Episode 3

Love Trigger
Please Subscribe to read the full chapter

Yujin Deus Altier pov.


We're here at Ryujins, nag iinuman at iingay. Welcome party daw to ni 'tanga para sa mga taga SNU kaya ang daming tao. Madaling araw na at nag iinuman parin kami, pero konti konti lang iniinom ko at walang mag ddrive sa amin pauwi.


As usual, bangkang bangka parin si Maqqari. Sinasabayan ko lang trip niya para naman hindi boring dito sa table namin. Nung pag dating namin sinalubong agad ako ni Jiwon, well expected ko naman na andito siya pero si Wonyoung... di ko akalain na aattend siya at lalong hindi ko akalin na kasama niya si Hoon. Well, wala naman akong paki-alam.


Tuloy lang ako sa pakikipag kulitan kay Maqqari, while stealing glances at Wonyoung... pinipilit ko naman na wag tumingin sa kanya kaso katabi niya si Jiwon at nakikipag kulitan din si Jiwon sa'amin. Sometimes our eyes met, mga ilang segundo lang at napuputol din. Well, wala naman akong balak titigan siya. Sadyang magkatabi lang talaga sila ni Jiwon, thats it.

Mga ilang oras ang lumipas at dumating si Yuriel, may kasama siyang babae. Bago siya sa paningin ko, baka hindi siya taga south high. Sinundan ko lang sila ng tingin at dumerecho si Yuriel kung saan naka pwesto si Sammiel na kanina pa nakapikit. Hindi talaga siya yung tipo ng tao ng magwawalwal sa gantong klaseng lugar. Gusto niya yung mga aesthetic place at mamahalin.


Nakatingin lang ako dun sa babaeng kasama ni Yuri na mukhang nahihiya pa maupo, hinihintay na matapos makipag kulitan si Yuri kay Sammiel. Siraulo talaga to, di muna inuna yung kasama niya. Hindi ko namalayan na nakatingin lang ako sa kanya hanggang sa maka upo sila ni Yuri. No one's paying attention to her. Di siguro nila siya nakita since papatay bukas ang ilaw. Tinagayan na siya agad ni Yuri pero di pa niya pinapa kilala samin yung kasama niya. Siraulo talaga.


Ilang minuto ang nakalipas at mukhang walang balak ipakilala ni Yuri yung kasama niya. I'm still looking at her pag may pagkakataon ako since kinukulit ako nang kinukulit ni Maqqari. 

 

"Bansot!" I called Yuri.

 

Tumingin siya sa'akin at ngumuso ako, pointing at the person behind her. Pansin ko kasing uncomfortable na siya. Sino ba namang hindi, isama kaba naman makipag inuman tapos hindi ka ipakilala sa mga kasama mo. Kung ako yun sinakal ko na to si bansot.


Yuri's eyes widened nung napagtanto niya kung ano tinuturo ko. Nakalimutan nga talaga ni gaga.


"Ah guys! Minju nga pala" Yuri, habang nakaturo sa babae sa likod niya.


Okay... Minju. 


Nabaling lahat ng attention namin sakanya we proceed to introduce ourselves too. Ngumingiti lang siya at tumatango samin. I can clearly see her smile from where I am and I'm not gonna lie. She's beautiful, pretty, maganda, legit. Nakangiti lang rin ako pag napapatingin ako sa kanya while she's smiling. Sino ba namang hindi mapapangiti diba? Also, I can see Wonyoung looking at my side in my peripheral view pero di ko na siya tinitignan. Nagbubulungan lang naman sila nang nag bubulungan ni Hoon.


Lumalalim na ang gabi at di parin natatapos mag labas ng alak si Ryu. May factory ba ng alak sa ilalim ng bahay nila? Tumingin ako sa paligid ako at halos mga lasing na sila. Si Sammiel nalang matino pero hindi rin yan maaasahan. Bumaling ako ng tingin kay Minju at mas visible na yung smile niya. Nakikipag kulitan na rin siya kay Maqqari na kanina pa kwento nang kwento kay Yuri ng kung ano-ano.


Tumingin ako kay Wonyoung at pulang pula na siya. She's not good with alcohol.  Nakasandal siya sa couch, eyes close at hinihilot ang ulo niya habang hawak parin yung cup niya na may alak. Girl tama na pag di na kaya.


