Episode 15

Love Trigger
Please Subscribe to read the full chapter

Minju Ryle Cadiz's pov.

“Class dismissed.”

 

Napa-yuko agada ko nang marinig ko ‘yung linya na kanina ko pa hinihintay. Unang araw palang ng linggo at feeling ko naubos na agad ‘yung energy ko sa tatlong oras na lecture na walang pahinga. Grabe ‘tong prof namin na ‘to talagang sagad sagaran sa oras niya ‘yung lecture.

 

“Saan tayo?” tanong ni Yuri.

 

Saan siya kumukuha ng energy? Inilihis ko ang ulo ko para titigan siya.

 

“Mag re-refill ng caffeine sa katawan?” pagod na sagot ko.

 

“Dito lang sa cafeteria o lalabas ng univ?”

 

“Wala na ‘kong lakas para lumabas pa ng univ, may next class pa.”

 

“Aba, bilisan mo na! ‘Di lang ikaw nauubos sis.”

 

Inirapan ko muna siya bago ligpitin ‘yung mga gamit ko na nasa table pa rin. After ko ma-arrange ‘yung gamit ko ay agad na akong sumunod kay Yuri na nasa pintuan na. Tinignan ko siyang mabuti at parang may kausap siya, binilisan ko ‘yung lakad ko para malaman ko kung sino at saktong pag lapit ko ay sinalubong ako ng isang malawak na ngiti at kumakaway pa na Winter.

 

“Hello.”

 

Nginitian ko siya. “Hi.” Sabi ko at kinawayan din siya.

 

“Anong ganap mo rito?” tanong ni Yuri.

 

“Nag-aabang kita mo naman ‘di ba?” sarkastikong sagot nito.

 

Hinampas siya ni Yuri sa braso at sinalag niya lang ito. Napangti lang ako kasi ang sama ng tingin ni Yuri sa kaniya habang nakangiti lang si Winter na nang-aasar.

 

“Sino na naman inaabangan mo, napaka babaero mo talaga!” Yuri.

 

“Issue ka na naman! Ikaw siguro sumisira sa pangalan ko?!” Winter.

 

“Kapal mo!”

 

“Pero ba’t ka nga andito tas mag isa ka lang” singit ko.

 

Tumingin siya sa’kin na may malawak na ngiti ulit sa kaniyang mga labi. “Yayain sana kita kumain… uhm, ano… kung okay lang naman” sabi niya tinitigan ko lang siya.

 

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko? Nagulat ko for real sa sinabi niya. “Di naman kami sobrang close kaya nakakapag taka talaga.

 

“Sorry nabigla ka ata, hehe.” Sabi niya at napakamot ng bahagya sa kaniyang ulo. “Ano kasi… ‘yung… ‘yung ano, ‘yung bulaklak na binigay mo sa’kin dati, naalala ko na I still didn’t return the favor hehe”

 

Kitang kita ko sa mukha niya na nahirapan siyang piliin yung mga sinabi niya kaya napatawa ako ng bahagya. Ibang iba ‘yung vibes nila ni Chaewon. Chaewon’s quiet yet comforting, Winter’s loud but exciting. They’re really opposed to each other.

 

“Anong bulaklak?!” bulyaw ni Yuri.

 

Napailing ako dahil sa bunganga netong kaibigan ko, minsan nakakahiya talaga siya. “You don’t need to naman. Tsaka peace offering ko ‘yun eh.”

 

“Is that a rejection?” sabi ni Winter habang nakatitig lang sa’king mga mata.

 

Napatawa na ako ng tuluyan. Pano ba naman kasi sinabi niya ‘yun ng nakatingin sakin pero nakangiti pa rin na para bang inaakit niya ako. Is this how she plays her game? Nakikita ko rin si Yuri sa peripheral view ko na pabalik balik ng tingin saming dalawa. At bago may mabuong issue ay tumango nalang ako.

 

“Okay. So, saan tayo kakain?” sabi ko at kita kong lalong lumawak ang ngiti niya.

 

“Yun oh. Ako na bahala! Pwede ko bang sakupin yung lunch mo?”

 

“As you should.” Sabi ko napatawa siya kaya naman nakangiti na naman ako.

 

“ANONG NANGYAYARI?!” singit ni Yuri.

 

“Ako na rin bahala sayo!” sabi niya kinurot ang pisngi ni Yuri bago tumingin ulit sakin. “Una na muna ako sa parking, wait mo ‘ko sa baba ah.” Winter said tapos kumindat muna siya bago tuluyang umalis.

