Kapayapaan

Especially For You

A/N: This is the longest chapter so far... sorry, I got carried away with their conversation. Happy reading!

“Since we already declared a truce, how about if we take this opportunity to get to know each other?” Suggestion ni kurimaw.

“Wala naman akong gustong malaman sa’yo e.” Bulong ko sa sarili ko.

“Kimmy, wag kalimutan may umiiral na ceasefire ngayon. Bawal magsungit.”

Ay oo nga pala!

“S-sorry…” Sambit ko.

“Okay, let’s play 20 questions ha.” Bungad nito.

“Ano naman ‘yun?” Parang pinagsisihan ko na pumayag-payag pa ako sa truce na ito.

“Simple lang, we’ll ask each other questions. Take turns. Since 20 questions nga s’ya tig-10 tayo.”

“Pano kung ayaw kong sagutin yung tanong mo or wala akong maisip na question sa’yo?”

“That’s the only rule of the game, you should give out honest answers. And for the questions, you can ask trivial questions naman like ‘what’s your favorite color’.”

“Parang lugi ako d’yan. Magaling kang magsinungaling e.”

“O eto, pinky promise, for this game I’ll tell only the truth and nothing but the whole truth.” Ang natatawang sagot nito sabay extend ng kanyang hinliliit.

“Sige na, sige na. Naniniwala na ako.No need na mag-pinky promise pa.” Saway ko dito.

“Okay, sige para partida, ikaw na ang magtanong ng first question.”

“Ha?! Ikaw na lang, wala pa akong maisip e.”

“Sige. First question. Nagka-boyfriend ka na ba?” Tanong nito habang nagco-concentrate pa rin sa pagmamaneho.

“Grabe naman ‘yang question na ‘yan. Pass!”

“Bawal mag-pass ha!”

“Sabi mo yung only rule ng game e bawal magsinungaling. Wala ka namang sinabi na bawal mag-pass.” Pamimilosopo ko.
“Nag-20 questions pa tayo kung puro pass na lang ang isasagot mo.” Angil nito.

“That’s too difficult for a first question.” Reklamo ko pa rin.

“Sige na nga. I’ll change it. Anong first impression mo sa akin nung makilala mo ako?”

“Mayabang at feelingero.” Ang mabilis kong sagot.

“Talaga?! Bakit naman?” Ang tila di naniniwalang reaksyon nito.

“Pag sinagot ko ’yan e di question number 2 mo na.”

“Sige, please expound on your answer. Kahit na 2 questions na ang credit.”

“Maangas ka kasing kumilos e. Tapos feeling mo pa lahat ng girls may crush sa’yo.” Paliwanag ko.

“Ganun? Mali ka lang ng basa sa akin.”

“Gerald, 20 questions ang game natin, hindi 20 explanations. Sa presinto ka na lang magpaliwanag.” Pambabara ko dito.

“Oppps! Ayan ka na naman, binabara mo na naman ako. It’s your turn to ask.” Saway nito.

“Okay, question number 1. Anong first impression mo sa akin?”

“Ay, walang originality!” Asar nito.

“Sabi ko naman sa’yo wala akong maisip na tanong e. Ano tigilan na lang natin ‘to?” Banta ko dito.

“Sige na, sasagutin ko na po. First impression? Hmmm... masungit at nerd.”

“Okay, it’s your turn, question number 3 mo na.”

“Ha? Di mo ba ako tatanungin kung bakit ‘yun ang first impression ko sa’yo?”

“I don’t feel the need to know why. Tsaka I’m saving my questions baka may maisip akong mahirap na tanong mamaya e.”

“May point ka. E di i-diretso mo na sa question number 2 mo para sabay tayong matatapos sa question number 10.”

Ano bang magandang itanong sa mokong na ito? Hmmmm...

“Anong course ang ite-take mo sa college?”

“Mechanical Engineering sana.”

What?! Ang taas naman ng pangarap nito. E sa pagkakaalam ko e Math ang waterloo nito.

“Nagulat ka ano? Oo na, bobo na ako sa Math, pero gusto ko kasi talagang mag-design ng cars.”

Aaahhh! Kaya naman pala. May kinalaman pa rin sa kotse ang gusto n’yang maging pagtanda n’ya. Di ko tuloy napigil mag-comment.

“E di sana magmekaniko ka na lang sa talyer ni Mang Marlon. Asa ka pa sa engineering.” Natatawa kong sinabi.

Saglit itong sumulyap sa akin na parang nawalan na sa mood magtanong.

“Ang yabang mo naman. May pangarap naman ako kahit papaano no.” Ang tila nagtatampo nitong sagot.

Patay! Seryoso ata si kurimaw sa impossible dream n’ya.

“Wag nang sensitive. Question number 3 mo na.”

