Str8

Red Flag - Green Flag
Please Subscribe to read the full chapter

 

Tingnan mo tong Karina. Sabi n’ya tuturuan akong mag-cool down, pero pinasa n’ya agad ako kay Giselle ng makitang nagpapahinga sa bench ang kaibigan ko. Apakagaling. Sabagay mas okay nato, gusto ko na din magpahinga, baka ituro pa n’ya kung pano ang tamang paghinga in complete detail kung nag-stay pa s’ya dito, bukas pa kami matatapos. At mukhang okay naman si Chaehyun, magkatabi lang silang nanunuod ng game.

 

“Hellooooo Winter???”

Tiningnan ko si Giselle, may sinabi ba s’ya? Naipasa na ata sakin ni Ning ang pagiging lutang.

“I was asking how was it? Did you have fun?” tanong ni Giselle. Ba’t kailangan umusog ni Karina sa upuan? Ang daming space sa kabilang side n’ya.

 

“Ang galing ni Karina, nag-enjoy ako.” Binalik ko na ulit ang tuon ko sa kaibigan ko. So far, so good, walang nang ibang the moves.

“Bading, yung football kasi yung tinatanong kung na-enjoy mo!” comment ni Ning.

Bumaling ako kay Ning, nakatingin lang s’ya sakin at nakataas ang mga kilay, inisip ko kung anong mali sa sagot ko. Nag-enjoy naman talaga ako. Napansin ko naman si Giselle, nakahalukipkip, pabalik-balik ang tingin sa akin at sa direksyon kung nasaan sila Karina. Ano bang nasabi ko?

 

“Ehm…Winter, you’re going to stay sa team right? You enjoyed FOOTBALL?” bakit umulit lang yung tanong ni Giselle? Na-paraphrase lang.

“Nag-enjoy ako seryoso. Pero iniisip ko kung kaya ko, napagod kasi ako paano pa kung todo takbuhan.” matapat kong sagot. Tinuro ko yung mga naglalaro na parito’t doon ang pagtakbo. Ako yung hinihingal sa ginagawa nila, nanunuod lang ako, naalala ko yung inabot ko sa jogging pa lang.

“Honestly, don’t worry too much about that, you’re going to improve with training. Magugulat ka once you start playing, you’ll forget that it's physically taxing especially if it's a good game and you’re having fun.” paliwanag ni Giselle. Sana mangyari sakin ang sinasabi n’ya. Kung alam lang n’ya ang rason ng pag-sali at motivation ko. Sobrang babaw.

“BeshGie, don’t worry d’yan kay bading, mag-stay yan…ako bahala.”

Ano naman tong pinagkakakana ni Ning? Pa-beshgie-beshgie pa ngayon. Sabihin ko na kaya sa kanya ang problema namin ni Chaehyun? Kaso parang hindi naman maganda kung sakin manggagaling ang kwento. Aasa nalang akong makahalata si Ning eventually? If ever, may maitulong kaya s’ya?

 

“Okay, we're done! We can just sit and watch the game, malapit din naman na mag-end.”

Yan ang pinakahihintay kong marinig kanina pa! Am so done for today. Sumunod na rin ako kay Ning na excited ng naglakad papunta sa bench, upung-upo na din s’ya siguro sa pagod. Bigla naman akong hinarang ni Giselle.

 

“I need to ask you something…”

“Sure… may problema ba?” Wala namang nabanggit sila Chaehyun na Q&A sa football…

 

“Erm… sorry if I have to be upfront about this. May gusto ka ba kay Rina?”

 

“HUH?! ANO???”

Tinakpan ni Giselle ang bibig ko. Napalakas pala ang reaksyon ko. Paano namang hindi?! Ayos lang ba s’ya? AKO? MAY GUSTO? KAY KARINA? Jusmiyo Marimar.

Kinaray ako ni Giselle palayo, nakita kong nakatingin na samin sila Ning, nagtataka siguro kung saan ako dadalhin. Huminto din naman kami sa di kalayuan. Ibig-ibig kong mahilo sa ginagawang paglakad-lakad ni Giselle sa harap ko. Resulta to ng kakadikit n’ya kay Ning, lumilikot na rin ang utak n’ya.

 

“Let’s get back to my question. You can be honest with me. Sa atin lang muna, whatever this is.” Ba’t pakiramdam ko na-korner ako, e open field naman to? Actually, wala naman dapat pag-usapan…pero sige, chance ko to para makakuha ng intel. Tanong sa tanong tayo MariSelle.

 

“Gusto ba ni Karina si Chaehyun?” simula ko, upfront pala ah…Haha.

“O.M.G. Winter!!! How did y—”

 

“Sagot lang Giselle, yes or no?”

“Well~ YES Rina likes her. And you, do you like Ri—”

 

“Alam ng team na gusto n’ya si Chaehyun?”

