Tequila

Red Flag - Green Flag
Please Subscribe to read the full chapter

“I like Winter too.” sabi ni Chaehyun habang tinutulungan akong magpunas.

Ang ganda naman kasi ng timing ni Karina, kung kelan umiinom ako. Pero mas naawa ako kay Giselle dahil sa magkasunod n’yang pagkasamid.

 

“Bading ako rin~ I like you! Actually, mahal nga kita e…” dagdag ni Ning na abala ulit sa pagtulong kay Giselle. “BeshGie~ ikaw diba like mo din si Badi?”

Tumango si Giselle pero sa talim ng tingin n’ya mukang ibang like yung kanya. Like to kill me ata.

 

“What’s with you guys? Is there something going on? Riri?” pagtataka ni Karina.

“I think Winter HERE likes you, Rina.”

 

Aba potek, teka nga sandali—

 

“And? Is there any problem? I like Minjeong, so if she likes me…”

Laglag panga si Giselle sa harap ko. Ako naman napalingon kay Karina, nakakalimutan ba n’yang nandito ang crush n’ya?!

Katabi ko at malinaw na naririnig ni Chaehyun lahat.

Tuloy lang s’ya sa pagsasalita habang nakangiti sa akin.

Bigla ko namang naalala yung eye smile ni Lady in Pink.

Nakakatuwa ang mga mata nila.

Nalilito ako kung alin ang mas may impact, mga mata ba o ang labi nilang nakangiti?

Kung mas maganda ba ang kay Karina o kay Lady Tiffany… 

It's a tie?

 

Basta, nakakawiling tingnan.

May kasabihan na ‘eyes are windows to the soul’, at sa nakikita ko sa mga mata ni Karina, masasabi kong sincere s’ya kung ano man ang sinasabi n’ya.

 

Wait.

Ano na nga bang sinasabi n’ya?

 

“...like me?”

 

Tsk. Di ko napakinggan lahat ng hanash n’ya.

Like me? Anong tungkol sa like? Ako ba tinatanong n’ya? O si Giselle ang kausap n’ya? O si Chaehyun sa tabi ko?

Sa lahat naman ng oras para lumipad ang utak ngayon pa!

 

“Minjeong?” 

 

“I’ll answer on her behalf since alam ko naman ang sagot Rina. Winter likes you, ‘as a friend’. Nothing’s wrong with that, after all we can like who we like.” Tiningnan ako ng maigi ni Giselle. “Right?” Tinaasan pako ng kilay.

 

Wala nako sa flow ng usapan. Nalilito na lang akong tumingin sa kanilang dalawa ni Karina.

“Ah-oo…” wala sa loob kong sagot. Para matapos na, nakatingin na lang kasi sila sakin, balak ba nila kong lusawin?

 

“Problem will only arise if and only if you like Rina just how she likes Chaehyun.” dugtong ni Giselle.

“BAKS! GL? Tapos love triangle?!! OH MY!!!”

Ang awkward ng comment ni Ning, ba’t parang di man lang s’ya nagugulat sa ganitong usapin?!

Hmmm… pero teka. Triangle… Triangle?!

Kung sabihin ko kaya na gusto ko si Chaehyun? TAMA! Pwede!! Magiging magkaribal kami ni Karina! Salamat sa idea Ning!!! 

 

“Paano kung gusto ko si Chaehyun?” Di ko napigilan ang excitement kong maibato agad ang tanong.

Nagkatinginan si Giselle at Karina, parang nag-panic sa narinig, slight lang naman.

 

“Ay bading… talo ka na kay Karina sinasabi ko na.” sabat ni Ning.

“Huh?! Pano naman e magkasundo at close kami ni Chaeromie, halos pareho kami ng mga gusto. Diba Chae?” 

 

“Match!” Pagsang-ayon sa akin ni Chaehyun.

 

“Bras kayo ni Chaehyun e! Tska bading, diba opposite attracts? Masyado kayong alike ni Chaehyun.” katwiran ni Ning. Okay na sana, ba’t ba ngayon pa sumasalungat tong si gaga?

“Ning, hindi kami magnet. Di yan applicable sa lahat, for example yung diniscuss satin about sa irreconcilable differences, common grounds for divorce yun! Too opposite walang mapagkasunduan.”

“Bads ayan ka nanaman sa mga chuchubells mo e, easyhan mo! Alam mo namang halos ma-FA ako kay Sir! At di naman kayo kasal para umabot sa divorce agad!”