Bago nagsalita ay bumuntong hininga muna si kurimaw.

“O sige, question number 3. Bakit lagi mo akong inaalipusta.”

What a word! Alipusta?

“Oist di naman kita inaalipusta. Ginagantihan lang kita kasi lagi mo akong iniinis.”

“Di totoo ‘yan! Bakit kanina nung sinabi kong gusto kong maging engineer inokray mo na ako. Di naman kita iniinis nun a.”

Ano bang isasagot ko dito? May point naman s’ya dun sa nangyari earlier.

“So ano nang sagot mo?” Udyok nito.

“Yun nga! Inaasar mo kasi ako madalas kaya ginagantihan lang kita. O it’s my turn na. Ilan na ang naging serious girlfriends mo?”

“Wala.” Mabilis nitong sagot.

“Oy! Bawal ang sinungaling dito pangit.”
“Wala nga e.” Giit nito.

“Imposible! Anong tawag mo kina Nina, Shy...” Di talaga ko makapaniwala sa sagot nito. Di ba nga apat ang girlfriends n’ya na sabay-sabay.

“Girlfriends. E ang tanong mo naman kasi SERIOUS girlfriend. Wala pang seryoso dun puro pa-cute-cute lang.” Ang natatawa nitong sagot.

“Pwede pala ‘yun no? Alam ba nila na apat silang girlfriends mo?” Tanong ko muli. Na-curious tuloy ako kung papaanong naging okay ang mga babae nito sa ganitong setup.

“Yup, they’re fine with it. Magkakakilala nga sila e. And since I answered your follow up question, that’s your fourth na. My turn.”

Di ko alam kung mabibilib o maiinis ako kung paano n’ya hinahandle ang mga girls n’ya dahil mukhang friends pa ang mga ito.

“Since you’ve asked me about my lovelife, siguro naman pwede na rin akong magtanong. May boyfriend ka ba ngayon?”

“Okay, sounds fair lang naman. Wala.” Ang simple kong sagot. E sa totoo namang wala akong boyfriend e. Alangan namang mag-imbento pa ako ng imaginary boyfriend.

“Wala? Ows! Di ako naniniwala.”

“E di wag kang maniwala.”

“Then ano si Robi sa buhay mo?”

“Si Robi ang aking naudlot na lovelife. Thanks to you!” Ang aking naiinis na sagot. Bakit ngayon pa n’ya inungkat ang Robi issue na ito.

“Ako ba ang dahilan kung bakit wala na kayo ngayon?”

“Una, di naman kami nag-break dahil di naman kami naging kami. Pangalawa, ikaw nga ang dahilan. Sinindak mo kasi! Akala n’ya boyfriend kita dahil dun sa eksenang ginawa mo nung birthday ko. Kaya malaki ang utang mo sa akin.And if only because of that, di talaga kita mapapatawad.” Ang mahaba kong paliwanag.

Bigla itong tumawa.

“O bakit ka natatawa? Gago ka talaga!” Sabay kutos sa ulo nito.

“Alam mo Kimmy, dapat nga magpasalamat ka pa sa akin kasi kung mahal ka talaga nun he’ll go after you kahit na alam n’yang may boyfriend ka na.”

“E sira ka pala talaga e. Alam mo Geraldo, hindi lahat ng lalaki kagaya mong manunulot!” Bulyaw ko. Twisted talaga ang utak nitong kurimaw na ito.

“Sshhh... wag kang maingay! Natutulog ang mga pasahero ko.” Warning nito.

Hmpf! Kakagigil talaga ito. Ang sarap sampalin hanggang mangapal ang kalyo ko sa kamay. Chillax lang Kimmy. Two hours na lang ang truce ninyo.

“Tama na ‘yang usapang lovelife ko. Ako na ulit magtatanong. Pang-ilang question ko na ba?”

“Fifth.”

”Okay, fifth question. Kung ira-rank mo ang mga girlfriends mo from 1 to 4. #1 yung closest to your heart, rank them.”

“#1 si Nina, #2 si Shy, #3 si Paula and last si Sam.”

“Sabi na nga ba e!” Bulong ko sa aking sarili.

“Anong sabi mo na nga ba?”

“Ha? Pareho kasi tayo ng ranking sa kanila.”

“Bakit close rin sila sa heart mo?” Natatawa na namang tanong nito.

“Sira! Dati ko pa kasi naisip ‘yan e. Kung pano mo jina-juggle ang oras mo with them and since laging name ni Nina ang nababanggit mo, I figured that she’s the #1 on your list.” Paliwanag ko.

“Tingnan mo nga ‘yan. We have something in common rin pala so we need not fight anymore.”

“Why you call having the same ranking on your girlfriends is enough common ground para maging friends na tayo? Twisted talaga utak mo.”

