Sa May Bintana

Especially For You

A/N: Just a short update. 7 tulog na lang PNK na!

Habang naghahapunan ang buong pamilya, bigla na lamang may binitawang pasabog si Mama.

“Guess what kids?”

“What?” Ang sabay-sabay naming sagot na magkakapatid.

“For your Papa’s birthday we’re all going on a road trip to Ilocos and Baguio kaya free up your schedule next weekend.” Excited na balita nito.

“Ma, sama ba natin sina Ken?” Di na mapakali si John Paul sa kanyang upuan.

“Of course! Nag-usap na kame ni Vangie. Tamang-tama gustong i-break-in ng Tito Randy n’yo yung bago nilang van. Matagal-tagal na rin since we all went out na kumpleto. Lagi na lang may kulang…”

Blah, blah, blah.

Di ko na naintindihan ang ibang sinasabi ni Mama dahil masyado akong nataranta sa salitang ‘kumpleto’.

Susme! Ibig bang sabihin nito ay kailangan ko na namang ihanda ang sarili ko emotionally, mentally at psychologically? Pagkatapos kasi ng black eye incident ni Ge almost a month ago e bumalik na naman kami sa todo iwas mode namin. We managed to stay out of each other’s space sa pamamagitan ng di pagsama sa mga lakad pampamilya. Pag alam kong sasama s’ya kina Tita Vangie ay mabilis pa sa alam kuwatro akong gumagawa ng excuse at nakakaalarma mang isipin ay parang wala akong lusot this time dahil imposed na ng nanay ko ang attendance naming lahat.

Wala na akong nagawa kundi ipagdasal na lang ang weekend na ‘yun.

NIGHT BEFORE PAPA’S BIRTHDAY

“Kimmy! Aba anak, bilis na. Nakakahiya kina Tita mo.” Sigaw ni Mama.

Teka lang Mama! Sigaw ng isip ko. Di mo ba alam na nanginginig na ako sa kaba ngayon?

Bakit ka ba natataranta Kimmy? Sita ko sa sarili ko habang nakaharap sa salamin.

Inhale. Exhale. Inhale. Exhale. Inhale. Exhale. Game!
Pagpasok ko sa van ay nagpalakpakan ang lahat.

“Sa wakas! Bumaba na rin ang prinsesa.” Sarkastikong hirit ni kurimaw na noon ay komportableng nakaupo sa sulok ng 2nd row ng van. To make more space para sa mga gamit, pinaikot nila ang mga upuan sa 2nd row para ito ay nahaharap sa 3rd row.

“Gago!” Pabulong kong nasambit.

“Kimmy, did you just say a bad word?” Sita ni Mama.

“Wala po, sabi ko ang sakit ng ulo ko.” Palusot ko.

Dahil ako ang huling bumaba ay wala na akong masyadong option sa upuan. Gustuhin ko mang umupo sa pinakadulo ng van e na-occupy na yun nina John Paul, Ken, Ate Twinkle at Ate Princess. Samantalang sa 3rd row naman ay kampanteng nakaupo sina Mama at Tita Vangie at nagsimula nang kumuha ulit ng tulog sina Ate Lakam at Kuya William dahil nga nag-night trip kami para iwas trapik at init ng araw. That left me with 3 choices, katabi ni Ge sa 2nd row, katabi nina Mama sa 3rd row o katabi nina Ate Lakam sa 4th row. The choice was obvious. Kahit na medyo maliit ang leg room ay pinilit kong isiksik ang sarili ko sa 4th row. Mas malayo kay Gerald, mas maganda.

“Kimmy, bakit di ka na lang umupo sa tabi ni Gerald.” Painosenteng tanong ng nanay ko.

“Nahihilo po ako pag pabaligtad ang upuan.” Dinahilan ko.

“Kimmy sana tumabi ka na lang dito sa amin ng Mama mo, may space pa o.” Hirit naman ni Tita Vangie.

