Sweet

Red Flag - Green Flag
Please Subscribe to read the full chapter

I have a problem.

Di ako natutuwa sa nakikita ko.

Ito pala ang papasukin kong gulo.

 

Napuno ang table sa labas ng eatery ni Mang Tootz, at kumuha pa ng isang mesa para magkasya ang team. Hindi pa daw sila kumpleto sa lagay nato. Ang ingay na.

Kaya naman pala iba’t-iba ang colors ng jersey ng mga sumundo samin, magkakaibang college football club ang pinanggalingan nila.

Green para sa institute namin. Red for accountancy, maroon for architecture, blue for AB, teal for CRS, at commerce yung yellow.

 

“Bading, here’s my treat!” ipangalandakan pa talaga e sa sampung piraso ng banana rhuma na binili ni shunga, tatlo lang ang binigay n’ya sakin.

“Salamat a. Baka kulang pa sayo yan Ning?” sabi ko with sarcasm.

“Joke lang kasi Winter, o eto…” inabutan pa ako ng dalawa ni Ning. “sweet ko diba? Eto pa coke.”

“Wag kang aabsent o kahit ma-late sa Monday! Isa nalang FA kana!” babala ko. Hihingi nanaman ata ng pabor tong si loko. Nginitian lang ako ni Ningning at nagsimula nang kumain.

 

Katapat ko sa table si Chaehyun, at katabi nito, yung Karina.

Naalala ko na naman yung problema ko. Mula pag-alis namin sa boarding house may napansin na ako.

Sweet ang Karina sa lahat.

Akbay dito, yakap dito, beso doon… actually, hindi lang naman s’ya ang taong ganito sa grupo.

Silang lahat! Kaming tatlo lang ata ni Ning at Chaehyun ang normal dito. Qualification ba ang pagiging touchy para maging football player?

 

Inakbayan ni Karina si Chaehyun.

 

Ok. Eto pa ang malalang problema.

Sa nakikita ko, mahina ang resolve ni Chaehyun sa pag-iwas sa mga advances sa kanya ni Karina.

Although narealize ko lang din, mas madali sana itaboy kung lalaki ang nangungulit sa kanya.

They can’t be touchy like this one. Harassment agad. E yung ganito? Normal between these girls ang ganitong skinship. Di naman din pwedeng OA lang din si Chaehyun sa ganito, baka s’ya pa ang magmukhang malisyosa.

Pero… pwede pa rin naman n’ya pagsabihan. Honestly kung ako nasa posisyon n’ya, kanina ko pa natanggal ang pagkakaakbay sakin ni Karina.

Hay nako ewan. Wala din naman kasi akong alam sa girls love.

Iniisip ko tuloy kung pano ko ngayon tutulungan si Chaehyun. Wala rin akong alam.

 

“Ningning! Ipakilala mo naman sakin yang kasama n’yo ni Chaehyun.” request nung isang ma-ingay na nakaupo sa bandang gitna. Naman. Nag-iisip ako ng solusyon sa problema e!

Akala ko dahil nakaupo ako sa dulo at nananahimik ay hindi na ako mapapansin. Kanina pa kasi may mga dumadating at umaalis na members o kaya mga kakilala nila na napadaan lang at mga nangangamusta. Balak kong ninja-hin nalang sila mamaya.

 

“Ayyy oo nga! Bading~ tayo ka please para makita ka nila.” request sakin ni Ning.

Nakakahiya pero mapapahiya din si Ning kung di ako tatayo, kaya kahit labag sa loob ko. Tsk!

“Ryujin, eto ang recruit namin ni Chaehyun sa team, sa Tuesday sasali na s’ya sa try outs. Meet our friend, si badi—”

Kinurot ko sa likod si Ning. “ano… meet Min—” tiningnan nako ni Ningning dahil tinapakan ko na ang paa n’ya sa ilalim ng mesa. Nginitian ko si Ning, pero sana kuha n’ya…

Pag mali pa rin ang intro n’ya sakin sa susunod na buka ng bibig n’ya, sasamain na talaga s’ya.

I cleared my throat, ako na nga lang… “I—

“Guys, si Winter.” maikling intro ni Chaehyun. Hay salama—

“Yun talaga name n’ya?” tanong ni Karina. Aba teka—

“Kim Minjeong talaga name n’ya pero pa-cool tong si bad—” sabat ni Ning na binigyan ko ng mabilis na sabunot. Nagtawanan lahat sa table.

 

“Cute.” comment ni Karina.

 

Nagpanting ang tenga ko. Di ko naiwasang tingnan s’ya. At nakangiti ang Karina sakin!!

Iniisip ko kung nagkamali ba ko ng dinig sa sobrang ingay nila. Pero eto s’ya, nakapangalumbaba sa table, sporting her playful smile at me.

Kung tingnan ko kaya s’ya ng masama para mabura sa mukha n’ya yang pangiti-ngiti n’ya?

 

“Hi. I’m Winter. Classmates kami ni Ning at Chaehyun.” nagsalita nako, baka di ko mapigilang irapan tong si Karina, kaya ngumiti nako sa ibang members. “Winter nalang please.” pakiusap ko pa sa kanila.