“Opps! Bawal mang-away. My turn to ask. ”

“That will be your seventh question na.” Paalala ko dito.

“Ha? Di ba fifth pa lang?”

“Seventh na. Fifth mo when you asked me about Robi. Sixth yung tinanong mo ako kung close sa heart ko yung mga girlfriends mo. I ansewered both, so seventh question mo na yung next.”

“Ang daya mo! Di dapat counted yung question about my girlfriends.” Angal nito.

“A wala! Nagtanong ka, sinagot ko. End of argument.”

Napakamot na lang ito sa ulo ng mapagtanto n’ya na di s’ya makakalusot sa akin.

“Sige, seventh question. Describe your ideal guy.”

“Your direct opposite.”

“Huh?”

“Ang sabi ko yung ideal guy ko yung kabaligtaran mo. Matalino, faithful, hindi marunong magsinungaling at higit sa lahat someone who’ll treat me like a princess.” Teka, bakit parang na-carried away ako dun sa question? I shouldn’t have divulged that much information lalo na sa mokong ito.

“So okay lang na pangit basta meron nung qualifications na sinabi mo?” Biro nito.

“Ngye! Syempre given na ‘yun na presentable naman s’ya. Newsflash! You just asked your eighth question.”

“Daya mo talaga! Hay naku Kimmy I hate to burst your bubble pero parang walang lalaki na kagaya nung dinescribe mo. Baka gusto mong babaan ng konti ang standards mo or else tatanda kang dalaga.” Pambubuska nito.

“E sa ‘yun ang ideal ko. Walang pakialamanan!” Hirit ko.

”Fine! But don’t tell me later that I didn’t warn you.”

“Fine! Change topic na. Sixth question, anong greatest fear mo sa buhay?”

“Fear? Teka pag-iisipan ko muna.”

Pagkalipas ng tatlong mahabang minuto.

“Ano na? Ambagal mo namang mag-isip.”

“Teka, nagko-concentrate ang tao.” Sagot nito.

“Ano beh? Ganyan ba kabagal ang brain cells mo mag-process?” Ang inis kong sagot.

“Mabilis naman akong mag-isip normally, ewan ko ba pag ikaw ang kausap ko bigla akong nabobobo. Siguro hinihigop mo ang thinking powers ko no?”

“Gago! Nagpapacute ka ba?” Pambabara ko dito.

“Di ako nagpapacute. I’m just telling the truth.” Sagot nito.

Pahiya ako dun a!

“Okay, to answer your initial question. Siguro ang greatest fear ko is losing somebody I love.” Pag-iiba n’ya sa usapan.

“Cheesy!”

“Kim, I’m not pertaining to my romantic relationships. Takot akong mawala sina Mommy and Daddy. Sina Ate Princess at Ken kahit na madalas nila akong pinagkakaisahan. Yung mga kabarkada at pinsan ko. Kayo…”

“Kame?” Nakakagulantang naman ang pinagsasasabi nitong si Gerald.

“Kayo!” Ulit nito.

“Anong kame?” Ang gulo na ng usapan ha.

“Kayo, yung buong family mo. Kasi parang second family ko na rin kayo e. Halos everyday na nga tayong magkakasama.” Paliwanag nito.

Wow! Na-touch naman ako sa sinabi ng mokong na ito. At may puso rin pala behind that very nakakalokong facade. Bakit ngayon ko lang ‘to nadidiscover, tanong ko sa sarili ko.

“Kim… Kim! Hoy, ninth question mo na. Tsaka newsflash! Your next question would be your ninth as well.”

Sa sobrang gulat ko sa mga revelations ni Ge ay di ko napansin na medyo nagka-lag time ako sa pag-react sa kanya.

“Ha?! Paano nangyari yun?” Ang nagtataka kong tanong. Concentrate Kimmy! Sita ko sa sarili ko na parang sa mga oras na ‘yun ay sabog.

“Sixth question mo yung fear di ba? Tapos you asked me kung mabagal akong mag-isip and then you asked me kung nagpapa-cute ako sa’yo. I answered all three, so by right, you are left with two questions. Galingan mo pagtatanong ha.” Sabay kindat sa akin.

Ang tawag dito ay karma!

“Gotcha! O sige, here’s my ninth question. If there’s one thing that’s so out of your character na gusto mong gawin, what is it?”

“Amazing!” Bigla kong nabulalas.

“What?!”

“I said nagulat akosa tanong mo kasi I didn’t expect it coming from you. Di ko akalain na may tanong ka that would actually require me to think.” Nakangisi kong sagot.

“Inaalipusta mo na naman ako…”

Di ko rin maintindihan kung bakit ako natatawa sa reactions n’ya. Tama na Kimmy, baka kung saan-saan na rin pulutin ang mga turnilyo mo sa utak.

