Ch. 21
Walang Hanggang Tahanan
Pinalipas ang isang gabi. Umamin ako kina ate't kuya about the Cuyo island. Ang kuya ko ang nakiusap kay daddy na siyang naging daan para maiparating sa mismong ama ng nagmaneho ng nawawalang eroplano sa loob na ngayon ng mahigit tatlong linggo. Nag-uumapaw lahat ng emosyon kong halo-halo at gulo-gulo na sa loob. Simula unang araw hanggang sa mismong puntong ito ay hindi ako binitawan ng dalawa kong mga nakatatandang kapatid, lalo na si kuya na ramdam na ramdam ko ang pagmamahal at pag-aalala sa akin to the point na susuungin na ang lahat para lang maibigay sa akin 'yung assurance na maaayos din ang lahat, in the right time.
Kasalukuyan kaming nakaabang ni ate sa labas ng itim at mahabang van kung saan kami sasakay.
Sinabi ni kuya kay daddy 'yung tungkol sa Cuyo island. According to kuya after that, hesitant ang daddy ni Yeonjun at napainom ng maraming tubig pagkatapos marinig ang posibilidad. May naikwento pa sa amin si kuya na isang sundalo raw ang nakausap niya sa mga kasama sa operasyon at ipinagtapat nito mismo sa kaniya na dating nakapangalan sa mga Choi ang naturang isla. So immediately upon hearing that, si Winter kaagad ang unang pumasok sa isip ko. Hindi pa rin natatanggal sa akin 'yung sinabi ng matanda sa huling yugto ng panaginip ko.
Ayoko.
Ayokong tanggapin 'yung possibility na kinonekta niya sa pagkatao ni Winter at doon sa isla. And everything that she's told ay tugma sa kung paano ko nakilala sa panaginip ko si Winter. She's a surfer pero hindi ko alam na sikat at may pangalan pa sa YouTube. At 'yung pinakangpinagtataka ko ay 'yung sinabi nitong pag-aari raw ni Winter ang isla. Bukod pa sa sinabi niyang nahahawakan ko raw si Winter at kumpirmadong bukas ang third eye niya.
I decline that sa isip ko pa lang.
Buhay si Winter!
Buhay siya!
Buhay siya at naniniwala akong hindi siya kasama sa plane crash and if ever man na kasama nga siya, I believe she's a survivor or the only survivor dahil nga sa kaming dalawa lang ang katangi-tanging itinira ni Yeonjun sa walo. That could be a possible true conspiracy. Kaming tatlo as the customers with Yeonjun, siguradong malayo ang kinalaman namin doon sa mga empleyado sa loob ng resort ni Giselle. And the fact that everything still doesn't sink in into mind, lalo na 'yung katotohanang si Giselle ang pumatay kay Yeonjun kung totoo man ang teorya ni kuya na hindi aksidente ang kinamatay ni nito but by murder. Magmamatter na lang ang lahat ng bagay ngayon kung may murder na naganap sa loob ng sarili niyang eroplano bago 'yung mismong aksidente.
Hinawakan ako ni ate Irene sa kaliwang kamay, "Tara na." sabi nito sa akin nang makita na rin naming lumalakad na si kuya pabalik sa lugar kung saan kami nito iniwanan, kasama ang isang sundalo na may walkie-talkie sa baba.
Huminto ang isang silver na kotse sa mismong likuran lang ng itim na van na sasakyan naming magkakapatid, si kuya ang magmamaneho.
Napahinto rin kami sa paglalakad ni ate nang bumaba mula sa kotse ang daddy ni Yeonjun kasunod ang isang babaeng mula sa backseat naman ay bumaba, sa kanang pinto. Maganda at bata ang babae. Tingin ko ay kasing edad ko lang din. Mahaba ang buhok nito at nakasuot ng puting blouse at pares ng denim jeans. Simple at casual lang ang bihis niya. Ngayon ko lang siya nakita.
Aligaga kaagad ang daddy ni Yeonjun at walang-tigil sa panenermon ang bibig sa kausap sa cellphone.
"I thought we have abandoned that island already?! It should have been closed bakit iyon ang landmark? Yeonjun frea@ing knows that! Bakit doon bumagsak ang eroplano niya when he knew it in the first place na kailangan niyang iwasan 'yon?!"
"Call more cops. Magpadala ng rescue, mga divers, and all. The plane's caught there sa drone. Nakita ng kapatid ni Jimin. Eunwoo saw it and showed it to me."