“Not everyone…since Rina is discreet about it, but they get the gist? Ikaw, how did you kno—”

 

“Tinutulungan mo si Karina?”

“Winter, OF COURSE Rina’s my friend! Wait. Why am I the one who’s—”

 

“Alam n’yong ayaw ni Chaehyun yung—”

“Winter, I don’t think that Chae—”

 

“Mga baks!!! Time for cake na daw~” tawag ni Ning. Right on time ang dating ni Ning.

 

“Oh! O-kay!! I’ll prepare it, they have to cooldown pa naman. Thank you Ningie~” tiningnan ako ni Giselle… “we’ll talk about this some other time Winter.” bulong n’ya sa akin bago umalis.

“Bading! Ito na ang break na hinihintay mo!” excited nakong hinatak ni Ning.

Dere-derecho lang si Giselle sa pavillion kung nasaan ang mga gamit namin, ine-expect kong magrereport agad s’ya kay Karina ng mga kaganapan. Pero sinimulan lang n’ya mag ayos ng mga gamit sa mesa. Sa kanya nga pala nagmumula ang grasya. Kailangan ko mag-effort…be nice to her kahit na accomplice s’ya ni Karina. Hmm…same college kami, baka sakaling mahatak ko s’ya sa panig namin? Ang bilis din tumapon ng tea sa kanya, di ko na s’ya kinailangan pigain. Sorry Giselle…kaibigan ko si Chaehyun, good luck to us at salamat sa cakes.

 

“Bading, anong hanash n’yo ni Giselle?” usisa ni Ning.

“Ayan na naman yang curiosity mo, kay beshgie mo na lang kaya itanong? Housemates naman kayo.”

“O-kay~ pero…bagay kasi sana ang tea sa cake.”

“Mag-tea nalang kayo ni Giselle bago matulog.”

Mapuyat sana kayo at ng maging payapa ang umaga ko bukas. Sa pagod ko ngayong araw nato, derecho na siguro ako makakatulog pagsayad ng katawan ko sa higaan.

 

Ang weird sa pakiramdam na may nagmamasid sa bawat kilos ko. Tumulong kami ni Ning sa pagslice ng mga cakes, pag set-up ng mga plate, fork at cups. Akala ko pinapanuod lang ni Giselle ang ginagawa naming pag-aayos, pero kahit dumating na yung iba at nag kanya-kanyang settle na sa mga pwesto, eto s’ya nananahimik at kung di sa akin ang tingin, nakay Karina o kaya naman kay Chaehyun. Ba’t di nalang kaya n’ya ko kausapin, kesa magmukha kaming ewan sa pagtitinginan?

 

“Carrot cake ang recipe namin for today~ Kuha lang kayo guys madami-dami to!” alok ni Yuna. Nagsipag lapit na lahat para kumuha ng cake.

Ganito pala ang cake day every Tuesday ng team, naisip ko tuloy parang mas masaya yata sa HRM. Hahahaha~ pero pinakamasaya syempre yung maaambunan ng grasya, yung mga taga kain. 6 inches round carrot cakes ang laman ng apat na box, walang label pero isa sa mga cakes either made by Giselle, Chaeryeong, Yuna o sa kaibigan ni Ning sa HRM na si Yujin. Same simple design din yung cream cheese frostings. Nahusgahan na siguro to ng prof nila sa class dahil may maliit na slice ng bawas yung mga cake, kaya sa palagay ko ang goal na lang talaga ay ipaubos to samin.

Pumila ako sa likod ni Chaehyun at Ning, medyo nahihiya kasi ako na sumasali palang ako sa team tapos mangunguna ako sa kainan. Sa trut lang, kanina pako excited talaga tumikim nung naghahati pa lang ng cake, pero kudos naman to myself for enduring!

 

“Bading o—”

“Winter, for you~”

Sabay akong inabutan ng cake ni Ning at Chaehyun. Nakakahiya, pero pareho kong tinanggap, pwede naman daw kumuha ng madami. Kinuha ko na para walang magtampo sakin, tumabi na din ako sa pila habang hinihintay ko sila makakuha ng cake nila.

 

“Chaehyun, I thought you’re giving one to Rina.” comment ni Giselle ng matapos si Chaehyun sa pagkuha ng cake.

“Ah—”

 

“Chaehyun, itong isang cake ko kay Karina nalang, baka di kasi ako makakain ng dinner mamaya. Okay lang ba?” tanong ko, ayoko namang ma-hurt ang feelings n’ya na ibibigay ko yung bigay n’ya. Pero ayoko rin naman na kumuha pa ulit s’ya para abutan si Karina.

“Sure, no problem Winter.”

 

“Ning, pahawak muna ng cake ko, maupo narin kayo ni Chaehyun, ibibigay ko lang to kay Karina.”

Nanlaki ang mga mata ni Giselle sa akin sa narinig. Clearly, successful ang pag-intercept ko sa plano n’ya. BWAHAAHAHA. Ngiting-ngiti lang ako sa tuwa habang hinahanap kung nasaan na ba si Karina. Ayun!

