Ch. 22
Walang Hanggang Tahanan
“January 06, 20XX, found seven dead bodies from a small plane crash in an island in Palawan. A practice-pilot at fault, dead with disturbing images of uncommon incidence; mouth stitched and multiple bullets recovered underneath the skin. Last year, December 22, 20XX is said to be the expected arrival, however only recovered early this pleasant morning of 11.”
Tulala ang mga mata ko habang binabasa ang headlines. Kasama ko ngayon ang ate at kuya ko. Nandito kami sa morgue kung saan nakaratay ang mga bangkay nila Giselle, waiting for the family and even for the body of Yeonjun na pauna nang sinabi sa amin na dinaan pa raw sa hospital ng sailing ama, umaasa pa rin para sa buhay ng anak.
Pati si kuya ay tikom sa balita sa kaisa-isang TV sa private waiting area.
Mabilis kumilos ang media. Wala pang natatanggap na tawag ang hotlines regarding sa mga pamilya ng mga nasawi sa nasabing aksidente pero ayon na rin sa nakalap ko mula kay kuya na chumichismis sa kahit na saang pwedeng makuhaan ng impormasyon, matagal na raw na nasa Pilipinas ang mga magulang ni Somi at on the way na raw ang mga ito para sunduin ang labi ng anak.
At siyempre ay chineck ko rin ang facebook account ni Ryujin, instantly.
Mabilis na kumalat sa social media ang balita kaysa national TV. Lumaganap kaagad ang balita tungkol sa plane crash at mabilis iyong naipadala sa mga kasapi ng pamilya ni Ryujin. Her feed was bombarded with a lot of RIP's and condolences to the family. Nakakadurog ng puso habang binabasa ko lahat ng panghihinayang nila para kay Ryujin, saying that all of their dreams for the late family member is forever being stopped and paused, umaasa kahit na nagdaan na ang parehas na noche buena at media noche.
Kahit man din ako ay nanghihinayang. Sa oras, sa tagal, sa lahat.
Napabuntong-hininga na lang ako at napakagat sa pang-ilalim na labi. Hindi ko kaya. Durog na durog ako. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin kayang i-take lahat ng nangyari especially that currently what has happened sa Cuyo island kanina habang nirerecover ang mga katawan ay presently loading at on-play sa TV. Kitang-kita ko kung paano magluksa ang daddy ni Yeonjun na sa bawat pagtawag sa pangalan ng anak ay may kasunod na mura at galit para sa kung sino mang may gawa sa pagkakatahi sa bibig ng anak.
Kitang-kita rin kung paano ako yakapin ni kuya but we're being blurred, basically dahil hiniling ng daddy ko.
There were media kanina at marami sila sa pagkakatanda ko. But none of us were interviewed dahil lahat ay nakafocus sa kakaibang hitsura ni Yeonjun nang matagpuan na sa wakas. Palaisipan para sa lahat, bakit ganoon ang bibig ni Yeonjun?
Hindi ko lang pormal na masabi lahat ng nangyari sa panaginip ko habang tulog ako sa mga nagdaang gabi.
Pinapakita ang paglipad ng isang drone sa isla ng Cuyo.
Tumagal din ng halos dalawang minuto ang balitang naglalaman ng brief details about the said plane crash. Sa ngayon ay hinihintay pa munang makuha ng mga pamilya ang mga bangkay ng mga namatay. Actually, talagang sumadya lang kami ng bisita rito kahit hindi naman na talaga kami kailangan. Naging reasonable din naman on my part since kilala ako ng lahat as Yeonjun's fiancée kaya wala ring naging problema. Kaunting iyak lang, ang iisipin kaagad ng lahat ay malungkot ako dahil namatay si Yeonjun but most of my tears, para sa iba, kila Ningning.
Napabalikwas kaming tatlo ng upo nang biglang umeksena ang patuloy na malakas na paghagulgol. Tumingin kaagad kami sa pintuang naiwang nakabukas at doon tumawid ang magkasunod na dalawang babae, ang nauuna ay medyo may edad na rin kumpara sa sumunod sa kaniya na kamukhang-kamukha ng magandang babae sa Cuyo. Siya nga 'yon dahil pati hugis ng katawan at bihis ng damit ay kopya, literal na walang pinagbago.
Nagkatinginan kami ni ate Irene bigla. Tatayo na sana si kuya Eunwoo para isarado ang pinto pero pumigil ako,
"Baka pamilya 'yon." dahilan ko.
