The Flash.

Loving J.
Please Subscribe to read the full chapter

Matapos ang bigating banat ni Karina ay bigla na lang humagalpak ng tawa si Yizhuo kaya napatingin ang tatlo sa kanya. 

 

"You call that banat?" pang iinsulto nito.

 

Napakunot ang noo ni Winter, ano bang problema ni Yizhuo? Gusto kaya niya na sa kanya i-direct 'yung banat o.. gusto niya siya ang bumanat kay Winter..? Napailing iling si Winter sa isip niya. 

 

"Kadiri 'yung thought, self. Umayos ka nga," isip niya pa.

 

"Hmm? Banat? I meant it though?"

 

Kung pwede lang maghairflip si Winter sa katabi niya ay ginawa niya na. Ikaw ba naman ang tawaging maganda?!

 

"Oh come on, 'yan?" tanong niya sabay turo kay Winter with matching head to toe, "maganda?"

 

'ABA?!'

 

Hindi na kinaya ni Winter manahimik at hinarap si Yizhuo. Napalunok naman ang isa habang hindi maalis ang tingin kay Winter.

 

"Hindi ba ako maganda?" mahinang tanong ni Winter, may hint ng pang-aasar sa tono niya.

 

Nagcross arms pa si Yizhuo at tinaasan siya ng kilay, "hindi," pagsusungit nito.

 

Napangisi na lang si Winter at inayos pa ang pagkakaharap kay Yizhuo bago dahan dahang nilapit ang mukha niya sa dalaga habang hindi inaalis ang tinginan nilang dalawa. Tumigil lang siya sa paglapit nang halos magdikit na ang ilong nilang dalawa.

 

"How about now? Hindi pa rin ba ako maganda?" halos pabulong niyang tanong.

 

Mukha mang nagsusuplada si Yizhuo, hindi maitatanggi ang bilis at lakas ng tibok ng puso niya. In fact, kung tahimik lang dito sa canteen ay paniguradong rinig na ito ni Winter. Gayunpaman, hindi siya nagpatalo at patuloy na nakipagtitigan. Hindi niya namalayan ay bumaba na pala ang tingin ni Winter at ngayo'y nakatingin na sa malalambot at mapula niyang mga labi. Naramdaman niya na lang ang pag-init ng mga pisngi dahil ayan na naman. Andito na naman ang sinumpang mga sparks! Nang makita ang mapang asar na ngiti ni Winter matapos mapansin ang reaction niya sa ginagawa ay tinulak niya ito palayo.

 

Winter: 2, Bratinella: 1

 

Natatawang umayos ng upo si Winter habang si Aeri at Karina naman ay parehong litong lito sa kung ano man ang nangyari ngayon lang. Si Yizhuo? Napainom na lang ng tubig habang sinusumpa si Winter sa utak niya.

 

Bakit ba kasi siya nagpadala sa paninitig nito ni Winter?

 

Natatawa na lang si Aeri habang pinapanood ang dalawa. Halata mo kasing parehong trying hard lang sungitan ang isa't isa for fun. At did she mention how she notices the subtle heart eyes na meron si Yizhuo for Winter? Maybe not, but now, she just did. 

 

Bulag na lang siguro ang di makakakita sa growing crush ni Yizhuo kay Winter. And maybe.. no, definitely, bulag si Winter.

 <

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
shining_ae
Thank you for reading Loving J! BUT it may not be the time to move on YET.

https://curiouscat.live/aerinyz

Comments

You must be logged in to comment
purplejoch
#1
Chapter 3: aayyy ayyyyy the tension though jan nag nagsisimula yan from enemies to lovers, and winter is such a green flag ha kahit na nagkaka iritahan silang dalwa ni yizhou she still takes care of her dahil nakitang niyang umiiyak si bratinella huhu
purplejoch
#2
Chapter 2: new reader here, winter jolene is so unique huhu and cute ng meet up nila ni aeri jane, tipping strangers man sila pero nag match na yung personality nila 😊 pero the gay panic though haha kaloka ka Jolene 😂 Colgate pa nga
L_inthesnow #3
Chapter 30: hoyyyyy ang cutie 😭 anong oras na kaya grabe pigil ko sa kilig HAHAHAHHHA! thank you so much po 'tor for writing this! ang galing galing po ng pagkakasulat!
L_inthesnow #4
Chapter 2: colgatebdhdhebdkkfnkwndjkdhwhwhjsjhahaudhshdjhahshdjhshsjdhsha 😭
zero123
#5
Chapter 30: ANG GANDAAAA!!!! Ang galing mo otor!!!!! <333 when kaya me
Eybrelros #6
Chapter 30: Oh edi another sanaol nalang ulit grabe ba🤧
Eybrelros #7
Chapter 28: Oh diba pusang galaaaaa 😭
Eybrelros #8
Chapter 27: Ay mukang gets ko na shuta na yan😆
Eybrelros #9
Chapter 25: Gagi naman ambilis mag shift ng mood 🙂
Eybrelros #10
Chapter 24: AAAAAAACVCKKK kinikilig ako😩 nagtaksil na talaga ako sa aking shape pasensya na aking jmj heart sa winning muna tayo dito😔