Loving J.

Loving J.
Please Subscribe to read the full chapter

Winter Jolene's 

 

 

love /ləv/

 

noun

 

1. an intense feeling of deep affection.

 

"babies fill parents with feelings of love"

 

2. a great interest and pleasure in something.

 

"his love for football"

 

 

verb

 

1. feel deep affection for (someone).

 

"he loved his sister dearly"

 

2. like or enjoy very much.

 

"I just love dancing"

 

 

That's how google described it. I never really knew what love really is, no, perhaps, I never really tried to know what love is. Do I have to? I've lived without loving someone other than my mom and dogs and it didn't really feel like I'm lacking something.

 

But then.. I met four chaotic people who showed me their own definition of love.

 

 

 

 

 

 

Aeri taught me that to love someone, you must also be willing to set them free. Now, after having to let go a lot of temporary people like me, she's happier than ever.

 

"Oh, careful, love!" sigaw ni Aeri nang mabilis na tumakbo papunta sa kanya ang anak na si Michaella. Bahagya pa nga itong natapilok pero hindi naman nagpatinag ang bata at niyakap ang ina.

 

Aeri may have lost her lover but she gained someone who loves her unconditionally.

 

Napangiti na lang ako nang makita ang paglalambing ni Michaella kay Aeri. Sa sobrang lambing deprived siguro ni Aeri, naisip ni Lord na ibigay sa kanya si Michaella. I say, deserve. Sobra. 

 

"Jo! Can you take a picture of us, please?" Agad naman akong ngumiti at kinuha na ang camera niya. Matamis ang mga ngiti nila habang parehong naka finger heart. Sumunod nilang pose ay nakahalik sa pisngi ni Aeri si Michaella. No doubt, Aeri raised her daughter with so much love. I bet Micha will grow up just like her.

 

"Tita Jo, join us too!" masayang tawag ni Michaella sa'kin. Iiling pa lang sana ako pero agad nang may umagaw sa camera. "Punta na do'n, wag kj, tita," inemphasize pa ni Karina ang 'tita'. Hindi makaget over na nasa phase na kami na halos puro may mga anak na. Will anyone believe us if we say na at some point, nagkalove square kami? Now, I keep my hair short na tuloy. Ayoko na maging rapunzel. Sorry, lola.

 

I smiled and posed sa camera. Kitang kita ko rito ang pagngiti ni Karina sa aming tatlo.

 

 

 

 

 

Si Karina..

 

Karina taught me that love is blind. 

 

Charot.

 

She taught me that love doesn't have to hurt so much. When the right person comes, loving is as easy as counting from 1 to 3.

 

 

Ever since Karina confessed sa akin and after that confrontation scene, all I can remember about her was that I made her cry. A lot. I still regret it up to this day because Karina didn't deserve it at all. Pero wala na eh, nangyari na. I was scared she'll hate me after all that, but Karina is still Karina, she forgives kahit hindi ka pa magsorry. 

 

Karina deserves the best at now, I'm sure I wasn't that. Kasi ngayon? She's being treated exactly how she should be treated. She's not hurting like she used to. She laughs a lot more now. Ikaw ba naman ang magkaroon ng mala-comedian na girlfriend, ewan ko na lang..

 

 

 

 

You see... Ryujin finally chose to make her move. I can still remember her reaction when I said na ako talaga ang unang bumasted sa Arkanda niya. Doon din nagsimula 'yon eh, I think.

 

"Seryoso ka pala do'n? Akala ko nagbibiro ka, gagang 'to!" napakunot ang noo ko nang sabihin 'yan ni Ryujin with matching batok sa akin. Busy akong magtrabaho rito?

 

"Ano ba 'yon?"

 

"Sabi ni Arkanda, binasted mo raw siya dati!" pagmamaktol pa niya.

 

Oh? Nag uusap na pala sila? Kahapon ko lang sila pinag exchange numbers ah?

 

"Ako topic niyo?" Napairap si Ryujin, "Ay hindi! Si Jacques talaga. Sino bang kausap ko ngayon ha? Nakakabobo ba magstructural analysis?" 

 

"Bakit ako?"

 

"Eh sabi ko crush ko siya eh. Sabi niya ikaw raw type niya dati kaso binasted mo. Akala ko nagjojoke kaya sabi ko kawawa naman siya kasi hindi siya ang type mo tapos hindi na ako nireplyan?" Napatawa na lang ako sa narinig. Sabi ko naman kasi sa kanya nung una pa lang eh, ayaw maniwala, edi ayan, kay Karina pa mismo nanggaling.

 

"I told you," pagmamayabang ko na umani agad ng hampas galing sa kanya. "Sabihin mo kay Arkanda, replyan na ako ulit! Hindi naman siya mabiro oh!"

 

"Maybe stop calling me Arkanda so loud and I'll reply, Maria," masungit na sabi ni Karina sabay walk out. Nagkatinginan kami ni Ryujin sa nawitness. Si Karina? Marunong magsungit? Eh anghel na bumaba sa lupa 'yan kahit na minsan ay napipikon sa mga clients. Pero sobrang rare lang no'n! In fact, kay Aeri lang naman ito naiirita. Akala ko nga sila na ang magkakatuluyan eh. 

