Rapunzel's Dilemma pt. 3

Loving J.
Please Subscribe to read the full chapter

"Punta tayo sa shore?" alok ni Karina nang bigla lang naman silang iwan nila Yizhuo at nagkulong sa kwarto. Kitang kita niya ang pagsunod ng tingin ni Winter sa mga ito.

Muli pang sumulyap si Winter sa kwarto kung nasaan ang dalawa bago bumuntong hininga, "Okay."

Tahimik lang na naglalakad ang dalawa nang bigla na lang sumulpot ang mga batang nagtatakbuhan papunta sa kanila. Nagawa mang umiwas sa ilan, hindi na nila naiwasan nang nabangga si Winter ng isa sa mga batang 'yon. The girl is probably 5 or 6 years old ito, may salbabida itong suot at nakayellow na swimsuit kaya't para silang terno ni Winter na naka all yellow outfit. Dahil sa pagtakbo, napalakas ang impact ng pagkakabangga nito kay Winter at napaupo pa sa buhangin. Matagal nagkatinginan ang bata at si Winter bago namuo ang luha nito at maya maya lang ay humahagulgol na kaya't nagpanic siya. Dahil solong anak, hindi alam ni Winter ang gagawin lalo na nang mas lumakas pa ang pag-iyak nito.

"Ate Win and I are sorry. Did it hurt?" pagpapatahan ni Karina sa umiiyak na bata.

Umiling ang bata habang hirap na hirap na sa pagpigil sa mga hikbi niya habang tuloy tuloy pa rin ang pag-agos ng mga luha niya. Agad na itinayo ni Karina ang bata at nagcrouch para maging magkalevel ang mga mata nila.

"Tell me when you're feeling better, then we'll go find your momma, alright?"

Habang kalmadong hinahandle ni Karina ang sitwasyon, hindi niya nakita ang paghanga ni Winter sa kanya. Winter at taking care of kids kaya nga hindi siya nagvovolunteer na mag-alaga ng mga pinsan niyang dinadala sa bahay. Para sa kanya, paano siya mag-aalaga ng bata kung sarili niya nga ay hirap na hirap na siya? Isa pa, member siya ng samahan ng mga taong umiiyak kapag nakakakita ng umiiyak no! Paano naman siya magpapatahan ng bata kung maging siya ay kailangan na ring patahanin? Baka ang maging ending, siya pa ang patatahanin ng alaga niyang bata? Kaya ganon na lang ang paghanga niya kay Karina, ni hindi man lang ito nagdalawang isip at tignan mo't nakikipagtawanan na sa bata.

"What's your name?"

"Jackie.." nahihiyang sabi ng bata habang nakatingala sa ate Winter niya kahit hindi naman ito ang nagtanong.

"Oh? Nice to meet you, Jackie! I'm ate Jae," humarap si Karina sa kanya at sumenyas na lumapit sa kanila kaya't wala na rin itong nagawa kundi ang lumapit.

Nang maramdaman ang paglapit ni Winter, agad hinanap ni Karina ang mga kamay nito para hilahin kaya't ngayon ay tabi na silang nakacrouch sa harap ng bata.

"This ate is ate Win. What do you say to ate Win, Jackie?"

Bahagyang ngumuso ang bata habang nakatingin kay Winter, "aym sowwy, ate Win."

Hindi nakareact si Winter sa cuteness ng bata. Para kasing itong nakangusong tuta (kung nakakanguso man ang tuta) at nakapuppy eyes pa. Sino ba naman ang makakareklamo sa batang 'to? Nakangiting pinat ni Karina ang ulo ng bata bago ito tumayo. 

"Should we find your momma, Jackie?" malambing na tanong ni Karina sa bata.

Dahil sa amazement, hindi namalayan ni Winter na matagal na pala siyang nakatitig sa kasama na nakangisi na ngayon sa kanya.

"Ate Win, don't drool over me sa harap ng bata," pang-aasar pa nito.

Mabilis tuloy tumayo si Winter at nauna pang maglakad kaya't lalong natawa si Karina sa kanya. Maging ang batang si Jackie ay nakikitawa na rin kaya't lalo tuloy siyang nahiya.

"Ate Win, wait for Jackie!" natatawa pa ring sigaw ni Karina.

Tumigil sa paglalakad si Winter per

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
shining_ae
Thank you for reading Loving J! BUT it may not be the time to move on YET.

https://curiouscat.live/aerinyz

Comments

You must be logged in to comment
purplejoch
#1
Chapter 3: aayyy ayyyyy the tension though jan nag nagsisimula yan from enemies to lovers, and winter is such a green flag ha kahit na nagkaka iritahan silang dalwa ni yizhou she still takes care of her dahil nakitang niyang umiiyak si bratinella huhu
purplejoch
#2
Chapter 2: new reader here, winter jolene is so unique huhu and cute ng meet up nila ni aeri jane, tipping strangers man sila pero nag match na yung personality nila 😊 pero the gay panic though haha kaloka ka Jolene 😂 Colgate pa nga
L_inthesnow #3
Chapter 30: hoyyyyy ang cutie 😭 anong oras na kaya grabe pigil ko sa kilig HAHAHAHHHA! thank you so much po 'tor for writing this! ang galing galing po ng pagkakasulat!
L_inthesnow #4
Chapter 2: colgatebdhdhebdkkfnkwndjkdhwhwhjsjhahaudhshdjhahshdjhshsjdhsha 😭
zero123
#5
Chapter 30: ANG GANDAAAA!!!! Ang galing mo otor!!!!! <333 when kaya me
Eybrelros #6
Chapter 30: Oh edi another sanaol nalang ulit grabe ba🤧
Eybrelros #7
Chapter 28: Oh diba pusang galaaaaa 😭
Eybrelros #8
Chapter 27: Ay mukang gets ko na shuta na yan😆
Eybrelros #9
Chapter 25: Gagi naman ambilis mag shift ng mood 🙂
Eybrelros #10
Chapter 24: AAAAAAACVCKKK kinikilig ako😩 nagtaksil na talaga ako sa aking shape pasensya na aking jmj heart sa winning muna tayo dito😔