Like Meat

Red Flag - Green Flag
Please Subscribe to read the full chapter

 

Yu Karina: It’s nice to hv someone to walk with. I might steal u from Chaehyun 😏

Might steal u from Chaehyun? Ako? Aagawin? Anu daw?

Might steal u from Chaehyun?

Might steal u from Chaehyun?

Might steal u from Chaehyun?

 

“Hoy Winter! Liligo ka na ba?” pagtataka ni Ate Hyoyeon.

Kanina pa ako nakatayo sa harap ng banyo, bitbit ang aking tuwalya at toiletry basket.

 

“Ate, iniisip ko lang kung anong isasagot ko…di ko kasi maintindihan kung anong ibig niyang sabihin—”

“Patingen!” Mabilis na ibinaling ni Ate Hyoyeon ang kamay kong may hawak na cellphone sa kanya.

“Itch nays to…hab…sum wan to work with. I might steal…you…prom Che-yun.” basa n'ya. Di ko sure kung naalimpungatan lang ba si Ate dahil medyo mapula ang mga mata nito at kakatwa ang pananalita. “Nice daw maglakad ng may kasama— steal… mamumukpok kayo ng bakal netong Chaehyun.”

“Ate Hyoyeon, steal as in magnakaw po.” pag klaro ko. Hindi naman translation ang problema ko, yung meaning talaga. Dahan-dahan naman naglabas ng plastic na may lamang brownies si Ate mula sa bulsa ng hoodie n’ya at inalok ito sa akin. Binitawan ko muna ang toiletries para kumuha.


“Ahhhh ibig sabihin— Nice! Maglakad kayo magkasama, at try n'yo nakawan si Chaehyun. Tandem walking kayo Winter—”

“WINTER!!! WAIT wag mong isubo yan!” saway ni Ate Joy, halos malalag ang brownies na hawak ko sa pagkaka tapik ng kamay ko. “Wag mong pakinggan tong si Ate Hyo, sabog s'ya. Akin na to— may mali kasi sa mix nitong brownies!” Kinumpiska ni Ate Joy ang brownies namin. Anong may mix? Alak ba? Tuluyan na bang naging alcoholic ang mga ateng?

“You know what I deserve? Whutttt…DEsserT~ toot toot tururooroorut dessert—” kanta ni Ate Hyoyeon, sumasayaw sayaw pa s'ya ng hip-hop papunta sa kwarto. 

 

“Hay...” (High) nai-iling na sabi ni Ate Joy. “Ano yung tinatanong mo kay Ate Hyo, Winter?” sabay kabig na din sa cellphone para basahin ang mensahe.

“Ate, anong ibig niyang sabihin sa she might steal me from Chaehyun?”

“Sino ba yan Winter? Bakit may pag-agaw?” gigil na tanong ni Ate Joy. “Bebs layuan mo yan, sinasabi ko sayo pangit ka-bonding ang mga MANG-AAGAW.” Ako lang ba o parang may pinaghuhugutan ata si Ate?

Magpa-paliwanag sana ako pero agad nagpaalam si Ate Joy, kailangan daw n’ya sundan si Ate Hyoyeon, at baka kung ano pa daw ang gawin nito.

Magulo lang ba utak ko o ang gulo din ng mga tao dito sa bahay?

Tiningnan ko ulit ang message ni Karina, kahit yung na-google ko kanina about stealing someone, wala ring konek. Paano ba i-decipher to?

 

“Ice-ice baby!~ Ano yan? Nakakunot pa noo mo.” tanong ni Ate Byul. Medyo nagulat pako sa biglang pagsulpot n’ya sa likuran ko. Mukhang nabasa na din n’ya ang message ni Karina.

“Uhm… di ko alam i-rereply ko Ate, di ko kasi—”

“Si Karina hottie yan diba?! Yung inuwi mo dito last time? Dine-date mo na?!” Mahilig mag-bansag si Ate Byul sa mga nakikilala niya. Tea-Ning nga ang tawag n’ya kay Ning dahil bukod daw sa mahilig sa chismis, alam daw niyang si Ning ang kaharutan ko sa labas sa tinis pa lang tawa at ingay na ginagawa ni Ning.

“Hindi ko inuwi Ate, kasama s’ya ni Ning pumunta dito non. Kanina, sinamahan ko lang maglakad si Karina papuntang train station, ano kasi— naalala ko yung pormahan ni Karina —basta!! Tska magna-night market lang kami sa Friday para bumili ng jersey pang training, hindi po date yun.” paliwanag ko. Ba’t patindi yata ng patindi ang ngiti ni Ate Byul sa akin?

“Naaaliw ako sayo Ice baby, ang naive— basta ang slow mo! Palagay ko...tong si hottie ang magdadala sa relationship n’yo.” nagulumihanan ako sa mga sinabi niya.

“Ate, ang totoo di ko pa ganon ka-close si Karina, pero sabagay friendly talaga s’ya, pero tingin ko hindi naman kami magiging mag-best friends Ate. Saktong friends lang.”

