Ch. 20
Walang Hanggang Tahanan
Sarado ang mga mata ko but the way my ears perked up to the sounds of birds chirping and the light raining made me open them even quieter. I blinked countlessly kaagad, malabo ang paningin. Nagising ako sa pinakangdulong parte ng kakahuyan kung saan mahamog pa rin dahil sa sobrang kapal ng usok na tuluyan nang lumamon sa buong kapasidad ng lugar.
Hinanap kaagad ng mga mata ko ang sumabog na van.
Paulit-ulit akong napaubo as slowly I tried to regain to my normal height. Sobrang maitim ang kapaligiran dulot ng pagkakapal-kapal na usok, may mangilan-ngilan pa ring mga butil ng alikabok na nagmula sa nangyari noong huling gabi, bumabagsak pa rin na kasing bagal ng mga piraso ng niyebe kapag hindi malala ang lebel ng snowfalling.
Matayog ang mababang bangin kung saan ako huling tumapak bago nangyari ang lahat, specifically kagabi nga. Maputik ang basang lupa sa kadahilanan na ring naghari ang ulan sa buong magdamag. However, medyo humupa na rin at wala na nga akong nararamdamang ligaw na mga butil ng payapang ulan against my skin, particularly sa braso as I just let go of my cardigan mula kagabi pa rin.
I feel so dizzy habang gumagabay ako sa maliliit na mga sangang nakakapa pa rin sa dilim. Pakiramdam ko ay umiikot ang kabuuan ng mga lamang-loob ko sa tiyan dahil sa nakakasulasok na amoy ng mga sumabog na materyales ng van, particularly the tires na tandang-tanda ko sa isip kung paano tumilapon at nagkalat bilang pira-piraso mula sa ere pababa sa maruming lupa.
Hindi naging madali para sa akin ang nalampasang pagbagtas sa makitid na daanan bago tuluyang bumalik sa normal na paningin sa kinahaharapan ngayon ang mga mata. Naniningkit ang mga mata ko sa tuwing madaraan sa mabeberdeng mga halaman, humahati sa masukal na daan bago tagumpay na nalisan ang kakahuyan.
Wala na akong nakikitang ibang tao na maaari kong hingan ng saklolo.
The first thing I realised upon finally leaving the woodland, si Winter.
Mataas na rin ang araw at panalangin kong nauna na itong nagising kumpara sa akin. As looking back sa mga naganap bago ako tuluyang binalikan ng ulirat, Winter was not in anywhere of my reach anymore. At sanay na rin akong sa ganoong routine ako gumigising sa bawat umagang naglagi ako rito, hence, with Winter not already seen around. Particularly, nasa isla na o kaya'y nagmamasid sa paligid na parang isang castaway.
Nanuyo kaagad ang lalamunan ko.
Mabilis na nagbagsakan ang mga luha ko. Iniisip ko pa lang na I'm totally forsaken now, hindi ko na kinakaya ang mga darating pang unos na mag-isa ko na lang na haharapin. Gustuhin ko mang bumalik sa kakahuyan, pangamba ko naman ang tatapos sa akin.
Wala na ring kahit na anong senyales ng buhay na tao maliban sa akin kanina sa loob mismo ng inabandunang kagubatan. Ang alam ko, sira-sira and completely mangled na ang sasakyan at wala na talagang ibang gumising sa akin kundi ang nakakapawing ingay ng mga ibon na hanggang ngayon ay nagsisilbing simbolo sa akin ng katiting na pag-asa.
Para akong naliligaw sa sariling mundo na utak ko lang din mismo ang lumikha, tinatahak ang mga pasikot-sikot na tila wala namang hangganan. Sobrang lakas ng pagkabog sa dibdib ko at palakas nang palakas ang ginagawa kong ingay dala ng mabibigat na mga pag-iyak.
Ramdam na ramdam ko at tagos na tagos sa puso ko ang lahat.
Wala na.
Wala nang naiwan para samahan ako. They're all gone at miski anino ni Winter ay hindi ko na rin mahagilap. Parang binubutas ang dibdib ko hearing her voice sa isip ko, literal na sa panaginip ay parang naririnig ko rin ang bawat halakhak maging sakit sa loob ni Winter. Remembering a lot tungkol sa kaniya, lalo lang sumisikip ang dibdib ko na sa kada sambit ko sa pangalan nito, wala na talagang nagpapakitang Winter.
Binilisan ko ang pagtakbo ko at nakisabay ako sa saliw ng mga ibon sa himpapawid. Sigaw lang ako nang sigaw for her name kahit alam kong kakaunti na lang ang maaari kong asahan lalo na sa pag-asang iniwan na ba ako nito o nasa paligid pa rin, waiting for me as well dahil sa takot.
