“Sshhh… wag kang gumawa ng eksena dito birthday mo pa naman.” Ang malambing na sagot nito.

“Sino sa ating dalawa ang gumawa ng eksena ha?” Dahil sa ayaw kong mapahiya sina Mama ay pinilit ko talagang magmukhang okay lang ang lahat kahit na ramdam ko na nangingilid na ang luha ko sa sobrang pagkaasar sa mokong na kasayaw ko.

“Cool it girl. Hamak namang mas cute ako kesa sa Robi na yun, pasalamat ka nga sinayaw kita, sa school namin kandarapa ang mga girls maisayaw ko lang nung prom.”

“I’m not one of your stupid groupies Gerald. At hindi ka na nakakatuwa. You just managed to destroy my night.” Di ko na talaga kinaya at that point kaya naiyak na ako ng tuluyan. Sinubukan kong tumakbo palayo kay kurimaw pero mas mabilis n’ya akong nahatak palapit sa kanya kaya ang ending e niyakap n’ya ako ng mahigpit.

Sa tingin ng mga andun ay mukhang isang malaking teleserye moment ang lahat. Akala nila ay napayakap ako kay Gerald sa sobrang kasiyahan. Di lang nila alam kung ano ang tunay na nagaganap.

“Kimmy, sorry na.” Bulong nito habang hinahaplos-haplos ang buhok ko.

“Ano bang ginawa ko sa’yo ha? Bakit ba natutuwa kang pinapaiyak mo ako?” Syet! Ang hirap magsalita ng humihikbi.

“Eto naman nagso-sorry na nga ang tao tinatarayan mo pa.”

“Gago ka! Na…na…naiinis ako sa’yo!” Sobrang nagpupuyos na talaga ako sa galit na walang kaabog-abog kong nabitawan ‘yun.

“Shhh... tama na Kimmy.” Malumanay pa rin nitong sagot.

Sa pagkakataong ‘yun ay nakabawi na rin ako. Unti-unti kong inangat ang aking mukha mula sa pagkakatago sa kanyang dibdib pero siniguro ko muna na naipunas ko ang luha at sipong tumulo dahil sa kagagawan n’ya sa suot nitong blue na polo shirt.

Halata ang gulat sa mukha ni kurimaw sa sunod kong ginawa.

Tiningnan ko kasi s’ya in the most flirtatious way na kaya ko at ngumiti ako sa kanya ng pagkalambing-lambing.

Ramdam ko ang katahimikan ng lahat ng tao sa paligid namin, tila nag-aabang kung ano pa ang susunod na pwedeng mangyari ng gabing iyon.

“Di kita mapapatawad sa ginawa mo ngayon Gerald Anderson. Tandaan mo ‘to makakaganti rin ako sa’yo.” I said through gritted teeth habang patuloy pa rin ang pag-smile ko sa kanya.

Para namang namatanda si kurimaw dahil tila di n’ya ako naririnig at busy lang s’yang nakatingin sa bandang ilong ko. Teka, baka may sipon pa ako. Pasimple kong pinunasan ang aking ilong.

“Ano bang tinitingnan mo d’yan?” Tsaka lang tumingin sa akin si Gerald.

“Ha? Wala! Tapos na pala ang kanta.” Sambit nito.

Noon ko rin lang na-realize na sobrang tahimik nga ng paligid namin. Paglingon ko ay nakita ko sina JP at Ken na may winawagayway na bond paper, ang nakasulat – Ge love Kim.

Para akong biglang nabuhusan ng malamig na tubig ng marinig ko ang isa na namang nakakalokong ‘yihee’ na pinakawalan ng mga tao. This time, mas malakas na dahil pati ang mga walang kwenta naming mga kapatid at kamag-anak e sumali pa. Grrrr!

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
summer-star
#1
Visiting old fics!
TheArvie99 #2
sana ma-update mo 'tong story mo ... cute sya .... thanks
SimplisticElegance
#3
http://www.asianfanfics.com/story/view/157213/mokona-modoki-shop would you like graphic designs and a review for this story? then please check out my shop *^^*
hunny_kg #4
WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!

at talagang binasa ko siya uli from the top! LOL!

update mo kaya, exciting na eh!

akala ko aabot ako dun sa part ng COLEMAN moment,

hindi mo pa pala nasusulat yun?

para kasing alam ko na

pero iba pa din pala pagka nababasa! WINNER KA!
b1_nipahut #5
@ms mayin

hope u cud update soon..

super bitin !hahahahaha

p.s. love ur vids too of kg!!
zeewee #6
Please update again!
nichtzutune #7
wow nabitin nmn ako rito pls........ ang karugtong lang kung puwede ang ganda ng istorya nito thanks.....
Anderchiuenca #8
Please update soon! Love ur story! Love kimmy's character! Hehe looking forward 4 the following chaps! ^_^
keegee #9
wahaha!!! ang kulelets nmn ng conscience ni kimmy dear..wahaha..super love the SIGN!!she's such a crazy cutie!! haha..Geraldo habulin mo HAPPINESS mo...thanks ate mayin...
enderez #10
naku ge habulin mo at magtapat kana, bago pa syang mag sungit ulit saiyo at pag inaway ka wagnang patulan...para hindi sya lalong magalit...kainin mo ge ang fried checkin mo at magtapat agad ha ha...thanks sa update...update pa pls thanks