“Ay, okay lang po ako dito. Namiss ko kasi itong si Kuya William kaya gusto ko pong maka-boonding s’ya this weekend.” Palusot kong muli.

Mabuti na lang at si Kuya William ay inaantok na sa tabi ko kaya di na ito naka-react sa sagot ko.

Nakakainis! Bakit ba nila akong parating kinakastigo? Pagtingin ko sa aking harapan ay muntik na akong malaglag sa upuan ko dahil mukha na naman ni Ge ang tumambad sa akin. Hindi nga ako umupo sa 3rd row pero s’ya rin naman ang katapat ko.Teka, e kanina nasa likod sya ng driver’s seat nakapwesto a. Bakit ba s’ya lumipat pa?

This will definitely be one hell of a ride.

Kahit anong pwesto ko sa pagkakaupo ay di pa rin ako makakuha ng antok. A while ago ay sinilip ko ang aking cellphone and it said na mag-aalas dos na ng madaling araw. Meaning, apat na oras na akong alumpihit sa kinauupuan ko. Sumasakit na ang ulo at batok ko sa kakayuko at kakapikit para lang di ma-tempt titigan ang mukha ni kurimaw.

Hay naku! I’m giving up! I bet ako na lang naman ang gising (syempre pwera kina Tito Randy at Papa na busy na nag-uusap sa harapan).

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at ipinatong sa headrest ang aking ulo. Haay! Ang sarap dumiretso ng upo…

For the first few minutes, I tried to figure out kung nasaan na kami sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga signs na nadadaanan. Nasa bandang Pangasinan na pala kami.

I was busy “sight seeing” sa kadiliman ng mapansin ko na tuwing may dumadaan na sasakyan ay nagrereflect sa salamin ng van ang mukha ni kurimaw. At taliwas sa iniisip ko na ako na lang ang gising ay kitang kita kong dilat na dilat pa rin ito.

Isa pang kotse ang dumaan.

Haay! Ang cute nya pala pag madaling araw na...

Kimmy! Ano ba? Bakit ka naglalandi dyan sa kurimaw na ’yan?

Dahil alanganin na ang oras ay di na masyadong marami ang nasasalubong naming sasakyan sa daan kaya bawat pares ng headlights na natatanaw ko pa lang na parating ay pinanabikan ko dahil ang bawat kasalubong na kotse, trak o bus ay katumbas ng isang nakaw na tingin kay Gerald.

Sa unang tatlumpung minuto ay pinagsawa ko ang sarili ko sa pag-memorize ng buong mukha nito. Light brown pala ang kulay ng mga mata nito dahil sa tuwing tatamaan ito ng sinag ng headlights ay lumalabas talaga ang pagka-Kano nito. Very manly rin ang matangos nitong ilong. At ang lips nito kahit di naglilipgloss ay sadyang pinkish. Sa isip-isip ko, kung naging babae si Gerald siguradong papasa itong candidate sa beauty pageants. Sadyang hyper ata ang aking imagination that night dahil ang linaw ng naging imahe ng isang pretty, prim and proper version ni Gerald na mahinhing kumakaway habang nakasuot ng long gown. Di ko napigilang mapahagikgik sa ideyang iyon.

Maluha-luha na ako sa kakapigil na mapahalakhak ng tuluyan nang may biglang sumitsit sa akin.

Saglit akong nakiramdam, tulog naman ang lahat pwera ako at si kurimaw. Ibig bang sabihin narinig n’ya ako?

Pagdaan ng isa pang bus ay mabilisan akong tumingin sa kanya at ang susunod na pangyayari ay di ko inaasahan. Kumindat s’ya sabay ngiti na parang nagpapa-cute...

Ang tanga-tanga ko! Bakit ba di ko na naisip na kung nagrereflect ang image nya sa side ko e di malamang ganun din ako sa vantage point n’ya.

Nalintikan na.

