Unang Piyesa

Lagom.: SaKaLa
Please Subscribe to read the full chapter

 

“Ingat, love. Visit ka again tomorrow, hm? I love you.”

 

Para akong nakalutang sa narinig ko galing sa kan’ya. Wala talagang papantay sa ganitong pakiramdam, ‘yung talo ko pa ang kung sino man may hawak ng mundo sa mga kamay nila kasi ‘yung akin, parang buong kalawakan na talaga.

 

“I love you more.” Damang-dama ko ang higpit ng yakap sa’kin ni Allison bago ako sumakay sa sasakyan ko. Tanging ngiti n’ya lang ang nakamarka sa utak ko habang nagmamaneho papalayo sa building ng condo n’ya, at doon na lang ako napabuntong-hininga.

 

Heto na naman ako.

 

Wala pang ilang segundo, nadinig ko na ang pag-ring ng phone ko. Halos kakalubog lang ng araw, pero medyo madilim na.

 

“Anong oras ka uuwi?” Lumunok muna ako bago sumagot.

 

“Pauwi na po ako, Ma.” ‘Yun lang ang tanging sinabi ko at hinayaan ang katahimikan na balutin kami. Tunog lang ng signal light ang naririnig ko sa loob ng sasakyan at sigurado akong ganun din sa kabilang linya.

 

“Sige, ingat.” Para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan nang makita kong ibinaba na niya ang tawag.

 

Ganun kalaking relief ang naibigay sa’kin ng simpleng gesture na ‘yon. Normal pa ba ‘to?

 

Buong byahe ko yata iniisip ko lang kung anong klaseng tanong ba ang sasalubong sa’kin sa bahay. Hindi ko alam kung katahimikan ba ulit ang sasalubong sa’kin o may maaabutan akong interrogation. O siguro…

 

“Alice, nand’yan ka na… sabihan mo nga ‘tong Mama mo, ‘di marunong tumanggap ng biro.” Pagbukas na pagbukas ko ng pinto ng bahay namin bumungad agad sa’kin ang iritang mukha ni Mama at ang nakakunot na noo ni Papa, ‘yung kapatid ko naman nakaharap sa PC n’ya at nakaheadphones.

 

Medyo natuwa pa ako na hindi n’ya naririnig ‘tong nakikita ko ngayon sa harapan ko. Binato pa si Mama ng throwpillow si Papa sa likod pero hindi rin naman tumama.

 

“Late ka na naman yata ngayon umuwi? Akala ko alas-singko ang uwi mo?” Ramdam ko na agad ang pagsasabay-sabay ng mga salita sa utak ko. Paano ako magpapaliwanag sa mga simpleng tanong na ito?

 

“Nagkatuwaan lang kami ng mga ka-trabaho ko, Ma.”

 

“Puro lalaki ang ka-trabaho mo ‘di ba? May boyfriend ka ba sa mga ‘yun?”

 

Tiningnan ko s’ya na parang tinubuan s’ya ng isa pang ulo.

 

“Ma naman, simula college naman halos puro lalaki na mga tropa ko. Sila-sila lang din naman halos mga ka-work ko.” Natawa pa ako at naupo saglit sa sala.

 

Pero parang mali yatang desisyon ‘yun dahil heto na naman s’ya at nagsimula na magsermon tungkol sa mga lalaki at kung ano-ano pa. Gustong-gusto ko sabihin na hindi ko naman na ‘yun kailangan dahil iba naman ang tipo ko pero tuwing maaalala ko ‘yung tono ng boses n’ya nung ilang beses n’ya akong tinanong nung high school, pati nung college na ako tungkol dun, nagsisimula na naman magulo ang utak ko.

 

“Kung wala kang boyfriend sa mga ‘yun, baka naman tomboy ka?” Napalunok ako muli nung marinig ko ang tonong ‘yun. May diin, bakas ang galit at irita sa pagkakasabi n’ya ng salitang ‘yun.

 

“Walang magandang kinabukasan ang mga ganun.” Dinig ko pang sabi ng ama ko galing sa kusina kung sa’n s’ya nakaupo at naninigarilyo.

 

“Tingnan mo ‘yung Tito Mike mo, nasa Australia nga pero wala naman pamilyang nag-iintindi. Madaming pera pero walang mga anak na sumasalubong pag-uwi.” Gusto ko biglang lumubog sa kinauupuan ko. Paano ko ba matatakasan ‘tong usapan na ‘to?

 

“Ate? Nandyan ka na pala. Pwede ka muna hiramin?” Napalingon kaagad ako sa boses ng kapatid ko na naglalakad na papunta sa’kin.

 

“Tulungan mo na ‘yang kapatid mo. Tawagin ko na lang kayo mamaya kapag kakain na.”

 

Sumunod lang ako sa kapatid ko papunta sa kwarto n’ya. Isinara n’ya naman kaagad ang pinto at naupo sa kama n’ya para mag-scroll lang sa phone n’ya.

 

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
zeroris
HELLO HELLO OMG, SaKaLa is community promoted, thank u all !!! 🥹🫶 i appreciate y'all especially ur feedbacks, thanks for loving allison and alistaire ✨️ — @yeojaszero on twt ! feel free to interact with me ! >.<

Comments

You must be logged in to comment
whtvrlisa #1
rereading this kasi miss ko na sila allison and alistaire 😞
elashai
#2
miss u
elashai
#3
I miss you
colderme
#4
Chapter 11: I really love this story🥺
colderme
#5
Chapter 10: 🫶
kwinterrr_
#6
Chapter 11: ❤️
justsomeanimelover
#7
Chapter 11: 😣😣😣😣
justsomeanimelover
#8
Chapter 10: Pucha talaga matutulog na naman akong inggit hayopt
TYTFshipper
268 streak #9
Chapter 11: Pag naiisip ko yung part na yon ng relationship nila, masakit. Lol parehas kasi sila nasaktan eh. Pero past is past nga. They even did well kasi everything they do now is communicating to each other which is very important talaga 🤧 hayyy okay po otor naol ritual nalang po sa gedli lol see you next chap!
cutesywk
#10
Chapter 11: ♥️♥️♥️