Wine, Cocktails

Red Flag - Green Flag
Please Subscribe to read the full chapter

 

Sana di s’ya naghintay ng matagal.

“Kanina ka pa?” bati ko.

“Higit isang oras na?” sagot ni Jaemin. Yari.

“Sorry, galing akong P.Noval—”

“Nakita kita nung dumaan kayo sa tapat ng shop kanina.”

Relax Winter…sinasabi lang n’yang nakita ka n’ya. Pero hindi ko s’ya nakita kasi nakalimutan ko rin lumingon sa computer shop kaninang dumaan kami. Malala pa, nakalimutan ko mag-text, tapos di ko din napansin yung tawag n’ya. Uhmmm… ano bang pwede kong sabihin?

 

“Kumain ka na?” tanong ko. Malamang hindi pa! Remember sabay kayo pag dinner?! Kaya nga nandito yung tao, gano ka-sabaw Winter?!

“Saan mo gusto kumain Mahal?”

Ah. Ayun! Okay naman pala kami!

“Nag-ccrave ako ng beef tapa, ikaw saan mo gustong kumaen m’hal?” sagot ko.

Winter naman, hanggang dito na lang ba talaga yung kaya mo for endearment? M’hal? Ano yon??? Kung nandito si Ning baka ma-spell check ka! Ayusin mo!!!

 

“Basta kung saan mo gusto, dun tayo!”

Salamat naman. May problema kaya? Parang iba ang mood n’ya kanina. Sabagay, ako man pag-antayin.

Hindi ko madalas gawin to, pero alam ko rin na may atraso ako. I held his hand at hinatak ko na s’yang tumayo. At sa itsura n’ya mukhang medyo nagulat din s’ya na hindi ko na binitawan yung kamay n’ya. Inayos ko pa, interlacing it with mine. 

Eto talaga kasi yung purpose, yung advantage ng  madalang na skinship at paglambing, you get to surprise them! Charot. Hahaha~ WINTER WAG KANG PALUSOT.

Tuwing kakain kami, he would insist on paying for both of us. Napapagod nako makipag-areglo na kanya-kanyang bayad pag sa pagkain. Pag gutom ako, gusto ko wala nang pinagtatalunan, basta kain agad! Tendency kasi baka makawalan ko pa ng gana, tapos iinit lang ulo ko. E alam kong sa pagkain lang dapat ang toyo, hindi sa relasyon.

One time muntik nako mag-walk out dahil ang tagal namin nag-uusap sa bayaran, naunahan tuloy ako dun sa last piece ng ulam na gusto ko sa counter. Natikman tuloy kumain ni Jaemin, solemnly. Akala ko madadala na s’ya dun sa experience na s’ya lang the whole time ang nagsasalita, kasi wala ako sa mood sa kinakain ko. But no.

Kaya inisipan ko ng paraan. I would take his money. Ako magbabayad sa cashier, s’ya bahala mag dala ng pagkain at maghanap ng upuan. Good thing, hindi na s’ya nagbibilang ng sukli. So, di s’ya aware na KKB kami tuwing kumakain sa labas all this time.

 

“Kamusta game n’yo?” tanong ko habang pinupunasan yung gagamitin naming utensils.

“Ayun. Basag yung weapon.” Napatakip pa s’ya ng mukha, na-alala yung pakiramdam sa nangyari sa laro n’ya kanina. “Lakas kasi maka-udyok ni Haechan. Tapos wala din yung lucky charm ko.” dagdag n’ya.

“Lucky charm?” pagkukunwari ko.

“Ikaw.”

Ehe.

Binigay ko na ang spoon and fork n’ya. Ultimo tubig nitong si Jaemin monitored ko rin. Bago maging kami, sobrang sakitin na n’ya, gusto na ata s’yang sukuan ng kidneys n’ya. Sa noodles, junk foods, softdrinks, kape at energy drinks lang kasi umiikot ang foodlist n’ya. Kaya may usapan kami na tubig lang pag kami ang magkasama. Ayoko na pangialaman yung mga oras na di kami magkasama, basta nakiusap nalang ako na kung pwede ayusin n’ya yung choices n’ya sa pagkain. Nasa kanya na yun kung pagbibigyan n’ya yung request ko. Malaki na s’ya, alam na n’ya kung ano ang makakabuti at hindi para sa kanya.