“Bakit Win—”

“Nice to meet you all! Gagalingan ko po sa Tuesday!” sadyang nilakasan ko na.

Nakakainis!!! Mahihirapan tuloy ako makapagback out neto sa pag-sali sa kanila. Pina-plot ko pa naman na kung pano ko susuyuin si Ning at Chaehyun kung sakaling magtampo sila. Gggrrrr~

Pano ko ba patatahimikin tong Karina?! Interesting naman talaga kung ba’t Winter ang tawag sakin Karina, pero wala akong balak mag-explain sayo, hindi tayo magiging close.

 

“Minjeong~” tawag ni Karina. May taong hindi makaintindi talaga.

“Winter kasi.” sabi ko. Nahinto yung palakpakan sa table. O tapos na talaga? Nakatingin silang lahat sa direskyon namin. Sa akin at kay Karina. Nag bow nalang ako sa lahat at naupo na.

“Oh. Sorry Winter. I’ll introduce you to everyone…” simula ni Karina. Parang wala lang sa kanya yung pagsusungit ko.

 

Chaehyun Karina Lia Ryujin Yeji Shuhua Soojin   Winter Ningning Giselle Somi Hyunjin Heejin Saeron Yeri

 

“Let’s start… Sa center edge ng table is Ate Yeri. AB alumnus, and her graciousness is here to look after and train young bloods ng AB football club.” intro ni Karina.

Gusto kong i-comment na dapat inuna n’yang ipakilala ang sarili, at baka sakaling magbago ang namumuong masamang impression ko sa kanya.

“Grabe naman sa Ate, pero thank you!” complain ng naka blue jersey na nakaupo sa kabilang dulo ng table, sa gitna. “Karina over there is also like me. I loveeee girls. I mean— girls who play football.” Talaga lang a. Huli ka balbon.

“She’s a fresh grad of BS Commerce, at mas gracious s’ya dahil willing lang naman s’ya turuan mag-football kahit sinong interesado maglaro. And trust me, if she takes good care of you, magiging pro football player ka ring katulad n’ya!” pambobola ni Ate Yeri, at may pagkindat pa ito kay Chaehyun.

Ah~ kaya pala hirap na hirap tong si Chaehyun pumalag. Lahat siguro ng nandito, kasabwat nitong Karina nato. Problema nga itu! Outnumbered nila si Chaeromie ko.

Nako self… please i-kalma mo, hindi maganda manghusga ng kapwa. Masyado pang maaga. Try again later pag gabi na. Sa dilim lumalabas ang tunay na anyo.

“And this is Saeron, she’s taking Architecture.” Pakilala ni Ate Yeri sa naka-maroon na jersey sa kaliwang side n’ya. Dahil medjo may kalayuan at hirap akong makita mula dito sa pwesto ko, tumayo ako ng kaunti. May isa din naman palang tahimik lang sa kabilang side, pasimpleng kumaway nalang kami sa isa’t-isa. Narinig ko ang pag-’ehem’ ni Karina kaya tumingin ako pabalik sa kanya.

“Beside me is Lia… she’s from another school. We also play games outside the Uni, and I suggest everyone

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Hooming
Decided to write something light for CH11.
Pa-consuelo sa ating mga future nutribuns. 😂
Masaya man lang tayo bago maging tinapay o patibay sa tulay.
Chos!

✈️ Be leaving today, and be back next week.
Ingat din sa weekend tour ni leoheart otornim~ 🥰

Pakatatag kayo yorobun~ 💪🏻

Comments

You must be logged in to comment
EzraSeige
#1
Leggo 😣😀💙❄
Hooming
#2
Sorry sa tagal ng update. 🥹
2 wks sem break (around xmas) is never enough. 🫠
I usually spend my free time w/family & leoheart.
Gawa2 lang ng illuminati ang tulog at pahinga. 🤣 Di na tlga mkkabawi sa mga yan. Kaen, ligo, kape at puyat prin kht bakasyon.
Matic priority acads pagstart ng sem…pls understand mahal ng tuition fee, ofc gsto na mktapos pra mtapos na 😂 excited nko sa glow up & real life character dev. after grad.
Just read leoheart’s work (co-author), babalik at maguupdate ako when I can, eventually.
Thank you yorobun~ ✌️
jmjslrn #3
kung ang efficascent pinapahid bat si winter ng manhid🤣
swinder
#4
Chapter 12: Mali atang binasa ko to... last year pa yung update before nitong bago.
ryujinie__
694 streak #5
Chapter 10: Welcome back omggggg
rika_j
#6
Chapter 11: ♥️
jmjslrn #7
Chapter 10: maganda ung story👏

parang medj natrauma lang ako dun sa paBJ 🤣🤣🤣
Hooming
#8
Hi @leoheart otornim 😊 look do we have here?! Nakakauhaw kaya magfootball! E kung bigyan kaya ng jacket si Karina? 😂
leoheart
#9
Chapter 10: Bigyan ng maraming samalamig si Winter. Parang sobrang THIRSTY niya. HAHAHAHA
manduwyyy #10
Chapter 6: Shetttt ang ganda