 

“Winter, please tell Rina to invite others na kumuha din ng cakes dito.” request ni Giselle.

“Okie~” sagot kong extra sweet. Effective ang pag ngisi-ngisi ko kay Giselle, nagpipigil lang ako pero gusto kong tawanan ang pag-ikot ng mga mata n’ya sa sagot ko.

Nasa bench si Karina, kausap sila Ryujin, Yeji at ang captain naming si Chaeryeong. Nakakahiya tuloy lumapit, seryoso ata ang usapan nila. Mamaya ko nalang kaya—

 

“Hi Minjeong~”

 

Parang gusto ko na ipagkait ang cake sa pagbati sakin ni Karina, kailangan ko pa bang i-remind na WINTER, Winter ang itawag mo sa akin!! Lumapit na lang ako at inabot ang cake sa kanya bago pa magbago ang isip ko. Ba’t di nalang n’ya kunin tong cake agad?!

 

“Carrot cake. Sabi ni Giselle, i-invite mo din daw yung iba, marami pang cake.” paliwanag ko, mukhang nagtataka kasi s’ya, o ngayon lang s’ya nakakita ng carrot cake?

 

“Aw~ thank you Minjeong, that’s so thoughtful of you.” Tats na tats lang Karina? Cake lang to! 

 

“Hah! Ang pinagbabawal na teknik! Mukhang ginagamitan mo din ng charm tong si Winter a, Karina? Anong strat to? Nagpapalakas ka sa kaibigan?” comment ni Ryujin. “Nice to see you again Winter, kala ko namamalikmata ako kaninang dalawa si Chaehyun. Jersey n’ya yan diba?” usisa pa n'ya, pinat-pat pa n'ya ko sa likod.

Siete eto na nga. Natural talaga sa kanila ang umakbay. Di ko lang alam kung dahil pagod ako o full weight pa talagang sumandal na sa akin tong si Ryujin. Medyo weird lang pero pakiramdam ko makakasundo ko si Ryujin, gusto ko yung banat n’ya kay Karina. Go ahead girl, ilaglag mo.

 

“Pinahiram ako ni Chaehyun, biglaan kasi ang pagsali ko, wala pa talaga akong gamit.” sagot ko.

“Alam mo...bagay sayo, ang cute mo! Hue-hue. Mag-ingat ka na a Winter, may mga tirador kasi ng cuties dito. Not saying its KARINA, pero meron talaga, diba Yeji?” mabilis lang pero nakita ko ang pagkindat n'ya.

Tumango si Yeji at tinawanan nila ang reaksyon ni Karina. Hindi n’ya alam kung ipagtatanggol ba n’ya ang sarili n’ya o mananahimik. Aliw na aliw na talaga ako kay Ryujin, nakitawa na rin ako sa kanila.

 

“Minjeong is cu

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Hooming
Decided to write something light for CH11.
Pa-consuelo sa ating mga future nutribuns. 😂
Masaya man lang tayo bago maging tinapay o patibay sa tulay.
Chos!

✈️ Be leaving today, and be back next week.
Ingat din sa weekend tour ni leoheart otornim~ 🥰

Pakatatag kayo yorobun~ 💪🏻

Comments

You must be logged in to comment
EzraSeige
#1
Leggo 😣😀💙❄
Hooming
#2
Sorry sa tagal ng update. 🥹
2 wks sem break (around xmas) is never enough. 🫠
I usually spend my free time w/family & leoheart.
Gawa2 lang ng illuminati ang tulog at pahinga. 🤣 Di na tlga mkkabawi sa mga yan. Kaen, ligo, kape at puyat prin kht bakasyon.
Matic priority acads pagstart ng sem…pls understand mahal ng tuition fee, ofc gsto na mktapos pra mtapos na 😂 excited nko sa glow up & real life character dev. after grad.
Just read leoheart’s work (co-author), babalik at maguupdate ako when I can, eventually.
Thank you yorobun~ ✌️
jmjslrn #3
kung ang efficascent pinapahid bat si winter ng manhid🤣
swinder
#4
Chapter 12: Mali atang binasa ko to... last year pa yung update before nitong bago.
ryujinie__
694 streak #5
Chapter 10: Welcome back omggggg
rika_j
#6
Chapter 11: ♥️
jmjslrn #7
Chapter 10: maganda ung story👏

parang medj natrauma lang ako dun sa paBJ 🤣🤣🤣
Hooming
#8
Hi @leoheart otornim 😊 look do we have here?! Nakakauhaw kaya magfootball! E kung bigyan kaya ng jacket si Karina? 😂
leoheart
#9
Chapter 10: Bigyan ng maraming samalamig si Winter. Parang sobrang THIRSTY niya. HAHAHAHA
manduwyyy #10
Chapter 6: Shetttt ang ganda