 

“Mahal, saan ka pala nagpunta kanina, bago ata yung ibang kasama mo?” tanong n’ya.

“Sa P.Noval, kay Mang Tootz, dun kasi nag-aya kumain yung mga friends ni Chaehyun.”

“Kala ko sumali ka na sa ano…football nga ba yun?”

“Baka sumali na talaga ako, pero di pa naman sigurado kung makukuha ako.”

“Tuwing kelan game n’yo? Baka lalo ka na maging busy sa school n’yan.”

“Wala pa talaga akong alam Jae, susubukan ko pa lang sa Tuesday.”

 

Ilang beses ko na nabanggit kay Jaemin ang tungkol sa pagsali sa football, second year pa talaga kasi ako kinakaray ni Chaehyun na sumali. Hinihindian ko lang, dahil di rin ako papayagan samin na maglaro ng kahit anong sports, ayaw ni Mommy na ma-involve ako sa kahit anong injury. Flat-footed daw ako, kaya lampa at dapain mula pagkabata. Ouch naman. Higit sa lahat, dapat daw alagaan ko ang balat ko kung balak kong mag-flight attendant. Suma total, bawal akong mabilad sa araw. Baka malusaw.

 

“Di ka ba payag kung sasali ako sa football? Ayaw mo?” tanong ko kay Jaemin.

“Hindi naman sa ayaw ko Mahal…” Yumuko s’ya at napa buntong hininga. “...baka mawalan ka na ng oras sakin.” bulong n’ya. Haha. Narinig ko.

“Palaging sinasabi samin to ng Father Regent kapag may mass sa school…‘Hihinto ang oras para sa minamahal’.” I keep clearing my throat, di ko alam kung itutuloy ko pa. “Hmmm! Ehem. Ang masasabi ko naman… gagawa ako ng oras para sa’yo mm’hal. Ehem! Mahal.” banat ko.

Lumabas yung tubig sa ilong n’ya. Ganon ako ka-corny?

 

“Tatandaan ko yan Winter.”

“Kahit i-record mo pa Jae…” Naglabas agad ng cellphone si Jaemin. “...hindi ko na uulitin!” harot ko.

I should really work on my pick-up lines, gusto ko yung mga ganitong moments. Light lang. Wala talaga kami halos pinag-aawayan ni Jaemin, halos magkasundo kasi kami sa lahat ng bagay. I hope it stays that way.

“Mahal… pupunta daw sa shop si Jeno… hindi ko alam kung kailan. Pinapasabi lang ng tropa.”

“O-kay. Tapos?” tanong ko.

“Ayos naman kayo diba?”

“Yup, okay! Ikaw, okay ka ba?”

“Oo, sinabi ko lang ko lang para alam mo… na pupunta s’ya.”

Ito siguro yung kakaibang atmosphere kanina pa mula sa boarding house. Iniisip ba n’ya pano sasabihin sa akin to? Hay… Tingin ko dapat pag-usapan nato. Ilang months narin naman na ang lumipas. 3? 4 months? A basta! I’m moving on.

 

“Jaemin, may gusto ka bang itanong sa akin, kahit ano tungkol samin ni Jeno?” simula ko.

“Di ko naman kailangan malaman Mahal…kung ba’t kayo naghiwalay.”

“Wala bang nasabi sa’yo si Jeno?” nahihiya kong tanong. Matalik na magkaibigan silang dalawa.

“Wala e. Ang totoo, hindi pa kami nakakapag-usap…” Parang may gusto pa s’yang sabihin. “Hindi naman kayo naghiwalay dahil sakin diba?” biro n’ya.

“Hindi a.” sagot ko. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabayan yung pagtawa n’ya.

“Mahal mo pa?” another joke?

“Ikaw ang mahal ko… Jaemin.” seryoso kong sagot. Sana naramdaman n’ya, because I really mean it. Pakiramdam ko kasi kahit tumatawa s’ya ngayon…ewan ko. Baka masyado lang akong nag-aalala. Saan naman?

 

“Winter, wag ka na masyado mag-isip…okay tayo.” paalala ni Jaemin.

“Okay naman talaga! Bilisan mo na lang kumain, ang iniisip ko lang naman pano kita gigisingin mamaya. Baka puntahan nanaman kita sa bahay n’yo!” reklamo ko.