“So what’s the answer?”

Napatigil ako sa pagtawa ng maalala ko yung question. Ano nga ba ang gusto kong gawin na super out of character.

“I want to drive sa EDSA on my 17th birthday.”

“Why? Nagtatakang tanong nito.

“Are you sure you want me to answer that? Because if I do that will be your last question.”

“Sige sagutin mo na.” Pagkukumpirma nito.

“Wala lang... kasi I feel that doing that would be liberating. Tama ka, I’m strict. Kahit sa sarili ko strict din ako. So doing something na illegal, since I’m not yet 18 and driving on EDSA na di talaga ko marunong mag-drive… it’s like I’m rebelling against myself.”

I’m not sure if I’m making any sense sa sinabi pero wala akong pakialam.

“Weird ba?” Tanong ko. Why is it that I’m feeling this need to get his reaction?

“Do you want me to answer that? Then it would be your ninth question.” He warned.

“Sige, sagutin mo and I’ll consider it my ninth question.” I smiled at him, I mean really smiled at him, for the first time in my life. Kimmy! What’s happening to you? Smiling at your enemy is so out of the norms.

“It’s not weird. It’s a bold action on your part pero I’m sure if you set your heart into doing anything you’ll be able to do it.” He looked at me as if I suddenly grew two heads.

Ang cute n’ya when he smiles kasi pati eyes n’ya nagsa-smile. No wonder maraming girls ang nagkakandarapa sa kanya.

OMG! Earth to Kimmy! Focus lang girl. Tandaan mo tatlong oras lang ang truce n’yo. Pagdating n’yo ng Pangasinan siguradong tutubo ulit ang sungay ni kurimaw.

“Kim? Kimmy?!”

Napansin ko na lang na kinakaway n’ya ang kamay n’ya sa may mukha ko. Ako? Natutulala?! This is not a good sign… Lord help me!

“Ha?”

“Ang sabi ko nasa Tarlac na tayo, you might want to ask your final question. We’ll be in Pangasinan in less than an hour.” Sabi nito habang nakangiti pa rin sa akin.

Tama na please! Wag ka nang mag-smile ng ganyan. Sana umepekto ang mental telepathy sa kanya.

“O-okay. Yung final question ko kamukha rin nung last question mo. If there’s one thing that’s so out of your character na gusto mong gawin, what is it?”

“Hmmm… good question! Kung sino ang nakaisip ng question na ‘yan siguro isa s’yang henyo.” Pagbibiro nito.

“Wala nang gaguhan kasi. Sumagot ka na lang.” Ang medyo impatient na hirit ko.

“Teka naman! Ikaw nga binigyan kita ng almost twenty minutes to think about that...” Tila na-pressure naman ang mokong.

After twenty minutes of companionable silence…

“Alam ko na.” Biglang bulalas nito.

“Ang alin?”

“Yung sagot sa question mo.”

“So ano ‘yun?” All ears naman akong marinig ang kanyang isasagot.

“Sasamahan kita sa EDSA sa 17th birthday mo.” Pagkasabi nito ay tumingin s’ya sa akin sabay kindat.

Muntik na akong mag-hyperventilate. Syet! This is soooo WRONG...

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
summer-star
#1
Visiting old fics!
TheArvie99 #2
sana ma-update mo 'tong story mo ... cute sya .... thanks
SimplisticElegance
#3
http://www.asianfanfics.com/story/view/157213/mokona-modoki-shop would you like graphic designs and a review for this story? then please check out my shop *^^*
hunny_kg #4
WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!

at talagang binasa ko siya uli from the top! LOL!

update mo kaya, exciting na eh!

akala ko aabot ako dun sa part ng COLEMAN moment,

hindi mo pa pala nasusulat yun?

para kasing alam ko na

pero iba pa din pala pagka nababasa! WINNER KA!
b1_nipahut #5
@ms mayin

hope u cud update soon..

super bitin !hahahahaha

p.s. love ur vids too of kg!!
zeewee #6
Please update again!
nichtzutune #7
wow nabitin nmn ako rito pls........ ang karugtong lang kung puwede ang ganda ng istorya nito thanks.....
Anderchiuenca #8
Please update soon! Love ur story! Love kimmy's character! Hehe looking forward 4 the following chaps! ^_^
keegee #9
wahaha!!! ang kulelets nmn ng conscience ni kimmy dear..wahaha..super love the SIGN!!she's such a crazy cutie!! haha..Geraldo habulin mo HAPPINESS mo...thanks ate mayin...
enderez #10
naku ge habulin mo at magtapat kana, bago pa syang mag sungit ulit saiyo at pag inaway ka wagnang patulan...para hindi sya lalong magalit...kainin mo ge ang fried checkin mo at magtapat agad ha ha...thanks sa update...update pa pls thanks