Ikapitong Piyesa

Lagom.: SaKaLa
Please Subscribe to read the full chapter

 

“Are you sure about this, Love?” Tumango lang ako sa tanong ni Allison.

 

“You know I can drop you off naman sa site mo? I don’t have any schedule today naman.” Ngumiti lang ako at umiling.

 

“Okay lang, nagbabyahe na rin naman ako dati.”

 

“Okay, if you say so, just message me hm?”

 

Nasa talyer kasi ‘yung kotse na ginagamit ko, hindi mag-start kanina pa at ipina-tow na ni Allison sa pinakamalapit na pagawaan. Sabi n’ya pwede ko naman daw gamitin ang sasakyan n’ya or kumuha kami ng iba sa garage ng Daddy n’ya pero sabi ko magco-commute na lang ako.

 

“Yes po, I love you.” Niyakap ko s’ya.

 

“I love you more.”

 

Last day ko na ‘to na bibisitahin ang site kasi tapos na rin naman. Ime-meet ko ‘yung owner ngayon tapos babalik na rin ako mamayang tanghali sa company para ipasa ang last files na need nila at iuwi ang gamit ko. Maaga ang tapos ko today, meaning mas maaga rin ako makakauwi kay Allison.

 

Na-excite tuloy ako bigla.

 

Yakap-yakap ko lang ang bag ko habang nasa loob ako ng bus papuntang Laguna. Halos puro estudyante ang kasabay ko sa byahe, uuwi rin siguro sa mga bahay nila since Sabado naman.

 

Speaking of, kumusta na kaya sa bahay?

 

Nakwento sa’kin ni Allison na nakita n’ya daw si Mama the other day pero hindi naman daw s’ya nakita.

 

Nag-aaway pa kaya sila ni Papa over petty things?

 

Feeling ko ang tahimik ng bahay kasi wala si Hiro dun.

 

Dati kasi halos every weekend maingay sa bahay dahil pinapapunta ni Hiro mga kaibigan n’ya para mag-review at maglaro.

 

Nag-message din si Hiro sa’kin kagabi, tinatanong n’ya if okay lang daw ba ako or kung kailangan ko ng pera kasi labis-labis daw pinapadala sa kan’ya nina Mama, gusto n’ya daw ako hatian pero sabi ko naman okay lang. May pera pa naman ako, at ‘di ko pa rin naman nagagalaw savings ko kahit papa’no. Kahit na sakto lang talaga sa gastusin sa namin ‘yung perang kinikita ko, okay lang kahit wala masyadong matira.

 

As much as possible ayaw kong maglabas ng pera si Allison para sa gastusin namin, kasi una sa lahat, ako naman ‘yung may work. Though alam ko naman na kayang-kaya ni Allison magprovide para sa’ming dalawa, ayaw ko naman abusuhin ‘yun.

 

Nakakapagod magtrabaho, lalo na kung ganito kalayo pero kung ganung ngiti ang uuwian ko tuwing gabi, walang-wala ‘tong pagod na ‘to kasi sulit na sulit.

 

“Good Morning, Engineer!”

 

“Good Morning po!” Nauna pa pala ‘yung owner sa’kin sa site.

 

“Hindi mo yata dala Civic mo ngayon.” Napatawa na lang ako nang mahina.

 

“Nasa talyer po kasi.”

 

Nagkwentuhan lang kami saglit until payagan na n’yang umalis kami ng Architect, nag-thank you lang s’ya at ipapadaan na lang daw n’ya sa office ang matatanggap kong extra payment. Sinabi n’ya ‘yung total value para daw alam ko kung kinuhaan ng iba.

 

“Thank you po.” Umalis din kami kaagad pagkatapos, kasabay ko pang nag-commute ‘yung Architect namin at apprentice n’ya kasi wala rin daw sila dalang sasakyan.

 

Minessage ko naman kaagad si Allison na pabalik na ako sa company and kukunin ko na lang gamit ko dun bago ako umuwi.

 

Hindi rin naman ako matagal tumigil sa office, after ng ilang kwento at maliit na ‘party’ umalis na rin ako at nagbyahe na papunta sa Katipunan. Medyo masikip kaya kinailangan kong makipagsiksikan sa loob ng sasakyan. Hassle pala talaga magbyahe ng gamit kapag ganito.

 

Sabi nila baka daw next week pa marelease ang last payroll ko pero pwede daw na hindi na ako pumasok. Update ko na lang daw sila kung hindi pa rin s’ya magpoproject sa bank account ko para magawan na daw ng paraan.

 

And saktong pagtayo ko sa harapan ng pinto ng unit ni Allison, kinapa ko ang bulsa ko para sa susi pero natigilan din ako kaagad.

 

“Teka, puta.” Ibinaba ko sa sahig ang bag at box na dala ko.

 

Tangina.

 

Napalunok ako sa kaba at muling kinapa ang bulsa ko.

 

Putangina talaga.

 

Dama ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko habang patuloy sa pagkapa.

 

Kinuha ko ang bag ko sa sahig at tiningnan ang laman pero isang malaking hiwa sa tagiliran ng backpack ang umagaw ng pansin ko.

 

Putangina talaga oh.

 

Kung minamalas ka nga naman.

 

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
zeroris
HELLO HELLO OMG, SaKaLa is community promoted, thank u all !!! 🥹🫶 i appreciate y'all especially ur feedbacks, thanks for loving allison and alistaire ✨️ — @yeojaszero on twt ! feel free to interact with me ! >.<

Comments

You must be logged in to comment
whtvrlisa #1
rereading this kasi miss ko na sila allison and alistaire 😞
elashai
#2
miss u
elashai
#3
I miss you
colderme
#4
Chapter 11: I really love this story🥺
colderme
#5
Chapter 10: 🫶
kwinterrr_
#6
Chapter 11: ❤️
justsomeanimelover
#7
Chapter 11: 😣😣😣😣
justsomeanimelover
#8
Chapter 10: Pucha talaga matutulog na naman akong inggit hayopt
TYTFshipper
268 streak #9
Chapter 11: Pag naiisip ko yung part na yon ng relationship nila, masakit. Lol parehas kasi sila nasaktan eh. Pero past is past nga. They even did well kasi everything they do now is communicating to each other which is very important talaga 🤧 hayyy okay po otor naol ritual nalang po sa gedli lol see you next chap!
cutesywk
#10
Chapter 11: ♥️♥️♥️