Baguio

Especially For You

A/N: Ayan sinisipag na ako... Ate Lori and Ate C, this chapter is for you guys! Happy reading!

With it's refreshing weather, friendly people and loads of good food, Baguio has always been one of my favorite vacation spots. Even at 16, sinabi ko na sa sarili ko na kapag nasa retiring age na ako e dito ako sa Baguio magse-settle.

Alas-nuwebe na nang makarating kami ng Baguio. Our endless roadtrip in Ilocos made us all so tired kaya puro hilik lang ang maririnig sa loob ng van. Ilang minuto pa at narating na rin namin ang Manor Hotel sa Camp John Hay kung saan nagpa-reserve ng apat na kwarto sina Mama. Syempre, tig-isa ng hotel rooms ang aming mga parents. Isang room para sa aming mga girls at isa naman para sa mga boys.

Bago kami umalis ng Ilocos ay kumain muna kami ng heavy dinner kaya naman ready to sleep in na talaga ang lahat pagdating namin sa Baguio... well except for me.

Pagkatapos kong mag-freshen up ay napagdesisyunan ko munang tumambay sa may lounge ng hotel. Since tulog naman ang aking mga roomates ay dahan-dahan na lang akong kumilos palabas ng kwarto. Habang nagche-check in kasi kanina ay narinig ko na merong acoustic act na nagpeperform sa may lounge.

Pagpasok ko pa lang sa lounge ay feel na feel ko na ang Baguio atmosphere dahil sa design nito. Halos lahat ng mga bagay dito ay gawa sa wood at mukha talagang nasa loob ka ng isang log house. Ang acoustic act na tumutugtog at that time ay di naman sikat pero very soothing naman ang boses ng lead vocalist na babae na noon ay nagpeperform ng kanyang rendition ng A Little Bit by MYMP, who happens to be my favorite acoustic group.

Ilang saglit pa ay lumapit na sa akin ang isang waiter.

"May I take your order ma'am?" Ang magalang na tanong nito.

"Hot choco. Paki-charge na lang po sa room 308. Thanks." Agad namang tumalilis ang may edad na ring waiter upang kunin ang aking order.

Makalipas ang dalawa pang kanta ay nag-break muna ang grupo na nagpeperform. Sabi nila ay may third set pa pero paubos na rin ang hot choco ko kaya naisipan ko na ring bumalik sa kwarto.

Di ko alam kung malas o swerte pero nang palabas na ako sa may pintuan ng lounge ay sya namang dating  ni Gerald na mukhang galit na galit.

"Saan ka na naman galing magaling na babae?" Paangil na tanong nito.

"Papa, ikaw ba yan?! Obviously, galing po ako sa lounge." Papilosopong sagot ko dito.

"Bakit di ka kasi marunong magpaalam, kanina ka pa hinahanap..." Inis pa ring sita nito.

Patay! Bakit ba nakalimutan kong mag-text kina Mama? Di naman siguro magagalit yung mga yun kung nagpaalam ako.

Habang kinakastigo ko ang aking sarili ay siya namang pag-ring ng phone ni kurimaw.

"Hello Tita, opo, nakita ko na. Andito sa may lounge nagpapacute sa mga boys." Ang mabilis na sagot nito.

"Aba't!" Akala ko ba ceasefire na? Bakit tila naghahanap na naman ng gulo ang mokong na ito?!

"Sige po, samahan ko na lang po muna dito. Don't worry Tita, I'll take care of her. Sige po, good night!"

Pagkababang-pagkababa nito ng phone ay sinalubong ko ito ng isang malakas na kutos.

"Aray!" Sigaw nito.

"At ano na namang sinabi mo sa nanay ko ha?!" Pang-uusisa ko dito.

"E di yung totoo."

"Anong totoo?"

"Na bumaba ka dito sa lounge at nagbo-boy hunting ka."

"Sira ulo ka talaga! Pano mo naman nasabing nagbo-boy hunting ako aber? May proof ka?"

"E bakit ka naka-short-shorts! Hello? Nasa Baguio ka kaya? Di ka ba nilalamig?" Ang parang machine gun na tanong nito.

"Kasi po naubusan na ako ng malinis na pajama and jogging pants kaya shorts na lang sinuot ko tsaka di naman ako lalabas kaya di naman masyadong malamig. Teka, bakit ba kailangan kong magpaliwanag sa'yo? Tatay, kuya o boyfriend ba kita?"

Whoops! Don't go there Kimmy. Kung anu-ano na namang lumalabas sa bibig mo. Para namang namatanda si kurimaw dahil biglang umurong ang dila nito.

"Tara na nga." Biglang hila nito sa kamay ko.

"Tara saan? Saan mo ba ako dadalhin?" Pakipot effect man ako ay lampas tao naman ang kilig ko dahil first time ever namin mag-HHWW (holding hands while walking).