Gusto ko na lang bumukas ang lupa at kainin ako nito nang buhay. Sobrang lalim ng pinaghalong kirot at hapdi sa puso ko at para nang binubutas dahil sa hindi matapos-tapos na sakit!
Kahit isang beses na makita ko lang siya ulit so that I can be so sure na hindi ako mag-iisa...
Nakabalik ako nang ligtas sa mahabang pasilyo kung saan nakatirik ang mga kwarto. Sinubukan kong balikan ang kwarto namin ni Winter pero tanging panlulumo lang ang iginanti sa akin ng silid.
Wala roon si Winter at wala pa rin.
Sa sobrang takot ko na habang-buhay nang mag-iisa, napuno ako ng galit at poot. Agad akong kumaripas ng takbo palabas ng kwarto at mabilis na sinugod ang katapat.
Laking gulat ko na lamang nang ang eksenang bumulagta sa akin ay hindi isang bagong misteryo bagkus ang mismong kasagutan sa lahat.
My eyes awoke very widened.
Nakaawang ang pintuan sa kwarto ni Yeonjun.
The door's labeled as 'vacant', only indicating the absence of anyone sa loob.
Bumagsak ang mga mata ko sa eksaktong malaking siwang ng pintuan.
Wala akong naaaninag na pigura ng isang taong nakakatakot. Walang anino o malinaw na silweta ng isang matangkad at nangayayat na lalaki ang nakaupo sa paanan ng kahoy na kama. Walang kahit na sino ang nasa loob ng kwarto but the pure specks of dust at ilang pangkat ng mga langaw na hindi na nilisan ang mga bakas ni Yeonjun.
Para natural at talagang makasigurado, walang-habas kong binuksan nang malaking-malaki ang pinto. At dito na pumasok sa puso ko ang wakas sa lahat.
Wala na si Yeonjun.
Wala na sa loob si Yeonjun at malaking pahiwatig din at the same time ang pagkakapatay nito kay Giselle kagabi. That only means, he's successfully killed his killer and is now willing to go.
Hindi ako.
Hindi ako ang pumatay sa kaniya!
It's not me but Giselle!
It's Giselle!
, si Giselle ang pumatay sa kaniya!
Biglang nagulantang ang lahat ng cell ko sa katawan at sumilip sa puso ko ang imahe ni Winter.
She should be safe.
Siya na lang ang natira para sa akin dito. I don't want to think true of what I'd known galing sa kuya Eunwoo ko. Natatakot ako na ito na 'yung pinakasukdulang parusa sa akin ng ginawa kong kulam kay Yeonjun.
"WINTER! , SHOW UP! WINTER, PLEASE!" pagod na pagod na ang lalamunan ko kakasigaw pero hindi ko pa rin siya nakikita, walang kahit na anong signus nito ang lumilitaw. In literally everywhere I stop.
Para na akong mababaliw dahil nakalayo na ako't lahat-lahat pero hindi pa rin siya nagpapakita!
Hindi ako tumitigil sa kakatakbo at halos malagutan na ako ng sariling hininga dahil sa lalim ng bawat pagpalahaw ko para sa kaunting atensyon. Kahit saan ako lumingon ay puro sakit ang bumabaon sa akin. Sa lahat ng dako ay wala na akong nararamdamang pag-asa.
Hanggang sa dahan-dahan na rin akong sumuko. Bumagsak nang kusa at sabay sa aksyon ang mga tuhod ko sa basang lupa. Awtomatikong sa sariling damit kaagad ang hinto ng parehas kong mata. Punong-puno ako ng dugo buhat pa noong unang gabi na nagsimula ang mga patayan.
Salo ko ang sariling mukha. Wala akong ibang nararamdaman kundi puro galit at sakit!
Kasalanan ko lahat!
KASALANAN KO!
Sa pagitan ng malakas kong paghikbi ay nakarinig ako ng mararahang mga kaluskos mula sa likuran. Agad kong hinanda ang sarili ko, curling up and hugging my knees on the process. Mabilis akong nakapagresponde at agad na tinakpan ang magkabilang tenga. Afraid to be shot or run over by wheels, iisang tao lang ang naiisip kong makagagawa no'n sa akin.
Literal na namaluktot ako. Kung takot man at pangungulila ang bumabalot sa akin ngayon, I'm ready to die. Handa na akong harapin ang kaduluduluhan ng parusang dapat nang talaga ay para sa akin.
Napaangat ako ng ulo. Kasabay noon ang pagtalikod ko sa tumawag sa pangalan ko.
"Karina..."
Comments