Guarded

Red Flag - Green Flag
Please Subscribe to read the full chapter

 

✉️ Yu Karina: I’m home! Good night Minjeong~ 😉😙

↩️ Reply

Good morning Karina! Sorry nk2log nko kgbi 😅

 

Magre-reply dapat ako kay Karina kaso nadistract naman ako sa pag change topic ni Jaemin kagabi. About sa cheering ang usapan, at masaya sanang doon nagtapos ang lahat, pero nasingit sa usapan si Jeno. 

Tinatanong daw ang number ko.

Ang dami ko agad naisip, pero di ako nakakibo. Ilang minuto rin akong parang pigil ang paghinga.

Palagay ko nahalata ni Jaemin na wala akong masabi, kaya s’ya na ang nag tuloy ng usapan.

Ayun nga, kinamusta ako ni Jeno at simple lang ang sagot ni Jaemin… busy ako sa school. Sa true naman.

Gusto daw sana akong makausap ng personal kaya nag tanong ito kung paano ako mako-contact.

Medyo natigilan nga si Jaemin, kaya feeling ko hindi okay sa kanya yon. Pakiramdam ko rin nag-aalinlangan s’ya at may gustong pang sabihin… di kaya nai-ipit na naman s’ya dahil pare-pareho kaming may pinagsamahan?

Nahinto ang usapan nila dahil dumating daw sila Haechan, pero nabanggit n’ya kay Jeno na susubukan daw n’yang hingin ang number ko. Hay.

 

Sa huli, ang tanging nasabi ko. Kung mag-uusap kami, mas magandang on the spot na lang.

Mabuti na lang at natapos na don, dahil yung pagod ko na akala kong sagad na, nadoble pa.

Pag-alis ni Jaemin, mabilis akong nag shower tapos ginawa ko na rin ang mga assignments ko sa higaan para maiwasan kong mag-isip ng kahit anong tungkol kay Jeno.

 

Ang tanda ko nakita ko ulit ang message ni Karina dahil magdo-double check ako ng alarm, pero nakatulog ako habang nag-iisip kung ano bang ire-reply ko.

Gusto ko kasing i-explain ni Karina kung para saan yung 😉😙. At triggered pa rin talaga ako sa pag tawag n’ya sa akin ng Minjeong.

 

Next week Wednesday na ang event, excused na ang section namin para makapag focus at finalize ng program. Hinati ko na sa tatlo ang team, yung iba iikot sa DV para maka-isip ng useful souvenirs, game prizes at tokens for our guests speakers, sila na ang bahala makipag tawaran.

Meron namang assigned para ituloy ang paggawa ng props at personalized accessories to match our outfit. Nakita ko na rin ang unang batch ng sailor uniform namin para sa event. May kutob akong na-impluwensyahan ni Ning ang mananahi. 

Ang idea ko ng sailor uniform, kamukha nung mga cute na Japanese school uniforms. Ang version naman ni Ning, Y white police navy sailor-ang-daming-tienes! Basta kita ang hubog ng katawan! Nagkasundo pa ang klase sa uniform black stilettos at smokey eye evening makeup para sa lahat.

Dapat daw ang datingan, yung tipong gugustuhin ng attendees ng event na magpa-aresto.

Por dios santo. Bahala nga sila sa “Officer, please arrest me.” concept nila!

Basta ako sa backstage lang sa D-day, ayokong sumali sa kahit anong class presentation na binabalak nila. Di nila ko mapapagperform sa ganong kaitsurahan.

NEVER! Lalo na’t mga magulang ko ang ininvite ko sa event!

 

Kami ni Chaehyun at Ning ang mga punong abala para sa video presentations, lights & sounds, at backdrop ng venue. We have to make sure na synced lahat.

Mga pinsan ni Chaehyun ang videographers, habang mga kakilala naman ni Ning sa gig ang DJ at band performers.

Ayaw magpakilala ng boypren ko, kaya ang alam nila friend ko lang ang ni-recommend kong mag aayos ng backdrops at flowers para sa event.

