Yellow

Red Flag - Green Flag
Please Subscribe to read the full chapter

 

***Underage drinking content. Please, HUWAG TULARAN. To raise awareness, I'll leave this here:***

House Bill 2453, filed by Quezon Rep. Angelina D.L. Tan, M.D., proposes a fine of P10,000 or three months in prison for those found guilty of selling or enabling minors under the age of 18 to consume alcoholic beverages. For the first and second offenses, a minor found purchasing or obtaining alcoholic drinks will be required to attend two consecutive sessions of barangay council seminars. The seminar must also be attended by the minor's parents or guardians.


 

Ang tagal lang nila ah.

Ang. usapan. 7. ng. umaga. 8:30 na!

Kung alam ko lang sana itinulog ko pa. Malamang hangover ulit ida-dahilan ng mga to.

Lahat mega agree kahapon sa Friday na kaya ayos lang mag-inom dahil walang pasok next day.

Sus! Kahit anong araw naman kayang gawan ng justification para okay lang uminom.

 

First year. Sobrang na-culture shock ako sa Manila.

Dito pa lang sa boarding house, walang linggong hindi napatakan ng alcohol ang mga kasama ko sa bahay.

Week one palang ay nakaladkad na nila ako sa Malate… ang malala naka-school uniform pa ako. 

 

 

“Minnnjeooong~ naipaalam ka na namin kay chairman! Tara na!” excited na aya ni Ate Sunny, kakatapak pa lang ng paa ko sa pinto. 

“A-Ate, saan kayo pupunta?” nagpapanic kong tanong, pinipilit kong pumasok habang hinahatak naman n’ya ako palabas.

 

9 kaming boarders. Ako lang ang bago at naiiba ang kurso. Lahat sila health-related course ang kinukuha, ang iba naman nag-rereview para sa NLE, NMAT, o kaya nagtatrabaho sa malapit na hospital.

 

“Kayo?! SASAMA KAAAA~” paglinaw ni Ate Sunny.

“Ate tekaaaa saan yan… pwedeng mag-palit ng pambahay muna?”

 

Nakababa na ang iba pang ate sa 2nd floor, lahat nakaporma at makeup. Humahalimuyak ang sala sa iba’t-ibang klase ng pabango. Sinamaan nako ng kutob, parang naririnig ko ang boses ni Mommy na nagsasabing—Winter. Hindi ka sasama. Kahit anong mangyari. Wag. kang. sasama.

 

“Minjeong di ba kita nasabihan about Ladies’ night?” tanong ni Ate Wendy na ka-share ko sa bunk bed.

“Ladies’ night?” ulit ko. Gabi ng mga kababaihan??? Pilit kong nire-recall kung may nakwento si Ate Taeyeon sakin tungkol dito. Wala.

“May dress ka?” tanong ni Ate Wendy

“Wala Ate. Pambahay, uniform, casual shirt and pants lang ang meron ako.”

 

Ba’t naman ako magdadala ng dress? May uniform kame sa school. Ang hassle naman mag-commute pauwi every week, lalo na kung marami akong bitbit tapos naka-dress? Ba't ganito ang mga tanungan nila?

 

“Nandito na ang van!” announce ni Ate Hyoyeon. Nagsi-kilos na ang iba palabas.

“Ate enjoy lang! Maiiwan nalang ako. Ingat kayo~” paalam ko.

“Walang maiiwan Minjeong. Pa-advance birthday celebration to ng anak ni chairman. Kasama tayong lahat.” paliwanag ni Ate Sunny. Sa diin ng explanation n’ya. I definitely have no way out of this.

“Magpapalit lang ako Ate.” huling hirit ko.

“Alam mo, pwede na yan! Kami na bahala sayo.”

 

Walang nagawa si ako. Naibaba ko lang ang school bag ko sa kama. Panyo, wallet at cellphone lang ang bitbit ko.

Tumawad pako kung pwedeng maligo saglit, pero wet wipes lang at retouch lang ang negotiable kay Ate Sunny.

