The First Meeting

Especially For You

A/N: Thanks for all your comments.This next chap is quite long but I hope you guys enjoy it. Merry Christmas everyone!

Bad trip talaga ang gabing iyon dahil sa bukod sa naudlot ang aking budding romance with Robi dahil sa kalokohan ni kurimaw, ang pangyayaring iyon rin ang naging simula ng walang sawang panunukso mula sa aming mga pamilya. Pati mga magulang namin na parang sinapian ng kaluluwa ni Madam Auring ay pinepredict na magkakatuluyan daw kami. Anak ng tokwa!

Kapansin-pansin rin since then ang paggawa nila ng mga sitwasyon para mas mapadalas ang pagsasama naming dalawa. Case in point ay ang pagrereview sa UPCAT na wala naman talagang review na naganap dahil maghapon lang kaming nagbangayan at maraming iba pa.

Sa ngayon, ang kailangan kong pagtuunan ng pansin ay kung papaanong di mabibwisit sa araw na ito. Sa tantiya ko mahina ang labindalawang oras naming pagsasama dahil pupunta kami ng Pangasinan para maki-fiesta sa mga pinsan ng Mommy n’ya.

Buti pa sina Ate nakatakas sa lakad dahil midterms nila ngayon sa school. So kami lang ni JP ang nahatak nina Papa para sumama sa kanila. Don’t get me wrong, nag-attempt na rin akong ma-excuse sa semi-excursion na ito ng mga Anderson at Chiu pero di talaga nakalusot. And apparently, di ako nag-iisa dahil pag busina pa lang ng van ng mga Anderson alam ko na na si kurimaw ang nagmamaneho. Meron kasi siyang signature busina simula ng pinayagan na s’yang mag-drive ni Tito Randy.

A peste!

I took my time habang naglalagay ng aking mga paraphernalia sa bag. Keber kung mamuti ang mga mata nila sa kahihintay na bumaba ako. Pinagdadasal ko nga na mabwisit na lang silang lahat at iwan na lang ako.

Habang mabusisi akong namimili ng babauning pocketbook sa byahe, biglang may nakakaalarmang katok sa pinto ko.

“Hoy Sungit! Bilis-bilisan mo daw ang kilos mo at tatanghaliin na daw tayo.” Bulyaw ni kurimaw.

Hindi ako sumagot. Kunwari ay wala akong naririnig at patuloy lang ako sa pagpili ng librong madadala.

“Kimmy, bibilang ako ng tatlo, pag di ka pa lumabas d’yan sisirain ko ’tong pinto ng kwarto mo. Isa... dalawa... di ka pa talaga lalabas ha... tatlo!”

Saktong pagbilang n’ya ng tatlo ay binuksan ko ang pinto ng todo, so ang full force na pagdunggol n’ya dapat sa pinto ay naging mitsa ng kanyang full force na pagkakabagsak sa sahig.

“Aray!”

Tagumpay! 1-0 ang score, in favor of me!

Pigil sa pagtawa ay lumingon ako sa kanya.

“O ano? Di pa ba tayo aalis? Inaantay na tayo nina Mama.” Sabay talilis bago pa n’ya ako magantihan.

Di pa man ako nakakasakay sa van ay kinastigo na agad ako ng nanay ko.

“Kim, ano ka ba namang bata ka! Kanina ka pa naman bihis bakit ang tagal mo bago nakababa? Asan na si Gerald?” Pag-iimbestiga ni Mama.

“A, e... nasa loob pa po umiinom ng tubig.” Susme, sana di halata ang guilt sa mukha ko.

Maya-maya lang ay lumabas na si kurimaw na may dalang ice pack na nakalagay sa may kanang pisngi n’ya.

“Anak, anong nangyari sa’yo?” Ang nag-aalalang tanong ni Tita Vangie.

“A... wala po ito Mommy, nadulas lang po ako habang pababa ng hagdan kanina, tumama po yung pisngi ko sa may banister.” Habang sinasagot ang nanay n’ya ay sa akin nakatingin ng masama si kurimaw.

