Hear this Beating Heart.

Loving J.
Please Subscribe to read the full chapter

"Do you like me, Karina?" 

Mistulang nag-echo sa buong cr ang tanong ni Winter. Natulala si Karina at hindi alam kung anong isasagot. Kakarealize niya pa lang na gusto niya si Winter ay gaganito na ito sa kanya? Paano na lang ang puso niyang nagwawala na ngayon? Wait.. naririnig kaya ni Winter ang tibok ng puso niya? Kasi si Karina, rinig niya at ramdam niya. Bakit naman kasi ganyan ang tanong?

Pinilit ni Karina na tumawa, "Hala siya oh, like agad?" 

Lumapit siya kay Winter at kahit feel niya ay nanginginig, pinitik niya ang noo ng kasama habang may ngisi sa mga labi. "Maganda ka nga, feeler ka naman."

Gusto nang sampalin ni Karina ang sarili. Hindi niya na alam kung anong pinagsasasabi niya! Ito na sana 'yon oh, chance para magconfess pero anong ginawa niya? Tinawag niya lang namang feeler ang crush niya! Habang may internal panic si Karina, si Winter naman ay ganon din. Gusto niya nang magpalamon sa lupa. Pero kasi, bakit ba ganon siya tignan ni Karina habang dinedescribe ang feeling? Wala pala itong pinagkaiba kay Aeri. Mga paasa.

Wala na tuloy masabi si Winter at binalik na lang ang tingin sa cellphone. Karina took that as her cue to leave her side. Masyado nang awkward ang atmosphere nila kaya she made herself occupied at kinalikot na lang ang sirang faucet sa lababo. Wala namang tubig na lumalabas kaya she thought it was okay.

Okay naman sana pero bigla na lang itong nakalas at naglabas lang naman ng tubig kaya't nabasa ang damit niya na dahilan para mapasigaw siya. Si Winter na nasa kabilang dulo ay agad napatingin at nakita ang live na live niyang pagligo sa manmade ulan. Lumayo ito agad para hindi madamay sa shower habang si Karina naman ay tuloy pa rin sa pagsigaw imbes na lumayo doon. Napabuntong hininga na lang si Winter at hinila ang kasama palayo sa mala-fountain na faucet. Doon niya lang napansin ang kalagayan ng dalaga. Dahil white ang blouse ay bumakat agad ang suot nitong pink na bra kaya't agad siyang napaiwas ng tingin. Napatakip naman sa dibdib si Karina at nahihiyang tumalikod sa kanya.

To make everything worse, may kumatok na security guard sa labas ng pintuan. Kapag binuksan ang pinto ay mapagkakamalan pa silang may kung anong ginawa kapag nakita ang itsura ngayon ni Karina. Kaya naman walang nagawa si Winter kundi ang sumagot sa guard at itaklob kay Karina ang flannel na suot suot niya. After more than 3 hours of confinement (with hours of awkwa

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
shining_ae
Thank you for reading Loving J! BUT it may not be the time to move on YET.

https://curiouscat.live/aerinyz

Comments

You must be logged in to comment
purplejoch
#1
Chapter 3: aayyy ayyyyy the tension though jan nag nagsisimula yan from enemies to lovers, and winter is such a green flag ha kahit na nagkaka iritahan silang dalwa ni yizhou she still takes care of her dahil nakitang niyang umiiyak si bratinella huhu
purplejoch
#2
Chapter 2: new reader here, winter jolene is so unique huhu and cute ng meet up nila ni aeri jane, tipping strangers man sila pero nag match na yung personality nila 😊 pero the gay panic though haha kaloka ka Jolene 😂 Colgate pa nga
L_inthesnow #3
Chapter 30: hoyyyyy ang cutie 😭 anong oras na kaya grabe pigil ko sa kilig HAHAHAHHHA! thank you so much po 'tor for writing this! ang galing galing po ng pagkakasulat!
L_inthesnow #4
Chapter 2: colgatebdhdhebdkkfnkwndjkdhwhwhjsjhahaudhshdjhahshdjhshsjdhsha 😭
zero123
#5
Chapter 30: ANG GANDAAAA!!!! Ang galing mo otor!!!!! <333 when kaya me
Eybrelros #6
Chapter 30: Oh edi another sanaol nalang ulit grabe ba🤧
Eybrelros #7
Chapter 28: Oh diba pusang galaaaaa 😭
Eybrelros #8
Chapter 27: Ay mukang gets ko na shuta na yan😆
Eybrelros #9
Chapter 25: Gagi naman ambilis mag shift ng mood 🙂
Eybrelros #10
Chapter 24: AAAAAAACVCKKK kinikilig ako😩 nagtaksil na talaga ako sa aking shape pasensya na aking jmj heart sa winning muna tayo dito😔