 

Hindi ko alam pero nakangiti pa rin ako kahit wala na siya.

 

“Anong nangyayari, please enlighten me?” sabi ni Yuri at nag kibit balikat lang ako. “Kelan pa kayo naging close ni taglamig?”

 

“Ewan ko? Nagka-usap na kami pero matagal na ‘yon.”

 

“Ikaw ha! Sinasabi ko sayo ang dikit mo sa mga Klier, ‘di na ako magugulat ‘kung isang araw pumasok ka na kalbo.”

 

“HA? BA’T NAMAN AKO MAKAKALBO?”

 

“Hindi mo alam kung gaano kadaming mata nakasunod d’yan, lalo na kay Winter.”

 

“Hindi naman siguro ako makakalbo, grabe ka naman.”

 

Umirap si Yuri at pinundot na ang elevator. Alam ko naman na, na sikat na sikat sila dito sa univ. ‘Di lang nga sikat kinakatakutan din. I just want to be friends. Nag-iisa lang si Yuri na nakakasama ko at ‘di naman masamang mag papasok ng bago. Kagaya ni Karina na hindi nag uupdate. Hmmp, ewan ko ba don, once a week kung mag-update.

 

“Umamin ka nga” biglang sabi ni Yuri kaya napatingin ako sa kaniya. “Gusto mo ba si Winter?”

 

Kinunutan ko siya. “Ayos ka lang? Ngayon ko lang ulit makakasama ‘yung tao”

 

“Eh bakit ka pumayag?”

 

“I want to be friends? Tsaka ‘di naman siya bad ah? Remember nung hinatid niya tayo?”

 

“Di naman talaga siya masamang tao, pero magaling siya mang-akit at magpa-ikot ng babae-“

 

“Grabe ka, ‘di pa nga natin alam ‘yung intension nung tao”

 

“Sinasabihan lang kita! Naakit ka nga agad eh.”

 

‘Di na ako nag salita. Her smile’s convincing, yes.

 

“By the way, ‘di kana ba ginugulo ni Linosaur?”

 

Umiling ako. Huling pakita niya sakin nung nagkaroon silang ng encounter ni Chaewon, after non ‘di na siya nag paramdam. I wonder how much power she holds in these people.

 

Tumunog na ‘yung elevator at lumabas na kami agad. Wala pa si Winter kaya nag hintay muna kami. Ilang minuto ang lumipas at may natanaw na kaming itim na kotse na paparating.

 

“Aba pota! Ba’t pang two-person lang ‘yang dala mo?!” sigaw ni Yuri pag labas ni Winter ng driver seat.

 

“Sino may sabing kasama ka? Niyaya ba kita?!”

 

“Tangina mo talaga! ‘Di ko ibibigay ‘tong bff ko sayo.” Sagot ni Yuri at napangit lang ako sa bangayan nilang dalawa.

 

“Joke lang! Gagalit eh. Sabi ko di ba ako na bahala sayo.”

 

Pagka-lapit samin ni Winter ay may isa pang kotse na pumarada. Yellow Porsche? Sa pagkakatanda ko black na BMW ‘yung kulay ng kotse ni D’nyel.

 

“Parang bobo ka talaga, Winter!”

 

“Meet Yena, my friend” sabi ni Winter nung makarating na rin si Yena daw sa harap namin.

 

“Hi.” Pag bati ni Yena at bumati rin ako pabalik. Nararamdaman kong ‘di nagugustuhan ni Yuri ‘to pero natatawa nalang ako.

 

“Pano ba ‘yan, una kami ha?” sabi ni Winter at kinalabit na niya ako para sumunod sa kanya.

 

Tumango ako at tumingin kay Yuri nakabusangot ng sobra ka naman I mouthed sorry pero nag middle finger lang siya kay Winter. Sumunod na ako kay Winter, pinagbuksan niya ako ng door kaya naman nag thank you ako.

 

Pag pasok ko ng car ay nakatingin lang ako kila Yuri, I felt bad leaving her. Nagsasalita ‘yung Yena but knowing her, I bet she’s dismissing the other girls offer.

 

“Uhm…” lumingon ako sa katabi ko tinuro niya ‘yung seatbelt. “I want to do it for you, pero baka ini-invade ko private space mo” sabi at inabot ko na yung seatbelt.

 

“Okay lang, kaya ko.” Sabi ko at sinuot ang seatbelt.

 

Napatingin ulit ako kila Yuri. Looks like Yena’s convincing her. “Okay lang ba na iwan ko si Yuri?”

