Escapade

Especially For You

A/N: Sorry for the very late update. Glad Winglin is okay now. Can't wait to watch PNK... 12 days to go!

Happy reading everyone!

CHAPTER 6: ESCAPADE

Dalawang buwan na ang lumipas since pumunta kami ng Pangasinan pero hanggang ngayon ay kinukurti ko pa rin ang utak ko kung bakit yun ang sagot ni Gerald sa 10th question ko.

Bakit kaya gusto n’ya akong samahang mag-drive sa EDSA? Di kaya pinapasakay lang ako ng mokong na ‘yun?

Hay naku Kimmy! Tigilan mo na ang kakaisip mo sa kurimaw na yun tutal naman halos dalawang buwan na rin kayong walang imikan.

Ewan ko ba kung bakit. Pero winiwish ko na sana di na lang ako pumayag sa truce na iyon. Una, nagulo lang ng usapan naming iyon sa sasakyan ang aking tahimik na pamumuhay at pangalawa, simula ng makarating kami ng Pangasinan ay tila pareho na kaming umatras sa giyera.

Hindi na kami nag-aaway.

Yun e dahil hindi na rin kami nagkikita.

Kung dati ay parang anino s’ya nina Tita Vangie at Tito Randy tuwing pumupunta ang mga ito sa bahay namin, ngayon naman ay parang iwas ito ng iwas sa akin. Hindi na rin s’ya nagpaparamdam sa akin kahit sa phone o text man lang. Dati-rati, mahina ang tatlong text sa isang araw. Yun nga lang puro pang-aasar naman.

Nakakamiss rin pala pag walang nag-iinis sa akin. Parang sobrang bland na ng mga araw ko...

Napabalikwas ako sa aking tahimik na pagmumuni ng makarinig ako ng sunod-sunod na katok sa pinto.

“Kimmy! Kimmy!” Sige ang tawag ni Ate Tata sa aking pangalan habang sige rin ang katok sa pinto.

Agad akong napatayo mula sa aking kama at binuksan ang pintuan.

“Ate Ta, may sunog po ba sa labas? Bakit kung makakatok ka e ganun-ganun na lang?” Tanong ko dito.

“Andyan sina Tita Vangie mo sa baba.” Paliwanag nito.

“So? E lagi namang andito sina Tita Vangie di ba?” Pangangatwiran ko.

Napatingin ako sa oras. Ala-una ng madaling araw. Madalas naman talaga sa bahay namin ang mag-asawang Anderson. Paminsan kahit dis-oras naman ng gabi ay pumupunta ang mga ito para lang makipagkwentuhan o kung may idadaan sa mga magulang ko.

“Umiiyak ang Tita Vangie mo. Parang may emergency e.”

“Po?!” Biglang tumayo ang balahibo sa likod ng batok ko. Para akong biglang kinutuban ng masama. May nangyari kaya kay Gerald?

Dali-dali akong tumakbo pababa. Sinundan ko ang mga boses na parang nasa bandang kusina. Pagsilip ko ay nakita ko si Tita Vangie na sige ang kakapunas ng tissue sa namumugto nang mga mata. Habang pahikbing nagkukuwento kay Mama.

“Mards, hindi ko talaga napigil ang sarili ko kanina. Parang ang sama kong ina sa ginawa ko pero sumosobra na talaga ang batang ‘yun.” Pagbubukas nito.

“Mare, eto magkape ka muna. Baka atakihin ka ng highblood mo n’yan. Hayaan mo na si Gerald, binata na ang anak mo. Alam na n’ya ang tama sa mali.” Pang-aalo ng nanay ko.

“Ang pare mo kasi kinukunsinti ang kalokohan ng batang ‘yun. Napasama pa ata nung binilhan namin ng bagong kotse.” Sige pa rin ang hikbing kwento ni Tita Vangie.

Ano bang nangyari? Naaksidente ba si Gerald o nakabuntis?

Di ko maipaliwanag ang aking nararamdaman nung mga panahong iyon. Para akong maiiyak na di ko maintindihan.

Dahan-dahan akong naglakad palayo sa kusina para muling umakyat sa kwarto ko. Nang nasa may hagdan na ako ay napansin ko namang nag-uusap sa may verandah sina Papa at Tito Randy.

Oo, usisera na kung usisera pero kailangan kong malaman kung ano ba itong kaguluhan na ito na sangkot si kurimaw.

“You know what William, I fully understand Gerald. I was like him when I was about his age. And it doesn’t help that my son is such a good looking kid that’s why women are throwing themselves at him.”

