Simula.
Loving J.Winter Jolene's
There she is, standing so perfectly as her smile lights up my whole world. She's my one and only. The only girl in my life na hinding hindi gagawa ng mali sa mga mata ko. Hindi ko alam na magiging ganito ako pero kahit naman siguro sino, hindi maiisip na hahantong sa ganito ang buhay ko.
Si Winter Jolene Kim? Ginanon?
Automatic akong napangiti nang magtama ang mga mata namin, malawak din ang mga ngiti niya habang tumatakbo papunta sa akin. Agad kong nilahad ang arms ko at ready nang tanggapin ang pinakamalambing niyang mga yakap at halik. Pumikit pa nga ako habang nakaabang sa lambing niya pero..
Walang dumating na ganon. Instead, naramdaman ko ang ink na natutuyo na sa mukha ko habang naririnig ang mahihina niyang hagikgik.
"Momma! You're a pirate now!" masayang anunsyo ni Jacques.
Si Jacques Kim, ang anak kong ginawa nang drawing book ang magandang mukha ko.
Oo, ako si Winter Jolene Kim, ginaganon ganon lang ng napakacute niyang anak. Pero bilang isang supportive na mommy momma, hinayaan ko lang siya. Kebs na lang sa pagpudpod ko mamaya sa mukha ko habang binubura ang eyepatch na ginawa ng malditang 'to. Hindi pa nga nakuntento at nagdrawing pa ng bigote at balbas. Kung makikita ako ng mga ugok kong kaklase noong college, panigurado, may pambati na sila sa akin sa birthday ko. Iba ibang version pa.
"Momma, look oh!"
Agad akong nagmulat ng mata at agad bumungad sa akin ang mukha ko. Tinapatan pa ako ng salamin para ipagmalaki ang ginawa niya sa mukha ko.. Hindi lang pala eye patch at balbas ang ginawa niya, may matching galit na kilay pa. Kanino ba nagmana ng pagkaartistic 'tong batang 'to?! Kapag nga may slogan making kaming project, either kamay na hawak ang Earth lang o kaya stickman na hindi mo alam kung anong pinaggagagawa sa buhay lang ang ginagawa ko!
Feeling ko kasalanan 'to ni Ryujin. Ang bruhang 'yon, paniguradong sinama niya na naman si Jacques sa pagbibinge watch ng One Piece!
Habang hawak pa rin ni Jacques gamit ang napakaliliit niyang mga kamay ang hawakan ng salamin ay dahan dahan siyang sumilip sa akin. Her eyes are literally shining in excitement sa reaction ko kaya napatawa na lang ako at hinila siya para kumalong sa akin. Sa liit ng batang 'to, parang yumakap lang ako ng extra large teddy bear. Extra large pero hanggang tuhod ko lang 'to. Sa akin ba naman nagmana ng height eh. My poor baby.. Sana kay..
NO. No bad words, momma win!
"Should we go on a trip, my love?" paglalambing ko sa kanya.
Comments