Ikatlong Piyesa

Lagom.: SaKaLa
Please Subscribe to read the full chapter

 

[ Trigger Warning: Implied Homophobia ]

 

“Are you gonna tell your parents na, later?”

 

“Opo, naihatid ko na rin naman si Hiro sa airport.” S’ya lang talaga ang iniisip ko. S’ya lang din rason kung bakit hanggang ngayon umuuwi pa rin ako sa bahay.

 

“Okay then, call me agad if something happens.” Napangiti ako sa sinabi n’ya.

 

Parang pareho na kaming nag-iisip na may mga mangyayaring hindi maganda, pero kahit i-hope ko naman na maayos ang magiging usapan namin, alam kong hindi.

 

“I will po, malapit na ‘ko sa’min, ibababa ko na po tawag.”

 

“Okay, I love you.”

 

“I love you more.” Ipinasok ko ang sasakyan sa loob ng garahe.

 

Nakaupo silang mag-asawa sa may porch at tahimik lang na nakatingin dito sa sasakyan. Nadadama ko na agad ang tension, napapaisip tuloy lalo ako na tamang desisyon na unti-unti kong dinadala at iniiwan sa condo ni Allison ang ilan sa mga importanteng gamit ko nitong mga nakaraang araw.

 

Huminga muna ako nang malalim at saka lumabas ng sasakyan.

 

“Ma, Pa…” I greeted them two. Nakatingin lang sila sa akin at mas lalo akong kinakabahan habang tumatagal.

 

Ang alam ko naman, wala akong nagawang mali nitong mga nakaraan. Naglaba naman ako kahapon, pagkauwi ko. Hinugasan ko ang mga plato kaninang umaga bago ako umalis papunta sa work.

 

“Umupo ka muna.” Pakinig ko ang konting nginig sa boses ni Mama pero ‘di ko ‘yun pinansin at sinunod ang sinabi n’ya.

 

“Bakit po?” Namamawis na ang palad ko sa kaba. Ano bang meron?

 

“May tinatago ka ba sa’min?”

 

“Po?” Ito na nga ba sinasabi ko.

 

Napakunot na lang ako ng noo at hinintay na banggitin nila ng diretso ang kung ano man ang sasabihin nila.

 

“May nakakita daw sa’yo.” Napalingon ako kay Papa.

 

“Sa?”

 

“Sa Quezon City.” Gusto kong magmura bigla, dahil sa kaba.

 

“May project po kami malapit don.” Hindi naman ako nagsisinungaling, sa akin nga talaga napa-assign ang project malapit dun pero kung sino man nakakita sa’kin at nagsumbong, gusto ko s’yang kaltukan.

 

“May kasama ka daw.” Hindi ba pwedeng diretsuhin na nila? Mas lalo akong kinakabahan dito oh!

 

“Ano pong meron?” Halos matumba ako sa kinauupuan ko nung biglang tumayo ang ama ko at galit na tumingin sa’kin.

 

“‘Di naman kami nagkulang ng pagsasabi sa’yo ng Mama mo ‘di ba!?”

 

Napalunok ako at unti-unting nadama ang lakas ng tibok ng puso ko, parang nasa may tenga ko lang, kasabay ng panginginig ng mga kamay ko.

 

“P-Pa…”

 

“Hindi ko alam kung sa’n ba kami nagkamali, bakit naging ganito ka?!” Ganun ba talaga kalaking kasalanan ang magkagusto sa kapwa?

 

“Pa naman…”

 

“‘Wag mo ‘ko matawag-tawag na gan’yan! Wala akong anak na kagaya mo!” Pinanood ko lang na bumalik s’ya sa loob ng bahay at ilang saglit pa ay inihagis sa labas ang dalawang maleta.

 

“Ayan ang mga gamit mo! Wala akong anak na kagaya mo!” Para akong nabato sa pwesto ko sa sinabi n’ya.

 

“Pa, sorry.” Hindi ko inakalang aabot ako sa puntong hihingi ako ng tawad dahil lang ako ‘to.

 

“Simula ngayon hindi na kita anak.” Kitang-kita ko ang galit niya, damang-dama sa lakas ng sampal n’ya sa pisngi ko.

 

“Akin na ‘to, ako ang bumili nito. Hindi ka dapat binibigyan ng ganitong regalo, sayang ang pera ko sa’yo.” Inagaw n’ya sa’kin ang susi ng sasakyan at pumasok sa loob ng bahay kasunod si Mama. Dinig na dinig ko ang pagbagsak ng pinto at ang paglalock nila nito.

 

“Ma…” Hindi n’ya man lang ako nilingon, at tahimik na sumunod kay Papa.

 

Tangina.

 

Pinigil ko ang pagtulo ng luha ko at marahang kinuha ‘yung dalawang maleta at hinila papalabas. Isinarado ko na rin ang gate at naglakad papunta sa may kanto namin dala-dala ang mga gamit ko.

 

Hindi ko pa pwedeng tawagan si Allison, hindi ako pwedeng magpasundo

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
zeroris
HELLO HELLO OMG, SaKaLa is community promoted, thank u all !!! 🥹🫶 i appreciate y'all especially ur feedbacks, thanks for loving allison and alistaire ✨️ — @yeojaszero on twt ! feel free to interact with me ! >.<

Comments

You must be logged in to comment
whtvrlisa #1
rereading this kasi miss ko na sila allison and alistaire 😞
elashai
#2
miss u
elashai
#3
I miss you
colderme
#4
Chapter 11: I really love this story🥺
colderme
#5
Chapter 10: 🫶
kwinterrr_
#6
Chapter 11: ❤️
justsomeanimelover
#7
Chapter 11: 😣😣😣😣
justsomeanimelover
#8
Chapter 10: Pucha talaga matutulog na naman akong inggit hayopt
TYTFshipper
268 streak #9
Chapter 11: Pag naiisip ko yung part na yon ng relationship nila, masakit. Lol parehas kasi sila nasaktan eh. Pero past is past nga. They even did well kasi everything they do now is communicating to each other which is very important talaga 🤧 hayyy okay po otor naol ritual nalang po sa gedli lol see you next chap!
cutesywk
#10
Chapter 11: ♥️♥️♥️