Para namang nakaamoy ng anomalya ang nanay ko kaya tinanong ako agad.

“Kimberly Sue, wala ka bang kinalaman sa pagkakadulas ni Gerald?”

”H-ho? W-wala po.” Patay! Mukhang buking na ako...

“Naku Tita, nakababa na po si Kim nung nadulas ako. Naki-CR pa po kasi ako e.”

Aba, bakit kaya nagpapalapad ng papel itong si mokong? Siguro may pinaplano itong di kanais-nais kaya nagbabait-baitan na naman.

“So sinasabi ba ninyo na di kayo magkaaway ngayon?” Tanong muli ng nanay ko.

“Opo!” Ang mabilis naming sagot.

“Mabuti naman kasi ikaw ang uupo sa passenger seat ngayon Kim. Wag mong tutulugan si Ge ha.” Utos ng nanay ko.

“First time n’yang mag-long drive kaya naisipan naming ikaw na lang ang tumabi sa kanya para siguradong di antukin. Ang aga kasi ng byahe e, natatakot kaming di pa gising ang diwa ng binata namin. At least pag andyan ka sigurado kaming alerto ‘tong bata namin.” Ang mahabang paliwanag ni Tita Vangie sabay kindat ng nakakaloko sa anak na deadma lang naman sa panunukso ng nanay n’ya.

Pag minamalas nga naman! Ngunit, datapwat, subalit di na ako nagdahilan pa dahil alam kong namumuro na ako sa nanay ko.

Para akong tinadyakang pusa habang sumasakay ako sa passenger seat. Samantalang si kurimaw naman ay ngiting aso.

Lord? Ano bang naging kasalanan ko recently at pinaparusahan Mo po ako ng ganito?

Habang taimtim na nagdadasal ay nagkunwari na rin akong bangag at tulog. Manigas ka d’yan kurimaw! Di kita pag-aaksayahan ng panahong chikahin no!

“Kim, mag-seatbelt ka. Utos nito.”

Seatbelt your face! Sigaw ng utak ko.

Matapos ang ilang segundo at di pa rin ako kumikibo ay naramdaman ko na lang na tila papalapit s’ya sa akin at sa loob lang ng ilang saglit ay all buckled up na ang beauty ko courtesy of kurimaw.

Pagkatapos niyon ay binuksan nito ang radyo at sadyang pinalakas ang volume ng speaker sa likurang part ng van, ilang saglit pa ay binabaybay na namin ang EDSA papunta sa NLEX.

Nang nasa bandang SM North na kami (at pinaninindigan ko pa rin ang pagtutulug-tulugan) ay bigla na lang itong nagsalita.

“Alam mo masakit sa ulo ‘yang ginagawa mo. Kung ako sa’yo ididilat ko na ang mga mata ko.”

Zzzzzzz....

“Bakit ba kasi ayaw mo akong kausapin? Nahihiya ka ba sa akin?”

Ako mahihiya?! Kapal talaga nitong kurimaw na ‘to. Zzzzz...

“A... alam ko na, siguro tama yung sinabi sa akin ni JP. May crush ka sa akin ano?” Sabay bungisngis.

Zzzzz... Ano daw?!

“Hoy! Amerikanong hilaw! For your information, di kita type no!” Ang di ko napigilang reaksyon sa statement nito.

“Kitam! E di nagising ka din.”

Huli na ng marealize ko na isa lang palang trap iyon. Syet! Ngayon wala na akong choice kundi ang pagtiyagaan ang presensya ni Gerald.

“Paano ba ‘yan? Quits na tayo? Good morning Kimmy!” Pambubuska pa nito.

“Talk to my hand pangit.” Yun na lang ang naisagot ko. I need to keep myself busy kaya inilabas ko mula sa aking body bag ang pocketbook na baon ko.

Deadma lang Kim. Wag kang papaapekto sa pesteng ‘yan.