Sobrang laki ng natipid namin dahil sa connections.

 

Mga bulaklak nga lang ang pina bayaran ni Jaemin, yung ibang equipments imbis na pa-rentahan ay ipapahiram n’ya lang. Tapos wala ring talent fee ang creativity n’ya para sa arrangements na gagawin para mapagarbo ang venue. Ang ganda at bango ng kinalabasan ng flower lei na nirequest ko kay Jaemin, jasmine ang napili kong bulaklak para patriotic! Noong una, guests speakers lang from different embassies ang may pa-ganitong welcome, pero kayang-kaya daw nila gumawa ng mas simpleng garland para sa lahat ng guests. Na-involve din pati ibang members ng barkada.

Si Chenle nagpa-billboard ng event, chance din daw yon para mag promote ng cruise line nila. Binigyan pa kami ng discount para sa mga tarpaulin at prints na kailangan namin, may printing company din kasi sila. Through his connection rin nakahanap at nakamenos kami sa rent ng venue. Sa Le Pav Metropark sa Pasay ang location, saktong seaside at malapit sa Dampa Market at sa family business nila Lucas.

Sa catering kasi nag presenta si Lucas, may live seafood resto sila, s’ya pa mismo ang nagsuggest na mag set-up ng aquariums sa venue para bongga, at grabe din ang diskwento na binigay niya. Napaka swerte ng seafood lovers sa event dahil fresh at doon mismo i-luluto ng chef yung mga seafood sa menu. Sabik na nga rin ako mag Friday dahil pupunta kami sa resto para mag taste test ng mga pagkain na iseserve sa event.

May special participation syempre ang family ko. Nagprovide ng truck, driver at tauhan si Daddy para sa logistics ng mga kagamitan na kailangan namin sa event. Sunday sermon at motivation naman ang contribution ni Mommy, gawin ko daw ng maayos ang pag-organize at wag puchu-puchu lang. Lagi n’ya kong niraratrat pag umuuwi ako ng weekend, ganon n’ya ako kamiss.

 

Yu Karina: Thot I saved x no. 🥹 Good am!

↩️ Reply: KO din tlga ako kgbi. 🙃

Yu Karina: 😂 Kinda knew it, u ok now?

↩️ Reply: Yup! Bonakid kaya ako, batang may laban! 💪🏻

Yu Karina: A cute kid 😊

↩️ Reply: 😒 Last na yan Karina, mkikinig nko kay Ryujin.

Yu Karina: Haha! But u r really cute! 🥺

Tsk. Tsk. Di ako utu-uto Karina. Walang patutunguhan tong usapan natin.

 

↩️ Reply: See you on Friday!

Yu Karina: C u l8r maybe? 🤔

↩️ Reply: Later?!

Yu Karina: Yup I’ll be @ school, meeting Chaehyun too.

Meet? Si Chaehyun? Anong meron? Pfft. Magtatanong ba ako? Ba’t naman ako mangingialam?

 

↩️ Reply: Ok c u.

 

Maaga kami nagmeet ni Chaehyun at Ning dito sa boarding house. Plano namin pumunta sa venue para sa floor plan. Kailangan ko din matantya kung paano ko gagawing gangway ang entrance, para feeling ng guests pasakay sila ng ship.

Sa nakikita ko ngayon mukhang si Karina ang ka-text ni Chaehyun. Ang aga naman, wala pang alas ocho!

Ano kayang pinag uusapan nila? Ganito kaaga magkausap na? Normal ba yon? Anyway baka about naman sa football.

 

“Bading ang aga-aga serious mode ka? Pressured ka na ba dahil one week na lang?”

“Hindi naman, gusto ko na mairaos tong event, pagod nako mag-organize.” sagot ko.

“Baks! Waley na tayong paperworks after nito! Makaka focus na tayo sa football~” pagdiriwang ni Ning.

Dapat lang! Ang agap ko sa mga records, collection at reimbursements. Ayoko yung feeling na may hinahabol o kulang sa reports.