“BWHAHAHAHAHAHAHAHA- - -Winter! Hindi talaga! Iba ang pagtitig sayo ni hottie, halos lusawin ka lang kaya n’ya habang kausap ki— A- ARAY ko inang ko!”

 

“Sinong hottieeee?! IKAW nakakita ka na ba ng ulo na mas iinit pa sa sikat ng araw?!” Nako. Mukang imbyerna si Ate Yong, hawak na naman n’ya sa tenga si Ate Byul. “Puro kalokohan ang tinuturo mo dito kay Winter! Diba sabi ko sayo walang alam tong bata nato sa kamunduhan kagaya mo?!”

“My Solar, my Sunrise~ ginagabayan ko lang naman si Ice baby, di sa lahat ng oras tuwid ang tatahakin n’yang daan! Bitawan mo nako please— ikaw lang hot for me, yung hottie, hottie ni Winter yun~” pagmamakaawa ni Ate Byul. Selosa palang Ate si Ate Yong, buti hindi ganito sa akin sila Ate Wendy.

“O s’ya panong gabay naman aber?!” tanong ni Ate Yong, ayaw n’yang bitawan sa tenga si Ate Byul.

“Ang clueless kasi ni Ice baby Yongkong~ Her “friend” is flirting with her pero walang alam yang bata, ilang oras na nakalipas di pa rin alam ang irereply—”

“Flirting, flirting… manapa kung sayo galing ang text automatic flirting yon! Wag mo itulad sayo ang ibang tao Moonbyul! Pasensya ka na Winter~ dapat nag-rereview tong kamoteng to e. Halika ka na nga!!”

“Hottie is flirting with you Ice baby! Replyan mo! Sabihin mo! Sure, get me, get me now—” pahabol ni Ate Byul, kasalukuyan parin s'yang bitbit sa tenga ni Ate Yong habang paakyat sa 2nd floor.

 

Flirting with me? Si Karina?

Makaligo na nga, wala akong mapala.

 

Uy message!

Akala ko si Karina. Si Jaemin pala.

Di daw kami sabay makakapag dinner dahil may importanteng lakad daw sila ng tita n’ya. Ayos lang naman, para focused ako tonight at makapagbawas ng gawain para sa event. Miss ko na rin naman kumain ng instant ramen dito sa bahay.

 

“Hello check— ehem! Hmm! Winter are you there?!!!”

“A-Ate Wendy?” sagot ko sa intercom.

Nagpa-install si Chairman ng intercom para di daw kami mahirapan sa pagtawag sa isa’t-isa kapag may package na kailangan i-receive o may naghahanap na bisita. Medyo malayo din kasi ang kwarto namin sa main door sa sala. Dadaan pa ng dining area, kitchen at locker room, tapos minsan pagdating namin sa kwarto, wala pala dun yung hinahanap naming kasama. Mainam din daw para mabilis ang relay kung sakaling may bagong house rules si Chairman, nagro-roll call din kasi sa s'ya dito bahay, madalang lang naman, chinecheck kung okay ba kami.

 

“Come here quick!! May food delivery ka dito!”

Food delivery?! Wala naman akong order! Hindi kaya ibang Kim ang recipient? Ba’t kasi ang dami naming Kim ang surname? Pero ako lang naman ang nag-iisang Minjeong. Takang-taka ako, pero syempre dahil pagkain~ dali-dali akong bumaba sa higaan, kumuha ng ID at tumakbo papuntang sala.

 

“Ate, wala naman po akong inorder na kahit ano.” sabi ko kay Ate Wendy, binababa na n’ya sa mesa ang mga pagkain.

“But your name’s written there sa receipt, may message pa. Go ask kuya.”

“Kuya, Kim Minjeong po nakapangalan?” tanong ko sa delivery man, pinakita ko na rin ang ID ko.

“Yes ma’am! Paid na po, pa-receive na lang po lahat. Nakasulat din sa bandang baba ng receipt yung message para sa inyo.” sagot ni Kuya. Tinulungan ako ni Ate Wendy sa bitbit kong drinks.

To: Kim Minjeong a.k.a. “Winter” (Brgy. Hall - Don Quijote, Sampaloc, Manila)

Share kayo ng mga Ate. Kain mabuti!

From: Your Secret Crush

 

Na-conscious ako sa pagtingin sa akin ni kuyang delivery. Di nga magkakamali na para sa akin to. Detalyado ang resibo, complete with name, alias at address. Nanunukso na ang ngiti ni koya sa akin, ba’t kasi may paganitong message pa?

 

“Kuya-thank-you-po.” mabilis kong paalam pagkatapos kong i-receive lahat. Nakakahiya.

“You’re blushing Winter. Kanino galing?” tanong ni Ate Wendy.

“Di ko sure Ate.” sagot ko. Pero alam kong galing kay Jaemin dahil sa 'Secret Crush'.

“I have an idea tho kung sinong crush mo~” harot ni Ate Wendy.

“Ate Wendy, tatawagin ko na sila para makapag dinner na tayo~” Di dapat pinapalamig ang pagkain! Sabak agad!