Pakonswelo ko nalang na nagvolunteer si Ate Joy na s'ya nalang ang magmamake up sakin mamaya bago kame bumaba ng sasakyan.

 

Sobrang saya lang ng lahat pag-sakay ko sa van. Naghiyawan talaga ang mga ateng.

“Wooo-hoo! Winter is here~” sigaw ni Kuya Heechul na nakaupo sa harap katabi ng driver.

Si Kuya Heechul ang anak ni chairman, fresh graduate from Taft at malapit nang umalis pa-US para samahan ang Ate n’ya at maghanap na din doon ng work.

“Happy birthday Kuya Heechul, thank you sa party.” bati ko. Tinawanan lang n'ya ko ng malakas.

Tiningnan ko sila Ate Sunny at Wendy na napapagitnaan ako.

Humahagikgik sila. Anong nakakatawa?

 

“Kailan ang birthday ni Kuya Heechul?” bulong ko kay Ate Wendy.

“July 10.”

 

Pucha. 2nd week palang ng June.

At umandar na ang pulang van.

Hindi lang pala puting van na may sakay na mga armadong lalaki ang nangunguha ng bata. 

 

Nasa loob ba ang buffet?! Nag-iihaw sila indoors?!

Parang mausok at madilim din doon? Dun nga ba galing yung tugtog?

Paminsan-minsan pagbukas ng pinto parang may naririnig din akong sigawan.

Ang liit at umaalog pa itong table namin.

 

Nagpasya ang mga ka-ate-han na pagdikit-dikitin ang tatlong round table para kahit paano mabalanse at magkakalapit kami.

Nagugutom na ako. 7am to 5pm ang klase namin.

Orientation pa lang naman, kaso light lang ang nakain ko for lunch. Jam-packed kasi lahat ng kainan sa school kanina.

Nabuhayan ako ng loob ng makita ko si Kuya Heechul na pabalik sa table namin, may dalang menu at kasamang mala-bodybuilder na kuya.

Nagulat ako sa biglang pag-akbay ni Ate Wendy.

 

“Minjeong. Walang under-age dito, ok?” bulong nito.

“Ate Wendy, sixt—” lumapat ang daliri ni Ate Wendy sa mga labi ko.

“Shhhhh~ you’re 18.” sabi n’ya, parang hini-hypnotize ako. Mag-sasalita pa sana ako ng maramdaman kong nakatingin lahat sakin sa table.

Sumenyas ng zip your mouth si Ate Joy sa tapat ko.

“Walang under-age dito ah??” sabi ni kuyang Hulk, pagdating nila ni Kuya Heechul sa table. Nalilito ako… waiter ba s’ya o security?

Bigla namang nakipag-holding hands sakin si Ate Wendy at Ate Sunny. Ba't ang clingy?

 

“Wala po~ legal kaming lahat sir!” pa-sweet na sagot ni Ate Joy, nasa likuran n’ya si kuya Hulk.

Pinanlalakihan ako ng mata ni Ate Joy, at talagang madiin ang pagkakatikom ng mga bibig n’ya.

Naglabas ng trodat si kuya Hulk. Una n’yang minarkahan si Ate Joy. Naglapitan na rin yung iba.

Hinatak nako patayo ni Ate Sunny. Pagkatapos n’ya ay inabot pa n’ya ang braso ko kay Kuya.

Si Ate Wendy naman ay nakaakbay sakin at sabay ding ipinakita ang braso kay kuya. Excited lang?!

 

Tinitingnan akong maigi ni kuya Hulk. Nawalan ba ng ink ang trodat?

“She’s so cute right? This is my cousin from Korea~ baby-faced yeah?” bida ni Ate Wendy.

Di ko sure kung sino pero may sumagot ng ‘yeah’ sa table namin.

Tiningnan ko si Ate Wendy na ngiting-ngiti lang sakin. Ako ba ang tinutukoy n’ya?

 

“Minjeong~ say ANNYEONG~ to oppa, quick!” turo ni Ate Wendy sakin.