Mga sampung minuto ring naghari ang katahimikan pero ng nasa may toll gate na kami ng NLEX ay muli ko na namang narinig ang nakakabwisit na boses ni driver Gerald.

“A Walk To Remember. Nicholas Sparks. Hopeless romantic ka rin pala.”

Deadma.

“Nabasa mo na ba yung A Bend In The Road?”

Deadma pa rin.

“He’s one of my favorite authors. Pero you should read Mitch Albom as well.”

Masyado namang impolite kung di ko pa rin s’ya sasagutin di ba?

“Wow! Marunong ka palang magbasa?” Ang sarkastiko kong tanong.

“Ouch naman. Tingin mo ba paano ako tutuntong ng high school kung di ako marunong magbasa?” Sagot nito.

“At sensitive ka rin pala. Teka lang ha. Are you trying to start a small talk here? Ngayon pa lang sinasabihan na kita, I’m not good with small talks.” Pambabara ko.

“Can’t we declare a truce here? Kahit ngayong byahe lang. Ayaw ko kasing ma-stress at baka mabangga pa tayo.” Pakiusap ni kurimaw.

“Basta ba ang definition mo ng truce e hahayaan mo lang ako dito sa isang tabi magbasa at di mo ako kakausapin, I’m more than happy to declare a truce.”

“Hindi, ang definition ko ng truce ay yung mag-uusap tayo ng parang di tayo aso’t pusa. Di ko kasi maintindihan kung bakit lagi na lang tayong nag-aaway. Kim, for once pwede magpaka-civil naman tayo sa isa’t isa. Napapagod na akong makipag-away sa’yo e.” Paliwanag nito.

May point naman si mokong. At medyo napapagod na rin akong magpaka-sarcastic dahil di ko naman talaga nature iyon. Why not give it a shot di ba?

“Fine. Truce habang nasa byahe.” I gave in.

“Yes!” Ang tila tuwang-tuwang sagot nito.

“Hi, I’m Gerald Anderson and you are?” Sambit nito habang iniaabot ang kanang kamay sa akin.

Ano ‘to? First meeting? O s’ya sasakyan ko ang kalokohan mo kurimaw total may kasunduan naman tayo.

“Kim Chiu.” Maikling sagot ko.

“It’s nice meeting you finally Kim Chiu.” Sabay kindat sa akin.

“Mr. Gerald Anderson, can you focus on your driving?” Saway ko dito.

OMG! Bakit parang naligalig ako dun?

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
summer-star
#1
Visiting old fics!
TheArvie99 #2
sana ma-update mo 'tong story mo ... cute sya .... thanks
SimplisticElegance
#3
http://www.asianfanfics.com/story/view/157213/mokona-modoki-shop would you like graphic designs and a review for this story? then please check out my shop *^^*
hunny_kg #4
WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!

at talagang binasa ko siya uli from the top! LOL!

update mo kaya, exciting na eh!

akala ko aabot ako dun sa part ng COLEMAN moment,

hindi mo pa pala nasusulat yun?

para kasing alam ko na

pero iba pa din pala pagka nababasa! WINNER KA!
b1_nipahut #5
@ms mayin

hope u cud update soon..

super bitin !hahahahaha

p.s. love ur vids too of kg!!
zeewee #6
Please update again!
nichtzutune #7
wow nabitin nmn ako rito pls........ ang karugtong lang kung puwede ang ganda ng istorya nito thanks.....
Anderchiuenca #8
Please update soon! Love ur story! Love kimmy's character! Hehe looking forward 4 the following chaps! ^_^
keegee #9
wahaha!!! ang kulelets nmn ng conscience ni kimmy dear..wahaha..super love the SIGN!!she's such a crazy cutie!! haha..Geraldo habulin mo HAPPINESS mo...thanks ate mayin...
enderez #10
naku ge habulin mo at magtapat kana, bago pa syang mag sungit ulit saiyo at pag inaway ka wagnang patulan...para hindi sya lalong magalit...kainin mo ge ang fried checkin mo at magtapat agad ha ha...thanks sa update...update pa pls thanks