“Favorite ka naman ni Tita sa lahat ng nanliligaw sakin.” kantyaw ni Jaemin.

“Sira! Sabi na yan talaga yung fake news na kinakalat mo sa inyo!”

“Mahal di ba nga crush mo ko?”

“Alam mo Jaemin. Gumising ka nalang mag-isa mo mamaya.”

 

First year - 2nd sem nang makilala ko si Jaemin at Jeno.

Mahilig magpagawa ng reflection paperss ang Theology professor, at tambak din ang kailangan kong i-translate na presentation dahil nagkasabay ang elementary Nihonggo at intermediate Spanish course namin. Halos tumira nako sa computer shop na malapit sa boarding house. Noong una hindi ko pa pansin yung mga madalas na kasabayan ko sa puyatan. Busy sila maglaro, habang ako busy sa schoolworks.

 

“Hoy Jaemin! Pwesto ko to!” reklamo ng lalaking kakarating lang.

“A baket? May pangalan mo?” sagot naman sa kanya ng pinapaalis n’ya sa upuan.

“Ba’t sino bang nakaupo dito sa PC 2?!” tanong ng nagrereklamo.

“Si ate.” turo sakin nung nakaupo sa PC 1.

Nakatayo ako sa counter at pinapanuod silang magbangayan habang nag-papaprint ng script para sa play namin sa Spanish course. Bumalik nako sa upuan at nagsimula na mag-log out, tutal tapos na din naman na ako.

 

“Sorry miss. Biro lang yun.” paghingi ng tawad ng katabi ko sa upuan. “Ito kasing si Jeno! Ang daming PC d’yan!” parinig n’ya sa lalaking nakatayo sa likuran n’ya.

“Ah sorry! Akala ko pinagtitripan ako ng kumag nato.” paumanhin ng isa.

“Okay lang, tapos nako mga kuya, salamat.” sagot ko.

Balakayojan.

 

Nagbibihis nako ng school uniform ng mapansin kong nawawala ang ID ko. Ngayon pa talaga! Saan ko ba naiwan yon?? Bahala na nga! Mahalaga maipasa ko yung paper para sa 7 am class. Papapasukin naman siguro ako ng guard? Ano bang magagawa ko kung nawalan talaga ako ng ID?! Buti nalang at maaga ako gumising ngayon. Huhu.

Naglalakad nako papuntang school ng may tumawag sakin.

 

“Kim Minjeong!”

Ayun! Hawak n’ya yung ID ko! You found me kuya. Huhu. Lumapit na agad ako.

 

“Naiwan mo sa PC kahapon. Sorry, nagmadali ka ata sa pag-alis dahil sakin. I’m Jeno by the way.” Inabot n’ya ang ID ko at tumingin sa loob ng computer shop. “Tropa ko yun, si Jaemin…nagbibiruan lang kami kahapon.” paliwanag n’ya. Natutulog sa harap ng PC ang kaibigan n’ya.

“Thank you Kuya…Jeno. Pasensya—”

“Jeno na lang. We’re from the same school, Minjeong?” dagdag pa nito.

Tiningnan ko ang uniform n’ya. Ah, Engineering. Magkatabi lang ang building namin.

 

“Winter, ang nickname ko. Pasens—”

“Papasok ka na?” tanong agad nito. Tumango nalang ako, mukhang wala s’yang balak patapusin ako magsalita.

“Ang aga mo naman, 7 am pa classes…6:10 pa lang,  walking distance lang naman ang school.”

“Di ko kasi alam kung saan ko naiwala yung ID ko, kaya maaga akong papasok para makiusap sa guard.” paliwanag ko.

“Edi hindi ka pa nakakapag-breakfast n’yan?”

Umiling ako. Hindi naman n’ya siguro ako aayain na—

 

“Sabay na tayo, favorite ko yung sinigang na baka d’yan sa kanto.” alok n’ya.

Winter, anong turo sa’yo ni Mommy? Don’t talk to strangers diba? Pero same school naman kami. Pero di ba weird to? Ano naman kung favorite n’ya yung sinigang?!

 

“HOY JAEMIN! Gumising ka d’yan, ililibre daw tayo ni Winter dahil nakita ko ID n’ya!!!” sigaw nito sa natutulog na kaibigan.

