Ika-siyam na Piyesa

Lagom.: SaKaLa
Please Subscribe to read the full chapter


 

“Here oh.” Napatingin ako sa isang blue bill na iniabot sa’kin ni Allison.

 

“Para saan?”

 

“I’m going out again today, Love. Your car is at the talyer pa, we have no food here, plus you’re going to get an ATM card today right?” Tumango lang ako sa sunod-sunod na litanya n’ya.

 

“I withdrew some money yesterday since my account is okay na, so that’s your baon for today.” Baon?

 

“Ha?”

 

“I’ll be going na, Love. Or do you want me to drop you off sa bank?” Halos ilang minuto akong nakatitig lang sa kan’ya at sa perang hawak ko.

 

Pinaprocess pa ng utak ko na binigyan n’ya ako ng baon.

 

Si Allison.

 

Binigyan ako ng baon.

 

“Love?”

 

“Po?” Dun lang ako napakurap at tumango sa kan’ya.

 

“Get your files na, I’ll drop you off sa bank.” Ha—Oo nga pala!

 

Dali-dali lang akong nagsuot ng sapatos at kinuha ang ilang papeles na baka hingin sa’kin.

 

“You really love those black sneakers of yours, huh?” Napatingin ako sa suot kong sapatos.

 

“Siguro.” Natawa na lang ako at sumunod sa kan’ya. Isinara n’ya ang pinto ng unit at magkasabay kaming sumakay ng elevator.

 

Tahimik lang kami sa loob pero komportable lang, humawak s’ya sa braso ko nung may ibang mga tenants na sumakay.

 

Medyo hindi pa rin ako makapaniwala na si Allison pa talaga ang nagbigay sa’kin ng baon kahit pa ako naman ‘yung may trabaho sa’ming dalawa. Pero kaka-resign ko lang din pala, next week pa daw start ko dun sa isang work.

 

Last week kasi natanggap ko na ‘yung job description na hinihintay ko after ng interview sa’kin, at napag-usapan na rin ‘yung sahod. And I can say na okay naman s’ya.

 

Hindi nga lang din ganun kalapit ang location. Sa Cavite kasi located ‘yung corporation, pero hybrid work naman daw gagawin ko, minsan nasa site, pero baka mas madalas daw na stay-at-home.

 

Hindi s’ya masyadong kapareho nung job ko last time pero it’s a new experience, tapos mas malaki rin sahod kahit pa Junior Civil Engineer ang job title.

 

Pigil na pigil ako sa pagngiti nung narealize ko na baka pwede ko na rin i-spoil si Allison kahit papaano kasi mas malaki na sahod ko compared dun sa sahod ko last time. Hindi ko alam kung swerte lang ba ako at sakto na hiring sila for that position tapos halos triple ang laki ng sahod kesa dun sa huli kong work.

 

“Why are you smiling d’yan?” Napalingon ako kay Allison nung tinanong n’ya ako habang naglalakad kami papunta sa sasakyan n’ya.

 

“Mag-start na po kasi ako sa work ko next week.” Sagot ko habang sinusuot ang seatbelt.

 

“That’s nice then! I’m proud of you, baby ko.”

 

Hindi ko na pinigil ang ngiti ko at hinarap s’ya.

 

“Thank you.” Nginitian n’ya ako pabalik at nagsimula na magmaneho.

 

Sana lang okay na ‘yung Civic next week. Ayaw ko na mag-commute, nakakatakot na. Nakakahiya naman magpahatid kay Allison, ang layo ng Cavite.

 

“Cavite, right?”

 

“Po?”

 

“Your next work is sa Cavite?” Tumango ako sa tanong n’ya.

 

“Yes po.”

 

“Puntahan ko na rin pala mamaya ‘yung sasakyan pagkatapos ko sa bank, Love. Check ko kung okay na.” Dagdag ko.

 

“Okay then, should I give you the key card na? The replacement for yours might take at least a week daw but I’m coordinating with them naman na if they can issue it a bit earlier.”

 

“Wait na lang kaya kita?”

 

“Where? Sa Lobby?” Dinig ko ang mahinang tawa ni Allison.

 

“Siguro?”

 

“If you say so, get my iPad na lang from my bag so you won’t be bored there later. I only have one class lang naman today so I’ll be back din agad.” Tumango lang ako pero bago ko kunin ‘yung iPad n’ya napatigil pa ako at hinarap s’ya.<

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
zeroris
HELLO HELLO OMG, SaKaLa is community promoted, thank u all !!! 🥹🫶 i appreciate y'all especially ur feedbacks, thanks for loving allison and alistaire ✨️ — @yeojaszero on twt ! feel free to interact with me ! >.<

Comments

You must be logged in to comment
whtvrlisa #1
rereading this kasi miss ko na sila allison and alistaire 😞
elashai
#2
miss u
elashai
#3
I miss you
colderme
#4
Chapter 11: I really love this story🥺
colderme
#5
Chapter 10: 🫶
kwinterrr_
#6
Chapter 11: ❤️
justsomeanimelover
#7
Chapter 11: 😣😣😣😣
justsomeanimelover
#8
Chapter 10: Pucha talaga matutulog na naman akong inggit hayopt
TYTFshipper
268 streak #9
Chapter 11: Pag naiisip ko yung part na yon ng relationship nila, masakit. Lol parehas kasi sila nasaktan eh. Pero past is past nga. They even did well kasi everything they do now is communicating to each other which is very important talaga 🤧 hayyy okay po otor naol ritual nalang po sa gedli lol see you next chap!
cutesywk
#10
Chapter 11: ♥️♥️♥️