Kami nalang naiwan dito, unang umuwi sila Liz, tapos si Winter umakyat na after she failed convincing people here. Umiinom parin sila D'nyel, Minju, Maqqari at si Yuri na binaba na yung baso niya. I look at Wonyoung again... Everytime na tinitignan ko siya I feel something weird. Hindi ko alam kung naiinis ba ako o ano, basta may something na kakaiba akong nararamdaman. Di ko naman nafefeel na masaya ako pag nakikita ko siya... pero naiirita ako pag nakikita ko silang dalawa ni Hoon.


Ilang minuto pa ang lumipas at gumalaw na rin si Wonyoung. Ininom niya yung natitirang laman ng baso niya and look at us all. Napansin ni D'nyel yun nagsalita siya.


"Uwi kana?" D'nyel.


Wonyoung nodded at her at umakmang tatayo pero napa upo rin siya agad. Tumayo si Hyewon para alalayan siya but she refused.


"Nasan ba si Hoon?" D'nyel. 


Wonyoung shakes her head, eyes barely open at nag attemp ulit na tumayo. Other look at her and she waver her hands and smile. She was about to walk nung muntik na siya ma-out balanced, buti nalang nahawakan siya ni D'nyel. Sasamahan na sana siya ni D'nyel palabas pero pinigilan ko siya.


"Ako na D'nyel" Sabi ko.


"Sure ka ba?" I nodded and smile at her.


Kaya ko nato. I followed Wonyoung as she struggle to walk properly.


"Ingat ka" I said behind her.


Sa likod lang ako baka matumba siya, masasalo ko siya.


I offer her my hand para di siya mahirapan mag lakad pero di niya pinansin, hinayaan ko nalang. Hindi ko alam kung anong naisipan ko at nag volunteer akong samahan siya, sira na ata ulo ko. Hindi ko alam what I'm feeling right now sa totoo lang. Gulong gulo ako sa sarili ko. I don't want to talk to her pero eto ako nakabuntot ngayon sa kanya. Tangina! I don't want to see her pero di ko mapigilang di tumingin sa kanya, tangina. I don't care about her pero eto ako sumusunod sa kanya at nag-aalala baka kung anong mangyari sa kanya, tangina!


I was busy at my own thought at di ko napansin na nasa labas na pala kami. Bumalik lang ako sa ulirat nung may tumunog na sasakyan. Tumingin ako kung saan nanggaling yung tunog at nanggaling yun sa car ni Wonyoung. She was about to enter the driver seat nung pinigilan ko siya.


"Hoy! Ikaw mag ddrive?" sabi ko at humarang sa pintuan para hindi niya masara.


Hindi siya sumagot at pinaandar na yung engine ng kotse niya. Ano bang iniisip neto!


"Lasing kana e! Wala ba maghahatid sayo?" sabi habang nakatingin sa kanya. damn she's so pretty.


Wala siyang paki-alam sa presensya ko, nakatingin lang siya sa harapan ng car niya. Hindi ko rin alam anong sasabihin since ayoko siya talagang kausapin, pero pinagtataksilan ako ng sarili kong bibig. I close my eyes, nag iisip ng kung anong pwede kong sabihin.


"Get lost" she simply said.


Maikli lang yung sinabi niya pero sapat na yun para manikip yung dibdib ko. Her tone, gives me different kinds of feelings. May mga araw na gustong magalit at sumabog sa harapan niya pero pag ka harap ko na siya... wala... tahimik lang, tiklop si Deus.


"Usog ka ako na mag drive" sabi ko ng mahinahon.


Tinignan ko lang siya at hinintay na lumipat siya sa kabilang seat pero hindi siya gumalaw.


"Kaya 'ko ang sarili ko Deus" Wonyoung.


"Lasing ka na nga! Lumipat kana ako na magddriv-"


"Why do you care?" She said finally looking at and our eyes met. damn she's pretty.


Nakatingin lang ako sa mapungay na niyang mga mata, hindi ko alam ang sasabihin ko. I can see sadness in her eyes. At hindi ko alam kung bakit siya malungkot, hindi ba dapat ako yung malungkot?


I sigh. "Let me drive na, para maka-uwi at makapag pahinga kana"


Hahawakan ko sana siya para tulungan lumipat kabilang seat nang bigla niya akong hinarap.


