Sunrise

Especially For You

A/N: My apologies for the super late update. This is rather short chap but I'll try to write another one over the weekend.

Anyways, I've watched PNK thrice already and I must say it's the kind of film that grows in you. Tumatatak talaga ang mga linya at lalo na ang mga nakakabiglang kissing scenes... Hope you guys can watch it as well. I'll watch again today and tomorrow. Let's make this a mega blockbuster!

After 7 tiring hours of travelling ay narating namin sa wakas ang first stop ng aming road trip.

Narvacan, Ilocos Sur.

Doon kasi nakabase ang isa sa mga tiyuhin ni Mama, ang Lolo Jose. Maliit pa lang ako ay gusto ko nang marating ang bahay ni Lolo Jose dahil na rin sa mga kwento ni Mama. Katapat ng bahay ng Lolo ang isang beach na bagaman di maputi ay pinong-pino naman ang buhangin samantalang ang likuran naman ng bahay nito ay natataniman naman ng puno ng grapes. Di naman kalakihan ang bahay ni Lolo pero dahil nag-iisa lamang s’yang nakatira dito kasama ang mag-asawang katiwala ay parang aalog-alog tuloy ang simpleng bungalow.

Madilim-dilim pa nang dumating kami sa bahay ni Lolo Jose. Dahil antok pa ang karamihan ay nag-agawan na ang mga ito sa mga kama sa tatlong kuwarto ng bahay. Nakita kong pumasok si Gerald sa isang kwarto kasama nina Ken. Samantalang ang mga magulang naman namin ay dumiretso na sa kusina para makapagkape muna. Ako naman ay tila nalipasan na ng antok kaya napagpasyahan kong antayin na lang ang sunrise sa may tabing dagat.

“Ma, lakad po muna ako dun?” Paalam ko sa nanay ko.

“Magpalit ka kaya ng shorts baka mabasa yang pajama mo.” Paalala nito.

“Di na po. Maglalakad-lakad lang naman po ako. Di naman ako magsu-swimming.” Sagot ko habang naglalakad papunta sa tabing dagat.

Nakakatuwang isipin na meron pa palang mga unspoiled beaches dito sa Pilipinas. Sa dami ng bangka sa may tabing dagat ay masasabi agad na pangingisda ang main source of income ng mga tao sa Narvacan. Sayang! Di ko nadala ang videocam ni Papa, ang sarap sanang kunan ng sunrise.

Seeing the sun rise habang nasa tabing dagat ay isa sa mga “must do” things ko sa buhay kaya nang makita ko na nagsisimula nang magkulay orange ang kalangitan ay dali-dali kong hinubad ang suot kong tsinelas para ipangsapin sa buhanginan at pasalampak na umupo dito..

Medyo malamig pa ang simoy ng hangin kaya malakas rin ang hampas ng mga alon sa dalampasigan.

Kung maibobote siguro ang ambiance ng tabing dagat pwede itong mabenta ng mas mahal kesa mga imported na pabango.

What will make the scene picture perfect is if Gerald was seated beside me.

Erase! Erase! Erase!

Sa ganitong kapaligiran di maiiwasang mag-isip ng mga romantic stuff. Ano ba Kimmy? Ano ba talagang nararamdaman mo para kay kurimaw? Tanong ko sa sarili ko.

Nakakapanic na nag-iisip ako ng ganito. Stop it Kimmy! Sita ko sa sarili ko.

Aminin mo na kasi... wala namang makakaalam di ba? Kunsinti naman ng pilyang side ng isip ko.

Wala sa sarili kong dinampot ang isang patpat na malamang ay naanod ng dagat dahil basa-basa pa ito at tulad ng mga cheesy heroine sa mga romantic movies ay nagsulat sa buhangin.

Kim loves G

“Ehem! Sino si G?”

Muntik na akong matumba sa pagkakaupo pagkarinig ng boses ni kurimaw.

Waaahhh! Of all the times naman! Compose yourself Kimmy, utos ko sa sarili ko.

“Sinusundan mo ba akodito para bwisitin?” Bungad ko dito.

“Bakit naman kita susundan? Tsaka bakit ang defensive mo?” Balik tanong nito.

Isang nakamamatay na irap ang pinakawalan ko.

Ng mapansin ni kurimaw ang aking pagkainis ay bigla itong tumahimik.

“Ano bang problema mo?” Tanong nito.

“Panira ng araw...” Bulong ko sa sarili ko.

“Kim, can’t we just co-exist ng di nagbabangayan? Sayang naman ang ganda ng sunrise kung mag-aaway pa tayo.I didn’t come here para inisin ka.” Pakiusap nito.

“At kelan ka pa naging interesado sa sunrise aber?” Hirit ko dito.