Gusto ko lang ding makilala kahit hindi ko na makausap nang personal. Gusto ko lang ding pagaanin ang loob ko by actually seeing the family of my friends sa magulong mundo ng panaginip ko.
Hindi na rin naman tumutol sa pakiusap ko si kuya at bumalik ito sa kinauupuan nang tahimik.
Sumenyas lang ako sa kanilang dalawa na hayaan lang muna ako sandali para labasin ang babaeng umiiyak habang nakasuot ng puti mula ulo hanggang paa, maging ang panyong nakatakip sa bibig ay puti rin ang kulay.
Tahimik kong sinarado ang pintuan sa waiting area.
Sinundan ko kung saan tumungo ang impit at nagdadalamhating iyak.
Dinala ako ng mga paa ko sa pintuan para sa mga bangkay, sa unang pinto kung saan nakalagak ang kay Somi. May pangalan at identity niya ang pintuan. Naroon 'yung pin ng suot niyang pampilotong uniform at nakatatak doon ang pangalan at apelido.
Somi Garcia
Hindi na ako tumuloy pa sa loob dahil masyado namang nakakahiya. Ako na rin ang natigilan. Hindi soundproof ang kwarto. Rinig ko ang usapan mula sa loob at natural na ganoon din ang mga yabag dito sa labas sa loob.
Maybe she's the mother of Somi.
She looks rich at halata sa porma ng damit.
Sa ngayon, curious pa rin ako about that beautiful lady na mukhang malapit yata kay Somi.
Somi's kind of classy talaga. Lalo na sa personal kahit nakapikit lang at wala ng buhay.
She's beautiful.
Buhay man o hindi.
"Condolences, tita... I'm very sorry..." rinig kong sambit ng magandang babae sa loob.
Tita? Baka nga kaibigan 'to ni Somi o kaya ay malayong kamag-anak. Pinsan? Much possible since tita ang pag-address niya sa babae.
Lumakas pang lalo ang iyakan sa loob. I could picture it out in my mind na magkayakap sila ngayon at pinakakalma ang isa't-isa.
Umatras ako nang bahagya nang may pumasok na empleyado. Dumiretso ito sa ika-huling kwarto, Ningning's. Baka may aasikasuhin o kung ano man.
Napansin ako.
Dumistansya ako nang kaunti.
Pa'no ba 'to..?
Gusto kong kausapin 'yung mommy ni Somi at gusto ko ring makita nang malapitan ang mukha. Kung hindi man ako nakahingi ng tawad kay Somi para sa lahat ng paratang na ibinintang ko sa kaniya, maybe sa parent niya ay pwede kahit indirect ang action. Lumunok ako ng makapal na amount ng hangin, pati na rin ng confidence as I contain myself habang nasa labas pa rin ng kwarto of Somi.
Right, bukas makalawa or say mamaya lang... wala na si Somi rito, kukuhanin na malamang kaagad ng pamilya ang bangkay. Humawak na ako sa doorknob. Ilang rounds din ng paglunok sa sariling laway ang kinailangan kong lampasan bago tuluyang naitulak ang kahinaan ng maselan at babasaging pinto.
Natigil ang parehas sa pagyayakapan at pagluha nang opisyal na akong nakapasok sa loob. Sinara ko rin kaagad ang pinto.
I was stuck between approaching them immediately o kung magmamano pa muna sa nanay ni Somi na hawig din nito sa halos lahat ng features sa mukha. Hindi ako makapili sa dapat na gagawin at na-surprise ako sa ganda nilang parehas. Out of choices with what to do next, lumapit ako sa nanay ni Somi at tsaka ako yumakap dito.
Tahimik lang ang babaeng nakatayo sa gilid namin.
Nag-alinlangan pa akong mapahiya sa totoo lang.
I indeed worried a lot kung iisipin pa ba ng mommy ni Somi na yakapin din ako pabalik o magpaanod na lang sa bigat ng nararamdaman. Humupa sandali ang tindi sa pag-iyak nito, bagay na nagpasa sa akin ng labis-labis na kaginhawahan at kagaaanan.
Maingat at dahan-dahan kong inilayo ang sarili ko sa kaniya for a temporary period of time. Talagang napatitig ako sa kaniya. She exactly looks like Somi and I could do nothing else but stare!
In this way, para ko na ring pinamukha sa sarili ko na maraming nagmamahal kay Somi kaya hindi dapat ako malungkot over the fact na malungkot ang buhay sa kabilang mundo dahil panibagong simula ang kahaharapin ng kaluluwa but no. Seei
Comments