"What the you think you're doing?" sabi niya habang nakakunot sakin.


Bakit parang siya pa yung ang laki ng galit sakin?? Parang mali ata to.


"Ipag ddrive na nga kita at lasing kana. Baka mapano ka-"


"Who are you to decide for me?" she said voice slightly become loud.


Tinignan ko siya sa mata, bakit parang ikaw pa yung galit? Bakit parang kasalanan ko pa?


"You don't have a right to decide for me! to talk to me! to look at me! to care for me! to everything I do!" she said. Lalong sumikip ang dibdib ko


I can see her eyes getting watery. Alam kong wala akong karapatan, pero bakit mas galit kapa sakin? Di ba dapat ako yung nagagalit ngayon?! Pinilit kong kumalma. Lasing lang to, bukas di na niya maaalala ang lahat. Now, I'm regretting that I followed her. I think of a word na pwedeng sabihin para hindi na humaba to, but I'm struggling to pick one. Sa totoo lang pwede ko naman siyang iwan at bahala na siya sa sarili niya, since I don't have the right to care for her naman pero... hindi ko kaya.


Ewan ko rin sa sarili ko bat ayaw lumakad ng mga paa ko papalayo, na para bang napako na to rito. Sa loob ng dalawang taon... kinaya ko naman... kinaya kong di kausapin siya, kinaya kong hindi siya isipin. Then, boom, tangina mo Yujin Deus sa Wonyoung lasing moment ka lang pala titiklop?!!!

I look at her. Sobrang namumula na siya, hindi ko alam kung sa alak pa ba to o ano. She's still looking at me, glaring. Huminga ako ng malalim at yumuko para magkapantay na kami. Madami akong gustong sabihin pero hindi ko masabi, gusto ko siyang sisihin but there's also a part of me na thankful sa ginawa niya.


"I'll drive you home na" sabi ko habang nakatitig sa kanyang mga mata. Please wag kana mag iinom ulit, nanghihina ako.


"Get. Lost." she said without cutting our staring challenge. "and... don't you dare touch me Deus! I don't need you" she said as she position herself in the driving seat.


Tumayo ako ng maayos at huminga ng malalim, pasikip na ng pasikip yung dibdib ko. Gusto ko nalang siyang hayaan pero ayaw talaga gumalaw ng mga paa ko. Na pag may mangyaring masama sa kanya hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko.


I sigh. "I'll drive you home. Tapos... hindi na ulit tayo mag uusap kung ayaw mo-"


"Bull!" she look at me. "Bull Deus! Matagal na tayong hindi nag 'uusap. Baka nakakalimutan mong you 'ditch me for two ing years! '2 years Deus! 2 years na tayong hindi nag uusap!" she look at my eyes again, glaring. I can sence the frustration in her voice.


Nakatingin lang ako sa kanya, tangina ang ganda. Hindi ko talaga alam ang sasabihin ko. Masisisi niya ba ako? Sa loob ng dalawang taon hindi naging madali para sakin baliwalin siya. Bakit parang kasalanan ko lang ang lahat? Oo, choice kong hindi siya kausapin dahil sa ginawa niya and she 'never said sorry to me. I don't have the right to decide for her pero dinisisyunan niya yung buhay ko.


"Bigla ka nalang nawala, hindi nag paramdam! hindi mo manlang ako magawang tignan sa loob ng dalawang taon! Tapos ngayon ano?! Bigla bigla ka nalang susunod sa akin na parang walang nangyare?! If you care for me in the first place, 'di mo gagawin yun Deus!" konti nalang at tutulo na ang mga luha sa kaniyang mga mata.


"Bakit parang kasalanan ko pang napalayo loob ko sayo" sabi ko. 


Hindi ko na kaya. Pakiramdam ko pag hindi ko nailabas ang gusto kong sabihin sasabog nalang ako. I never confronted her because I know it will make her sad, tapos magguilty lang ako at ang ending, tatanggapin ko lang siya. Ganyan ako kahina pag dating kay Wonyoung. Tatanggapin ko lang siya na parang walang nangyare, sasarilihin ko lang ang lungkot at sakit dahil ayokong nakikitang malungkot siya nang dahil sakin. Kikimkimin ko lang yung sama loob kasi hindi ko masabi sa kanya ng harap harapan at ayokong mangyari yun. Ayokong mag stay sa kanya ng may sama ng loob, ayokong mag stay ng may tinatagong galit sa kanya kaya nag desisyon akong lumayo. Hanggat di ko pa kayang sabihin sa kanya ng harap harapan ang tanong... kelan ko makakaya?


