Ang Malandi

Especially For You

“Kimmy, pakitawagan naman si Tita Vangie mo. Pakitanong what time nila tayo dadaanan dito.” Narinig kong utos ni Mama na naliligo noon sa master bath.

“Opo!” Agad ko namang sagot. Kinuha ko ang wireless phone mula sa base nito at pinindot ang phone number na memorize ko na sa pagdaan ng panahon. Matapos ang ikalawang ring ay may sumagot na sa kabilang linya.

“Hello?”

Malas ko naman! Bakit ba di na lang si Ken o si Tito Randy ang sumagot ng phone?

“Hello?” Inip na tanong ulit ng nasa kabilang linya.

Kalma lang Kimmy, hinga ng malalim…

“Hello good morning, may I speak with Tita Vangie?” Pormal na tanong ko.

“Honey? Bakit ang aga mong tumawag?” Ang di ko inaasahang sagot ng kausap ko.

“Huh? May I speak with Tita Vangie?” Baka nabingi lang ‘tong kausap ko.

“Honey? Si Ge to, bakit si Mommy ang hinahanap mo?” May himig pagtataka sa boses nito.

“Hello Gerald, si Kim ‘to, pwede pakiabot na lang kay Tita yung phone? May pinapatanong lang ang Mama ko e.” Ang maangas kong sagot.

Nakabibinging katahimikan.

“Hoy! Geraldo, bingi ka ba? Bigay mo na kasi yung phone kay Tita.”

Muntik na akong mapatalon ng marinig ko ang hagalpak na pagtawa ng kausap ko. Hala natuluyan na atang masiraan ng bait si kurimaw.

“Anong tinatawa-tawa mo d’yan?”

“Wala, natawa lang ako sa sarili ko. Pasensya na napagkamalan kasi kitang si Nina, kaboses mo kasi siya sa phone.” Sagot nito sabay tawa ulit ng malakas.

FYI, si Nina ang malanding girlfriend #1 ni Gerald. Bakit #1? Dahil sa pagkakaalam ko e meron pa siyang #2, #3 and #4 yun sina Shy, Paula at Sam at base rin sa nakalap kong impormasyon, iisa ang common denominator ng mga ito at iyon ay ang kanilang very promising na “hinaharap”. Manyakis talaga!

“Ganun ba? Remind me next time na wag kang kausapin sa telepono dahil baka mapagkamalan mo pa akong GF mo e maglandi ka pa.” Ang mataray kong sagot.

“Ngayong nabigyan na kita ng comic relief baka pwede namang ipasa mo na itong phone sa nanay mo.”

“Teka, usap muna tayo, nasa bathroom pa si Mommy naliligo.” Ang parang nang-aasar na hirit nito.

“A ganun ba? Pakisabi na lang na tawagan n’ya Mama ko pag tapos na s’ya. Salamat. Bye!” Ayaw ko nang pahabain pa ang usapan dahil siguradong away na naman ang kahahantungan nito.

“Teka!” Pigil nito.

“Ano?!” Naiinis na talaga ako.

Nagulat ako sa sunod na tanong n’ya.

“April 19 birthday mo di ba?”

“O ngayon? Anong pakialam mo kung April 19 ang birthday ko?” Hay naku, ano bang letra sa salitang ‘bye’ ang di maintindihan ng kurimaw na ito?

“Wala lang. Ka-birthday mo pala si Shy.”

“Wala akong pakialam!” Sabay bagsak ng telepono. Naku, ang aga-aga talagang mameste ng bobitong iyon. Napadasal na lang ako na sana e paliguan ako ni Lord ng bonggang pasensya sa araw na iyon dahil maghapon ko na namang makakasama si kurimaw.

Simula ng maging ka-close nina Mama at Papa ang mga Anderson e parang naging constant fixture na sila sa buhay namin. Andun sila sa lahat ng okasyon ng pamilya namin at lagi rin kaming nakasabit sa mga lakad ng lahi nila. Nung una ay wala naman akong problema sa ganoong sitwasyon dahil mabait naman talaga ang pamilya nila. Eventually, pati ang kapatid kong si JP ay naging sanggang-dikit na rin ni Ken. Samantalang ang Ate Princess naman n’ya ay naging kabarkada na rin nina Ate Lakam at Ate Twinkle. Dati, si Kuya William ang ka-close ni Ge pero nung mapag-isipan nitong pumasok sa minor seminary e di na rin sila masyadong nagkikita. Ako talaga ang odd man out eversince. Alanganin kasi akong makisama kina Ate dahil isa akong certified nerd at manang at ayaw din naman akong isabit nina JP at Ken dahil masyado na daw akong matanda para sumama pa sa kanila. Sina Ge, Kuya William at ako ang medyo magkaka-age. Matanda lang s’ya sa akin ng isang taon pero sabay kami nag-high school dahil nag-grade 7 pa s’ya.

Ewan ko ba pero ng una kong masilayan ang mukha ni Gerald ay high blood na talaga ako sa kanya. There’s really something in him that irks me at after four years of trying to figure it out e wala pa rin akong conclusion kung saan nanggagaling ang negative vibes ko sa kanya. Tingin ko naman the feeling is mutual dahil sa tuwing nakikita n’ya rin ako ay walang minutong lumilipas na di n’ya ako pinagdidiskitahan na kung paminsan ay nauuwi pa sa sakitan at iyakan.

Oo, di lang miminsan n’ya akong napaiyak pero ang pinaka-recent ay nung 16th birthday ko. Dahil Sweet 16 na daw ako ay naisipan ni Mama na bigyan ako ng surprise party.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
summer-star
#1
Visiting old fics!
TheArvie99 #2
sana ma-update mo 'tong story mo ... cute sya .... thanks
SimplisticElegance
#3
http://www.asianfanfics.com/story/view/157213/mokona-modoki-shop would you like graphic designs and a review for this story? then please check out my shop *^^*
hunny_kg #4
WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!

at talagang binasa ko siya uli from the top! LOL!

update mo kaya, exciting na eh!

akala ko aabot ako dun sa part ng COLEMAN moment,

hindi mo pa pala nasusulat yun?

para kasing alam ko na

pero iba pa din pala pagka nababasa! WINNER KA!
b1_nipahut #5
@ms mayin

hope u cud update soon..

super bitin !hahahahaha

p.s. love ur vids too of kg!!
zeewee #6
Please update again!
nichtzutune #7
wow nabitin nmn ako rito pls........ ang karugtong lang kung puwede ang ganda ng istorya nito thanks.....
Anderchiuenca #8
Please update soon! Love ur story! Love kimmy's character! Hehe looking forward 4 the following chaps! ^_^
keegee #9
wahaha!!! ang kulelets nmn ng conscience ni kimmy dear..wahaha..super love the SIGN!!she's such a crazy cutie!! haha..Geraldo habulin mo HAPPINESS mo...thanks ate mayin...
enderez #10
naku ge habulin mo at magtapat kana, bago pa syang mag sungit ulit saiyo at pag inaway ka wagnang patulan...para hindi sya lalong magalit...kainin mo ge ang fried checkin mo at magtapat agad ha ha...thanks sa update...update pa pls thanks