“Ms. Chiu, I may not strike you as someone who cries over sappy, romantic movies pero I know how to appreciate nature. Sungit nito…” Pagtatanggol naman ni Gerald sa sarili.

Supalpal ako dun a.

“Kung gusto mong manood dun ka kaya?” Sabay turo ko sa isang parte ng beach na mga isandaang metro ang layo sa akin.

“Bakit ba takot na takot ka na makasama ako? Di naman kita inaano a.” Tanong ulit nito.

Susme naman! Bakit ba di na lang ako lubayan nitong kurimaw na ito?!

“Please lang, wag mong sirain ang umaga ko.” Angil ko dito.

“Fine!” Ang tila napikong sagot nito sabay lakad palayo sa akin.

Wag! Wag kang umalis! Sigaw ng aking tatanga-tangang heart.

Ano ba Kimmy? Sinabi nang tumigil ka na e.

I saw him settled himself on the sand some fifty meters away from me. At pagkatapos pa ng ilang minuto ay tuluyan nang bumungad sa amin ang haring araw.

Sa ganda ng tanawin ay tila napalis ng saglit ang mga pangyayari kanina. Sa di kalayuan ay tahimik ring nagmamasid si kurimaw.

Lalong lumitaw ang pagka-mestiso nito nang matamaan ng sinag ng araw. Grabe ang gwapo!

Wala man sa loob, ay pinagpatuloy ko na muli ang pagsusulat sa buhangin.

Kim loves Ge

“Sabi na nga ba e! May crush ka sa akin ano?”

Paano nangyari yun? Kanina lang e tahimik itong nakaupo sa isang gilid ng beach.

“Hoy! Wag makapal ang mukha mo ha!” Dipensa ko naman sa sarili ko sabay duro ng patpat sa mukha nito.

“E sino yang Ge na yan aber?”

Syet! Anong pangalan ba ang nagsisimula sa Ge? Panic mode na ito. Basta isulat mo na lang ang unang pangalang maisip mo.

Kim loves Gener

“Sino si Gener?” Usisa nito.

“Pakialam mo ba?!” Depensa ko muli.

“Wala, imbento mo lang yan no?” Di pa rin makapaniwalang komento nito.
“Hoy Geraldo! FYI lang no, si Gener ang long time friend ko from school.”

Wag kang ngingiwi Kimmy sita kong muli sa sarili ko. Di ka dapat mahalata…

May bahid naman ng katotohanan ang sagot ko. Long time friend ko talaga si Kuya Gener, s’ya kasi ang pinakamatagal naming janitor sa school.

“Oh.” Bagaman mukhang di kumbinsido ay di na nag-probe pang muli si kurimaw. Maya-maya pa ay hinablot nito ang patpat sa akin at nagsulat din sa buhanginan…

Gerald loves

Gerald loves who? Ang windang na tanong ng utak ko… Nina? Paula? Shy? Sam?

Naalarma ako sa susunod na isusulat nito. Di pa man n’ya sinusulat ang pangalan ng kanyang ”love” ay parang dinudurog na ang heart ko.

Di ko kinaya. Bigla na lang akong napatayo at wala sa loob na tumakbo papunta sa dagat.

Wag kang iiyak. Wag kang iiyak Kimmy.

Di ko na ma-explain ang sunod na ginawa ko. Basta ang alam ko na lang e nakalublob na ako sa dagat, pajamas and all, at kumakaripas ng langoy palayo sa pampang.

Winner ka talaga Kimmy sa paggawa ng eksena, sarkastikong sigaw ng utak ko.

Heh! Ikaw na kaya ang maka-experience ng unrequited love?! Ganti naman ng heart ko na sa mga oras na ‘yon ay parang pinipiga sa sakit.

Sa loob ng ilang minuto ay tahimik na muli akong nagmumuni-muni habang nagfo-floating sa medyo maligamgam na tubig dagat.

Nang biglang may humatak sa aking paa.

“Ayyyy!!!” Sa pagkabigla ko nawala ako sa tamang posisyon at mabilis na lumubog.

Lord, kung kukunin n’yo na ako ngayon, sana po buo akong makuha ng mga magulang ko. Maikli kong panalangin habang nagpapanic. Inaatake na ata ako ng pating.

Tanga ka! E kung lumalangoy ka kaya? Utos ng aking hyperactive na brain.

Pasimula na akong kumawag ng may humablot sa braso ko at hinatak ako paangat.

“Ano ka ba Kim? Di ka ba marunong lumangoy? Bakit ka kasi pumunta dito sa malalim na part?” Sunod-sunod na tanong ni Gerald na tila nanggagalaiti sa galit.

