Mommy Bratinella.

Loving J.
Please Subscribe to read the full chapter

Spoiled brat. Suplada. Bratinella.

Ang lala talaga ng irita ni Winter sa babaeng humila kay Aeri noon. Hindi ba nahalata ng babae na 'yon na may mala-AU moment si Winter at Aeri? O baka naman sinadya niya dahil gusto niyang siya ang maka-AU moment ni Aeri..?

Wala nang pake si Winter Jolene kahit ano pang sagot sa tanong na 'yon. Wala na rin naman sigurong chance na makita pa niya ang mga 'yon. Sa lawak ng Kwangya University, sobrang malas niya naman kung makikita pa niya ang mga 'yon. Until yesterday nga, hindi niya alam na may nag eexist na duo na may babaeng maliwanag ang ngiti at babaeng pinagsakluban ng langit at lupa kaya sobrang maattitude.

 

"Hey, Jo."

Jo with matching malambing na boses.. Speak of the devil and he's sure to appear nga talaga eh no?

'Lord? Ayaw mo ba talaga ng world peace?' Napatanong na lang si Winter sa isip niya.

Halos slow motion pa ang paglingon niya pero naabutan niya pa rin ang malakasang pag-irap ng babae sa likod ni Aeri na may malawak na ngiti.

"What a surprise to see you here, don't you think this is a sign?" pagbibiro pa ni Aeri.

Hindi nagreact si Winter sa banat, imbes ay tumingin siya sa mukhang spoiled brat na inagawan ng laruan na nasa likod ni Aeri.

"You wanna eat with us?"

Napailing agad si Winter, sino ba namang tatango kung may babaeng pumapatay na ata sa utak niya? Agad namang napanguso si Aeri, 'so hard to get past her wall,' naisip niya pa. 

Si Winter Jolene Kim ba naman ang kalabanin, eh mala-China 'yan sa sobrang taas ng bakod sa sarili niya. Tatalunin pa ang Great Wall of China pero pake ba ni Aeri eh, wala siyang pader na hindi kayang akyatin.

Perfect example? Ang babaeng nasa likod niya. Hindi naman sila tugma sa kahit ano pero look at the woman at hindi na mawalay sa tabi ni Aeri.

What Aeri failed to realize though is that the only thing keeping her away from Winter is literally the woman behind her.

"Ayaw niya, Aeri. Let's go."

Pinigilan ni Winter na mapairap nang marinig ang pagmamadali ng babae. Wala naman siyang balak sumama pero ngayon, parang gusto niyang inisin ang bratinella. Kung naiirita si Winter, dapat mas mairita ang bratinellang 'to, ika nga.

Kaya naman nang akmang aalis na sila Aeri ay hinablot niya ang wrist ni Aeri para pigilan itong umalis. Palihim namang napangiti si Aeri bago muling humarap kay Winter.

"Hmm?" pagtatanong ni Aeri kahit na alam niya na ang gustong iparating ni Winter.

Napabuntong hininga si Winter bago ngumisi. Oo, hindi para kay Aeri ang ngisi na 'yon dahil ang nasa likod nito naman ang gusto niyang asarin. Pero kailangan pa bang malaman ni Aeri 'yon, eh mukhang tuwang tuwa na nang pigilan siya ni Winter?

"Sama na pala ako," saad ni Winter na nagpalawak pa lalo sa ngiti ni Aeri.

Agad tinanggal ni Aeri ang pagkakahawak sa kanya ni Winter sa wrist niya at hinawakan ito sa kamay bago ipulupot ang kabila naman niyang braso sa isa pang kasama (na hindi niya alam ay parang bulkang sasabog na sa galit).

 

Winter: 1, Bratinella: 0

 

At ang bidang si Winter Jolene? Nagpakaladkad lang naman siya kay Aeri habang nakatingin sa kamay nilang magkahawak.

Nang makarating sa cafeteria ay sabay silang binitawan ni Aeri para ipaghila siya ng upuan. Nasaan na nga ba ang notes ni Winter? 'Pula a

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
shining_ae
Thank you for reading Loving J! BUT it may not be the time to move on YET.

https://curiouscat.live/aerinyz

Comments

You must be logged in to comment
purplejoch
#1
Chapter 3: aayyy ayyyyy the tension though jan nag nagsisimula yan from enemies to lovers, and winter is such a green flag ha kahit na nagkaka iritahan silang dalwa ni yizhou she still takes care of her dahil nakitang niyang umiiyak si bratinella huhu
purplejoch
#2
Chapter 2: new reader here, winter jolene is so unique huhu and cute ng meet up nila ni aeri jane, tipping strangers man sila pero nag match na yung personality nila 😊 pero the gay panic though haha kaloka ka Jolene 😂 Colgate pa nga
L_inthesnow #3
Chapter 30: hoyyyyy ang cutie 😭 anong oras na kaya grabe pigil ko sa kilig HAHAHAHHHA! thank you so much po 'tor for writing this! ang galing galing po ng pagkakasulat!
L_inthesnow #4
Chapter 2: colgatebdhdhebdkkfnkwndjkdhwhwhjsjhahaudhshdjhahshdjhshsjdhsha 😭
zero123
#5
Chapter 30: ANG GANDAAAA!!!! Ang galing mo otor!!!!! <333 when kaya me
Eybrelros #6
Chapter 30: Oh edi another sanaol nalang ulit grabe ba🤧
Eybrelros #7
Chapter 28: Oh diba pusang galaaaaa 😭
Eybrelros #8
Chapter 27: Ay mukang gets ko na shuta na yan😆
Eybrelros #9
Chapter 25: Gagi naman ambilis mag shift ng mood 🙂
Eybrelros #10
Chapter 24: AAAAAAACVCKKK kinikilig ako😩 nagtaksil na talaga ako sa aking shape pasensya na aking jmj heart sa winning muna tayo dito😔