“I agree Randy. You just need to explain that to Vangie.”

“I’ve tried for several times already but Vangie still treats Ge like he’s five.”

So out na ang idea na naaksidente si Gerald kasi kung umiiyak si Tita Vangie, heto naman si Tito Randy at parang tuwang-tuwa pa sa kalokohang may kinalaman sa babae na ginawa ng junior n’ya.

A ewan! Kung anuman itong heavy feeling na nararamdaman ko, napagdesisyunan kong itulog na lang.

Dahan-dahan akong umakyat sa hagdan papunta sa aking kwarto. Kinuha ko ang aking body pillow na nahulog sa kama sa pagmamadali ko kanina. Habang hinahatak ko ang comforter para magtalukbong ay may narinig akong sumisitsit.

Buong buhay ko ay sa bahay na ito na ako lumaki pero sa pagkakaalam ko ay wala namang multo dito. Guni-guni ko lang siguro iyon.

“Pssst…”

Ano ba?!

Tinanggal ko ang pagkakatalukbong ng aking comforter at unti-unting sumilip sa pinanggagalingan ng sitsit sa may terrace ng kwarto ko.

Pero para iwas takot na rin ay nilakasan ko ng konti ang volume ng radyo ko.

Maya-maya pa ay meron akong nakitang anino. At kumakaway pa ito. Makalipas ang ilang segundo ay parang nagtago ito.

Sa aming limang magkakapatid, ako ang pinakamatapang. Kaya walang pagdadalawang isip akong tumayo mula sa aking higaan at binuksan ang sliding door ng verandah. Kahit na medyo madilim ay nakita kong nakaupo sa may coffee table ang aninong kumakaway sa akin kanina.

Walang iba kundi ang dahilan ng biglang pagsugod nina Tita Vangie dito sa bahay.

“Aba, matapang ka pala.” Bati nito.

“At bakit? Feeling mo takot ako sa multo?” Pagtataray ko.

Wow! Masarap pala talagang makipag-away.

“Eto naman, di na mabiro.”

“At bakit andito ka? Paano ka nakaakyat dito? Wag mong sabihing may agimat ka ni Tiyagong Akyat?”

“Di ako naniniwala sa agimat no. Pumuslit lang ako dito nung pumunta sina Mommy sa kusina. Iniwan kasi nila ako sa sala.” Paliwanag nito.

“Ano na naman bang kalokohan ang ginawa mo at iyak ng iyak si Tita?”

“Gusto mo ba talagang malaman?” Tanong nito na parang nangingiti.

“Ay hindi! Kaya ko nga tinatanong kasi ayaw kong malaman!” Ang pilosopo kong sagot dito.

“Wow! I miss this…”

“Alin?”

“Yang pagtataray mo.”

“Sige, manggago ka pa… isusumbong kita kay Tita. Sasabihin ko nagtatago ka dito sa kwarto ko.”

“E di sabihin mo. Sasabihin ko pinaakyat mo ako dito kasi gusto mo akong masolo.” Sabay kindat ng nakakaloko.

“Aba’t! Gago ka talaga no.” Di ko napigilan ang sarili kong lapitan ito at hampasin sa noo.

“Yan ang gusto ko sa’yo e palaban ka.” Natatawa nitong sabi.

“Huwag mong painitin ang ulo ko Geraldo.” Banta ko dito.

“Ang cute mo talaga pag nagtataray ka…” Hirit pa nito habang pinipisil ang ilong ko.

“Isa pa!” Kala n’ya s’ya lang ha. Pinisil ko rin ang ilong nito. Pero sinigurado kong mas masakit ang pagkakahawak ko dito.

Di ko nabasa ang next move nito. Dahil bigla na lang sinundot ni kurimaw ang kili-kili ko.

“Ayyyy!”

“Ano? Lalaban ka pa? Sakit nun ha…” Sapo nito ang matangos na ilong.

“May tissue ka ba?” Tanong nito, hawak pa rin ang ilong.

“Wala!” Paangil kong sagot dito.

“Sige na Kimmy please, tingnan mo o, pinadugo mo ang perfect kong ilong.” Ang paawang sumamo nito.

“Sinong may kasalanan?! Ikaw...” Napahinto ako sa pagsasalita nang masilayan ko sa liwanag ang mukha ni Gerald. Maliban sa ilong n’yang dumudugo ay kapansin-pansin din ang black eye sa kanang mata nito.

“A-anong nangyari sa’yo?” Para akong mawawalan ng hininga sa pagkabigla.Dali-dali naman akong tumakbo papuntang CR at kumuha ng isang buong roll ng tissue.