Teka, kung magiging defensive ako sa actions ko kanina e baka ma-obvious na may malisya ang pagsulyap-sulyap ko kanina. Kaya kapalan na ng mukha. Pagdaan ng sunod na sasakyan ay tiningnan ko ang reflection n’ya sa salamin nang nakataas ang isang kilay. Anong feeling n’ya? May crush ako sa kanya?!

Kung kanina ay pa-cute ang ngiti nito ang sunod naman ay nakakaloko.

Kung di gumana ang kaliwang kilay, sinubukan ko naman ang kanan.

Kindat na naman ang ginanti sa akin.

Ang mokong! Nakikipag-flirt! Kala n’ya s’ya lang ang marunong nun ha.

Sinigurado kong nang pasalubong kami ng isa pang kotse ay nakapaskil sa aking mukha ang aking pinakamalambing na ngiti.

Ano? Natulala ka no? Ang ganda ko kaya. Sige lang Kimmy, keep it up. Don’t give him the upper hand sa tagisan na ito pep talk ko sa sarili ko.

Tila naman tinatablan na si kurimaw ng aking charms dahil makalipas ang mahigit isang oras na pagpapacute sa bintana ng sasakyan ay parang di na ito nakikipagkumpetensiya.

Sa isa pang pagsulyap ko sa reflection n’ya sa salamin ay tila ba nag-iisip ito ng malalim habang tinitingnan ako.

Taas ulit ako ng kaliwang kilay. Ano kayang iniisip nito? Siguro winiwish nito na sana kasama ang isa sa kanyang apat na girlfriends. Di kaya may kamukha naman akong isa dun? Kasi si Nina kaboses ko daw sa phone. Si Shy naman daw ang ka-birthday ko. Sino naman kaya kina Sam o Paula ang kamukha ko?

Ouch naman! Parang nilamukos na papel ang mukha ko nang mag-register sa utak ko ang isiping iyon. Bakit ba may slight na kurot sa heart akong nararamdaman? Eto ba ang tinatawag nilang selos? All of a sudden ay nawalan na ako ng gana na makipagtitigan kay kurimaw sa bintana. Teka, one last glimpse.

Bakit nakataas ang kilay n’ya? Na-sense kaya n’yang medyo na-tense ako?

I just looked away after that. Kung kanina ay hinahanap-hanap ko ang reflection n’ya sa salamin ngayon naman ay todo iwas akong magtama ang aming mga paningin. Sino ba naman ako para isipin na kahit slightly ay attracted din s’ya sa akin? Dream on Kimmy…

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
summer-star
#1
Visiting old fics!
TheArvie99 #2
sana ma-update mo 'tong story mo ... cute sya .... thanks
SimplisticElegance
#3
http://www.asianfanfics.com/story/view/157213/mokona-modoki-shop would you like graphic designs and a review for this story? then please check out my shop *^^*
hunny_kg #4
WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!

at talagang binasa ko siya uli from the top! LOL!

update mo kaya, exciting na eh!

akala ko aabot ako dun sa part ng COLEMAN moment,

hindi mo pa pala nasusulat yun?

para kasing alam ko na

pero iba pa din pala pagka nababasa! WINNER KA!
b1_nipahut #5
@ms mayin

hope u cud update soon..

super bitin !hahahahaha

p.s. love ur vids too of kg!!
zeewee #6
Please update again!
nichtzutune #7
wow nabitin nmn ako rito pls........ ang karugtong lang kung puwede ang ganda ng istorya nito thanks.....
Anderchiuenca #8
Please update soon! Love ur story! Love kimmy's character! Hehe looking forward 4 the following chaps! ^_^
keegee #9
wahaha!!! ang kulelets nmn ng conscience ni kimmy dear..wahaha..super love the SIGN!!she's such a crazy cutie!! haha..Geraldo habulin mo HAPPINESS mo...thanks ate mayin...
enderez #10
naku ge habulin mo at magtapat kana, bago pa syang mag sungit ulit saiyo at pag inaway ka wagnang patulan...para hindi sya lalong magalit...kainin mo ge ang fried checkin mo at magtapat agad ha ha...thanks sa update...update pa pls thanks