She look at me intently. "Now you're talking" she scoff in disbelief. "Two years akong nag hintay na kausapin mo ako, at ang ending kasalan ko pala talaga ang lahat?" she sigh. "those... those sleepless... those sleepless nights-"


"Hindi mo talaga alam anong ginawa mo?!" I said, sound irritated.


This is also one of the reason I never confronted her. Sasabihin niya lang na she did it for me pero hindi ko naman hiningi sa kanya na gawin yun. She invalidated my decision.


"Tell me!" 


"Are you kidding me? How can you do something tapos hindi mo alam?!" i said intently looking at her too.


My heart's beating so fast. Hindi ko alam kung anong dahilan pero ang alam ko ay naiinis na rin ako. Yung sama ng loob na naipon ay para bang nag sasama sama.


She look at me for the last time at tumingin na siya sa harap ng kotse niya. "Alis. Walang patutunguhan tong usapan na to" 


Di ko siya pinakinggan at nanitili lang sa pinagkakatayuan ko beside her. I sigh for the last time, last nato. Pag di pa siya pumayag tatawag nalang ako mag ddrive sa kanya. but, there's a part of me wanting to drive her home. to make sure she's fine, pero hindi pwede.


"Let me drive na, please" I plead, hoping she finally listen, but I know how stubborn she is.


"Get lost! I don't even know you" she said pushing me to the side, para masara niya yung kotse niya.


Pumikit ako at huminga ng malalim.


She was about to step on the accelerator when I open her car door gain.


"Kung ayaw mo ako, call someone who can drive you! You can barely open your eyes."


She didn't listen at inapakan na niya yung accelerator, nagulat ako sa ginawa niya dahil iaandar na niya yung car habang andito pa ako sa gilid at bukas pa yung pinto niya. Agad kong hinawakan yung manubela para huminto agad yung kotse niya.


"Wonyoung!" madiin na sabi ko.


Tumingin siya agad sa'akin. "Wonyoung?" mahinang sabi niya.


I close my eyes and look away.  I kinda regret calling her. I have a policy in life, if I called a person in their second or last name, ibig sabihin ay pinapasok ko sila sa buhay k,o at importante sila sa'akin. I never called her Wonyoung before... it's always Heira... Heira. Pero nagbago na yung sitwasyon namin at... I can't call her Heira again, not yet. Importante parin siya sa'akin, di nagbago yun, I just can't call her Heira yet, because Heira... betrayed me.


I stayed quiet as looks away.  I can hear her sighing while getting her phone to dial someone. After a couple of rings, sumagot na yung tinawagan niya.


"Hi, um... can you still drive?" sabi niya habang nakatingin sa malayo.


I can see her taking a few deep breaths. Hindi ko alam ano pang pwede kong sabihin kaya nanahimik nalang ako sa gilid. Nakatayo lang ako sa tabi niya, pinapakinggan siya.


"Are you sure?... okay I'll wait you here... nasa parking lang ako... oo... thank you!" she finished.


Binaba na niya yung phone niya at sinandal yung ulo niya.


"Pwede kana umalis. I called someone na" sabi niya at pinikit ang kanyang mga mata.


"Hintayin ko na kayo makaalis"


Bumuntong hininga siya after ko mag salita at kumunot at kaniyang noo. ang ganda parin bakit naman ganon. Hindi ko na siya inistorbo at nanahimik nalang habang hinihintay kung sino man yung tinawagan niya.


Ang dami ko pang gustong sabihin pero walang lumalabas kahit isang salita sa bibig ko. Gusto ko siyang hawakan, massage her temple kung sumasakit ulo niya dahil sa alak. Pulang pula na siya at alam kong lasing na siya, pero she composed herself in front of me.


I just stood beside her. Eto na yung pinaka malapit ko sakanya after two years. Two years kaming hindi nag usap at kahit nakatayo lang ako sa tabi niya, kumakabog yung dibdib ko. 


Sobrang busy kong titigan siya hindi ko namalayan na may tao na pala sa tabi ko.