“Ang point ko lang kasi Ning—”

 

“Minjeong~ I’m fine with whoever Chaehyun likes. Who you like. Isn’t it much better that we like each other? Than hate?” Ano ba ang akala ni Karina, social platform to? Paramihan ng likes?

“Si Giselle kasi! I like you as a friend lang naman Karina, kung paghinalaan n’ya ko kala mo naman jojowain kita!”

 

Tinuro ni Giselle ang sarili, aba’t nagmamaang-maangan pa! Nakakagigil na tong mga ‘to, at bakit ganito na ang usapan?

“Just that normalized na magka-girl crush kay Rina, but I want her to be in a good, healthy relationship. Ayokong isa sa mga fangirls ni Rina or someone who’s into whatever problematic relationship again ang—”

“Aeri.” seryosong awat ni Karina kay Giselle, agad naman itong sumandal sa upuan at nanahimik.

 

“Chaehyun, dear, sige na piliin mo na si Winter para matapos na. Sport naman si Karina.” payo ni Ning.

Sasagot sana si Chaehyun nang biglang mag-ring ang phone ni Giselle.

 

“Excuse me— Yes hello Chaeryeong~”

 

Bumalik ako agad sa pagkain, sinenyasan ko na rin ng tingin si Ning para wag ng balikan ang usapan, at mukhang naintindihan n’ya dahil nag umpisa na rin s’yang lumafang. Bahagya naman akong tinabig ni Karina.

“Uhn?”

“I like you, Minjeong. Seriously.” bulong ni Karina. Nag taasan ang balahibo ko. Ito na ba ang bagong pang-asar n’ya sa akin?

Tiningnan ko siya ng masama. Akala ata makaka-strike 2 pa. Mula ngayon maingat na akong kakain o iinom  pag kasama sila, ayokong magsayang ng grasya.

At nag-pout lang naman si Karina sa reaction ko.

Napailing at nangiti na lang ako sa ginagawa n’ya. Parang ewan.

“Karina, kumain ka pa, ubusin natin to kasi wala akong balak magtago ng tira sa ref.” Anuvey… busy ako sa pagkain, nacoconscious ako sa ginagawa niyang pagtitig.

“Having fun just watching you eat, parang nabubusog na ko.”

 

“Mukhang hamster si bads no Karina?” Di ko alam kung maiinsulto ako, pero cute naman ang hamsters. Sumang ayon si Karina at lumabas nanaman ang salitang cute sa bibig n’ya.

Ano bang trip n’ya? Ba’t di nalang kumain?

“May gusto ka pa ba dito Karina?” alok ko. Ang sasarap ng pagkain namin tapos nagsasayang s’ya ng oras sa pag trigger sa akin.

 

“Ikaw.”

 

“Ako?”

 

“Yes, you Minjeong.” natatawa n’yang banat. Affected ba ang vision nila kapag naka eye-smile, di n’ya ata makita ang reaction ko?

Ang lakas n’ya sa asar. Nakakairita.

 

“O talaga?! You like me? Remind lang kita, katabi ko yung like mong jowain dito a.” banat ko, nakakalimot na kasi s’ya.

Narinig kong naubo si Ning at Chaehyun sa sinabi ko.

Paaak! Anlakas ng hampas sakin ni Chaehyun. May mali ba sa sinabi ko? Nagsasabi lang naman ako ng totoo. S’ya naman talaga ang gusto dito ni Karina.

“Aray naman Chaeromie! Masakit a!” reklamo ko.

Niyakap naman ako ni Karina, at minamasahe ang braso ko kung saan ako tinamaan.

 

 “Jowain? I'm not really after that. To make it clear, I just told Chaehyun I admire her.”

Napabalikwas ako sa sinabi ni Karina, di makapaniwala sa narinig. May misunderstanding ba? Akala ko ba nililigawan n’ya si Chaehyun?! At takang taka pa s’yang gulat ako sa narinig.

 

“AHEEEEEM” padamdam ni Giselle. Pinausog n’ya palayo si Karina. “Aren’t you guys too close para sa FRIENDLY like n’yo sa isa’t-isa? Balak n’yo ba mag face swap? What’s with the hug Rina? Is OUR FRIEND Winter cold?” kuda n’ya at talagang kahit sa kaibigan n’ya gigil s’ya.

 

“Chaehyun hit her.”

“And you ended like that? Do you need to…”

Umarya na ang bibig ni Giselle, bahala na si Karina makipagtuos sa kanya. Hinarap ko si Chaehyun, nasaktan talaga ako sa hampas n’ya.