“A-annyeong.” pati ako sinabay ni Ate Wendy sa pag-bow. Para kaming timang.

Na-feel ko dumampi na yung trodat sa braso ko. Tiningnan kong mabuti at hinipo.

Magtatanong sana ko kay kuya Hulk ba’t walang marka.

“Oppa she's very shy, very shy type! But gomawo!!! Thank you very much~” pasasalamat ni Ate Wendy. Tapos yuko-yuko nanaman kami.

Kailangan ko na talagang kumain, kanina pa ako walang maintindihan sa mga nangyayari.

 

Naglakad na kami pabalik ng upuan. Sagot daw lahat ni Kuya Heechul ang food and drinks tonight, at kung may gusto daw kami ay magsabi lang.

Lahat ata ng nasa menu inorder naman n’ya.

 

“Bouncer.” basa ko sa print sa tshirt ni kuya Hulk pagtalikod nito.

Nag-palakpakan ang mga tao sa table. Eh? Anyayare? Luminga-linga ako, ba’t sakin na naman sila nakatingin? Araw ko today?

Na-imagine ko lang na if kuya Hulk and I would collide, ako yung magba-bounce. Ang cute lang ng shirt. Bouncer! Abunjing!

 

“Congratulations Minjeong~ You are minutes away from initiation.” sabi ni Ate Wendy, may pagkurot pa sa aking pisngi. Tumatayo na ang mga balahibo ko. 

“Mga baks! Masyado n’yong binibigla ang baby girl natin.” sabi ni Ate Hyoyeon

Ate antaas na actually ng anxiety ko kanina pa. Sana dumating na yung pagkain para matahimik at mawala na ang spotlight sakin.

At para makauwi na!

 

“Minjeong, ipapakilala kita sa mga beki ng 2nd floor ng barangay hall Don Quijote.” inilahad ni Ate Sunny ang kamay n’ya.

“To your left… Sisters Yong, Byul, Hwasa and Wheein…”

Palakpakan ulit. Nakukuha na namin ang attention ng ibang table sa kakapalakpak. Ano bang samahan tong napasukan ko?

 

“Baks~ Meet our Minjeong, gusto n’ya tawagin s’yang Winter. Ayaw namin kasi ang cute ng Mindoongie~ bagay sa cute na cute and innocent naming bebs. Pero! Titingnan natin kung anong mangyayari tonight!” intro sakin ni Ate Hyoyeon.

“Nice to meet you all mga ate~ Please take good care of me.” sabi ko nalang. Ano bang ganap kasi?!

“You will learn a lot tonight baby Min, we will take good care of you.” guarantee ni Ate Wendy, may paghagod pa sila ni Ate Sunny sa likod ko.

I should feel safe, pero parang iba ang nakukuha kong vibe sa kanila.

“Girls, let's start!” sigaw ni Kuya Heechul na may dalang… alam ko to e.

Lakas tama to e. Dapat nakinig talaga ako sa boses ni Mommy na nagsasabing:

Wag. Kang. Sasama.

 

“Winter! Winter! Winter! Winter!” naghihiyawan lahat pati yung ibang tao sa loob ng club na hindi ko kilala.

Juice ko po.

 

Sa akin nakita ni Ate Sunny ang pangarap n’ya… na makapag coach ng isang beer drinker prodigy.

Nagulat ang lahat ng makitang buhay pako sa 1 on 1 drinking session with Ate Sunny.

Naiwan kasi si Ate Sunny para i-baby sit ako, at ang gusto lang naman daw n’ya talaga ay uminom.

Nakonsensya rin kasi sila na ipasok ako sa club dahil under-age ako.

Umayaw din ako pumasok ng malaman kong club pala ang pinuntahan namin. Naiisip ko baka may makita akong di ko dapat makita sa loob.

Yung sinasabi ni Mommy na mga pusang naglamlampungan? Ewan.

 

To share the trut and nothing but the trut... nakainom na ako ng beer nung high school ako. Yung daddy beer ng SM.