Nagmamadali ang daddy ni Yeonjun at parang hangin lang ang mga presensya namin ni ate para sa kaniya, nilampasan lang kami, dumiretso at nagpatuloy sa patutunguhan. However, 'yung babaeng maganda na kasunod niyang lumabas kanina ay kasunod niya rin, literal at pursigidong nakabuntot.
Nang makaalis na silang dalawa ay nagtama kaagad ang mga mata namin ni kuya Eunwoo. He stopped walking at sinundan pa ng tingin ang dalawa hanggang sa bukasan ng isang maliit na patio.
"Tara na," pinagbuksan niya kami ng pinto ni ate Irene para sumakay na sa loob ng van. I took the passenger seat gaya ng nangyayari usually.
Umayos kaagad ng upo si ate pero ang mga mata ay nakasunod pa rin kay Mr. Choi.
"Kilala mo ba 'yung babaeng kasama niya, Eunwoo? Kabit pa yata ni Yeonjun 'yun ah,"
Tsk. Kahit milyon-milyon pa ang maging kabit niya wala naman akong paki dahil hindi ko naman siya gusto. Mas maganda nga 'yung gano'n para marami akong dahilan to divorce him, unless I have agreed to tie the knot with him. And that would be my greatest fear, the exact mistake na hinding-hindi ko ipipilit at gagawin.
As if naman na papayag talaga ako!
Kaya nga nangyari lahat ng 'to dahil hindi ko ginustong makulong ako sa kaniya. Magpapakasal lang ako sa taong mahal ko. Iyon dapat ang panata ng lahat pagdating sa simbahan at kasal.
Hindi na naghintay ng signal si kuya at nagsimula na itong magpaandar. Habang bumabagtas ang sasakyan ay marami akong natatanaw na mga tao at iba pang mga uri ng sasakyan sa labas. Maraming mga armadong sundalo at lahat sila ay pormal na nakauniporme. May mga kapulisan din at may malalaking mga ambulansiya na maaga nang pinaingay as a sign na may rescue or recovery na mangyayari, which should be done very soon.
Good thing, nandito ang kuya Eunwoo ko.
Kung hindi umuwi si kuya sa Pilipinas at nagkataong nagkabuhol-buhol nang ganito katindi ang lahat, baka binuking na ako ni ate kay daddy at ngayon ay nasa kulungan na ako for intentionally unintentionally killing Yeonjun.
Nahirapan si kuya to convince Yeonjun's dad dahil mukhang may alam pa yata roon sa isla ang mukhang perang tatay nito. Good move for kuya dahil naisip niya 'yung drone. Nagpatulong lang siya sa mga sundalong nakausap hanggang sa sabay-sabay silang tagumpay na may naipakitang pruweba sa daddy ni Yeonjun. Nahagip sa mga drone 'yung eroplano doon nga sa isla ng Cuyo.
"Cuyo is an archipelago, lil sis. Marami pang mga isla ro'n but thank my brain naisipan kong i-google 'yung lugar at hanapin sa drone. Don't worry, nakita ko na at alam na nila dad kung saan hahanapin 'yung plane ni Yeonjun." isang tango na lang ang ibinalik ko kay kuya matapos nitong magpaliwanag about the place.
Hindi na lang ako kumibo sa isiniwalat ni kuya. Wala na rin naman akong maisip na itutugon. Pondering wise enough, pinili ko na lang na panuorin ang mga nagkukumahog na tauhan sa labas, kabilang na ang mga bagong dating na rescuer.
Ang daming mga tao kaya natagalan ding makalabas ang van sa maliit na parang rest house dito pa rin sa Palawan. Pero, hindi ko alam kung saang eksaktong distrito o munisipalidad. Marami rin kasing mga bayan dito. Probinsiyang-probinsiya ang dating.
Natanaw ko pa nga 'yung babaeng maganda kanina na mahaba rin ang buhok at maputi. Wala siya sa tabi ng daddy ni Yeonjun pero marami itong nadaanang kinausap. Malabo namang karelasyon iyon ng gahamang ama ni Yeonjun dahil mayroon na itong kinakasama na makailang-ulit ko na ring nakita. But with regards to the young woman's fit, mukhang kamag-anak siya or something. Basta, she's much more to be related sa pagtunton sa plane crash. We can't really identify. Hindi ko rin masabi kung ka-pamilya ng isa sa mga nakasama ni Yeonjun sa plane crash. I can't really tell exactly kung malapit ito kay Somi as Somi is a best friend to Yeonjun according na rin sa sakop ng nalalaman ko.