 

“Chae ansaket, solid yun a! Niremind ko lang naman na ikaw ang crush nya, kung kulitin n’ya ko parang—” tinakpan ni Chaehyun ang bibig ko at ihe-headlock pa yata ako.

“Winter…wag natin pag-usapan yan dito. Stay quiet okay? You are here to help me, di para ipaalala kay Karina ang feelings niya sakin…” bulong ni Chaehyun, ang higpit na ata neto—

Naguguluhan nako sa mga nangyayari, like ko lang naman kumain, pero bakit ganito…

“Ning…he-help—” paghingi ko ng saklolo kay gaga na tuwang tuwa lang sa panonood.

 

“Chaehyun! Minjeong’s tapping out!!!” 

Narescue ako ni Karina, halos mawalan ako ng ulirat sa lambing ni Chaehyun. 

Nakatulong kahit konti si Giselle, pero para saan ba ang pag tili-tili n’ya? Ang sakit sa tenga!

Sinabayan pa ng halakhak ni Ning na enjoy ang kaguluhan. Dito pa talaga kami sa barangay gumawa ng circus.

“Rina, since when did you become a hugger?!!”

 

“Parang awa nyo na— kumain na tayo please, ayoko na…” naluluha kong pagmamakaawa pagbitiw sakin ni Karina. “...gusto ko lang kumain ng tahimik… Baka babain tayo ni Chairman sa ingay natin.”

 

“Right, let Minjeong eat—”

“Bading katuwaan lang naman!!!”

“Sorry Winter~”

“Don’t be Chaehyun, she’s the one who started—”

 

“Shhhh!” saway ko sa lahat. “I surrender, parang di ko na rin kakayanin mag training mamaya.”

 

“It’s canceled.” hayag ni Giselle.

“Ay ba’t naman?!” disappointed na tanong ni Ning.

“Chaeryeong told me, there’s so much puddle sa field, I don’t want to play if that’s the case.” paliwanag ni Giselle.

 

“Yeji messaged me, they’re not going to play as well. Riri, she’s also asking if we could hangout sa townhouse.” dagdag ni Karina.

“Negative, my cousin is there. I don’t want to give her the chance to badmouth me and our friends kila Mom and Dad. I’ll tell them to go here instead.” suggest ni Giselle.

 

Hala, go HERE? Ang alam ko ako ang taga dito, may say dapat ako diba? Tinubuan nako ng pag-asa na matatapos ang commotion dito at pwede na kami mag kanya-kanya, tapos mag-iimbita pa sila ng kasama? This is our chance para mag-relax at namnamin ang bed weather!

 

“Giselle, mababasa sila sa ulan, abutan din sila pag biglang bumaha dito sa Dapitan.” paalala ko. Concern naman talaga ako, pero nananaig yung thought na “safeplace” ko dapat to, pano kung gawin pa nilang kuta tong boarding house? 

“Winter, stop worrying, they’re not Gremlins. Isa pa, the moment we get accepted by our beloved University, we also accept our fate to tread the waters, the flash floods!”

Oo nga naman, mismong umpisa palang ng school hymn namin puno na ng water signs.

 

♫ God of all nations

Merciful Lord of our restless being

Sweep with your golden lilies

This fountain of purest light

Trace with the sails of the galleons

The dream beyond our seeing… ♫…

 

“Oh! Riri, Yeji said, Let's just meet them sa 80’s bar, malapit lang.” 

“Sa kanto lang yun diba bading?! Gorabells na!!!” pansin ko sabik talaga sa walwal tong si Ning.

“Teka Ning! Ubusin muna tong mga to.” paalala ko.

OK na OK na doon sa bar kesa dagdagan pa ang gulo dito. 

 

Tinulungan nila ako sa pagligpit ng pinagkainan at nakiusap din si Chaehyun kung pwedeng iwan na muna ang mga dalahin nila. Kaya pinapasok ko sila hanggang sa kwarto, nagpaalam at approved naman ni Chairman. Sinamantala ko na din na ipakilala sila Karina at Giselle sa mga ateng.

Galak na galak si Ate Byul na halos s’ya na nga ang nagpakilala kay Karina.

Pansin ko gandang-ganda sila sa mga kaibigan ko, tapos pag ako cute lang???

Saklaugh.

 

“Ice baby, petmalu ka…” bulong ni Ate Byul sabay nguso sa direksyon ni Karina. “hug sa ngayon, anong next?”

“Next?” tanong ko. Hampasan siguro parang kami nila Chaehyun at Ning? “Hampas ba Ate?”