"Kahit saan, basta palayo sa mga admirers mo." Sabay nguso sa isang tropa ng mga boys who were about our age na di maikubling nabighani sa beauty ko.

OMG! Ang haba ng hair ko that moment.

"Nginitian mo pa!" Saway nito habang kinakaladkad ako papunta sa may lobby.

"Bakit ba? Mukha naman silang friendly. Teka nga, san ba talaga tayo pupunta?" Pinilit kong kumawala sa pagkakahawak nito pero sadyang mahigpit ang grip n'ya.

"Wag ka nang mag-inarte." Muling sabi nito, di ko napansin ay nasa labas na pala kami ng hotel at nakaparada sa entrada nito ang kanilang van. "Sakay na." Sabay bukas nito sa passenger seat ng kanilang bagong van.

"At saan naman po tayo pupunta Mr. Anderson?" Ano ako, bale? Bakit ako sasakay sa van nang di ko alam kung saan papunta. Paano kung kidnapin ako nito at reypin?

Kunsensya #1: Wag kang sasama. Di mo talaga alam ang intensyon n'yang mokong na 'yan.

Kunsensya #2: Go lang Kimmy. Ito na ang katuparan ng iyong mga pangarap. Hihihi!

"Basta. Trust me, magugustuhan mo kung san kita dadalhin." Sabay pa-cute na ngiti nito.

Nalintikan na! Kahit siguro sa bangin pa ang destinasyon kapag nginitian na ako ng ganito ni kurimaw ay sasama ako ng walang pag-aalinlangan.

Para naman akong na-hypnotize na naging sunud-sunuran sa utos nito. Di ko na alintana ang malamig na hangin na humahampas sa aking mega exposed na mga binti. Mabuti na lamang pala at naisipan ko pang isuot ang aking sweater dahil naka-tank top na lang ako kanina.

"Ge, san mo ba talaga ako dadahin?" Tanong ko muli dito. Pero medyo ni ko na maikubli ang kilig sa aking boses.

Kunsensya #1: Hinay-hinay lang Kimmy, baka mabuking ka.

Kunsensya #2: Panahon na para malaman n'ya ang tunay mong damdamin... ayeee!

"Surprise nga... Kimmy, patience is a virtue." Paliwanag nito.

"Ganun? Nagpaalam ka ba kina Tito? Baka mag-alala yung mga yun."

"Hindi. Wala naman 'to sa plano ko kanina e." Saglit ako nitong tinapunan ng sulyap habang halatang pinipigil ang isang pilyong ngiti.

"E bakit ka natatawa dyan?" Ano na naman kaya ang nagawa ko at natatawa tong si kurimaw?

"Kasi feeling mo kanina kikidnapin kita no? Grabe ka magpumiglas. Mabuti na lang nailagan ko yung matalas mong siko."

"So? Anong nakakatawa dun?" Kahit na nilulukuban pa rin ako ng sense of adventure dahil sa ginawa naming 'pagtakas' ay di ko na rin mapigilang mainis dito.

"Wala lang... bakit ba ang sungit mo? Siguro nanghihinayang ka dun sa mga cute boys na nilalandi mo kanina no?"

Hmpf! Ang kapal talaga ng mukha ng kurimaw na ito.

"Alam mo, di ko na lang papatulan yang mga comments mo. Halata namag fishing ka lang for information." Ang masungit na sagot ko dito.

"Anong fishing for information? I bet type mo yung isa sa mga bugoy na andun kanina no? Sino dun? Yun g naka-checkered na polo? Ang baduy kaya nun."

"Ewan ko sa'yo! Paniwalaan mo kung ano ang gusto mo!" Angil ko dito sabay harap sa may bintana ng sasakyan.

Teka nga, bakit ba ako kinakastigo nitong si Geraldo? Hindi kaya sign na ito na nagseselos sya dun sa mga boylets na iyon? Just the thought na posible ngang nagseselos si Ge ay napapangiti na ako. And if only for that ay pinili ko na lang magpatangay sa aking malikot na imahinasyon habang tahimik namang nagmamaneho ang prince charming ko.

Makalipas ang halos sampung minuto ng katahimikan ay bigla nitong inihinto ang sasakyan.

"Baba na." Utos nito.

"Asan na ba tayo?"

"Welcome to 50s Diner!" Exaggerated nitong ikinaway ang kanyang mga kamay sa direksyon ng isang kakaibang kainan.

"Anong gagawin natin dito?"

"Ano pa bang ginagawa sa diner? E di kakain! Wag na kasing maarte. Tara na."

Pagkasabi niyon ay bumaba na rin ako agad. Sayang! Di ko nadala yung camera dahil sa labas pa lang ng restaurant ay na-sense ko na isa itong espesyal na lugar.