 

“Winter, makakabalik ba tayo sa school after lunch?” biglang tanong ni Chaehyun.

“Di tayo magtatagal, viewing lang muna tayo sa venue, at kukunin ko lang din yung measurements ng main entrance para sa gangway. Bakit Chaeromie, may lakad ka?”

“Magpapa sama lang ako, magkikita kasi kami ni Karina, pahiramin ka daw n’ya ng shin guards para safe ka daw sa practice game bukas.”

Yun ang pinag uusapan nila? Safety ko? Touched na sana ako, kaso naging kasangkapan ata ako ni Karina para magka points kay Chaehyun?

Hay nako…eto nanaman ako. Matagal na silang magkakilala Winter, di ba pwedeng concerned lang talaga yung tao?

 

“Chaehyun, parang sobrang caring nila sa amin, kinakabahan ako ng slight.” sabat ni Ning.

“Bakit anong meron Ning?” tanong ko.

“Bago kami matulog ni Giselle, naalala at naghalungkat pa s’ya ng gamit. Bading! Pinag-full soccer gear lang naman niya ako kagabi! Excellent daw ang fit ng shin guards! Excellent!!” kwento ni Ning, ginaya pa ang mannerisms ni Giselle.

“Ang alam ko lang, next level ang plan sa inyo ni Karina at Giselle bukas.”

“Ano ba yung next level Chaehyun?” Nahawa na din ako sa pag-aalala ni Ning.

“Not sure pero may gagawin kayong drills, depende sa performance n’yo bukas?”

“Drills after practice ng game? E di gagabihin tayo lalo?” reklamo ko.

Nagkatinginan si Chaehyun at Ning. Kinukutuban akong may nagawa silang pagkakamali.

 

“Winter, nasabi ko kasi kay Karina wala na tayong activity after lunch bukas.”

“Actually, parang ganun din ang nasabi ko kay Giselle, bading…”

“Ah— so may special plan sila para sa amin ni Ning bukas? Kung mag delegate din kaya ako ng special task para sa event natin after lunch bukas?” Napag-planuhan na kami, ang husay namang nakorner ni Karina at Giselle tong dalawa. “Biro lang…” bawi ko.

“Kaya n’yo ni Ning ang next level~ Trust me!” pag motivate sa amin ni Chaehyun.

“Sabi mo yan ah Chaeromie~ pag humiwalay ang kaluluwa namin bukas ni Ning, mumultuhin ka talaga namin!”

“Swear!! Believe me hahahaha~” may pagtaas pa nga ng right hand.

Pero lalo lang nadagdagan ang worry ko sa tunog ng tawang ginawa ni Chaehyun.

 

Maagang natapos ang ganap namin sa venue, at dahil malapit lang sa MOA, nag decide kaming doon na mag early lunch. Sa Aristocrat kami kumain.

Crispy pata, shanghai fried rice at sago’t gulaman ang inorder namin. Sobrang nabusog kami kaya naisip namin maglakad-lakad muna sa bay area.

Nakakita kami ng maliit na amusement park, sayang nga lang at hapon pa ang start ng operation.

Kaya nagkasundo na lang kami na kailangan namin bumalik dito someday para mag-unwind at syempre bumper cars!

Dapat ma-experience din namin maglakad along Manila baywalk, mapuntahan at matikman ang flying saucer adobo sa mismong first branch ng Aristocrat malapit doon.

Sana magka-oras kami at magawa namin ang mga to bago kami maka gradweyt.

 

Pagbalik namin sa school, nagpaalam na agad si Ning, hindi pa n’ya tapos ang assignments namin na kailangan i-submit before 5pm via email.

Nag-offer kami ni Chaehyun tumulong pero keri naman daw n’ya, kaya pumunta na kami ni Chaehyun sa field, sa usual pavillion kung saan kami nag-cake day.

Parang gusto ko umidlip bigla, ganitong oras masarap mag-siesta lalo’t pagod at medyo busog pa.

 

“Inaantok ako Chaeromie, anong oras darating si Karina?”