“Hindiiii… nuba tong batang to! Ang bilis ng progress n’yo ni hottie, ba’t ginulo mo pa? Dinig ko kayo sa sala, kala ko tropa mo si Chaehyun? Bebs umayos ka, pag nalaman ni Solar My Sunshine na namamangka ka sa dalawang ilog, mayayari ako. Huhu. Baka isipin n’ya mali ang pag gabay ko.”

“Ate Byul, di naman ako seryoso sa—”

“Shh! Bad! Very bad Winter!” Tinakpan pa ni Ate Byul ang bibig ko. “Ang pagtu-two time—”

 

“Ang akala ko nag-aaral ka sa sala kanina Moonbyul. Seryosong seryoso ka pa. Seryosong pag-eavesdrop lang pala. Galeng a.” pagsali ni Ate Yong sa bulungan. “Anong two time?”

Halos marinig ko ang paglunok ni Ate Byul sa tanong ni Ate Yong, pati ako napalunok rin.

 

“Ah, eh…pinagsasabihan ko lang tong si Winter. Like n’ya kasi si Hottie tska si Keroppi—”

“Chaeromie po Ate.” pagtama ko.

“Keroppi, Chaeromie, yun din yun!” Kumapit si Ate Byul sa braso ni Ate Yong. “Malakas ang kutob ko sa mga to Sunshine, parang tayo lang. We don’t like each other at first, pero tingnan mo naman ngayon—”

Nakatanggap ng konyat si Ate Byul at minabuti na n’yang manahimik.

 

“Saan ulit kayo iinom Winter?” tanong ni Ate Yong.

“Sa may 80’s bar po Ate, sa kanto.”

Nagkatinginan sila ni Ate Byul, parang mas excited pa sila kahit tumanggi sila sa paanyaya ni Giselle. G is for Galante pa nga daw dahil gusto lang naman ipasara yung bar para solo naming magulo ang lugar kung kasama ang mga ate.

“Winter, drink moderately okay? Kung magka problema kayo don’t hesitate to call. May kilala ako sa bar.” bilin ni Ate Yong.

“Hinay din sa intimacy with Hottie, Ice baby.” bulong naman ni Ate Byul.

“I-intimacy?” pagtataka ko. Hindi ako intimate na tao, si Karina ang dapat n’yang pagsabihan.

“Yeah! May stages yan! Kayo nga ni Hottie…pasok na into each other’s personal space.” may kilig na hayag ni Ate Byul ng biglang tabigin s’ya Ate Yong.

 

“Moonbyul. Ihinto mo yan, nakatingin si Karina.” bulong ni Ate Yong. Nakatingin naman na ako kay Karina, nakangiti na naman ang mga mata sa akin. Katabi n’ya si Ning at Giselle na busy pang nakikipag dakdakan kila Ate Hyoyeon, habang occupied naman sa guitar session si Chaehyun with Ate Wendy.

“Kita mo Sunshine, may ganyang pagtingin yang bata na yan sa baby natin. Di talaga ako nagkakamali sa kutob ko. Confirmed diba?”

“Shhhh!” saway ni Ate Yong.

 

Naglakad si Karina papunta sa direksyon namin.

 

“Juicecolored, Winter. Physical intimacy yan without touch. Inay. Dinadaan sa eye-contact ang bebs natin beeeeeeh!!!!”

“Shhhhh!!! Moonbyul.” madiing saway ulit ni Ate Yong.

 

“Hello po Ate Byul, Ate Yong~” matamis na bati ni Karina sa mga Ate na nag sisikuhan. Matapos nilang magbolahan ng mga ate ay nilahad naman n’ya ang kamay n’ya sa akin. “Minjeong, let’s go?” aya n’ya. Kanina pa n’ya ko dinadaan sa eyesmile. Hmpf!

“Winter, inaabot kasi dapat ang kamay baby…” turo ni Ate Byul na kinuha ang kamay ko para ihawak sa nakalahad na kamay ni Karina. “Yan! Gay-nyarn!”

Tiningnan ko silang dalawa ni Karina at sabay nilang pinagtawanan ang mabilis na pagbitaw at paglayo ko sa kanila.

“Karina, pasensya ka na dito kay Winter, kahit sa amin bihira maglambing yan.” paumanhin ni Ate Byul sa kilos ko. “May pagka manang yang bata na yan.”

“Hehe… I find it cute, Ate.” malokong sagot ni Karina.

“Cute. Puro nalang cute. Balakayojan.” reklamo ko sabay alis. Hindi ko na pinakinggan kung ano pang panlalaglag o paumanhin ang sinabi ng mga ate kay Karina para sa akin. Naghalungkat na lang ako ng hoodie sa locker dahil mukhang di pa dala ni Karina yung pinahiram ko.