“Pinisa mo yung ilong ko kaya dumugo.” Sagot nitong tila natatawa pa habang sinusuksukan ng binilog na tissue ang ilong.

“Umupo ka nga! Tumingala ka kasi para tumigil na ang pagtulo ng dugo.” Utos ko dito.

“Opo Ms. Sungit.” Agad naman itong sumunod sa instruction ko at naupo sa isa sa mga bangkong katerno ng aking coffeetable.

Tahimik ko lang s’yang pinagmasdan habang sige naman ang pagpapalit nito ng tissue na nakapasak sa ilong.

In fairness, kahit na mukha itong latang napitpit dahil sa black eye at injured na ilong e cute pa rin naman ito.

Nang mapagsawa ko na ang aking mga mata sa mukha nito ay tinuloy ko na ang aking imbestigasyon.

“So… saan mo nga ulit nakuha ‘yang black eye mo?”

“Kay Mommy.” Ang maikling sagot nito.

“Kay Tita Vangie?!” Ang di makapaniwalang bulalas ko sa kanya.

“Lakas no?” Pagkukumpirma nito.

“Ha? Alam mo di kita ma-gets. At bakit ka naman susuntukin ng nanay mo?”

“Mahabang istorya.”

“Ikuwento mo na. Mukhang matatagalan pa rin naman sina Mama mag-usap.” Pilit ko dito.

“Sige, ikukuwento ko, pero sa isang kondisyon.” Nakangiting sagot nito.

“At may kondisyon ka pang nalalaman ha...”

“Ayaw mo? Sige wag na lang. Di na ako magse-share.” Pang-aasar ulit nito.

My curiosity got the better of me.

“Sige na, anong kondisyon ba ‘yan?”

“Pwede pahiga sa kama mo habang nagkukuwento ako? Medyo masakit kasi ulo ko e.”

“Not in a million years Geraldo.”

“E di hindi na lang ako magkukuwento.” Hirit ulit nito.

Ano ba Kimberly! Bakit ba nagpapauto ka sa mokong na ‘yan? Saway ng aking konsensiya.

Pumayag ka na kasi girl, curious ka naman talaga sa hilaw na Amerikano na ‘yan. Gatong naman ng isa ko pang konsensiya.

Matapos ang ilang segundo ng internal debate ng aking mga konsensiya ay nakarating ako sa isang desisyon.

“Sige na nga. Pero wag na wag mong tutuluan ng dugo ang linens ko ha.” Warning ko dito.

Dali-dali naman itong pumasok sa aking silid at pabagsak sa kamang inihiga ang kanyang katawan.

“Ano? Magpapakwento ka ba o d’yan ka na lang sa labas?” Asar nito.

Kimmy, umigi ka. Wag kang papadala sa tukso ng kurimaw na ‘yan.

Matapos kong huminga ng malalim ay naglakad na rin ako papasok sa kwarto ko. Hinatak ko ang office chair sa harap ng computer desk at pasalampak na umupo dito.

“Game! Kwento ka na...” Ang sabi ko kay kurimaw.

“Okay. Once upon a time, there was a handsome prince named Gerald...” Bungad nito.

Sa sobrang inis ko sa panloloko nito ay walang wari-wari kong hinablot ang aking hairbrush at binato sa kanya ng bonggang-bongga.

“Aray naman! Cool lang Kimmy.”

“Siraulo ka talaga ano? Wala akong panahong makinig sa fairytales mo no.”

“Paano ako magkukuwento kung sinasaktan mo ako?” Drama pa nito.

Pagkasabi ni Gerald niyon ay tama namang nahawakan ko ang hair dryer.

“Isa! Pag di ka pa magtino ng sagot tatamaan ka nito.” Banta ko habang naka-amba ang hair dryer sa aking kaliwang kamay.

“Anong version ba nung story ang gusto mong malaman? Yung short o long?”

“Yung short na lang, baka makatulog kasi ako sa boredom pag yung mahabang version pa ang ikwento mo.” Pagtataray kong muli.

“Short version it is. Birthday kasi ni Jake, nagkayayaan ang barkada sa Fiama. Inom lang ng konti. Ang kaso nagkabiruan napunta kami sa Red Light district ng Makati. Pumasok kami dun sa isang club. Alam mo ba yun?”

“Ang alin?”

“Ang club.”

“Yun ba yung may mga babaeng sumasayaw?” Tanong ko dito.

“Tumpak!”

