Episode 14

Love Trigger
Please Subscribe to read the full chapter

Minjeong Winter klier’s pov.

Nasa loob na ako ng car pero ‘di ko pa maisip na umuwi na. Nakatitig ako sa phone ko kanina pa pero ‘di ko rin alam kung ano bang hinihintay ko rito. Ilang araw nang hindi nag paparamdam si RJ at hindi yata tama ‘to.

 

Pag ganito kami baka hindi na matuloy yung pipa-plano naming banda. Alam ko naman na yung unang linggo ako yung busy kasi naman eh, hanggang ngayon andito pa rin yung gut feeling ko pero iba muna priority ko for now.

 

Gusto ko talaga ituloy tong banda at kailangan ko si RJ para mag desisyon pero hindi siya nag paparamdam. Nagka-ganito na rin siya before pero ‘di naman tumatagal ng isang araw pero ngayon halos three days na ata. Sa totoo lang kagabi pa ‘ko nag isiip kung bubulabugin ko ba siya pero wala.

 

I know her, she’ll reach out anytime soon kaya ‘di ko rin kinukulit kasi binibigyan ko siya ng personal space. Nagkaka-ganito lang naman siya pag may malalim siyang iniisip. Gusto ko mag pry minsan pero kusa naman siya nag kekwento pag gusto niya.

 

Huminga ako ng malalim at lumabas ng sasakyan. Kailangan ko na kumilos kung gusto ko matuloy yung banda right? A talk with the new student council president won’t hurt right? Baka Klier ‘to.

 

Tinignan ko yung phone ko sa huling pag kakataon pero wala pa rin. Isang buntong hininga at kumatok na ako sa office ng student council. Walang sumagot pero mukhang may tao sa loob kasi may naririnig akong something. Bubuksan ko ba o mag hihintay lang ako? Pero dahil wala guardian angel ko today, bubuksan ko.

 

“Hello, sorr-… i-ikaw?”

 

Pagtataka kong tingin sa kan’ya. Tinigilid ko ang ulo ko para mas makita siya nang maayos at siya nga. Si ateng do I wanna know!

 

Tinitigan niya rin ako na may halong pag tataka at tsaka ko lang napansin na meron pang ibang tao rito sa loob. Sinundan ko ng titig ang kamay niya at nakitang nakikipag kamay siya sa isa pang tao rito.

 

Nung napatingin ako sa mukha nung ka-kamayan niya ay lumuwag ang loob ko.

 

“RJ!” sigaw ko at agad na lumapit sa kaniya.

 

Naramdaman kong nagulat siya sa presensya ko pero agad din na kumalma ang ekspresyon niya. Agad niyang binitawan yung kamay ni ate girl tapos inakbay sa’kin.

 

“Anong atin?” bungad niya.

 

Ramdam ko yung kaba sa boses niya pero hinayaan ko nalang.

 

“Bat ‘di ka nag paparamdam ha? May banda pa tayong pag paplanuhan” sabi ko pero halos bulong sa kanya.

 

“May inayos lang. Na-miss mo ba ‘ko?”

 

“Kapal ng mukha mo!”

 

“Mamaya may kiss ka sa’kin”

 

“Ulol!”

 

Patuloy lang kami sa pag bubulungan namin at naputol lang yun nung umubo si ate girl. Sabay kaming tumingin at binangga ko yung braso ni RJ para ilusot kami rito. Kahit ilang beses na kami nag kita ni ate girl ‘di ko parin alam name niya kaya awkward pa rin para sa’kin. At sa pagkakatanda ko ay magka-kilala na sila ni RJ.

 

“Anong ginagawa mo ilusot mo na tayo rito!” sabi ko dahil hindi gumalaw si RJ sa kinatatayuan niya.

 

“Edi makikipag usap?”

 

“Kanino? Napaka babaero mo naman!”

 

“Tanga! Sabi mo mag pa-plano tungkol sa banda? Eto na oh makipag usap na tayo”

 

“Kanino nga kulit mo ha!”

 

“Sa kaniya nga ikaw yung makulit!”

 

“Anong sa kanya? Bakit sakanya?”

 

“Kanino mo gusto?”

 

“Ha?”


“HA???”


“Hotdog!”

 

“Are you two just gonna whisper to each other or are we gonna discuss about something?”

