Black, White, Gray

Red Flag - Green Flag
Please Subscribe to read the full chapter

 

Pagdating namin sa boarding house ni Ate, kumuha na s’ya ng yelo at derecho nang nahiga sa kama.

Nilapag ko yung mga gamit namin sa study table at naupo na. Iba ang init sa Manila. Nakakapanlata.

Walking distance lang ang layo nito sa school, pero siguro talagang nasaktan si Ate kanina kaya ng makakita ng pedicab ay sinunggaban na n’ya.

“Nguya! Sha parangay ngol mo sa yon kiyote stit.” turo ng Ate ko sa pedicab driver.

Minsan malakas lang talaga mangtrip si Ate. Tiningnan ako ni koya, tapos yung duguang panyo na hawak ni Ate.

“Kuya sa barangay hall po sa Don Quijote Street.” ulit ko.

Koya, harmless kami, okay? Hindi blotter ang sadya namin sa barangay.

Nauna na akong sumakay sa para hindi na mahirapan si Ate sa pagbaba.

 

Three little birds sat on my window

And they told me I don't need to worry

Summer came like cinnamon, so sweet

Little girls, double-dutch on the concrete

Maybe sometimes we got it wrong, but it's all right

The more things seems to change, the more they stay the same

Ooh, don't you hesitate

Girl, put your records on, tell me your favorite song

You go ahead, let your hair down

Sapphire and faded jeans

I hope you get your dreams

Just go ahead, let your hair down

You're gonna find yourself somewhere, somehow

 

Ang taray lang ng sound system. Buti nalang hindi heavy metal ang kanta. Pag-pedal kasi ni kuyang punks-not-dead ang pormahan ay binuksan na n’ya ito.

Ramdam ko naka-relax ng bahagya si Ate nung hindi pinalitan ni koya ang tugtog.

Sensitive ang tenga naming magkapatid, kaya di kami magdadalawang isip na bumaba kung sakaling mag-Metallica ang trip ni koya.

In fairness, smooth lang ang patakbo at maayos naman kami na-ihatid.

Barangay chairman ang landlord ng boarding house at may pulong sa common area sa labas ng dumating kami, tahimik nalang kaming nakiraan ni Ate.

 

“Winter. Ihahatid tayo pauwi ni Baekyoong.”

Dahan-dahan ko inilapit ang upuan ko, di ko kasi alam kung tama ang dinig ko sa sinabi ni Ate.

Di ko rin sure kung gising s’ya dahil nakadantay ang braso n’ya sa kanyang mga mata.

Napapadalas ang sleep talk ni Ate lately, mula noong magcool-off sila ni Kuya Baekhyun.

 

“I-full charge mo phone mo. Papahiram ko sayo yung bago kong headphone mamaya.”

Ah. Madali naman ako maka-gets. Alam ko na gagawin ko sa sasakyan.

 

“Wooow~ Ate talaga ba? Wag na lang kaya?…baka masira ko pa. Pramis hindi ako makikinig sa LQ n’yo ni Kuya!” harot ko.

 

“Win-ter!” gigil na bumangon si Ate.

 

Masakit na tagiliran ko at halos lumuha nako sa pagmamakaawa kay Ate ng hintuan n’ya ang pangingiliti sakin.

Mami-miss ko to.

Ilang linggo nalang aalis na si Ate. Natanggap sila ng mga college friends n’ya sa isang design company sa Singapore.

Nandito kami para kunin at i-uwi yung mga natitira n’yang gamit.

Kinausap na din n’ya ang landlord para ibilin ako. Ako na ang bago nilang boarder sa darating na pasukan.

Sa akin na mapupunta ang space ni Ate. Grabe din yung confidence n’ya sakin, binayaran pa n’ya ng advance ang renta.

Mahirap na daw kasi maghanap ng maayos na tirahan around U-belt kapag pasukan na.

 

Halos 6 pm na ng dumating si Kuya Baekhyun. Nag-aya si Ate na kumain muna sa karinderya sa tapat bago umuwi.

Pare-parehas na breaded pork chop ang order namin, ito daw kasi ang best seller dito.

Magkatapat kami ni Ate sa upuan, tapos tabi sila ni Kuya Baekhyun.

Nakikiramdam lang ako sa kanila. Okay naman sila diba?

Ay naku lang... Focus sa pagkain! Kain lang.

 

“Congratulations Winter… ang bilis ng panahon, dalawa na kayo ni Ate mo na makakasabay ko pauwi every weekend.”

 

Matutuwa sana akong nabasag na ang katahimikan.