“So? Di pa rin nun nae-explain ang black eye mo.”

“Masyado ka kasing atat, patapusin mo muna kasi story ko.” Sita ni kurimaw.

“Okay, okay! My lips are zipped!”

“So yun, pagpasok ko sa loob kinuha nung bouncer ang cellpohone ko. Bawal daw kasi yun sa loob. Yung una plano namin nina Jake sisilip lang kami. Pero nag-table si mokong.” Pagpapatuloy nito sa pagkukuwento.

“E ikaw?” Tanong ko.

“Anong ako?”

“Nag-table ka rin?”

“E kung sabihin kong oo, magagalit ka?”

“At bakit naman ako magagalit?! Feeling ka ha. FYI lang Gerald Anderson, wala akong pakialam sa’yo no!”

Kapal talaga ng mukha ng kurimaw na ito!

”Sabi ko nga e.” Pabulong na sinabi nito.

“So ano nang nangyari. Ang tagal naman nung black eye part.” Angal ko.

“Andami mo kasing commercial break e.” Biro nito.

“Wag mo akong bwisitin Geraldo. Alam mo bang nahahati ang katawan ko pag alas dos na?” Pananakot ko dito.

Sensing my impatience, pinagpatuloy na ni kurimaw ang kanyang story.

“Di naman ako nag-table. Wala akong dalang pera e. Pero nakichika na rin ako dun sa tinable ni Jake na bebot. Di ko tuloy napansin yung oras na mag-aalas onse na pala. E ang paalam ko kina Mommy hanggang ten lang ako. Ayun, tuspok ako.”

“Alam mo ang gulo ng kwento mo. So saan ba talaga nanggaling ‘yang black eye na yan?”

“Kay Mommy nga!”

“Huh?!” Sa sobrang lito ay kunot-noo pa rin akong humarap sa kanya.

“Di ba nga may curfew ako na ten? Dahil naiwan sa bouncer ang cellpohone ko at di ko nasagot ang tawag nina Daddy ay nagworry si Mommy sa akin at trinacker ako. Ako namang si tanga, walang kamalay-malay na natunton na pala nila ako at on the way na sila sa Makati para sunduin ako.”

“Buti alam mong tanga ka.” Bulong ko sa sarili ko.

“Anong sabi mo?”

“Wala! I-fast-track mo na kasi sa black eye moment. Inaantok na ako e.” Naiinis na sagot ko dito.

“Pinaglihi ka ba kay Bella Flores? Bakit ba ang sungit mo sa akin?” Tanong muli nito.

“Wag mong iniiba ang usapan. Diretso mo na kasi ang kwento.” Bara ko ulit dito.

“So ‘yun, nung nagpunta sina mommy sa may bar, sakto namang palabas kami nina Jake.”

“Dahil lang dun nasuntok ka na ni Tita Vangie?” Ang gulat kong tanong.

Saglit na natahimik si kurimaw at napakamot sa ulo. Hmmm... I smell something fishy.

“Kasi yung chick na tinable ni Jake, nagwapuhan ata sa akin bigla akong hinalikan. Nung nakita ni Mommy, ayun, hinatak yung buhok ng girl palayo sa akin tapos nag-eskandalo na dun. Tapos akala ko tapos na, bago ba naman sumakay sa kotse e humarap sa akin at inumbagan ako thus this black eye.” Mahaba nitong paliwanag.

Wala akong nasabi pagkatapos ng pag-amin n’yang iyon.

Ouch! Nagpahalik s’ya sa pokpok?

“Uyyy! Kimmy, okay ka lang?” Ang nagtatakang tawag nito sa akin.

“H-ha? Syempre naman. Bakit naman ako di magiging okay. Medyo na-shock lang ako kasi di ko akalain na ganun ka na pala kadesperado at pati pokpok pinapatos mo.”

“Hoy, hindi ako ganun ha!” Defensive nitong sagot sabay tayo at akmang lalapit sa akin.

“Oppps! Wag kang lalapit!”

“Bakit? Aanuhin ba kita?” Ang nanunukso nitong tanong habang hinahakbang ang maliit na distansya papunta sa kinauupuan ko.

Di ko inasahan ang sunod nitong ginawa dahil bigla itong lumuhod sa harap ko at inabot ang kaliwa kong kamay na noon ay busy sa pagkurot sa tuhod ko. Isa sa aking mannerisms kapag natetense ako.

“Yuck! Wag mo akong hawakan. Kadiri ka!” May bahid ng galit ang binitiwan kong mga salita.