"Wonnie?" 


Agad siyang lumapit kay Wonyoung kaya napausad ako. Wonyoung open her eyes and give him a soft smile. bat sakin puro kunot lang?


"Can you move?" tumango lang si Wonyoung at tinulungan niyang lumipat sa kabilang seat.


They smile at each other. Nakita ko yun 4kHD!! Biglang nag init yung pakiramdam ko at unti unting kumunot ang noo ko. 


"I'll drive her home na. Salamat na pigilan mo" sabi niya at tumingin sa'akin pag katapos niyang siguraduhin na okay na si Wonyoung. "Matigas ulo neto kaya, buti nalang napigilan mo" he cackled.


Hindi ako tumungin sa kanya, tinignan ko lang si Wonyoung na nakapikit na ang mga mata. I'm glad someone's driving her home, pero naiirita lang ako nung nakita ko yung pag mumukha ni Hoon. Madami namang ibang tao dito bakit siya? 


Hindi ko alam pero naiirita talaga ako ng sobra. Tumayo pa siya ng tuwid facing me while smirking. Tangina neto! 


"Una na kami tol. Salamat ha" sabi niya at tinapik ang balikat ko.


Tumingin ako sa balikat ko kung saan niya tinapik at mas lalong nag init ang pakiramdam ko. Tol amputa, close ba tayo??

Pumasok na siya sa loob ng kotse at nanatili lang akong nakatayo sa gilid. Tumingin siya sa'akin, hinihintay akong umalis sa pinagkakatayuan ko. Hindi ko lang siya pinansin at tinignan si Wonyoung sa huling pagkakataon, nakapikit parin siya. ang ganda parin.


"Tol, pwede usog kana, para naman makaalis na kami" Hoon.


Tumingin ako sa kanya at kinunutan ko siya. Lalo akong nairita dahil sa boses niya, tapos sa mukha niyang nang aasar pa. He's smirking at me while waiting for me to move.


I sigh and composed my self. "Ingat kayo" sabi ko at umurong na para masara niya yung drivers door.


Agad niya itong isinara at binaba ang bintana.


"Wag ka mag alala, palagi ko naman tong iniingatan" sabi niya at ngumiti bago itaas ulit ang bintana.


I was too stunned to reply. Nanatili lang akong nakatayo at pinikit ang aking mga mata, tangina naiinis talaga ako sa peste nayun! Huminga ako ng malalim at pinanuod silang umalis. 


Nung nakalayo na sila, hindi ko na pinigil ang inis ko at pinag susuntok ang hangin. Bwisit tlaga yung pag mumukha nun!

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
cheezuz
UPDATEEEEE!!! Sorry natagalan thesis era eh >< sana magustuhan niyo. Planning to make twitter au kung gusto niyo @cheezuzwr sa twit medyo nahihirapan ako mag na-rate now since madami ginagawa pero tatapusin ko po ang love trigger. Comment lang kayo ng thoughts niyo! Thank you sa support <3

Comments

You must be logged in to comment
EzraSeige
#1
Chapter 18: ❤❤❤
twentythreeee
#2
Chapter 17: Ang cute ni minju and winter! ❤️
cleofierayne #3
Chapter 16: Huuuu may update na!!!
twentythreeee
#4
Chapter 16: Uy may update!!! ❤️
cleofierayne #5
Chapter 15: Ayy gagi dami palng ships dito hahahaha 😭 buti nlng nalaman natin yung meet up nila. Pero ha my winrina heart huhu pero sge go lang marami pang mangyayari kaya excited na ako sa next chap!
minguri_iz_coming
#6
Chapter 14: chaewon inlab era
cleofierayne #7
Chapter 14: Grabee daming ganap dito haaaa. Dami ring inlababoo haahahah
JellyPen #8
Chapter 14: tsk tsk tsk mga in love nga naman 😏 Isang kape nga dyan, yung matapang para kaya along ipaglaban char. Ikaw chaewon ha 👀
JellyPen #9
Chapter 13: At natapos ko ma ding basahin lahat. Bakit ang malas mo today Karina?
JellyPen #10
Chapter 11: Pa-fall mo Naman winter 🙄 eto na Po nafall na Sayo ay luh gagi di ako nagsabi non si Patricia yun astig Po ako