Kaso lang… alam naman n’ya na nakaalis na si Ate bago pa magpasukan diba? So???

Sana hindi bakas sa mukha ko ang pagkalito. Ngumiti lang ako at di ko nakayang magsalita. Subo ng isang malaking serving Winter!

Sinigurado ko munang di nakatingin si Kuya bago ko pinandilatan si Ate.

Pwedeng magsalita kasi Ateeee! Mukhang naintindihan naman ni Ate yung struggle ko.

 

“Binalita sakin na approved yung status ng work permit, kaninang umaga lang habang nasa interview si Winter…” huminto si Ate, nagdadalawang isip sa susunod na sasabihin “may employment pass na kami. For 2 years.”

 

Tahimik nanaman. Alam kong tama tong ginagawa namin... don't talk when your mouth is full. Pero wala namang magagalit kung mag-uusap kami kahit konti.

At ano ba to?!...nakakahawa ba ang stiff neck? Kasi parang napasahan nako nila Ate. Mata ko nalang ang gumagalaw para obserbahan sila.

Pansin ko parang nahihirapan ata si Kuya lunukin ang kinakain, kaya tumayo ako para kumuha ng tubig namin.

Isang baso lang ang nakuha ko ng maubos ang laman ng water dispenser kaya bumalik ako sa table at binigay kay Kuya Baekhyun ang tubig.

Mukhang mas kailangan na n’ya. Di na maipinta ang mukha at medyo nagsisimula na s'ya mamula.

Kuya Baekhyun naman, masakit masamid. Di mo kailangan maging perfect, kami lang ni Ate Taeyeon to. Okay lang umubo.

 

“Ate, naubos yung tubig sa water station. Titingin muna ko sa katabing bakeshop ng dessert habang wala pang refill. Wala pa tayong pasalubong kila Daddy.” mabilis kong paalam. Tumalikod na ako at di na hinintay ang sagot ni Ate.

Hindi ko alam kung bakit... pero hindi ko sila kayang panoorin.

 

Dalawang box ng isang dosenang choco eclairs ang binili ko.

Ibibigay ko yung isa kay Kuya Baekhyun, sana makatulong. Makatulong saan?

Ewan ko… pakiramdam ko kailangan n’ya ng matamis. Ang baba ng energy n'ya, naninibago ako.

 

Si Kuya Baekhyun ang may idea ng cool-off nila kwento ni Ate. Di ko kasi napigilan magtanong dahil matagal ko nang di nakikitang gumagawi sa bahay si Kuya.

Kahit paano ay close kami dahil s’ya ang nag-intro at nagtuturo sakin mag-gitara.

Kapag may topak si Ate, isa ako sa sinusuyo n’ya para magpatulong na ma-appease ang tampururot ni Ate.

Naisip ko naman baka may ‘LambingQuarrel’ lang ulit sila, pero ang bigat ng atmosphere e… o yung usok lang yun na galing sa nag-gigrill?

Wala rin kasing kahit anong pa-sikretong pangangamusta si Kuya Baekhyun sa Ate ko, kanina pako atat ilaglag si Ate sa kanya.

Hatid-sundo n’ya ito every week, pero ilang linggo na rin nag-cocommute si Ate.

Nagsimula na din tumabi matulog si Ate sa kwarto ko, may problema daw ang AC sa kwarto n’ya.

Nadagdagan lang naman ang masamang hinala ko sa mga gabing nagii-sleep talk si Ate.

"Anong gusto mo?..."

"Sabihin mo lang…"

"Nahihirapan ako…"

"Ang gusto ko…"

Hindi ko na matandaan yung iba pero mukhang lahat ng hindi n’ya masabi sa boylet n’ya, nasasabi n’ya sa panaginip n’ya.

Minsan sinubukan kong sagutin si Ate. Gusto ko samgyupsal.

Pinanuod ko ang pagkunot ng noo n'ya at ilang sandali pa tumulo ang luha sa mata n'ya.

Sabi na... labag sa loob n'ya magdyeta.

 

Highschool crush ni Kuya Baekhyun si Ate Taeyeon.

Approachable at Ms. Congeniality si Ate —unlike me, kaya ako nabansagang Winter— kaya madaling nakagawa ng paraan si Kuya para maging close sila.

Si Ate ang dahilan kung bakit umalis s'ya sa HS Sports Club at sumali sa Glee Club.

May talent din naman s’ya sa pagkanta. Ang swerte pa na sila ni Ate ang napiling mag-duet sa singing program para sa JS prom.

