Pink

Red Flag - Green Flag
Please Subscribe to read the full chapter

 

Hay, 3rd year. Hhhhhandaming ganap lang.

 

Dapat ata talaga nag-shift nako sa fine arts o kaya architecture!

Tutal 1st year palang pinagtutulakan nako nitong mga classmates ko.

Kesyo magaling ako sa pag-guhit, nagasgas narin yung compliment na napaka-creative ko at ang ayos ng penmanship ko.

I. Know. Right. 

 

Di naman ako kulangot para bolahin pa tuwing may project para sa kung anu-anong event dito sa BS Tourism.

Kikilos naman talaga kasi ako basta gusto ko.

Ang problema, naloloka ako sa dami ng gusto ng class lately.

Props palang! Anong akala nila sa budget namin?! Unli?!

Ang sakit sa sentido nung mga idea nila, bakit di easy-han?! Lahat ina-Ariana Grande!

Konti pa isusuggest ko nang sa barko na ulit yung venue.

Para problema na ulit ng ibang team kung saan hahanap ng sponsors para sa pangarap nilang cruise shi—p event.

Hindi kasi feasible yung gusto nilang umarkila ng barko.

One day event lang to, malamang ilang oras lang din yung maiisip nilang mga ganap. Mauutas kame venue palang.

Wala pa yung pa-tsibog, the banquet at pa-take away.

Yun naman ang mahalaga at purpose ng pag-organize ng events diba? Pagkain.

Don’t correct me. I’m not wrong.

 

Ang gastos na masyado ng program namin.

Namagkano kami sa Cebu-Bohol domestic tour nung 1st year. Dun palang nahiya nako sa magulang ko.

Mas katakut-takot pa lalo ang inabot ng Hongkong-Macau international tour last year lang.

Di kame mayaman, at lalong di rin laki sa luho.

Kaya oks lang sakin kahit mag-special project. Hindi naman kasi compulsory.

Pero gusto nila sumama ako, lalo’t nalaman pa nila na majority of students sa batch ay mga sugo ni Dora the Explorer.

Aware naman daw sila sa magiging gastos ko sa kursong napili ko, tapos supportive pa si Ate na mag-shoulder sa tuition at ibang gastos.

Ang swerte ko lang. Babawi talaga ako bigtime sa future!

Patunay din to na kasinungalingan yung sinasabi ni Kuya na ampon ako at napulot lang ako sa poops ng kalabaw. Baka s'ya?!

Walang nakawitness kung napagpalit sa hospital yung tunay na first born sa kanya nung nanganak si Mommy. Tse!

Anyway~

 

In short, para maiiwas ang lahat sa malaking gastos, nagmagaling ako na kaya ko diskartehan yung cruise ship event kahit on land.

Mismo! Ako ang naghanap ng barkong ipupukpok sa ulo.

Basta art, crafts, presentation, pati pagse-secretary para sa minutes of meeting kasi naman, sakin na talaga ang bagsak. Husay lang.

Anong nangyari sa gusto kong simple life sa college?

Yung “This time gusto ko mag-focus sa acads”.

Haha, yawa. Kahit sarili ko, hindi na-convince.

 

Nauulit nanaman yung buhay ko noong GS at HS years ko.

Pinagkaiba lang, hindi talent sa pagkanta yung na-discover nila.

Di nako magkakamali ibuking ang sarili ko.

Hinding hindi ko talaga ikakanta.

Okay nato, low profile hanggang maka-graduate.

But help me Lord!

Grabe lang  po yung nagpaulan kayo ng creativity tapos tulog lahat ng classmates ko.

Iilan lang ang joiners dito sa designer team.

Kaya pa ba?

 

Ba’t nga ba dito ako napadpad?

Napaka-contradicting ng napili kong kurso sa personality ko, sa totoo lang.

 

3 years old ako ng ma-discover ni Mommy na kaya ko magmemorize at kumanta ng simpleng pyesa.

Kahit ako nagulat malaman to, anyare sakin ngayong college?