ABA. HOY KUYA. TEKA LUNGS.

“Biro lang, pero kung seseryosohin mo.” sabi n’ya at may pagkindat pa nga.

SO, WALA TALAGA KONG CHOICE KUNDI MAGBREAKFAST KASAMA KAYO? GANERN?

 

 

Ma-kwela si Jeno. Pag-upo pa lang naming tatlo sa karinderya may kwento na agad s’ya tungkol sa kanila ni Jaemin. Para bang matagal na akong kakilala. Nakikinig lang ako.

“Silent type ka ba o shy type Winter?” tanong ni Jeno.

“Introvert.”

“Ahahaha— sorry, kaya pala ang tahimik mo. And too serious.”

ABA. Hindi porket ikaw ang savior ng ID ko.

 

“Not a bad thing Winter, worried lang ako baka nakakainis nako sayo.”

“Nakakainis naman talaga ang daldal mo Jeno. Andami mong satsat!” reklamo ni Jaemin.

“Sus! Maging thankful ka naman!” sagot nito sa kasama. “Nga pala Winter, what were you playing the other night sa shop? Sorry… nasanay kasi ako nakikita kang gumagawa lang ng school stuff.” tanong pa ni Jeno.

Okay. Dapat ba ko ma-alarma na pati ginagawa ko e pinupuna?

 

“Sorry Winter, impressed lang kami kasi parang ang dami mong alam na laro.” dagdag ni Jaemin.

Haaaay. Pati ba naman ikaw? Kung di ako nagkakamali s’ya madalas ang nakakatabi ko sa shop. Gusto ko pa naman s’ya dahil tahimik lang.

“Gamer girls are rare. You caught our attention.” paliwanag ni Jeno.

“Wala kayong pakialam.” sabi ko.

Nagkatinginan ang dalawa at nakita ko rin na halos mamutla si Jaemin, nabulunan ata sa kinakain.

 

“Joke lang~ kinabahan kayo no?” bawi ko.

Nagsimula na sila tumawa. Pakiramdam ko okay naman sila. At least ngayon may kilala nako sa shop.

Hindi ako pinapayagan maglaro sa labas ni Mommy nung bata ako. Nakakapuslit lang ako kapag iniiwan ako ni Daddy sa bahay ng mga pinsan ko. Kaya nang mauso ang playstation at computer gaming, yun ang naging bisyo ko.

 

“Nakita ko naglalaro s’ya ng Flyff, CS, tska Ragnarok.” excited na kwento ni Jaemin.

“Parang hindi naman yun yung nakita ko sa screen n’ya non.” sabi ni Jeno.

“Ran Online siguro…Actually, di ko sure. Natuwa lang ako ang daming installed games sa PC. Kaya tinatry ko kapag inip nako gumawa ng project at assignments.” paliwanag ko.

“Magaling s’ya Jeno! Sorry Winter, di ko kasi maiwasan tumingin, nagugulat ako iba-iba yung nakikita kong nilalaro mo.” paumanhin ni Jaemin.

“Ayos lang…same here. Ang ingay kasi ng keyboard mo minsan…pero nakakatuwa yung nilalaro mo, O2 Jam. Ang galing mo, nahihiya tuloy ako subukan kasi baka puro miss ang abutin ko.” 

“Practice lang Winter, baka kung mas madalas ka maglaro kesa sakin, mas magaling ka pa.” bola pa n’ya.

“Oi Jaemin! Papasok pa kami ni Winter. Kita-kita nalang tayo mamaya.” sabat ni Jeno.

Ang bilis talaga ng oras kapag nag-eenjoy. Enjoy?! Wow~ parang kanina lang pinaghihinalaan ko sila ng masama.

 

“Winter, sabay na tayo pa-school?” aya ni Jeno. 

Habang naglalakad  kami papuntang school, kwinekwento ni Jeno kung pano sila nagkakilala at naging close ni Jaemin. Marami pang iba, gusto ko na s’yang awatin dahil pati mga paborito ng kaibigan n’ya ay binabahagi na n’ya. Ano naman ang gagawin ko sa ganong impormasyon? Pero dahil ayoko din naman mag-share ng mga bagay tungkol sa akin, hinayaan ko nalang s’ya.