Walang maingay sa aming tatlo habang nagmamaneho si kuya Eunwoo.
I'm a bit happy kahit na pinamamayahan pa rin ng kaba ang dibdib ko. For sure, kapag nakumpirma at narecover ang mga bangkay, isasapubliko na kaagad ang balita at makakarating na iyon sa mga pamilya.
Nagi-guilty ako kahit hindi ko naman talaga alam ang buong istorya.
Wala akong kamalayan sa kinahantungan ng lahat.
Siguradong maglulumpasay sa iyak ang mga magulang nina Ningning at Ryujin. Sina Giselle, Lia, Yeji, at Somi... wala akong alam tungkol sa mga pamilya nila pero alam kong ganoon din ang magiging reaksyon ng mga ito.
Umiingay na sa likuran ang ambulansiya, mas lalo pa.
Maraming mga rescuer sa paligid ang papasakay pa lang sa malalaking sasakyan na nakahilera na sa likuran namin.
A little thing to share, kahapon mismo nang mapag-usapan naming tatlong magkakapatid ang isla ng Cuyo, hindi na nagpatumpik-tumpik si kuya na magsabi na sa daddy ni Yeonjun or kay dad directly. Sinubukan pa naming konektahin ang lahat but we failed. We tried connecting the dots, absolutely! Simula noong napadpad ako sa magulong mundo ng panaginip na ito, until the very last episode kung saan naging bakante na nang tuluyan ang kwartong inookupahan ni Yeonjun after he's killed Giselle na primary suspect niya pala for his murder.
Walang naiambag sa brainstorming si ate Irene.
Mas excited pa siyang makita 'yung eroplano at malaman kung talaga bang may mga malalaking tahi sa bibig si Yeonjun. Even the stitches did matter para sa amin ni kuya. Relating it to black magic, bakit hindi ako ang tinukoy na murderer ni Yeonjun kung ganoon? Something must be off. Maraming mali.
Hindi kami nakatulog kagabi. Ako ay hindi na rin natulog.
Kinakabahan ako at ayoko nang bumalik sa panaginip ko. Maayos na rin kaming nakapagpaalam sa isa't-isa ni Winter.
"Malayo pa ba? Grabe ang ingay nung mga ambulansiya sa likod. Parang may gyera or sagala or something eh," reklamo ni ate.
"Matulog ka muna, sis." suhestyon ko sa kaniya pero inirapan lang ako nito. Ganiyan siya. Masungit talaga.
Umayos ako ng upo at hindi tinanggal ang atensyon sa labas, nakatingin nang pirmi at diretso sa salamin ng bintana.
"I'm kind of nervous actually... I don't know how this day's going to pass..."
"Basta ang mahalaga natakasan na ni Jimin lahat, Eunwoo. It's ended. Wala na 'yung sumpa ng black magic." pagsingit ni ate.
Kahit naman wala na 'yon, half-sure kami ni kuya na sinadya ang pagpatay kay Yeonjun.
And Giselle could be the culprit herself.
Tumagal din ng halos isa't kalahating oras ang naging takbo ng byahe. Marami nang mga tao ang nauna sa amin sa mismong isla paglapag palang sa lugar. Inalalayan kaagad ako ng mga kapatid ko na sobrang ingat para hindi ako mapiga ng mga tao. Kuya told me na may mga media na raw na pinadala ang daddy ni Yeonjun at nagkalat na sila rito sa bandang bunganga mismo ng isla, kalat-kalat.
Gusto kong maiyak.
Pagkababa pa lang namin ng van, siksikan na ang populasyon ng mga tao.
Marami na kaagad ang mga aligagang rescuer.
Lumilibot sa buong kapaligiran ang mga mata ko habang mahigpit akong hawak ni ate Irene sa kanang kamay at akbay ni kuya sa kanang balikat.
Kabisado ko lahat.
Tugmang-tugma ang lugar na ito sa lugar sa mga panaginip ko. But the lady na napagtanungan namin ni Winter, she's right. Giba-biga, sira-sira, at halos hindi na makilalang isla ang kalahating parte ng Cuyo island before the water meets the land. Napapalunok na lang ako dahil totoo ngang inabanduna na ang lugar. Totoo ngang walang nag-eexist na Silver Wind and Waves resort dahil isang malawak at maruming lupain lang ang hinayaang nakatengga nang malubha bago ang mismong isla.
Walang mahabang pasilyo kung saan nagtatago ang mga kwarto. Wala rin ang madalas naming tinatambayan ni Winter na napapalibutan ng mga
Comments