 

“Ewan mo si Yuri o iwan natin si Yuri kay Yena?”

 

“Both?? Kala ko si D’nyel ‘yung dadalhin mo.”

 

“So alam mo na may dadalhin ako?”

 

“Isn’t it a date for two??”

 

Nagka-tingin kami ng ilang segundo bago ko naramdamang pinapahiya ko ang sarili ko. Napa-pikit ako at agad kong tinakpan ‘yung mukha ko sa kahihiyan. Then I heard her chuckle. Pucha, kelan ba ako makakaalis ng walang ginagawang kahihiyan.

 

“Then it’s a date. Plus, you don’t need to worry. Mabait ‘yun si Yena, si Yuri nga ‘yung mukhang mangangat oh.”

 

“Defense mechanism.” Sabi ko.

 

“They’ll be fine. Matagal na gusto ni Yena ma-meet si Yuri. Si D’nyel talaga dapat kaso busy eh, kaya si Yena nalang niyaya ko, sabi ko now or never haha ganda ng tropa mo ah.”

 

“Nasa tropahan na namin ‘yon.” Matapang kong sabi at akala ko tatawa siya pero tinignan niya lang ako.

 

“Then I’ll agree. Shall we? Konti lang ‘yung oras mo para sakin eh.”

 

“Wow, wala ka na bang class?”

 

“Meron. But I can ditch it for you.”

 

I didn’t say anything at tumawa nalang. Pinaandar na niya ‘yung kotse kung saan man kami kakain.

 

Now I’m convinced na magaling talaga siyang mang-akit.

 

After a five minutes drive nag park na siya. Tumingin ako sa paligid at napansin na nasa isang coffee shop kami.

 

“Balita ko coffee lover ka raw eh.” Winter said while she unbuckled her seatbelt, and I did the same.

 

“Ikaw ha, ini-stalk mo ba ako?”

 

“Konti lang.” sabi niya at ginawa niya rin sa kamay.

 

We both laugh before we open the car door at the same time.

 

“Oop. Naunaha ako.” Sabi niya kaya tinignan ko siya na nagtataka. “Opening the door for you.” Sabi niya at napangiti ako.

 

“Hintayin kita next time.” Sabi ko at tumango siya.

 

Pag pasok namin ay agad kaming winelcome nung mga staff. Mukhang madalas siya dito. Lumapit yung isang staff para kunin yung order namin pero sinabiha siya ni Winter na ipag reserve nalang kami ng upuan.

 

“Madalas ka rito?” tanong ko habang nakapila kaming dalawa.

 

“Hindi masyado. Dito ka lang muna sa tabi ko, ‘di ko kasi alam kung anong gusto mo at ayokong umorder ka lang ng coffee at bread, may meal sila dito. Titignan natin dun sa counter kung ano magugustuhan mo.”

 

“Yes bossing.” Biro ko at tumawa siya.

 

Nung kami na ‘yung oorder napansin kong nakatingin lang siya sakin at hinihintay kung ano ang pipiliin ko.

 

“Wala ka ba recommendation d’yan?” sabi ko patuloy na nag scan sa menu.

 

“Wala. Order ka kung ano magugustuhan mo.” Sabi niya.

 

“Uhmm… ‘tong big breakfast- do you want to share?” tanong ko at masyadong madami ‘yung combination nung napili ko.

 

“I don’t mind, pero kung ‘yung big breakfast na may sausage ‘yung pili mo, okay lang ba sayo magdagdag ng pizza? I’m not a fan eh.”

 

“I don’t mind din.” Sabi ko at tumango siya.

 

We ordered one meal consisting of sausage, egg, bacon, two garlic breads, and a marmalade at ‘yung dinagdag niya na double cheese pizza. Winter order caramel macchiato and ice americano for me. After non ay naupo muna kami kung saan ni-reserve nung isang staff kanina. She pulled a chair for me, and I said thanks to her. Winter seats opposite to mine kaya naman nagtatagpo ang aming mga mata.

 

“What?” tanong ko dahil nahuli ko siyang nakatitig.

 

“So… hard coffee lover ka pala?” sabi niya para magsimula ng conversation.

 

“I can say that. Gusto ko yung lasang lasa ko yung pait nung kape ko.”

 

“Opposite to my twin.”

 

“Hm?” sabi ko at hindi ko masyadong narinig ang sinabi niya.

 

“Wala. Hindi ka ba mag tatanong ba’t kita inaya? Did my reasoning from before that convincing?”