 

“Have a good day Winter…sana makita ka pa namin sa shop after nito.” paalam ni Jeno ng makarating na kami sa tapat ng building ko.

“Bakit feeling mo ba iiwas nako?”

“I have this feeling…we’ll be good friends… Me, you, and Jaemin. Feeling ko lang naman, but I’m not going to force you.”

“Nice to meet you Jeno. Thank you.” pasasalamat ko, habang sinusuot ko ang ID ko.

“Oh don’t lose it, baka hindi na ako ang makahanap next time!” biro pa nito bago umalis.

 

We really did become good friends.

 

Lumala pa ang dami ng school activities, to make it worst… college algebra. Okay naman ako sa math. But I’m struggling a bit with this one. Hindi ko alam kung dahil sa prof, o dahil sumabay din sa dalawang language course kaya gumulo ang mundo ko. 

One day nakita ako ni Jeno, tulala sa pavillion kung saan ako madalas tumambay whenever I have free time, yung tipong biglang nawalan ng prof. Ayoko kasing mag-stay sa classroom, dahil wala akong ma-accomplish sa ingay. Napaka-unproductive ko rin lalo na kung nasa mood mangulit si Ning.

Di ko talaga ma-solve yung ibang problems sa seatwork namin sa Algebra. Ayoko pabayaan na hindi ko naiintindihan dahil baka makatamaran ko nang balikan, mayayari ako sa exams. Jeno decided to skip his class to help me out. Naka-perfect score lang naman ako dun seatwork, ang kapalit, sinigang na baka.

 

Pangalawang beses na nakita ako ni Jeno na namomoblema sa computations, nag-suggest na s’ya na turuan ako. Nagkasundo kami sa Thursdays 1 on 1 college algebra session sa library. Malaki ang naging improvement ko. Kaya nagpasya ako na i-libre si Jeno ng sinigang na baka kapag gusto n’ya. Tinanggihan n’ya kasi yung alok ko na sagot ko na ang lunch n’ya kapalit ng private tutoring.

 

At dumating ang araw na nagsalubong ang landas namin ni Jeno sa school, at kasama ko si Ning. BWISIT.

“Ayyyyy ang yummy naman pala ng lunch mo bading. Kaya pala ayaw mong mag-share.” comment ni Ning ng

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Hooming
Decided to write something light for CH11.
Pa-consuelo sa ating mga future nutribuns. 😂
Masaya man lang tayo bago maging tinapay o patibay sa tulay.
Chos!

✈️ Be leaving today, and be back next week.
Ingat din sa weekend tour ni leoheart otornim~ 🥰

Pakatatag kayo yorobun~ 💪🏻

Comments

You must be logged in to comment
EzraSeige
#1
Leggo 😣😀💙❄
Hooming
#2
Sorry sa tagal ng update. 🥹
2 wks sem break (around xmas) is never enough. 🫠
I usually spend my free time w/family & leoheart.
Gawa2 lang ng illuminati ang tulog at pahinga. 🤣 Di na tlga mkkabawi sa mga yan. Kaen, ligo, kape at puyat prin kht bakasyon.
Matic priority acads pagstart ng sem…pls understand mahal ng tuition fee, ofc gsto na mktapos pra mtapos na 😂 excited nko sa glow up & real life character dev. after grad.
Just read leoheart’s work (co-author), babalik at maguupdate ako when I can, eventually.
Thank you yorobun~ ✌️
jmjslrn #3
kung ang efficascent pinapahid bat si winter ng manhid🤣
swinder
#4
Chapter 12: Mali atang binasa ko to... last year pa yung update before nitong bago.
ryujinie__
694 streak #5
Chapter 10: Welcome back omggggg
rika_j
#6
Chapter 11: ♥️
jmjslrn #7
Chapter 10: maganda ung story👏

parang medj natrauma lang ako dun sa paBJ 🤣🤣🤣
Hooming
#8
Hi @leoheart otornim 😊 look do we have here?! Nakakauhaw kaya magfootball! E kung bigyan kaya ng jacket si Karina? 😂
leoheart
#9
Chapter 10: Bigyan ng maraming samalamig si Winter. Parang sobrang THIRSTY niya. HAHAHAHA
manduwyyy #10
Chapter 6: Shetttt ang ganda