"So ano 'to?" Para na akong nagiging mynah sa paulit-ulit kong pagtatanong pero wala na akong pakialam.

"Ito lang naman ang aking favorite na kainan dito sa Baguio." Paliwanag nito.

"At bakit mo naman ako dinala dito?" Ayokong mag-assume kaya nililinaw ko lang ang intensyon ng aming impromptu na lakad.

"Wala lang. E kasi nagugutom ako kanina and since sinabi ko sa Mama mo na babantayan kita, I had no choice kundi isabit ka." Mabilis nitong sagot.

Hmpf! Akala ko pa naman ay first date na namin ito.

Kahit na medyo nainis ako sa huling statement ni kurimaw ay di ko naman maikubli ang aking pagkamangha sa lugar. Para talaga kaming nagtravel back in time. True to its name ay buhay na buhay ang 50's American ambiance sa lugar dahil sa mga old style na booths, juke box at maging sa mga tila collector's items na movie posters nung kapanahunang iyon na naka-display sa paligid ng restaurant.

Bagaman Linggo ng gabi ay napaupo naman kaming agad dalawa sa isang booth.

"So, what do you think?" Tanong nito habang tahimik kong inoobserbahan ang paligid.

"Nice. Para talaga tayong nasa 50s!" Sa sobrang tuwa ko sa lugar ay halos patili kong nasambit iyon.

"Glad you liked the place. Favorite ko talaga ito e."

"A, okay." Pakli ko.

At bakit importante sa kanya na magustuhan ko ang lugar na ito? Waahhh! This must be my lucky night...

"So how did you discover this place?"

"Before I answer your question, order na muna tayo. Grabe gutom na ako e."

"Ambilis mo namang magutom! Kanina lang sa may Ilocos tayo e halos bundat ka na sa dami ng kinain mo, tapos ngayon sasabihin mo kakain ka na naman? Gluttony na yan Ge." Saway ko dito.

"Ms. Chiu, baka nakakalimutan mo na isang growing boy ang nasa harap mo ngayon." Biro nito.

"Excuses, excuses! Sige, since mukhang ikaw naman ang expert dito, ikaw na lang ang pumili para sa akin." Utos ko dito.

After almost two hours ay para kaming mga lumba-lumbang nakasalampak sa upuan ng booth. Starting that night ay inihanay ko na rin ang 50's Diner sa aking Top 10 restos list. Panalo talaga ang mga pagkain lalo na ang strawberry milkshake at burger nila.

Di lang ako nabusog sa pagkain kundi sa very interesting na conversation namin ni kurimaw. Ayaw man naming aminin pero marami rin pala kaming common interests like the type of music we listen to, books we read, pati na rin ang mga must-see places  before we die. Lalo tuloy tumitindi ang aking paniniwala na we were meant to be... charot!

"Burp!"

Anak ng pating! Nakakahiya ka talaga Kimmy!

"Excuse me. Napadami ata yung inom ko ng strawberry shake." Paumanhin ko sa aking biglang pagdighay.

"Anong ata? Nagulat nga ako sa'yo na di ka pa nasusuka ngayon. Hanggang 2 orders lang ako nung shake, e ikaw? Naka-apat ka! San mo nilalagay ang kinakain mo ha? Bakit buto't balat ka pa rin?" Pambubuska nito.

"Magtigil ka Geraldo, kasi pag nainis ako sa'yo sisiguraduhin kong diretso sa'yo ang trajectory ng suka ko." Ganting-banta ko naman dito.

"Eto naman, di mabiro. Actually, that's one of the things that I like about you. Di ka mapili sa pagkain at kaing-kargador ka pa kaya masarap kang kasabay."

Lord? Tama ba ang narinig ko? 'One of the things he like about me' daw? Kahit bangungutin siguro ako tonight ay masaya na akong yayao dahil sa statement na yun.

Kunsensya #1: Gaga! Binobola ka lang n'yan kumagat ka naman.

Kunsensya #2: Wag! Wag ka muna sanang kunin ni Lord kasi di mo pa natitikman ang first kiss ng prince charming mo no. Waaahhh!

"Oist! Kimmy, bakit tulala ka ata dyan?" Sa sobrang kulit ng mga kunsensya ko ay di ko napansing ilang minuto na rin pala akong nakatunganga sa gwapong mukha ni kurimaw.

"H-ha?! A, e... ganito talaga ako pag nasobrahan ng busog. May scientific explanation yan. Kasi majority ng powers ng brains ng isang taong busog ay nafo-focus sa pagdigest ng pagkain kaya pansinin mo, kapag katapos mong kumain e parang gusto mong matulog or parang tinatamad ka..."