 

“Hindi. HAHAHA! Halatang nag sisinungaling ka eh.”

 

“Sorry about that. I just want to be friends.” Winter.

 

“Weh? No interior motives?” sabi ko at natawa siya.

 

“Gusto mo ba meron?”

 

“Ayoko.” Agada kong sabi at tumawa lang siya ng malakas.

 

“I know that there’s a lot of rumors about me pero gusto ko lang talaga makipag kaibigan. And rumors are rumors until proven true right?”

“Right.” Sabi ko at nginitian siya.

 

Isa lang masasabi ko for now. There’s no awkwardness between me and Winter and I’m not assuming or something but she’s looking at me fondly. Sure ako ron sa titig niya dahil I was once looked at that way. Pero ayokong bigyan ng meaning yon. From the way she opens the door to pull a chair for me. It’s been a while since someone did that action toward me and I’ll be lying kung sasabihin ko na walang effect sakin yon.

 

Kasi meron. All those gestures and the way she looks at me. I felt it before pero pinagsasawalang bahala ko nalang. Dahil hindi naging maganda yung kinalabasan nung maramdaman ko ‘yung feeling na ‘yon. It scared me, for life. I’m so afraid to feel those emotions again but here they are.

 

I should not put any meaning to it that’s why I’m acting normal as I can. I just miss it. I just miss to be taken care of.

 

“Minju?... Hey?” Winter.

 

My thoughts were cut off. “What did I miss?”

 

“Yung order and’yan na. Can you give me a hand?” sabi niya at tumango ako.

 

Kinuha namin ‘yung mga food sa counter. Pagka-upo namin ay agad niyang nilagyan ng straw ‘yung coffee ko at inabutan ako ng utensils.

 

“Lets eat, baka maubos na oras mo para sakin.” Winter.

 

“Sulutin mo na.” sabi ko at nag simula nang kumain.

 

“Wala na bang susunod?” Winter.

 

“Can you be honest?” tanong ko at tumango siya. “May balak ka ba sakin?”

 

“What if meron?” Winter.

 

“Bye.” Sabi ko at binitawan ‘yung fork na hawak ko.

 

“HAHAHAHA Joke lang eh.” Winter said at hinawakan ‘yung kamay ko para pigilan akong tumayo. Agad niya rin itong inalis. “I just really want to be friends.”

 

“Bakit?”

 

“Well, all my friends are beautiful and that’s count you too.” Sabi niya at kinuha yng fork ko iniabot ito sakin. “Di bay an din gusto mo kaya ka pumayag? Let’s be friend and let the universe decide.”

 

“Naniniwala ka pa sa mga ganyan?”

 

“Bakit ikaw hindi?”

 

“Oo, pero dati na ‘yon.”

 

Minutes had passed

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
cheezuz
UPDATEEEEE!!! Sorry natagalan thesis era eh >< sana magustuhan niyo. Planning to make twitter au kung gusto niyo @cheezuzwr sa twit medyo nahihirapan ako mag na-rate now since madami ginagawa pero tatapusin ko po ang love trigger. Comment lang kayo ng thoughts niyo! Thank you sa support <3

Comments

You must be logged in to comment
EzraSeige
#1
Chapter 18: ❤❤❤
twentythreeee
#2
Chapter 17: Ang cute ni minju and winter! ❤️
cleofierayne 62 streak #3
Chapter 16: Huuuu may update na!!!
twentythreeee
#4
Chapter 16: Uy may update!!! ❤️
cleofierayne 62 streak #5
Chapter 15: Ayy gagi dami palng ships dito hahahaha 😭 buti nlng nalaman natin yung meet up nila. Pero ha my winrina heart huhu pero sge go lang marami pang mangyayari kaya excited na ako sa next chap!
minguri_iz_coming
#6
Chapter 14: chaewon inlab era
cleofierayne 62 streak #7
Chapter 14: Grabee daming ganap dito haaaa. Dami ring inlababoo haahahah
JellyPen #8
Chapter 14: tsk tsk tsk mga in love nga naman 😏 Isang kape nga dyan, yung matapang para kaya along ipaglaban char. Ikaw chaewon ha 👀
JellyPen #9
Chapter 13: At natapos ko ma ding basahin lahat. Bakit ang malas mo today Karina?
JellyPen #10
Chapter 11: Pa-fall mo Naman winter 🙄 eto na Po nafall na Sayo ay luh gagi di ako nagsabi non si Patricia yun astig Po ako