 

Napatigil ulit kami sa pag bubulungan at sabay na tumingin kay ate girl. Hindi ko alam kung ano bang pinipilit nito ni RJ.

 

“Sorry about that. Like I said earlier, gusto sana namin na bumuo ng banda, syempre as school representative and we need the student council for confirmation”

 

“Anong pinagsasabi mo??” taka kong bulong kay RJ habang nakatingin siya kay ate girl ng seryoso.

 

“I don’t think your company is taking it seriously. Are the two of you just tripping here in the office?”

 

RJ pursed her lips together. Grabe si ate girl bat ang formal naman nito ngayon??

 

“Ter, umayos ka naman oh. Baka ‘di tayo matuloy nito!” bulong sa’kin ni RJ at kinunutan ko siya.

 

“Bakit ‘di tayo matutuloy eh ‘di pa naman natin nakakausap yung sc president ah”

 

“Eto nga oh, nakikipag kaibigan na ako sa sc pres seryosohin mo-“

 

“ANO?! SC PRESIDENT?! SINO SIYA??” gulat kong sabi sabay turo kay ate girl na nakatayo malapit sa table ni Wonyoung dati.

 

Napatingin si RJ kung saan ako nakaturo at bigla niyang hinablot ang kamay ko para ibaba ang braso ko.

 

“Anong pinagsasabi mo ba? Sinong sc president si ate girl ba??”

 

“Oo, kaya hinaan mo boses mo may banda pa tayong bubuohin”

 

“Ikaw yata ‘di seryoso eh, anong sc president ‘di ba galing ng NNU ‘yan ibig sabihin na transferee siya?”

 

“Abay malay ko, tanong mo sa kambal mo!”

 

“Is that a problem?” boses ni ate girl.

 

“Ha?” sagot ko.

 

“Is that a problem?” ulit niya. “Is it a problem being the student council president if I’m a transferee?”

 

Lumunok ako at lumingon sa iba. “Nope, not a problem.”

 

“Well then, pag nasa  tamang pag-iisip na yang kasama mo Ms. Serrano then we’ll talk about your proposition”

 

“Ha?” sagot ni RJ

 

Napatitig ako sa wall kung saan nakalagay yung mga names ng member ng student council dati may mga picture pero ngayon wala pa. ‘Di ko tuloy alam kung name niya ba yung nakalagay sa sc president corner until…

 

“Ah yes! Copy Pres. Mendrez!” sabi ni RJ at napatingin ako kay ate girl.

 

Karina… a beautiful name for a beautiful face. Match na match!

 

‘Di na ako nag-reak at nag pakaladkad na kay RJ papalabas ng sc office. May tanong ako sa isip ko dati pa oras na yata ‘to para itanong ko na.

 

“Tanda mo nung inuwi ko siya sa bahay mo?” sabi ko at ramdam na sumeryoso ang awra ni RJ.

 

“Yep, why?”

 

“You carried her instantly kala ko super close kayo pero parang awkward kayo kanina”

 

“Di kami masyado close. Sabihin nalang nating friends of friends??”

 

Friends of friends pero iba yung pag aalala niya that day… or guni-guni ko lang kasi puyat ako? Whatever it is may bagong tanong nanaman ako… bakit siya pinili ni Sammiel? That’s the weirdest desisyon na nagawa niya.

 

“Lakas ng amats mo baka ‘di tayo bigyan ng permit non!” RJ.

 

“Nagulat ako real, ‘di ko lubos maisip” seryoso kong sabi.

 

“Kulang na yata kayo sa bonding ni twin mo! Ano bang pinag-gagawa mo?”

 

“Wow! Sabi ng three days walang paramdam?!”

 

“Sabi ko na nga ba miss mo ‘ko eh!”

 

“Ulol!” sabi ko at tinalon ako ni RJ para i-headlock.

 

“Putangina mo bitaw!”

 

“Wag ka sumigaw dito mawawalan talaga permit!”

 

“Bitaw sabi!” sigaw ko at naglakad na kami papalayo sa sc office habang headlock niya pa rin ako.

 

Tangina neto may araw din ‘to sakin. Babangasan ko ‘to yung madugo! Kahit nanggigigil ako dito ‘di ko maitatanggi na nawawala lahat ng mga taong sa isip ko pag kasama ko siya. May kasama ka ba namang may sapak sa utak ‘di ka matutuwa?