Ito ang biggest secret namin ni Daddy. Tinuruan talaga ako uminom, at expected na daw kasi na ma-eexpose ako sa ganito in the near future.

Mabuti na daw yung alam ko kung kelan ako dapat huminto. Pero two bottles lang kami.

Proud lang naman si Daddy malaman na namana ko din ang magandang alcohol tolerance sa kanya.

Kung tama ang estimate ko. Nakaka-isang case ng beer si Daddy bago malasing tuwing birthday n’ya.

Basta ang sabi n'ya, if ever maisipan ko uminom, isipin ko lang daw ang galit ni Mommy.

Ang totoo mas takot ako na madisappoint ko s'ya, kasi pinagkakatiwalaan n'ya ako lagi sa mga desisyon ko.

 

“Sunkyu! Break muna ang dance floor. Pwede ka na pumasok at lumaban sa beer bong, kami na magbabantay kay Minjeong. Okay ka pa baby girl?” tanong ni Ate Hyoyeon. Tumango ako. Walang rice, pero ubra na ang fries, at nabusog din naman ako sa pulutan.

“Grabe Ate Sunny, naubos mo tong isang bucket?! Ganon ba kami katagal nawala?” comment ni Ate Joy.

Mabilis na chineck ni Ate Sunny ang laman ng bucket. Walang laman yung apat na bote.

Tapos nanlaki ang mga mata n’ya pagtingin sa baso kong half empty at may katabing empty bottle ng pulang kabayo.

Sinilip pa n’ya ang loob ng bote at parang di makapaniwala.

“Minjeong?”

“Ate?” 

“Ang alam ko pangatlong bote ko palang to. Sinong uminom nung dalawa sa bucket?” tanong ni Ate Sunny.

“Ako po?? Pangatlong bote ko to Ate.” sagot ko. Hindi n'ya siguro napansin dahil sa kwentuhan namin tungkol sa mga pusa.

Gusto ko din kasing maging close sa kanila, after all ilang years nila akong b

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Hooming
Decided to write something light for CH11.
Pa-consuelo sa ating mga future nutribuns. 😂
Masaya man lang tayo bago maging tinapay o patibay sa tulay.
Chos!

✈️ Be leaving today, and be back next week.
Ingat din sa weekend tour ni leoheart otornim~ 🥰

Pakatatag kayo yorobun~ 💪🏻

Comments

You must be logged in to comment
EzraSeige
#1
Leggo 😣😀💙❄
Hooming
#2
Sorry sa tagal ng update. 🥹
2 wks sem break (around xmas) is never enough. 🫠
I usually spend my free time w/family & leoheart.
Gawa2 lang ng illuminati ang tulog at pahinga. 🤣 Di na tlga mkkabawi sa mga yan. Kaen, ligo, kape at puyat prin kht bakasyon.
Matic priority acads pagstart ng sem…pls understand mahal ng tuition fee, ofc gsto na mktapos pra mtapos na 😂 excited nko sa glow up & real life character dev. after grad.
Just read leoheart’s work (co-author), babalik at maguupdate ako when I can, eventually.
Thank you yorobun~ ✌️
jmjslrn #3
kung ang efficascent pinapahid bat si winter ng manhid🤣
swinder
#4
Chapter 12: Mali atang binasa ko to... last year pa yung update before nitong bago.
ryujinie__
694 streak #5
Chapter 10: Welcome back omggggg
rika_j
#6
Chapter 11: ♥️
jmjslrn #7
Chapter 10: maganda ung story👏

parang medj natrauma lang ako dun sa paBJ 🤣🤣🤣
Hooming
#8
Hi @leoheart otornim 😊 look do we have here?! Nakakauhaw kaya magfootball! E kung bigyan kaya ng jacket si Karina? 😂
leoheart
#9
Chapter 10: Bigyan ng maraming samalamig si Winter. Parang sobrang THIRSTY niya. HAHAHAHA
manduwyyy #10
Chapter 6: Shetttt ang ganda