Haaay! Kahit na pulang-pula ang mukha nito sa pagkainis sa akin ay ang gwapo pa rin nito.

“Kim, Kimmy? Ayos ka lang ba?” Tanong nito muli.

Ano ba?! For the nth time Kim sana di ka natutulala di ba? Baka isipin n’yan addict ka or something.

“Gago ka pala e! Sino bang biglang nanghatak ng paa?!” Singhal ko dito nang manumbalik ako sa tamang ulirat.

“Ikaw ang sama talaga ng ugali mo. Lumangoy nga ako dito para i-check kung okay ka lang kasi mga 20 minutes ka na atang walang imik na palutang-lutang. Akala ko tuloy bangkay ka na.” Paliwanag nito.

Awwww... concerned s’ya sa akin?

“FYI. Magaling po akong lumangoy and please lang no, kung meron kang savior complex gamitin mo na lang sa iba. I’m not your damsel in distress!”

Ang taray! Naririnig ko pa ang pagpalakpak ng aking utak.

“Dyan ka na nga!” Pigil inis na parting words ni kurimaw habang mabilis na lumangoy papalayo sa akin.

“Kimberly! Gerald! Umahon na kayo d’yan at mag-almusal muna kayo.” Narinig ko ang boses ni Tita Vangie.

Pagtanaw ko sa pampang ay nakita kong naglalakad sa may buhanginan ang mga magulang namin at si Gerald na parang sinesermunan.

Patay! Parang nakakaamoy na rin ako ng sermon kaya dali-dali akong lumangoy papunta sa pampang.

“Kimberly Sue! Ano na naman ‘tong ka-weirduhan mo ha? Ano na namang naisipan n’yo at nag-swimming kayo ng naka-pajama? Meron ka namang dalang swimsuit mano ba namang nagpalit ka muna bago ka pumunta dito?” Ang parang machine gun na pagkakastigo ng nanay ko.

“Sorry Tita, it was my stupid idea…” Sagot ni Gerald sabay kindat sa akin.

Kunsensya # 1 said: Hmpf! Feeling savior na naman.

Kunsensya # 2 said: Aminin mo na kasi, kinikilig ka naman.

“Mards, Vangie, I think the whole scene was cute. I even caught everything on tape.” Sita ni Tito Randy sa mga mommies habang winawagayway ang kanyang ever reliable na videocam.

Kung di ko pa nabanggit, si Tito Randy ang numero unong supporter ng “loveteam” namin ni Gerald. He’s a fan of preserving moments at dahil nga lagi itong may dalang videocam ay malapit nang mapuno ang isang section ng kanyang VCD collection ng mga “Kimerald” moments.

“Naku Kimberly, pasalamat ka at pinagtanggol kayo ng Tito Randy n’yo, hala, sige magpalit na agad kayo ng damit. Baka mamaya magkasakit pa kayong dalawa.” Utos muli ni Mama.

Agad naman kaming sumunod at patakbong bumalik sa bahay ni Lolo Jose. Kalagitnaan ng aming pagtakbo ay napatingin ako kay kurimaw at ganun din naman s’ya sa akin. Di na namin namalayan we were laughing the rest of the way…

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
summer-star
#1
Visiting old fics!
TheArvie99 #2
sana ma-update mo 'tong story mo ... cute sya .... thanks
SimplisticElegance
#3
http://www.asianfanfics.com/story/view/157213/mokona-modoki-shop would you like graphic designs and a review for this story? then please check out my shop *^^*
hunny_kg #4
WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!

at talagang binasa ko siya uli from the top! LOL!

update mo kaya, exciting na eh!

akala ko aabot ako dun sa part ng COLEMAN moment,

hindi mo pa pala nasusulat yun?

para kasing alam ko na

pero iba pa din pala pagka nababasa! WINNER KA!
b1_nipahut #5
@ms mayin

hope u cud update soon..

super bitin !hahahahaha

p.s. love ur vids too of kg!!
zeewee #6
Please update again!
nichtzutune #7
wow nabitin nmn ako rito pls........ ang karugtong lang kung puwede ang ganda ng istorya nito thanks.....
Anderchiuenca #8
Please update soon! Love ur story! Love kimmy's character! Hehe looking forward 4 the following chaps! ^_^
keegee #9
wahaha!!! ang kulelets nmn ng conscience ni kimmy dear..wahaha..super love the SIGN!!she's such a crazy cutie!! haha..Geraldo habulin mo HAPPINESS mo...thanks ate mayin...
enderez #10
naku ge habulin mo at magtapat kana, bago pa syang mag sungit ulit saiyo at pag inaway ka wagnang patulan...para hindi sya lalong magalit...kainin mo ge ang fried checkin mo at magtapat agad ha ha...thanks sa update...update pa pls thanks