“Idlip ka muna?” Sumandal si Chaehyun sa post ng pavillion, nag-indian sit at pinatag niya ang bag n’ya sa pagitan nito. “Higa ka na Winter~ gisingin kita pagkatapos ng game nila Karina.”

Medyo nakakahiya pero nahiga na ko, di rin kasi maganda ang tulog ko, pagod ako physically pero nagpupumilit pang gumana ang utak ko kagabi.

Naisip ko lang, around 5 am pala nung nagreply ako kay Karina, ang weird na sobrang aga pero buti di n’ya nahalata.

Sinimulang paglaruan ni Chaehyun ang buhok ko, bigla kong naalala ang usapan namin.

 

“Chaeromie! Naalala ko yung about sa ‘bending’. Sinong tinutukoy mo sa ‘sila’, yung gusto ka nilang i-bend? Pa kwento naman, kung okay lang?”

“Ah~ Nagsimula kasi nung malaman ng friends ni Karina na may crush siya sakin, di din  s’ya nag deny nung na-hotseat kami. Since then nag-umpisa na sila sa pag-ship samin. May times ang awkward na pag magkasama kami ni Karina, kaya sinabi ko sa kanila malabong magkatotoo ang ship dahil straight ako. Doon na nag-comment si Ryujin na ruler na lang daw ang straight ngayon. Tapos si Giselle yata na-offend ko ng ma-friendzone ko si Karina. Sabi n’ya magbe-bend din daw ako dahil kay Karina someday at nag-agree din yung iba…it's only a matter of time daw.” 

“Hahaha~ Sorry Chae! Natawa lang ako sa naisip ko about bending. Akala ko kasi pang-elements lang yon, yun bang sa Avatar The Last Airbender? Apparently, pati pala tao ngayon nabebend na. Ibang klase naman pala ang friends ni Karina. Anong itatawag natin sa kanila? Straight Benders?” Natawa din si Chaehyun sa sinabi ko. “Wait, friends ni Karina…so, you mean yung mga kasama sa Mang Tutz?”

“Mismo!”

 

“Ano

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Hooming
Decided to write something light for CH11.
Pa-consuelo sa ating mga future nutribuns. 😂
Masaya man lang tayo bago maging tinapay o patibay sa tulay.
Chos!

✈️ Be leaving today, and be back next week.
Ingat din sa weekend tour ni leoheart otornim~ 🥰

Pakatatag kayo yorobun~ 💪🏻

Comments

You must be logged in to comment
EzraSeige
#1
Leggo 😣😀💙❄
Hooming
#2
Sorry sa tagal ng update. 🥹
2 wks sem break (around xmas) is never enough. 🫠
I usually spend my free time w/family & leoheart.
Gawa2 lang ng illuminati ang tulog at pahinga. 🤣 Di na tlga mkkabawi sa mga yan. Kaen, ligo, kape at puyat prin kht bakasyon.
Matic priority acads pagstart ng sem…pls understand mahal ng tuition fee, ofc gsto na mktapos pra mtapos na 😂 excited nko sa glow up & real life character dev. after grad.
Just read leoheart’s work (co-author), babalik at maguupdate ako when I can, eventually.
Thank you yorobun~ ✌️
jmjslrn #3
kung ang efficascent pinapahid bat si winter ng manhid🤣
swinder
#4
Chapter 12: Mali atang binasa ko to... last year pa yung update before nitong bago.
ryujinie__
695 streak #5
Chapter 10: Welcome back omggggg
rika_j
#6
Chapter 11: ♥️
jmjslrn #7
Chapter 10: maganda ung story👏

parang medj natrauma lang ako dun sa paBJ 🤣🤣🤣
Hooming
#8
Hi @leoheart otornim 😊 look do we have here?! Nakakauhaw kaya magfootball! E kung bigyan kaya ng jacket si Karina? 😂
leoheart
#9
Chapter 10: Bigyan ng maraming samalamig si Winter. Parang sobrang THIRSTY niya. HAHAHAHA
manduwyyy #10
Chapter 6: Shetttt ang ganda