Pull Me Closer.

Loving J.
Please Subscribe to read the full chapter

Mukhang nalugi si Winter nang umalis siya sa bahay nila kaya naman laking gulat ni Taeyeon nang umuwi ang anak niyang may buhat na babae sa likuran. Kahit on-going ang meeting niya ay pinanood niya lang ang kaniyang anak na pumapasok sa gate ng bahay nila. Napailing iling na lang siya, mahiyain ang anak niya pero nakapag uwi ng babae? "Manang mana ka talaga, Winter," napabulong na lang siya bago nagfocus na ulit sa mga workmates niyang nagkakagulo na pala.

Nang makapasok na sina Winter ay marahan niyang ibinaba si Yizhuo. Matapos noon ay tsaka niya lang pinakawalan si Zero na pinapanood lang silang dalawa. Si Yizhuo naman ay hindi pa rin makaimik at nakatitig lang kay Winter.. Happy crush lang naman kasi dapat eh, pero anong magagawa niya kung nakuryente na siya at nahulog pa sa banging walang ilalim?

"Dalhin kita sa cr para mahugasan mo 'yan?" Dahil nga hindi pa rin nakakarecover sa discovery niya si Yizhuo ay wala na itong nagawa kundi ang tumango. "Dito lang ako sa labas, tawagin mo ako kapag may kailangan ka," saad ni Winter bago sarhan ang pinto ng banyo nila.

Matagal pang nakatayo doon si Yizhuo bago niya sampalin ang sarili, "Umayos ka nga, Yizhuo Jessica, parang tanga!" bulong niya sa sarili.

Nilibot niya ang tingin sa banyo at lumapit na sa shower. May pagkakomplikado pa nga ito dahil may detachable at fixed na shower head. Napadasal na lang siya na tama ang pipihitin niya habang hawak hawak ang detachable shower head na tinapat niya sa kanyang sugat.

Pero may character ba ditong malakas kay Lord? Wala. Kaya naman kasabay ng pagpihit niya ay ang paglabas ng napakalamig na tubig sa fixed shower head na agad nagpasigaw sa kanya. Mabilis niya itong pinatay pero dahil tinodo niya ang pagpihit kanina ay basang basa na siya. Agad namang napakatok si Winter nang marinig ang sigaw ng dalaga, "What happened?" Hindi makasagot si Yizhuo dahil patong patong na ang kahihiyan niya sa katawan. How can she even say na pati shower ay hindi niya alam buksan?! Matagal bago siya nakasagot, actually, hindi naman talaga gaano pero after makita ni Winter na nadadapa si Yizhuo sa flat na semento, it was safe to assume na may kakaibang nangyari dito kaya naman dali dali niyang binuksan ang pinto. Tumambad sa kanya ang basang basang si Yizhuo. "Wha--," hindi niya na natapos ang sasabihin dahil pinaghahampas agad siya ni Yizhuo na nakalapit na pala sa kanya. "Aray ko- Ano ba? Stop!"

"Bakit kasi hindi mo sinabi kung alin ang gagamitin?!" pagsusungit nito nang matapos niyang hampasin si Winter. Sinamaan siya nito ng tingin dahil bakit siya ang masisisi kung hindi muna nagtanong ang bratinellang 'to?! "Well, did you even ask?" pagsusungit ni Winter na nagpatameme dito.

Napabuntong hininga na lang si Winter at binuksan ang detachable shower head bago lumuhod at naghugas ng sugat ng kasama. "Ako na," nahihiyang sabi ni Yizhuo pero hindi kumibo si Winter at natapos din naman agad. "Kukuha lang ako ng tow--," hindi niya na natuloy ang sasabihin nang biglang bumukas ang pinto ng banyo at tumambad sa kanila ang nakapameywang na si Taeyeon. "Anong ginagawa niyo?" Kahit sino naman siguro ay magdududa kapag nakita ang anak niyang nakaluhod sa isang babaeng inuwi niya lang sa bahay basta na basang basa ang damit, no?

Katahimikan... hanggang sa dali daling tumayo si Winter at tinuro ang kasama. "Ma, nadapa siya kaya dinala ko rito para malinis ang sugat kaso--," muli na naman siyang napatigil nang samaan siya ng tingin ni Taeyeon. "Ikuha mo ng

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
shining_ae
Thank you for reading Loving J! BUT it may not be the time to move on YET.

https://curiouscat.live/aerinyz

Comments

You must be logged in to comment
purplejoch
#1
Chapter 3: aayyy ayyyyy the tension though jan nag nagsisimula yan from enemies to lovers, and winter is such a green flag ha kahit na nagkaka iritahan silang dalwa ni yizhou she still takes care of her dahil nakitang niyang umiiyak si bratinella huhu
purplejoch
#2
Chapter 2: new reader here, winter jolene is so unique huhu and cute ng meet up nila ni aeri jane, tipping strangers man sila pero nag match na yung personality nila 😊 pero the gay panic though haha kaloka ka Jolene 😂 Colgate pa nga
L_inthesnow #3
Chapter 30: hoyyyyy ang cutie 😭 anong oras na kaya grabe pigil ko sa kilig HAHAHAHHHA! thank you so much po 'tor for writing this! ang galing galing po ng pagkakasulat!
L_inthesnow #4
Chapter 2: colgatebdhdhebdkkfnkwndjkdhwhwhjsjhahaudhshdjhahshdjhshsjdhsha 😭
zero123
#5
Chapter 30: ANG GANDAAAA!!!! Ang galing mo otor!!!!! <333 when kaya me
Eybrelros #6
Chapter 30: Oh edi another sanaol nalang ulit grabe ba🤧
Eybrelros #7
Chapter 28: Oh diba pusang galaaaaa 😭
Eybrelros #8
Chapter 27: Ay mukang gets ko na shuta na yan😆
Eybrelros #9
Chapter 25: Gagi naman ambilis mag shift ng mood 🙂
Eybrelros #10
Chapter 24: AAAAAAACVCKKK kinikilig ako😩 nagtaksil na talaga ako sa aking shape pasensya na aking jmj heart sa winning muna tayo dito😔