Friendzoned.

Loving J.
Please Subscribe to read the full chapter

Friendzoned.

 

'Yan ang naranasan ng lahat ng mga nagkakagusto kay Aeri.

 

"Hi, Jo! Good morning," bati ni Aeri nang makita si Winter sa malayo. Masigla pa siyang kumaway kaway rito kaya't napansin na rin siya ng nakatulalang si Winter.

 

Agad itong ngumiti sa kanya and it took every bit of her para pigilan ang pagtakbo papunta dito para papakin ng halik si Winter. Para kasi itong baby ngumiti tapos bahagya pang kinaway ang maliit nitong kamay. Actually, hindi naman gaano kaliit pero kung ikukumpara sa mahahabang daliri ni Aeri, Winter's are very small. Childlike even.

 

Nang makalapit si Aeri kay Winter, hindi na niya namalayang unconsciously ay napatingin siya sa likod nito. At hindi rin niya namalayang napansin din ito ni Aeri.

 

Hindi naman kasi siya manhid. Nahahalata niya na ang pasulyap sulyap ni Winter sa kaibigan. Napapansin niya na ang mga palihim nitong pagngiti sa kaibigan sa tuwing nagkkwento ito o nagsusungit, actually, basta ata nag eexist si Yizhuo ay masaya na si Winter. Maybe busy pa si Winter magdeny kaya hindi nito nahahalata. Pero si Aeri? Nasa accepting stage na ata.

 

Mas lalo pa siyang napatambay sa accepting stage nang mangyari 'yon..

 

 

Pauwi na sila no'n galing sa beach. Tulog na nga si Karina sa balikat niya at kahit ayaw niya ay hindi niya na lang inalis. Nakapikit na siya no'n eh, tahimik lang din kasi.

 

At sana nga ay natulog na lang siya. Edi sana hindi niya narinig ang dalawa?

 

"Hindi ka inaantok? Ako na kaya magdrive?" 

 

"Anong drive drive ka dyan? Akala ko ba takot ka sa manibela?"

 

"Sinabi ko 'yon?"

 

Mahinang napatikhim si Yizhuo, "hindi mo tanda kwento mo? Kagabi lang 'yon ah? Bago tayo matulog."

 

"Hmm? I did? Hindi ko na tanda."

 

"Marami ka sigurong kinekwentuhan," pagsusungit ni Yizhuo na nagpatawa naman sa kausap.

 

"Ikaw pa lang nakakakwentuhan ko, baliw. Selos ka?"

 

Bahagyang nagmulat ng mata si Aeri pero hindi naman siya napansin ng dalawa na busy pa ring magbulungan sa unahan. Akala siguro ay tulog na ang mga kasama kaya ang lakas ng loob maglandian. Umamin na kaya si Winter last night?

 

"Bakit ako magseselos? Clingy mo kaya kagabi, pakitabi sa kama. Epal."

 

Nagtabi sila sa kama? Kita ni Aeri sa rearview mirror ang paglawak ng ngiti ni Winter habang nakatingin kay Yizhuo na nagkukunwari pa ring galit kahit halata namang kinikilig kilig pa. Pumikit na lang ulit siya at nagdasal na makatulog na. Tulog kaya si Karina? Hiniling niya na sana ay oo. Okay na sigurong siya lang ang makarinig sa dalawang 'to. At least one less person na masasaktan sa pa-ganito nila.

 

"Mamimiss mo rin ako, for sure. Wag kang magtetext na makikitulog ka sa amin bigla ha? Strict si mama."

 

"Ba't naman kita itetext? Hindi ka naman marunong magbaba ng call."

 

Kaya pala hindi niya na nakakausap si Winter sa gabi. Si Yizhuo na pala ang palagi nitong kausap. Aeri made sure to note na sa messenger tumawag kay Yizhuo kung sakaling magka-emergency.

 

Mahinang tawa ni Winter ang huli niyang narinig bago siya tuluyang makatulog. 

 

Akala niya noon ay nagkakamabutihan na ang dalawa kaya't nagulat na lang siya nang nakasimangot nang nagrereklamo si Yizhuo sa kanya.

 

"Halo halo ba 'yan si Winter? Traffic lights? Ano? Bakit ang gulo gulo niya?!" galit pa itong napasabunot sa sarili habang nakatambay sila sa bahay nito para sa

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
shining_ae
Thank you for reading Loving J! BUT it may not be the time to move on YET.

https://curiouscat.live/aerinyz

Comments

You must be logged in to comment
purplejoch
#1
Chapter 3: aayyy ayyyyy the tension though jan nag nagsisimula yan from enemies to lovers, and winter is such a green flag ha kahit na nagkaka iritahan silang dalwa ni yizhou she still takes care of her dahil nakitang niyang umiiyak si bratinella huhu
purplejoch
#2
Chapter 2: new reader here, winter jolene is so unique huhu and cute ng meet up nila ni aeri jane, tipping strangers man sila pero nag match na yung personality nila 😊 pero the gay panic though haha kaloka ka Jolene 😂 Colgate pa nga
L_inthesnow #3
Chapter 30: hoyyyyy ang cutie 😭 anong oras na kaya grabe pigil ko sa kilig HAHAHAHHHA! thank you so much po 'tor for writing this! ang galing galing po ng pagkakasulat!
L_inthesnow #4
Chapter 2: colgatebdhdhebdkkfnkwndjkdhwhwhjsjhahaudhshdjhahshdjhshsjdhsha 😭
zero123
#5
Chapter 30: ANG GANDAAAA!!!! Ang galing mo otor!!!!! <333 when kaya me
Eybrelros #6
Chapter 30: Oh edi another sanaol nalang ulit grabe ba🤧
Eybrelros #7
Chapter 28: Oh diba pusang galaaaaa 😭
Eybrelros #8
Chapter 27: Ay mukang gets ko na shuta na yan😆
Eybrelros #9
Chapter 25: Gagi naman ambilis mag shift ng mood 🙂
Eybrelros #10
Chapter 24: AAAAAAACVCKKK kinikilig ako😩 nagtaksil na talaga ako sa aking shape pasensya na aking jmj heart sa winning muna tayo dito😔