 

Dumeretso kami sa parking tapos naming maghabulan ay marami pa rin siyang energy.

 

“Tara samin karera tayo?” Aya ni RJ.

 

Tatango na sana ako kasi gusto ko siya bawian lagi naman tong talo sa race pero may sumagi nanaman sa isip ko. I need to confirm it para ‘di ko na masyadong iniisip.

 

“Next time may pupuntahan ako” sabi ko at nakita kong nag pout siya.

 

“Yuck! Nakakadiri ka!” sigaw ko.

 

“Sama ako?”

 

“Hindi pwede” sabi ko at i-nunlock ang kotse ko.

 

“Damot mo mambababae ka lang eh”

 

“Edi hanap ka sayo!” sigaw ko at pumasok na sa loob ng kotse ko.

 

“TALAGA!” rinig kong sigaw niya.

 

Pinaandar ko na ang kotse ko at ibinaba ang window para pakyuhan siya bago tuluyang umalis. Nakita kong pumakyu rin siya sa side mirror ko.

 

Ilang minuto na akong pasikot sikot sa mga iskinita rito pero ‘di ko parin matunton yung pupuntahan ko. Ti-nry ko i-waze pero ‘di lumalabas yung store nila. Tandang tanda ko na rito ako pumasok non sa may pangalawang kanto pero bumabalik lang ako sa pinaggalingan ko kasi dead-end na.

 

Kailangan ko na siguro ng tulong. Magdadahilan nalang ako sana naman ‘di na siya mag tanong ng kung ano ano.

 

Kinuha ko yung phone ko at tinawagan si D’nyel. Ilang ring at sumagot rin. Tahimik ang paligid mukhang nasa bahay na siya. Buti naman at ‘di niya kasama si twin.

 

“Papi D!” bungad ko.

“Anong kailangan mo”

“Galing mo ron papi D!”

“Ano nga busy ako”

“Ay ganon, sige eto na”

“Baka naman… hingi ako address ni Yuriel”

 

Biglang tumahimik yung kabilang linya at alam ko na iniisip neto kaya bago pa ako pag bintangan ng kung ano ano sasabat na ako ulit.

 

“Mali iniisip mo grabe ka! Bibili lang ako flowers sa kanila”

“Uhh”

“Grabi ka sakin papi D! ‘Di ko gagalawin ang sa’yo” I chuckled.

“Ulol!”

“HAHAHAHA! Address na dali busy ka kamo”

“Send ko nalang sa’yo”

“Okiee! Thank you may mwa mwa ka sa’kin”

“Para kanino naman ‘yan?”

“Secret papi D baka akitin mo! HAHA”

“Landi well”

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
cheezuz
UPDATEEEEE!!! Sorry natagalan thesis era eh >< sana magustuhan niyo. Planning to make twitter au kung gusto niyo @cheezuzwr sa twit medyo nahihirapan ako mag na-rate now since madami ginagawa pero tatapusin ko po ang love trigger. Comment lang kayo ng thoughts niyo! Thank you sa support <3

Comments

You must be logged in to comment
EzraSeige
#1
Chapter 18: ❤❤❤
twentythreeee
#2
Chapter 17: Ang cute ni minju and winter! ❤️
cleofierayne 62 streak #3
Chapter 16: Huuuu may update na!!!
twentythreeee
#4
Chapter 16: Uy may update!!! ❤️
cleofierayne 62 streak #5
Chapter 15: Ayy gagi dami palng ships dito hahahaha 😭 buti nlng nalaman natin yung meet up nila. Pero ha my winrina heart huhu pero sge go lang marami pang mangyayari kaya excited na ako sa next chap!
minguri_iz_coming
#6
Chapter 14: chaewon inlab era
cleofierayne 62 streak #7
Chapter 14: Grabee daming ganap dito haaaa. Dami ring inlababoo haahahah
JellyPen #8
Chapter 14: tsk tsk tsk mga in love nga naman 😏 Isang kape nga dyan, yung matapang para kaya along ipaglaban char. Ikaw chaewon ha 👀
JellyPen #9
Chapter 13: At natapos ko ma ding basahin lahat. Bakit ang malas mo today Karina?
JellyPen #10
Chapter 11: Pa-fall mo Naman winter 🙄 eto na Po nafall na Sayo ay luh gagi di ako nagsabi non si Patricia yun astig Po ako