 

Nahihiwagaan pa rin ako na okay lang kay Jaemin na tago ang relationship namin. Pabor din naman to sa akin para walang makarating na balita kila Mommy. Hindi naman sa ila-laglag ako ng mga ateng dito sa bahay. Usually kapag may mga bisita kami at nagtanong sa amin ng kahit ano, lalo na’t pribado, matik ang mga sagot namin, “hindi ko po alam” o kaya naman “itatanong ko po”. Di uso ang laglagan sa bahay ni Chairman, at magkakasama naming pinagdedesisyunan kung kailan ang tamang oras para makialam. Mababait din naman kasi kami. Hehe.

Alam naman ni Ate Taeyeon na may someone special ako, pero di s’ya humihingi ng detalye, para wala daw siyang maisagot kila Mommy kung sakaling magtanong sila sa kanya. Aware kasi sila Kuya na di ako nagtatago ng sikreto kay Ate. Masama nga ang loob n’ya dahil hindi kami ganon ni Ate sa kanya. Paano namang hindi? Simpleng request nga lang na wag muna ipagsabi ang mga bagay-bagay para mapaghandaan ng magandang timing hindi niya magawa. Sa mahalagang sikreto pa kaya?! As much as possible, ayaw din naman namin na magsinungaling kung may mga sensitibong bagay na tinatanong sa amin. Either we pretend we know nothing o gagawa ng paraan to change the topic or worst case scenario… tikom lang ang bibig.

Ang lakas kasi mangialam din ni Kuya Jiwoong sa totoo lang. Noong college pa si Ate Taeyeon, madalas akong tanungin kung may lakad daw ba sila ni Kuya Baekhyun kaya hindi makakauwi si Ate, saan sila nag de-date, nakakarating, at kung anu-ano pa, sa harapan pa lagi nila Mommy at Daddy! Oo nagkukwento si Ate, pero dahil between lang yun sa aming dalawa, wala talaga siyang mapipiga na kahit ano sa akin. Mas confident ako na ganun din naman ang gagawin ni Ate Taeyeon sa parehong sitwasyon. Ganito ka-unique ang relationship namin, sister and best friend wrapped into one. Di naman ako pinagbabawalan ni Ate lumablayp, ang hiling at laging paalala lang n’ya ay i-priority kong magtapos muna, na wag masyadong seryosohin o ibuhos ang sarili sa lovelife. Wag daw masyadong invested, para hindi masakit kung sakaling maling tao ang pinag-alayan ng feelings.

Old soul daw ako, baka epekto ng pagiging menopause baby, o ng at puro nakakatanda ang kasama ko sa bahay, kaya never naman daw namoblema si Ate sa akin sa pagpapa-intindi ng mga bagay-bagay. Di rin talaga kasi main focus ang love life sa buhay namin, pareho pa kaming nagmana ni Ate kay Daddy sa pagiging workaholic. Isa pa, magandang ehemplo si Kuya Jiwoong sa akin kung bakit hindi magandang inuuna ang pag-kiri kesa sa career. 22 years old lang si Kuya ng mabigyan ng apo sila Mommy at Daddy, halos wala pa siyang napupundar. Mabuti na lang at kahit nabigla,

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Hooming
Decided to write something light for CH11.
Pa-consuelo sa ating mga future nutribuns. 😂
Masaya man lang tayo bago maging tinapay o patibay sa tulay.
Chos!

✈️ Be leaving today, and be back next week.
Ingat din sa weekend tour ni leoheart otornim~ 🥰

Pakatatag kayo yorobun~ 💪🏻

Comments

You must be logged in to comment
EzraSeige
#1
Leggo 😣😀💙❄
Hooming
#2
Sorry sa tagal ng update. 🥹
2 wks sem break (around xmas) is never enough. 🫠
I usually spend my free time w/family & leoheart.
Gawa2 lang ng illuminati ang tulog at pahinga. 🤣 Di na tlga mkkabawi sa mga yan. Kaen, ligo, kape at puyat prin kht bakasyon.
Matic priority acads pagstart ng sem…pls understand mahal ng tuition fee, ofc gsto na mktapos pra mtapos na 😂 excited nko sa glow up & real life character dev. after grad.
Just read leoheart’s work (co-author), babalik at maguupdate ako when I can, eventually.
Thank you yorobun~ ✌️
jmjslrn #3
kung ang efficascent pinapahid bat si winter ng manhid🤣
swinder
#4
Chapter 12: Mali atang binasa ko to... last year pa yung update before nitong bago.
ryujinie__
694 streak #5
Chapter 10: Welcome back omggggg
rika_j
#6
Chapter 11: ♥️
jmjslrn #7
Chapter 10: maganda ung story👏

parang medj natrauma lang ako dun sa paBJ 🤣🤣🤣
Hooming
#8
Hi @leoheart otornim 😊 look do we have here?! Nakakauhaw kaya magfootball! E kung bigyan kaya ng jacket si Karina? 😂
leoheart
#9
Chapter 10: Bigyan ng maraming samalamig si Winter. Parang sobrang THIRSTY niya. HAHAHAHA
manduwyyy #10
Chapter 6: Shetttt ang ganda