Blah! Blah! Blah! Alam kong kung anu-ano na lang ang lumalabas sa bibig ko pero sadyang naligalig ako sa sobrang pagpapacute ni kurimaw. Lord! Help me. Baka di ko na makayanan ang gabing ito at ako na ang magpakita ng motibo.

Back to my tunganga mode.

"Mukha nga. Parang nag-hang ka na naman e. Tara na nga balik na tayo sa hotel. Mag-a-ala-una na rin pala. Baka ako naman ang hanapin nina Mommy." Yaya nito sa akin.

No! I don't want this night to end. Di ba pwedeng mag-lakad-lakad muna tayo?

"Ha?! O sige, ganito na lang. Balik tayo sa hotel tapos dun na lang tayo maglakad-lakad, okay ba sa'yo yun?" Ang tila nabigla pero natatawang sambit nito.

Kunsensya #1: Congratulations! Isa ka na talagang certified tanga!

Kunsensya #2: Hindi naman sya humindi di ba? Meaning to say interested din syang mag-walkathon muna kayo.

OMG! Did I just blurted that out?! Patay-patay ka na talaga Kimmy!

Sa tindi ng pagkabigla ko sa nagawa kong katangahan ay di na ako nakaimik.

Kung payapa ang byahe papunta sa 50's Diner ay nakakabibingi naman ang katahimikan habang kami ay papabalik sa hotel. Ewan ko ba, parang gusto ko na lang lamunin ng lupa ng mga oras na 'yon. Di ko pa rin ma-gets kung paano ko naatim na sabihin ang sinabi ko kanina. Kadiri Kimmy! Para ka lang nagmamakaawa na samahan ka n'ya. Ewww!

Lord... ano po bang magandang gawin ko ngayon? Please help me po. Should I or shouldn't I? Ayaw ko naman po Kayong i-pressure pero sana po bigyan N'yo naman po ako ng sign...

Makalipas ang 10 years (oh well, 10 minutes lang talaga s'ya pero sa tindi ng tensyon sa kotse ay parang tumanda na ako ng 10 years!) ay natanaw na rin namin ang distinct na structure ng Manor Hotel.

Hindi naman ako binigo ni Lord dahil pagkaliko pa lang namin sa driveway ay narinig ko na ang sign na hinihingi ko.

Pagkahintong-pagkahinto nang van ay dali-dali kong binuksan ang pinto at pakaripas akong tumakbo palayo kay Gerald. Palayo sa aking kabuangan.

"Kimmy! Saan ka pupunta?" Ang pahabol na sigaw ni kurimaw.

Wag kang lilingon Kimmy. Diretso lang ang tingin. Lord naman sana pinagbigyan mo naman ako kahit 10 minutes lang.

Kunsensya #1: Ayan! May pa-sign-sign ka pa kasing nalalaman!

Kunsensya #2: Tumigil ka kunsensya # 1! Give Kimmy a break.

Tama na! Tama na! Kimmy, wala ka namang dapat sisihin kundi ang sarili mo. Sa dinami-dami naman kasi ng sign yun pa ang hiningi mo.

Ang sign: Tumawag kay Gerald ang isa sa mga pesteng girlfriends nya!

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
summer-star
#1
Visiting old fics!
TheArvie99 #2
sana ma-update mo 'tong story mo ... cute sya .... thanks
SimplisticElegance
#3
http://www.asianfanfics.com/story/view/157213/mokona-modoki-shop would you like graphic designs and a review for this story? then please check out my shop *^^*
hunny_kg #4
WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!

at talagang binasa ko siya uli from the top! LOL!

update mo kaya, exciting na eh!

akala ko aabot ako dun sa part ng COLEMAN moment,

hindi mo pa pala nasusulat yun?

para kasing alam ko na

pero iba pa din pala pagka nababasa! WINNER KA!
b1_nipahut #5
@ms mayin

hope u cud update soon..

super bitin !hahahahaha

p.s. love ur vids too of kg!!
zeewee #6
Please update again!
nichtzutune #7
wow nabitin nmn ako rito pls........ ang karugtong lang kung puwede ang ganda ng istorya nito thanks.....
Anderchiuenca #8
Please update soon! Love ur story! Love kimmy's character! Hehe looking forward 4 the following chaps! ^_^
keegee #9
wahaha!!! ang kulelets nmn ng conscience ni kimmy dear..wahaha..super love the SIGN!!she's such a crazy cutie!! haha..Geraldo habulin mo HAPPINESS mo...thanks ate mayin...
enderez #10
naku ge habulin mo at magtapat kana, bago pa syang mag sungit ulit saiyo at pag inaway ka wagnang patulan...para hindi sya lalong magalit...kainin mo ge ang fried checkin mo at magtapat agad ha ha...thanks sa update...update pa pls thanks