Isa ako sa tinatawag na ‘menopause baby’. Swerte daw at ‘espesyal’.

Ewan kung anong ibig sabihin nila don sa espesyal, bakit may emphasis?

Pero special na nga rin ako, kasi bunso.

At isang dekada lang naman ang namin ni Ate.

Hindi nila expected ang pagsulpot ko sa mundo.

 

10 years na si Daddy sa Saudi, at pinauwi s’ya ni Mommy nung nakaipon na para magsimula ng negosyo.

At kering-keri na rin makapagpa-aral sa private school.

May kasabihan pa si Mommy na 'kung ukol ay bubukol'. Tungkol to sa pagsisimula ng business.

At ang mahalaga magkakasama ang pamilya, lalo na daw at lumalaki na sila Ate at Kuya.

Bat ba di nalang n'ya aminin, na gusto n'yang kasama lang si Daddy, mahirap ba?

Sabay ng pagbukol ng business ay ang pagbukol ko din sa tiyan ni Mommy. Hahaha~

 

Maginhawang buhay at quality education ang gusto nila para sa amin.

Kasi yun daw ang di nila na-experience.

Ang makatungtong ng kolehiyo.

Malaking pamilya kasi ang pinagmulan nila.

Malaki, as in higit sa sampu silang magkakapatid.

Kaya mas kinailangan nila kumayod kesa mag-aral para maitaguyod nila yung mga nakababatang kapatid nila.

 

Kapampangan ang Mommy ko, si Daddy naman ay Bulakenyo.

Ang layo. Pero natagpuan ng Daddy ko si Mommy.

Pahinante ng truck si Daddy, at umaangkat sila ng lahar sa Pampanga.

And yasss~ si Mommy yung masungit na tindera at cook ng karinderya kung saan suki si Daddy.

Mahaba at pabebe ang istorya nila.

Basta 3 pesos… ang laman ng bulsa ng Mommy ko nung nagtanan sila at tuluyang sumama kay Daddy umuwi.

Malaking halaga na daw yon nung time nila.

Tapos eto na, tatlo kaming magkakapatid, laking Baliuag, at slightly nakakaintindi ng kapampangan.

Laging sinasabi ni Mommy ko na naka-jackpot si Daddy sa kanya.

I disagree. Di dahil sa daddy’s girl ako. Basta I disagree.

Daddy ko ang nabudol.

 

Si Daddy, ang main reason kung bakit nasa BS Tourism ako. Actually, si Mommy pala. 

Ok, both. Pano ko ba i-eexplain…

Napansin ni Daddy ang interes ko sa mga eroplano nung bata ako.

Madalas n'ya ko isama —Oo na buntot n'ya ko, laging nakabuntot sa kanya!— sa bukirin kung saan nakagarahe yung mga truck.

Trucking ang family business namin. Marunong din sa pagbubukid at livestock raising si Daddy. 

Kaya dito din nya pwinesto yung garahe, gravel and sand, at pagawaan ng hollowblocks.

Para mabantayan at mapuntahan agad depende kung saan s'ya kailangan.

Ito yung pinamana sa kanya ni Tatang, yung bukid, green thumb, higit sa lahat sipag.

The rest, naipundar n'ya nung nag-Saudi sya.

Kung panong marunong rin sya mag-operate at magkumpuni ng mga sasakyan, self-study lang.

Jack of all trades s'ya. Lodi. Petmalu.

Kitams? Si Mommy nga yung naka-jackpot!

 

Balik sa kwento.

Basta may dumaan na eroplano, hihinto ako sa ginagawa ko. Susundan ko lang ng tingin hanggang mawala.

Na-cucurious ako kung pano ito lumilipad. Pano nabubuhat yung sakay. Saan papunta.

Basta curious ako. Kahit sinong bata naman diba?

Ini-imagine pa nga na hindi eroplano yun, si Superman daw.

 

Talagang alam ni Daddy yung mga gusto ko, kahit hindi ko sabihin.

Kaya di ko naranasan na humingi ng kahit ano sa kanya, kasi madalas mas alam o napansin na n'ya.

