Warm-up

Red Flag - Green Flag
Please Subscribe to read the full chapter

 

Gusto kong ipagpagawa ng rebulto si Ning sa school park katabi ng statue ni Benavides.

Kakayanin naman palang hindi ma-late ni gaga. Isang late pa kasi masisintensyahan na s’ya ng failure due to absence. Nakuha pa n’ya kong pag-alalahin kahapon! Monday, panigurado traffic, nakailang remind pako sa kanya buong weekend na kailangan na n’yang magbagong buhay. Pero nang tawagan ko, out of reach! Kaya laking gulat ko na pagdating ko sa school, nasa classroom na s’ya at natutulog sa upuan.

Ngayon naman, Tuesday, heto at inabutan ko sila ni Giselle na nag-chichismisan sa corridor.

 

“Good morning badiiiiiing~”

“Hi Winter! How's your day? Aren’t these clouds beauti—”

“Ang gana n’yo sa umaga ha. Good morning Ning… good morning Giselle~” bati ko. Masama ang hinala ko sa kung anong motivation ni Ning kaya maaga s’ya for two consecutive days. But if its working, at para sa ikabubuti n’ya, why not?!

Kaso lang parang ako yung magdurusa…

 

“Win-tuurrrr~ I’m so excited to welcome you later sa team. Nagpahanda pa ako ng cake.” umpisa ni Giselle.

“Huh? E diba every Tuesday naman talaga may baking lesson ang HRM? Sabi pa ni Ning, kailangan n’yo ng taga taste test at taga-ubos ng cake kasi sayang.”

“Oh noes, grabe ka naman… In fact, gagawan pa kita ng cake, different flavour, just for you.” 

Nababahala ako. Ano kayang ideas ang sinaksak ni Ning sa kokote ni Giselle noong Sabado? Kabisado ko si Ning, vivid ang imagination nito pagdating sa kalokohan. Alam n’ya kung paano ako iinisin.

 

“Giselle…sorry kung iniwan ko sayo si Ning nung Saturday, pero wag mo sana paniwalaan agad kung ano yung mga pinagsasabi n’ya. Artista kasi yan.” paumahin ko.

“Bading, ano naman sa tingin mong pinagsasabi ko? Nabanggit ko lang kay Giselle na mahilig ka sa mint chocolate, sa sweets…kahit ano naman yatang pagkain.”

“Yes, Winter! Thankful lang din si Ningie sayo, because you take care of her like a real sister. Plus, she’s fun to be with! And nag-eenjoy ako sa mga stories n’ya about you. Behind that cold façade pala you have a soft spo—“

“Nako Giselle, masasabi mo yan ngayon, pero kapag kasama mo na si Ning all day. Gudlak!”

“Winter~ Winter~ Winter…you can’t scare me away with that tsundere personality of yours. I already admire your friendship with Ningie, namiss ko tuloy bigla si Karina.”

 

Ah. Ayun. Bukod sa magka-wavelength sila nitong si Ning, kampon pala ni Karina tong si Giselle. Mahusay. Gusto kong bigyan sila ng slow clap. Pero di tayo pabibiktima. We are not gonna fraternize with the enemy. Palagay ko dapat ‘Mariselle’ na ang itawag ko dito sa marites na Giselle. 

Nako. teka. Anu-ano na kayang tea tungkol kay Chaehyun ang na-serve nitong si BukingNing kay MariSelle?

Sumasakit tuloy ang ulo ko umaga palang. Buti at tumunog na ang bell para sa first class. Nakita ko na ding pumasok ng classroom ang prof.”

 

“Time for class!” paalam ko, tinapik ko nalang sa balikat si Giselle at nagmadaling pumasok sa room hatak-hatak si Ning.

 

First hour. PDSR. Personal Development and Social Relations in Hospitality. O ang Pinaka Disliked Subject ni Retniw. Isang oras na nakalaan para sa pagpapaganda, at sosyalan? Ewan. Basta, ayoko nito.

We are always on our own at ang tanging instruction, as usual, humanap ng kapareha at mag-aral mag-makeup. Makeup! Makeup!!

Torture subject to designed para sa mga simpleng tao kagaya namin ni Chaehyun. Mantakin mo, 7 am class para sa pagkokolorete ng mukha? Sana itinulog ko na lang. Okay naman ako at ang ibang tao na barefaced, nasa school lang naman kami. Pero ginawa pa talagang requirement ng faculty ang makeup to complete our suffering.

