I'm Not the Only One.
Loving J.Yizhuo Jessica's
Hindi ko na maalala kung gaano na ako katagal na nakakulong sa kwarto ko. Ni hindi ko na nga magawang buksan pa ang cellphone dahil alam kong sa oras na mahawakan ko 'yon, itetext ko lang ang ex kong si Winter. Ex.. until now, kapag naiisip ko 'yon ay parang inooperahan ang puso ko. Except walang anesthesia at gising na gising ako. Masakit. Sobrang sakit na hindi ko na alam if I'll ever recover.. Ganito ba talaga dapat 'to kasakit? Hindi ko na alam kung kaya ko pa.
You know what hurts more? To have the will to fight for it but not have the strength to do so.
I turned to the side and imagined Winter. We used to cuddle on this bed. Winter would be pulling me closer and she'd giggle like a child. We'd watch a movie or sing each other a song.
"Kapag nagkaanak tayo, we'd sing them a lullaby together ha?
Ah, well there goes the tears again. Hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako kakaiyak hanggang sa magising na lang ako nang magring ang phone ko. Hindi pa halos makamulat nang sagutin ko ang tawag.
There was silence until I heard sobs. It was Aeri crying.
"Aeri, what happened? What's the problem?"
"Come here, please?" hirap nang magsalita si Aeri habang humihikbi pa. Nang marinig ang pagcrack ng boses niya, para akong binuhusan ng malamig na tubig at tuluyan nang nagising. Mabilis akong nagbihis habang patuloy pa rin sa paghikbi si Aeri sa kabilang linya.
Everything was a blur after that. Aeri ended up with her ex na ikakasal na noon. I was against it noon kaya hindi na rin kami masyadong nakakapag usap. Bakit ba kasi sa dinami dami ng tao, doon pa nainlove si Aeri? Hindi ba obvious namang ginawa lang siya nitong second choice at binalikan lang nang marealize na mas mabuti pa rin ang magiging trato ni Aeri sa kanya? But for Aeri, it was an opportunity she can't let go that time. Nag offer kasi ito na hindi itutuloy ang kasal para kay Aeri. Akala niya for the first time in a while, mapipili na siya. Nagkatotoo naman eh, for a while, she was the only one. Their first attempt to have a baby was successful, but her ex died. Naaksidente ito bago pa malaman na may anak na pala sila. Hindi ba talaga siya pwedeng sumaya? Pinili nga siya, hindi pa rin naging masaya ang ending. Pareho lang din pala, bida man o hindi, hindi pa rin pala talaga siya sasaya. Bakit ba kasi kung sino pa ang mabait, sila pa ang pinagkakaitan na maging masaya? May balat ata kami sa pwet ni Aeri kasi bakit ganon? Parang sinumpa naman ang love life naming dalawa.
Everything happened so fast na wala na akong time sabihin pa kay Aeri na wala na kami ni Winter. I chose to keep my mouth shut about it at nangakong aalagaan sila ng magiging anak niya. It helped me avoid feeling the excruciating pain and I learned to ignore that bigass gap na nawala nang maghiwalay kami.
Kailangan ni Aeri ng masasandalan kaya I chose to be strong para sa aming dalawa. I'm all she's got so I lived with that thought hanggang sa lumaki na si Michaella. I got to finish college while also taking care of Aeri and Michaella. I dedicated her life kina Aeri, wala na rin naman si Winter. Kung hindi lang din si Winter, edi ako na lang ang magiging ina ni Michaella.
But the
Comments