 

“Bads taralets! Finish na daw mag-lunch sila Ryujin, start na ng shots!” pagtawag ni Ning, sabay hila sa hoodie ko. Di ko pa nailulusot ang ulo ko kaya na-off balance ako, buti at may nakapitan ako. Ramdam kong bigla akong tinulungan ni shunga pagkatapos ng ginawa n’ya. Yari ka sakin Ning, tuwang-tuwa pa tong—

“You okay?” tanong ni Karina na hawak ang laylayan ng hoodie ko. S’ya pala ang tumulong sakin. “Uhm… I think it's much better for you to hold my hand, Minjeong…ehmm…” napatingin ako kung saan ako napahawak for support.

 

“Wala akong kinalaman. Di ganyan ang tinuro ko sayo kanina Winter.” na-iiling na sabi ni Ate Byul pagtingin ko sa direksyon nila ni Ate Yong. Narinig ko ang hagikgik ni Ning na nagtatago sa likuran nila.

Nakalimutan ko, ano nga bang gagawin ko? Takang-taka ako, meron din naman ako nito, pero bakit iba yung feels ng kay Karina?

 

“M-Minjeong?” pagtawag ni Karina sa atensyon ko.

 

Kinuha ni Ate Byul ang kamay ko na nakalapat parin sa dibdib ni Karina at nahihiyang ngumiti dito.

“Ano kasi Karina… itong si Winter helpful yan, tumutulong s’ya kapag may inaaral kami. Nung isang araw nga ni-review n’ya kami sa physical exam, yung assessment ba…” paliwanag ni Ate Byul pero sa itsura n’ya, kahit totoo ang sinabi n’ya, parang ginagawan n’ya lang ako ng lusot. “…sige nga Winter, paano i-report ang normal findings sa exam?”

“Huh?! I-dedescribe ko yung kay Karina Ate?” tanong ko na may halong pagpa-panik.

“Tangek! Normal findings sa libro! Kung ano yung minememorize ko!” nagpapanik ring paglinaw ni Ate Byul. Mabuti at tanda ko pa yung paulit-ulit na kinakabisa nila Ate kamakailan lang.

“The adult may be soft, but it often feels granular, nodular, or lumpy…” simula ko. Suddenly, imbis na maisip ko kung ano ang descriptions sa libro, naaalala ko yung feel nung, nung kay Karina! Di din nakatulong na kaharap ko s’ya at focused sa sinasabi ko. “ uh— t-this uneven texture is

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Hooming
Decided to write something light for CH11.
Pa-consuelo sa ating mga future nutribuns. 😂
Masaya man lang tayo bago maging tinapay o patibay sa tulay.
Chos!

✈️ Be leaving today, and be back next week.
Ingat din sa weekend tour ni leoheart otornim~ 🥰

Pakatatag kayo yorobun~ 💪🏻

Comments

You must be logged in to comment
EzraSeige
#1
Leggo 😣😀💙❄
Hooming
#2
Sorry sa tagal ng update. 🥹
2 wks sem break (around xmas) is never enough. 🫠
I usually spend my free time w/family & leoheart.
Gawa2 lang ng illuminati ang tulog at pahinga. 🤣 Di na tlga mkkabawi sa mga yan. Kaen, ligo, kape at puyat prin kht bakasyon.
Matic priority acads pagstart ng sem…pls understand mahal ng tuition fee, ofc gsto na mktapos pra mtapos na 😂 excited nko sa glow up & real life character dev. after grad.
Just read leoheart’s work (co-author), babalik at maguupdate ako when I can, eventually.
Thank you yorobun~ ✌️
jmjslrn #3
kung ang efficascent pinapahid bat si winter ng manhid🤣
swinder
#4
Chapter 12: Mali atang binasa ko to... last year pa yung update before nitong bago.
ryujinie__
694 streak #5
Chapter 10: Welcome back omggggg
rika_j
#6
Chapter 11: ♥️
jmjslrn #7
Chapter 10: maganda ung story👏

parang medj natrauma lang ako dun sa paBJ 🤣🤣🤣
Hooming
#8
Hi @leoheart otornim 😊 look do we have here?! Nakakauhaw kaya magfootball! E kung bigyan kaya ng jacket si Karina? 😂
leoheart
#9
Chapter 10: Bigyan ng maraming samalamig si Winter. Parang sobrang THIRSTY niya. HAHAHAHA
manduwyyy #10
Chapter 6: Shetttt ang ganda