Mortal Combat

Especially For You

Alas otso ng umaga, Sabado, sa bahay ng mga Anderson.

“Kim, tara breakfast ka muna.” Yaya ni Tita Vangie.

“Hindi po Tita, okay lang ako. Kumain po ako bago kami umalis ni Papa ng bahay.”

“Pasensya ka na ha tinanghali na naman ng gising ang estudyante mo.” Paumanhing muli ng mabait na ginang.

“Okay lang po...” Ang mahina kong sambit. Pero sa loob-loob ko ay gusto ko nang magwala sa inis.

Susme! Nag-beg-off pa ako sa lakad ng barkada at gumising ako ng super aga para lang sa kurimaw na yun!

Paano ba ako napunta sa sitwasyon na ito?

A, oo nga pala, yung nanay ko na bestfriend ni Tita Vangie ay vinolunteer ako ng walang kalaban-laban para i-tutor ang magaling nitong anak na si Gerald.

Malapit na daw kasi ang UPCAT at mas maganda daw kung pareho kaming sa State U makapasa ng panganay n’ya para daw may magbantay sa anak n’ya. At ginawa pa akong security guard?!

Mahabang pagdadahilan ang pinagdaanan ko para lang di pumunta dito. Una sa lahat, meron na akong naka-sked na lakad sa weekend na yun at matagal na naming plinano ito nina Melissa. Pangalawa, di naman ako tutor, isa rin akong hamak na senior high school student. Pangatlo, at higit sa lahat, kahit isang taon ko pa atang i-tutor si Gerald e suntok sa buwan na makapasa ito sa UP.

Di naman sa minamaliit ko ang Amerikanong hilaw na anak ni Tita Vangie pero simula’t sapul na makilala ko ito (siguro mga thirteen kami nung una kaming magkita) e obvious naman na wala itong interes sa pag-aaral. Madalas sa hindi, palakol ang mga grades nito. Sa assessment ko, di naman ito bobo, sadyang iba lang ang kanyang priorities sa buhay. Kung tama ang aking Gerald 101, tatlo lang ang list of priorities niya – babae, kotse at basketball, not in that particular order.

“Good morning sunshine!” Bigla akong napabalikwas sa aking tahimik na pagmumuni-muni sa sofa ng marinig ko ang boses that never fails to annoy me.

“Salamat naman sa Diyos at gumising ka na. Nakakahiya na dito kay Kimmy. Kanina pa ‘yan hinatid dito ni Tito William mo. Geraldo, bilisan mo nang kumain at nang makapagsimula na kayong mag-review.” Sita ni Tita Vangie.

“Mom! Wag ka nang magalit, ang aga-aga nagpapadami ka na naman ng wrinkles sa mukha. Sige ka baka di ka na maging most beautiful mom in the whole wide world n’yan.” Ang hirit ng tusong anak nito na biglang lumapit at niyakap ang kanyang nanggagalaiting ina.

“Nambola ka pa. Kumain ka na nga. Yayain mo na si Kimmy anak. Kayo na bahala dito ha at maliligo na ako, may lakad pa pala kami ni Mare.” This time, napapangiti na ang ina habang sinasaway ang anak na nakalingkis pa rin sa kanya.

Aysus! Pano namang titino ang lalaking ito e pati nanay n’ya kaya n’yang bilugin ang ulo. Mabuti na lang at kabisado ko na ang bolerong tactics nito.

“Good morning Kimmy. Tara kain na tayo.” Sa sobrang banas ko ay di ko napansin na nasa harapan ko na pala ang kurimaw na abot tenga ang ngiti habang nagbabait-baitan.

“Kumain na ako!Bakit ba kasi tanghali ka nang gumising e alam mo namang may tutorial ka ngayon? Alam mo namang pupunta ako dito di ba? Nakakaabala ka ng ibang tao...” Di ko na halos maitago ang pagkabanas sa boses ko pero wala akong pakialam. S’ya naman talaga ang may atraso.

“Ang taray naman nito.” Sagot naman ng mokong na walang anu-anong umupo sa tabi ko at iniakbay ang kanang kamay sa balikat ko.

“Hoy miss sungit, for your information, ikaw ang dahilan ng tanghali kong paggising. Sa sobrang excited ko kasi na makita ka ngayon di ako nakatulog agad at lalong napahaba yung sleep ko kasi napanaginipan pa kita.” Di pa na nakuntento na halos magkadikit na ang ilong namin, kinindatan pa ako!

At may pakindat-kindat pang nalalaman ang unggoy na ito ha.

“Aray naman!” Sabay tayo mula sa sofa.

“Ikaw Geraldo, una sa lahat, magtoothbrush ka kasi amoy panis na laway ka pa. Pangalawa, alam ko na ang itim ng budhi mo, kaya pwede ba wag mo na akong idamay sa mga kalokohan mo next time? May panaginip ka pa talagang nalalaman ha. Ang sabihin mo, tumakas ka na naman last night at tumambay dun sa cafe sa may gasoline station. Sa uulitin na magka-atraso ka pa sa akin di lang pitik sa ilong ang mapapala mo. Intiendes?! Kumain ka na dun!” Grrr! Nakakagigil talaga tong mokong na ito.

“Sungit!” Bawing sagot nito.

“Bad breath!” Hirit ko naman.

Yun na ang simula ng isang araw ng sakit ng ulo ko.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
summer-star
#1
Visiting old fics!
TheArvie99 #2
sana ma-update mo 'tong story mo ... cute sya .... thanks
SimplisticElegance
#3
http://www.asianfanfics.com/story/view/157213/mokona-modoki-shop would you like graphic designs and a review for this story? then please check out my shop *^^*
hunny_kg #4
WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!

at talagang binasa ko siya uli from the top! LOL!

update mo kaya, exciting na eh!

akala ko aabot ako dun sa part ng COLEMAN moment,

hindi mo pa pala nasusulat yun?

para kasing alam ko na

pero iba pa din pala pagka nababasa! WINNER KA!
b1_nipahut #5
@ms mayin

hope u cud update soon..

super bitin !hahahahaha

p.s. love ur vids too of kg!!
zeewee #6
Please update again!
nichtzutune #7
wow nabitin nmn ako rito pls........ ang karugtong lang kung puwede ang ganda ng istorya nito thanks.....
Anderchiuenca #8
Please update soon! Love ur story! Love kimmy's character! Hehe looking forward 4 the following chaps! ^_^
keegee #9
wahaha!!! ang kulelets nmn ng conscience ni kimmy dear..wahaha..super love the SIGN!!she's such a crazy cutie!! haha..Geraldo habulin mo HAPPINESS mo...thanks ate mayin...
enderez #10
naku ge habulin mo at magtapat kana, bago pa syang mag sungit ulit saiyo at pag inaway ka wagnang patulan...para hindi sya lalong magalit...kainin mo ge ang fried checkin mo at magtapat agad ha ha...thanks sa update...update pa pls thanks