 

Ang shocking tuloy .. si Karina 'yan. Sa sobrang bait n'yan.. Mapapaluhod.. este, mapapadasal ka na lang with her kapag nakita mo siya. Kamukha ba naman si Mama Mary tapos ang bait bait pa? May vip pass kaya siya sa langit? Gusto ko lang magbaka sakali kung pwedeng maging +1 niya..

 

Hindi lang nalimit doon ang pagsusungit ni Karina kay Ryujin. In fact, ginawa niya na atang hobby ang pagiging masungit dito. Until...

 

 

"Oh? Seems like nagkasabay pa pala ang dalawang late eh," sabi ni Aeri habang nakatingin sa may pintuan ng restaurant. Nakatalikod kasi kami ni Yizhuo kaya hindi namin kita kung sino ang tinitignan ng kasama namin. 

 

Mabilis na lumingon si Yizhuo sa may pinto at ready na atang magsermon. Napalingon na rin tuloy ako at ang una kong nakita? Ang malawak na ngiti ni Maria Ryujin at Karina.. Walang nagsasalita sa aming tatlo at patuloy lang ang pagtingin sa dalawa na naglalakad na papunta sa table namin. 

 

"Oh? Nag usap ba kayo na magpalate ngayon? Hahanapin na kami nila Micha, ang bagal niyo," bungad ni Yizhuo sa kanila. Marahan kong hinawakan ang kamay niya sa ilalim ng table para pakalmahin. Saglit siyang lumingon sa akin bago umayos na lang ulit ng upo.

 

"Sorry, hindi tumunog 'yung alarm ko. Tinanghali tuloy," pagpapaliwanag ni Ryujin. Sabay sabay kaming tumingin kay Karina na pilit na ngumiti sabay, "traffic." Hindi na lang kami nagcomment at hinayaan na lang sila. Nagkkwentuhan na kami noon habang kumakain nang mahulog ang bread knife ni Yizhuo.

 

"Wait, I'll get it for you," alok ko sabay yuko para kuhanin ang nahulog na bread knife pero panga ko na ata ang sunod na nahulog nang makita ang dalawang kamay na magkahawak sa ilalim ng lamesa. Mabilis akong umayos ng upo at doon lang napansin na parehong isang kamay lang ang gamit ni Ryujin at Karina.. Muli akong yumuko at naabutan ang pagpisil pa ng isang kamay sa hawak nitong kamay..

 

"What are you looking at, J-," nagtagpo ang mata namin ni Aeri nang makita niya na rin ang kanina ko pang tinitignan. Hindi na rin tuloy nakatiis si Yizhuo at nakisilip na rin sa ilalim. Doon lang naisipang magbitaw ng dalawa at nang umayos kami ng upo ay nginitian lang nila kami.

 

Nagtinginan pa silang dalawa at bahagyang napatawa bago tumingin sa amin at muling naghawak ng kamay. Tinaas pa nila at pinakita sa amin. Si Ryujin ay kinikilig kilig pa habang nakatingin sa nakangiting si Karina. 

 

"Well.. surprise?" pagcoconfirm ni Karina sa iniisip naming tatlo. Oo, mukhang iisa lang naman ang conclusion naming lahat..

 

 

 

 

 

 

 

"Arkanda bebeloves, bakit iniwan mo ako sa room?" pagpapacute ni Ryujin haba

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
shining_ae
Thank you for reading Loving J! BUT it may not be the time to move on YET.

https://curiouscat.live/aerinyz

Comments

You must be logged in to comment
purplejoch
#1
Chapter 3: aayyy ayyyyy the tension though jan nag nagsisimula yan from enemies to lovers, and winter is such a green flag ha kahit na nagkaka iritahan silang dalwa ni yizhou she still takes care of her dahil nakitang niyang umiiyak si bratinella huhu
purplejoch
#2
Chapter 2: new reader here, winter jolene is so unique huhu and cute ng meet up nila ni aeri jane, tipping strangers man sila pero nag match na yung personality nila 😊 pero the gay panic though haha kaloka ka Jolene 😂 Colgate pa nga
L_inthesnow #3
Chapter 30: hoyyyyy ang cutie 😭 anong oras na kaya grabe pigil ko sa kilig HAHAHAHHHA! thank you so much po 'tor for writing this! ang galing galing po ng pagkakasulat!
L_inthesnow #4
Chapter 2: colgatebdhdhebdkkfnkwndjkdhwhwhjsjhahaudhshdjhahshdjhshsjdhsha 😭
zero123
#5
Chapter 30: ANG GANDAAAA!!!! Ang galing mo otor!!!!! <333 when kaya me
Eybrelros #6
Chapter 30: Oh edi another sanaol nalang ulit grabe ba🤧
Eybrelros #7
Chapter 28: Oh diba pusang galaaaaa 😭
Eybrelros #8
Chapter 27: Ay mukang gets ko na shuta na yan😆
Eybrelros #9
Chapter 25: Gagi naman ambilis mag shift ng mood 🙂
Eybrelros #10
Chapter 24: AAAAAAACVCKKK kinikilig ako😩 nagtaksil na talaga ako sa aking shape pasensya na aking jmj heart sa winning muna tayo dito😔