Di na daw kami institute ngayon, College of Tourism and Hospitality Management na, kaya nag-level up pa ang standards. Simple lang naman daw…pag walang makeup, incomplete uniform, gagawan ng memo. Ayokong maging notorious kaya sumusunod ako, tska willing din naman ako matuto, but light makeup is enough.

Anyway,  kung itong PDSR pahirap sakin, ito naman ang paboritong subject ni Ning at—

 

“Giselle?!”

“Hi Winter!” Kung makakapit naman talaga, at magkakapalit na kami ng mukha konti nalang. Nilayo ko ang upuan ko.

“Ba’t nandito ka sa klase namin?”

“Sit-in!”

Gusto kong magtaas ng kamay at itanong kay Miss Seo kung pwede bang mag sit-in ang HRM students sa Tourism class. Hindi po tama ito!

Sapat at sagad na nga ang stress ko kay Ning minsan.

Pero nakita ko ang pag thumbs-up ng prof namin ng makita si Giselle, all smiles, na nakaupo sa tabi ko. MAY BASBAS NI MISS SEO TO?! Lumabas na din ng pinto si Miss. Sa isang iglap lang, gumuho ang mundo ko. Help me Lorde.

 

“Last subject namin ang PDSR sa class, and that doesn’t make sense for me! I want to look fresh and stunning first thing in the morning, though I’m already oh-so-fine~” pag-iinarte ni Giselle. May pag-flip pa ng buhok, sumampal lang naman sa face ko.

“Iba talaga ang thinking mo baklaaaa~ Oo nga naman! Yan ba ang sinabi mo kay Miss Seo?” papuri ni Ning.

“Uh-huh. Because d'you know what G stands for, aside from Gorgeous?”

“Spell! Ayyy spill pala!” excited na sagot ni Ning.

Tumayo pa si Giselle, ginawang mic ang hawak na suklay at sinimulan ang pagkanta, yung kanta ni Fergie…

 

“G-L-A-M-O-R-O-U-S, yeah the glamorous Gizzz-elle~”

“HAHAHAHAHA BAKLA!!! FERGIEZELLE ampeggggg!!!” todo cheer at halakhak nanaman si Ning. 

Tinapos pa nga ni Giselle ang kanta. Nakakatuwa naman e. Kung hindi lang ako napapagitnaan ng ingay nitong dalawang sira.

Entertained habang nagtataka ang buong klase kung ba’t nandito si Giselle. Mukang magkakilala sila ng class president namin dahil imbis na sitahin e sinuportahan pa.

 

“Winter~ let's do your make-up na!” aya ni Giselle pag-upo nito. Isa-isa na n’yang nilabas ang makeup nya sa armchair ko. Laging ready at di talaga sila basta nauubusan ng energy ni Ning.

“Giselle, pwedeng kami na ni Chaehyun ang mag-partner, tapos kayo na ni Ning.” request ko.

Nagustuhan ni Ning ang suggestion ko, pahirapan kasi kami lagi sa subject nato. Ang goal ko kasi talaga light makeup, pero hindi marunong makuntento si Ning. Permanente na din akong nakipagpalit ng upuan. Maligayang maligaya sila ni Giselle sa isa’t-isa, sa dami ng nakabalandrang makeup sa pinagdikit na desk nila baka kahit buong college ang ayusan nila kasya.

 

“Winter, nandito pala lahat ng football gears na kailangan mo para mamaya. May extra jersey na din in case maputik ang field mamaya.” Inabutan ako ng duffel bag ni Chaehyun. Tiningnan ko ang laman.

“Thank you Chaeromie~ ang neat mo talaga, mukhang di pa gamit yung football shoes.”

“Hindi pa talaga. Regalo ni Giselle sayo yan.” paliwanag ni Chaehyun.

“Regalo?!” Tinignan ko agad si Giselle, nakapikit ito at ina-applyan ng eyeshadow ni Ning.

“Nilamig ako bigla Winter, I bet you are glaring at me right now. A sincere thank you would be enough.”

“Thankful naman ako Giselle, pero di pa nga ako sure kung matatanggap o matutuloy ako sa team.”

“Trust me Winter, we’ll be together for a long time.” sagot ni Giselle, nakapikit parin.

