Alam ang?
Red Flag - Green Flag
“Cannot be reached.”
“Di ko matawagan Jeno, wala ding reply sakin.”
Aaminin ko noong una may konting tuwa ako dahil hindi sila ayos.
Ang alam ko uuwi dapat sila ni Jeno bukas ng magkasama, ilang beses na n’ya sinabi sakin yung mga plano n’ya. Excited s'ya dahil sa wakas ipapakilala na s'ya ni Winter sa pamilya.
Ako dapat yun.
Nakita ko pa si Winter kanina. Mabilis na naglalakad, nakayuko at halos matabig ang ilang kasalubong sa daan. Kaya agad ko s'yang sinundan. Tatawagin ko na sana s'ya ng bigla s’yang huminto, tumingin sa mga dumadaan na sasakyan, at naghanda ng tumawid. Doon ko na nakita, namumula ang mukha n’ya, mukhang nagpipigil ng galit. Sumunod nalang ako hanggang makapasok s’ya sa boarding house, at minabuting wag nang lumapit.
Unang beses na nakita ko s'yang ganon, nung anniversary nila ni Jeno.
Pag-alis n’ya naisip ko baka mahirapan s'ya sa pagbitbit ng mga regalo, dahil kahit ako din nangawit. Kaya sumunod ako, tinawag ko s’ya pero mukhang di ako narinig. Nakita ko nang mabitawan n’ya yung mga lobo, pero dumiretcho lang s'ya sa pag-lakad na parang walang nangyari. Naghanap pa s’ya ng susi pagdating sa pintuan ng boarding house, mukhang wala ang mga kasama n’ya dahil Sabado. Pinanood ko lang s’ya at doon ko napunang may mali.
Iba ang nabakas ko sa mukha n’ya, iba sa pinakita n’ya kanina habang nagpapaalam s’yang umuwi.
May pakiwari nakong hindi ayos ang naging anniversary nila, dahil nakabalik din agad si Jeno matapos magpaalam na pupuntahan nya si Winter. Pabiling-biling din s'ya sa higaan magdamag, pati ako nahirapang matulog.
Unang beses din na hindi nag-kwento sakin si Jeno kung anong problema nila, samantalang madalas ako ang tanungan n'ya kung anong magandang gawin kapag nagtatampo si Winter sa kanya. At kinaumagahan, may nakita akong pamilyar na bouquet na kinokolekta ng truck ng basura sa tapat ng barangay hall.
Hindi ako pwedeng magkamali kung kanino galing yon, dahil kahit sa dinami-dami ng bulaklak sa Dangwa, wala yung katulad dahil ako mismo ang nag-ayos.
Balak ko sana sabihin to kay Jeno, pero mukhang nagkaayos naman din sila agad ni Winter.
Gaya ng dati, pinili ko ulit manahimik.
Ilang linggo na ang nakalipas, walang kahit anong balita kay Winter.
Kung sabagay, magkaibigan kami ni Jeno, di na dapat ako magtaka kung bakit pati ako ay iiwasan n’ya.
Araw-araw naghihintay ako, baka sakaling makita ko s'yang dumaan sa labas kahit alam ko namang bakasyon. Tuwing tutunog ang cellphone ko umaasa ako na s'ya sana, at kahit sabihin lang n'ya na okay s'ya, sapat na.
Hindi ko na kaya magtiis. Kung si Jeno suko na sa pangungulit para hanapin s'ya, iba ako.
“A-ate Wendy!”
“Oh hi Jaemin! It's you again!”
“Pasensya na Ate itatano—”
“Si Winter? Alam mo If I don’t know you, iisipin ko ikaw ang boyfriend ni Winter.”
“Ahhh… pinapatanong lang ni Jeno Ate kung may balita na kay Winter.”
“Weird… Jeno told me huling kamusta na n’ya yon, hmmm kailan nga ba? Ah basta! He told me hindi na n'ya ko kukulitin. I thought ikaw talaga ang nangangamusta kay Winter every time because you guys are friends right? You’re concerned kay Winter?”
“A-ako rin, gu-gusto kong malaman kung okay s’ya. Hindi nya din po kasi ako nirereplyan.”
“Hmmm… baka kasi kasabwat ka ni Jeno. Nagdadalawang isip ako tuloy if I should help you.”
Matutulungan n'ya ko!
“Magkaibigan kami ni Jeno, pero hindi n’ya ko kasabwat.”
“Sorry Jaemin, I also want to respect Winter’s decision…di ko rin kasi masasabi, you might try to help Jeno since kaibigan mo din s’ya. So…”
“Gusto ko si Winter.”
Kung noon pinalagpas ko lahat, ngayon iba na.
“HUH?! GUSTO?! You mean, you LIKE Winter?? As in like, like na JOJOWAIN???”
“Ate please, sikreto lang…totoo, gusto ko po si Winter.”
“Oh my… all this time...crush ka ni Winter... Oh! Oooops. Ayan parehas na tayong may secret.”
“Ate Wendy, please tulu—”
“Wait!!! Does Jeno know? Does he know you like Winter? More than a friend?!”
Tumango ako. Totoo naman. Una palang alam na ni Jeno na gusto ko si Winter. Pero…
“WHAT THE HECK. Jaemin… you better be telling me the truth. Ako mismo makakalaban mo kapag paraan mo lang yan to help Jeno!”
“Hindi talaga Ate Wendy. Sinukuan na ni Jeno si Winter. Pero ako… ako kasi…”
“How about this, I’ll ask Winter first kung okay lang sa kanya… ibigay ang number n'ya sayo.”
Parang ang sakit naman… pano pag ayaw ni Winter?
Bahala na! Matagal na din naman na akong nasasaktan.
“Sige Ate, eto po yung number ko, kung sakaling… sakaling… saka—”
“Ok-ok! Relax~ Jaemin, I will give her your number. Don’t think too much okay? Tingin ko naman Winter will be okay if it's you. But expect for the worst. Just in case.”
“Salamat ng marami Ate Wendy.”
Nakaempake na lahat ng gamit ni Jeno, pinapauwi na s'ya sa kanila.
Nalilito ako kung magagalit ako o matutuwa na wala pang isang buwan sumuko na s'ya.
Pwede naman niyang baliktarin ang buong Baliuag Bulacan para hagilapin si Winter kung gugustuhin n'ya.
Palagay ko, malaki talaga ang atraso n’ya o ma-pride din si tanga.
Please Subscribe to read the full chapter
Comments