Pero mas mahigpit ang hawak n’ya kesa sa pagpupumiglas ko.

“S-sorry.” Mahinang sambit nito.

“Anong sabi mo?!”

“Sorry.”

“Huh? Bakit ka nagso-sorry sa akin? Dapat kay Tita Vangie ka mag-sorry.”

“Wala lang. Feeling ko kasi may kasalanan ako sa iyo e.” Paliwanag nito.

“Para kang sira! Wala ka namang atraso sa akin e.” Sabay kutos ko sa ulo nito.

“Aray naman! Syet Kimmy, I never thought I’d say this pero sa totoo lang namiss ko yung pambubugbog mo sa akin.”

Ano na naman bang drama ito Lord? Ngayon nga lang kami nag-usap after two long months tapos may ganito pang eksena.

“Asus! Namimiss daw. Sino kayang di nagpapakita dito?”

Yikes! Bakit ba ako umaasta na parang syotang nagtatampo? Wake up Kimmy!

“Namiss mo rin ako no?” Malambing na tanong nito.

“Hello! Ikaw mami-miss ko?! Kelan pa na-miss ng pusa ang daga? Ang saya-saya ko nga nitong mga nakaraang araw kasi walang peste sa buhay ko. Ang sarap talaga pag tahimik ang pamumuhay.”

Buti na lang di ako si Pinnochio kundi abot hanggang kusina na siguro ang ilong ko.

“Ganun ba?” Ang tila nalulungkot na tanong nito. Mula sa pagkakaluhod sa harap ko ay dahan-dahan itong tumayo at pumunta sa may pinto ng kwarto.

“Pasensya na sa abala ha. Baba na ako. Nyt!”

Wait! Sigaw ng utak ko. Pero para namang tuod na napako sa pagkakaupo ang katawan ko. Wala na akong nasabi. Wala na rin akong nagawa kundi ang sundan ng tingin ang lulugo-lugong likod ni kurimaw habang papalabas ito ng aking silid. Pagkasaradong-pagkasarado ng pinto ay agad akong tumalon sa aking kama at isinubsob ang aking mukha sa unang kanina lang ay sinasandalan n’ya.

Hmmm.. amoy Gerald pa.

Tingin ko pinagkakatuwaan talaga ako ng pagkakataon dahil wala pang isang minuto ay bigla na lang pumailanlang sa ere ang makabagbag damdaming kanta ni Aiza Seguerra.

Nais kong malaman niya
Nagmamahal ako
'Yan lang ang nag-iisang
Pangarap ko
Gusto ko mang sabihin
'Di ko kayang simulan
'Pag nagkita kayo
Pakisabi na lang

Pakisabi na lang
Na mahal ko siya
'Di na baleng
May mahal siyang iba
Pakisabi wag siyang mag-alala
'Di ako umaasa
Alam kong ito'y malabo
'Di ko na mababago
Gano'n pa man
Pakisabi na lang

Di ko namalayan, umiiyak na pala ako.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
summer-star
#1
Visiting old fics!
TheArvie99 #2
sana ma-update mo 'tong story mo ... cute sya .... thanks
SimplisticElegance
#3
http://www.asianfanfics.com/story/view/157213/mokona-modoki-shop would you like graphic designs and a review for this story? then please check out my shop *^^*
hunny_kg #4
WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!

at talagang binasa ko siya uli from the top! LOL!

update mo kaya, exciting na eh!

akala ko aabot ako dun sa part ng COLEMAN moment,

hindi mo pa pala nasusulat yun?

para kasing alam ko na

pero iba pa din pala pagka nababasa! WINNER KA!
b1_nipahut #5
@ms mayin

hope u cud update soon..

super bitin !hahahahaha

p.s. love ur vids too of kg!!
zeewee #6
Please update again!
nichtzutune #7
wow nabitin nmn ako rito pls........ ang karugtong lang kung puwede ang ganda ng istorya nito thanks.....
Anderchiuenca #8
Please update soon! Love ur story! Love kimmy's character! Hehe looking forward 4 the following chaps! ^_^
keegee #9
wahaha!!! ang kulelets nmn ng conscience ni kimmy dear..wahaha..super love the SIGN!!she's such a crazy cutie!! haha..Geraldo habulin mo HAPPINESS mo...thanks ate mayin...
enderez #10
naku ge habulin mo at magtapat kana, bago pa syang mag sungit ulit saiyo at pag inaway ka wagnang patulan...para hindi sya lalong magalit...kainin mo ge ang fried checkin mo at magtapat agad ha ha...thanks sa update...update pa pls thanks