Madaming admirers si Ate, pero ang lamang n’ya, nakatulong yung pagiging duet nila sa Glee Club, parang naging usual pair na sila.

Tapos madalas pa silang magkasama after school para magpractice.

Pero dahil nga accommodating si Ate, hindi na s’ya nagpatumpik-tumpik pang magtanong kung pwede ding makapareha sa dance prom.

Kahit s’ya nagulat lang sa agad na pag-accept ni Ate.

Sa gabi mismo ng prom s’ya umamin kay Ate about sa feelings n’ya at nagpaalam kung pwede manligaw.

Sinabihan lang s’ya na sa bahay umakyat ng ligaw at winarningan na posibleng maging miserable ang buhay n’ya sa gagawin n’ya.

Kahit sino naman siguro hindi mapapansin yung warning kung nabigyan ng hopia ni Crush diba? Hindi lahat nakakatikim ng hopia!

 

Senior n’ya si Ate, at maraming admirers nito ang hindi natuwa sa lakas ng loob na pinakita n’ya sa prom.

Ginawang imperno ng ilan sa mga senior cadet officers ang buhay n’ya buong high school.

Pero kinaya n’ya. Mas nahirapan pa nga daw s’ya pag-graduate ni Ate, dahil tuwing weekends na lang n’ya ito nakikita. Lakas tama lang. 

Kaya boto narin talaga ako kay Kuya Baekhyun para sa Ate ko, kasi honest at kwela s’ya kumpara sa ibang manliligaw ni Ate.

Additional points na lang dahil nakarami din ako ng candies at chocolates sa kanya.

Mas marami pa nga ata akong stuffed toy na natanggap mula sa kanya kesa sa Ate ko.

 

Hindi lang si Ate ang na-surprise n’ya one family dinner na nagtanong ang Mommy namin kung anong plano n’ya after graduation.

Same school at course daw ng kay Ate ang inapplyan n’ya. Shooketh ang ina.

After non, palihim na nagtinginan lang si Ate, Mommy at Daddy.

Halos buong dinner ko sila pinanuod na parang naglalaro ng invisible ping pong ball sa hapag kainan, at ang paddle yung mga mata nila.

Wala pa akong muwang noon kung anong meron sa tinginan nila. Ngayon ko lang naunawaan ang gravi-teh ng choices sa buhay ni Kuya Baekhyun.

Juicecolored. Simula pa lang to ng istorya nila ng Ate ko. Maisip ko lang na mas mahirap pasagutin si Mommy, kinikilabutan ako.

Pero pasado garantisad

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Hooming
Decided to write something light for CH11.
Pa-consuelo sa ating mga future nutribuns. 😂
Masaya man lang tayo bago maging tinapay o patibay sa tulay.
Chos!

✈️ Be leaving today, and be back next week.
Ingat din sa weekend tour ni leoheart otornim~ 🥰

Pakatatag kayo yorobun~ 💪🏻

Comments

You must be logged in to comment
EzraSeige
#1
Leggo 😣😀💙❄
Hooming
#2
Sorry sa tagal ng update. 🥹
2 wks sem break (around xmas) is never enough. 🫠
I usually spend my free time w/family & leoheart.
Gawa2 lang ng illuminati ang tulog at pahinga. 🤣 Di na tlga mkkabawi sa mga yan. Kaen, ligo, kape at puyat prin kht bakasyon.
Matic priority acads pagstart ng sem…pls understand mahal ng tuition fee, ofc gsto na mktapos pra mtapos na 😂 excited nko sa glow up & real life character dev. after grad.
Just read leoheart’s work (co-author), babalik at maguupdate ako when I can, eventually.
Thank you yorobun~ ✌️
jmjslrn #3
kung ang efficascent pinapahid bat si winter ng manhid🤣
swinder
#4
Chapter 12: Mali atang binasa ko to... last year pa yung update before nitong bago.
ryujinie__
695 streak #5
Chapter 10: Welcome back omggggg
rika_j
#6
Chapter 11: ♥️
jmjslrn #7
Chapter 10: maganda ung story👏

parang medj natrauma lang ako dun sa paBJ 🤣🤣🤣
Hooming
#8
Hi @leoheart otornim 😊 look do we have here?! Nakakauhaw kaya magfootball! E kung bigyan kaya ng jacket si Karina? 😂
leoheart
#9
Chapter 10: Bigyan ng maraming samalamig si Winter. Parang sobrang THIRSTY niya. HAHAHAHA
manduwyyy #10
Chapter 6: Shetttt ang ganda