Bigla kong naalala si Jeno, parang ganun din ang sinabi n’ya noong nakilala n’ya ako. Di ko naiwasang ipagdasal na sana wag naman same path ang mangyari sa friendship namin ni Giselle. Wait what?! Friendship?! PARA MO NANG PINAGPALIT SI CHAEHYUN SA SAPATOS!

 

“Babayaran ko parin!” pilit ko kay Giselle.

“Isa ko sa sponsor ng team, and I can tell our captain na palitan lahat ng shoes natin if I want. So, just accept it Winter~ galing din naman yung shoes nila Ning at Chaehyun sakin.”

“Buong team niregaluhan mo ng sapatos?!” gulat kong tanong.

“Not really, just the people I like, at first sight.”

 

Okay din pala na nag-join si Giselle sa PDSR class namin, di na ako ang nag-iisang kukulitin ni Ning mula ngayon. Napagod din si shunga, antok na antok sa mga sumunod na subject, kaya tahimik ang mundo ko. Speaking of tahimik na mundo, wala naman sigurong hidden agenda si Giselle samin ni Ning, at lalo na dito kay Chaehyun. Di ko maiwasang mag-isip, normal ba mamigay agad ng gift dahil nagustuhan mo at first sight? O dahil kampon s’ya ni—

 

“…Karina.”

Di ko narinig yung sinabi ni Chaehyun. Anong meron kay Karina? Bakit ba s’ya ang iniisip namin e nasa klase kami?

 

“Sorry Chaehyun di ko narinig.”

“Manunuod daw mamaya satin si Karina.” ulit ni Chaehyun.

Magka-text sila ngayon? Advantage nga naman ng mga graduates. Masyado silang free. Ako rin kaya magiging free after graduation? Mukhang malabo, parang Mafia boss si Mommy, bawal kumalas, bawal lumaya. Nilalambing din ako ni Daddy na pag-aralan paano patakbuhin ang family business. Pero ayoko din naman maging kasosyo si Kuya Jiwoong. No way. Baka magkagulo lang kami. Back to our main problem at hand…

 

“Problema ba kung nandon s’ya?” tanong ko.

“Tumutulong s’ya sa pagtrain sa college team natin. Minsan, nagkakaroon ng friendly game versus sa kung sinong players ang mahatak n’ya from othe

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Hooming
Decided to write something light for CH11.
Pa-consuelo sa ating mga future nutribuns. 😂
Masaya man lang tayo bago maging tinapay o patibay sa tulay.
Chos!

✈️ Be leaving today, and be back next week.
Ingat din sa weekend tour ni leoheart otornim~ 🥰

Pakatatag kayo yorobun~ 💪🏻

Comments

You must be logged in to comment
EzraSeige
#1
Leggo 😣😀💙❄
Hooming
#2
Sorry sa tagal ng update. 🥹
2 wks sem break (around xmas) is never enough. 🫠
I usually spend my free time w/family & leoheart.
Gawa2 lang ng illuminati ang tulog at pahinga. 🤣 Di na tlga mkkabawi sa mga yan. Kaen, ligo, kape at puyat prin kht bakasyon.
Matic priority acads pagstart ng sem…pls understand mahal ng tuition fee, ofc gsto na mktapos pra mtapos na 😂 excited nko sa glow up & real life character dev. after grad.
Just read leoheart’s work (co-author), babalik at maguupdate ako when I can, eventually.
Thank you yorobun~ ✌️
jmjslrn #3
kung ang efficascent pinapahid bat si winter ng manhid🤣
swinder
#4
Chapter 12: Mali atang binasa ko to... last year pa yung update before nitong bago.
ryujinie__
695 streak #5
Chapter 10: Welcome back omggggg
rika_j
#6
Chapter 11: ♥️
jmjslrn #7
Chapter 10: maganda ung story👏

parang medj natrauma lang ako dun sa paBJ 🤣🤣🤣
Hooming
#8
Hi @leoheart otornim 😊 look do we have here?! Nakakauhaw kaya magfootball! E kung bigyan kaya ng jacket si Karina? 😂
leoheart
#9
Chapter 10: Bigyan ng maraming samalamig si Winter. Parang sobrang THIRSTY niya. HAHAHAHA
manduwyyy #10
Chapter 6: Shetttt ang ganda