Ginagawa n'yang form of reward yung mga gusto ko tuwing tumutulong ako sa kanya, sa bahay…

o kaya suhol kapag di nya ko maisasama sa lakad n'ya.

Hindi ako spoiled. Magaling lang talaga mag-motivate si Daddy, pinaghihirapan ko rin talaga yung mga gusto kong makuha.

 

Share ko lang. Di ko alam bat takot ako sa manika.

Isisisi ko nalang to dun sa mga pelikula kagaya nang ‘Mama doll’ ng Shake, Rattle and Roll.

Ang chaka nila, in general.

At dahil nga sa fear of dolls. Kahit mapapagalitan s'ya ni Mommy.

Toy cars, airplane figures, gundam ang mga laruan na binibili ni Daddy para sakin.

I loooooooove them! Kahit gumalaw at lumaki silang life-size, ikatutuwa ko pa.

 

Come 4th year HS, tinanong ako ni Mommy kung saang school at anong kurso ang kukunin ko.

Naiisip ko lang mag-piloto. Yan kasi yung tingin ni Daddy na magugustuhan ko.

Trut naman. Nagustuhan ko nga. Kaso lang grabe ang pagtutol din ni Mudra.

 

 

“Babae ang anak mo! Gusto mo bang puro lalake makasalamuha nyan?!” nanggagalaiting tanong ng Mommy ko kay Daddy.

May pahabol pang… “Pag bumigay at maging junior yan! Tatamaan kayo saking mag-ama!”

 

“Kung ano ang gusto ng bunso ko susuportahan ko.” sagot naman ni Daddy, ngumisi pa.

 

Hampas at kurot tuloy sa tagiliran ang natanggap n'ya for being supportive.

Kaya sumabat nako sa usapan. Ayoko rin kasing nagiging source nila ng discord.

Pikunin si mommy, at masakit s'ya magalit. Di ko alam bat tuwang-tuwa lang naman si Daddy masaktan.

Masarap ba mahampas? Makurot? Masabunutan?

Kasi ako, di ko trip. Kahit paraan pa to sa pagdisiplina. I don’t get it, kahit sabihing tough love.

Tough lang sakin. Hindi ko makita kung nasaan yung pagmamahal sa pamalo. Puso sana, hindi pasa.

 

“Mommy. Mag-fflight attendant nalang po ako.” sabat ko.

At talaga namang parang nabunutan ng tinik at umaliwalas ang mukha ni Mommy.

Bakit parang nakarinig s'ya na grand winner s'ya sa lotto?

Kinilabutan rin ako after ko ma-realize kung ano yung nasabi ko.

Flight attendant?

GA-GA!

Gusto ko ba yung slim cut na uniform?

Yung make-up?!

Pala ngiti ba ko?!!

Ganda ka?!!!

Pero lumabas na sa bibig ko.

At sa r

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Hooming
Decided to write something light for CH11.
Pa-consuelo sa ating mga future nutribuns. 😂
Masaya man lang tayo bago maging tinapay o patibay sa tulay.
Chos!

✈️ Be leaving today, and be back next week.
Ingat din sa weekend tour ni leoheart otornim~ 🥰

Pakatatag kayo yorobun~ 💪🏻

Comments

You must be logged in to comment
EzraSeige
#1
Leggo 😣😀💙❄
Hooming
#2
Sorry sa tagal ng update. 🥹
2 wks sem break (around xmas) is never enough. 🫠
I usually spend my free time w/family & leoheart.
Gawa2 lang ng illuminati ang tulog at pahinga. 🤣 Di na tlga mkkabawi sa mga yan. Kaen, ligo, kape at puyat prin kht bakasyon.
Matic priority acads pagstart ng sem…pls understand mahal ng tuition fee, ofc gsto na mktapos pra mtapos na 😂 excited nko sa glow up & real life character dev. after grad.
Just read leoheart’s work (co-author), babalik at maguupdate ako when I can, eventually.
Thank you yorobun~ ✌️
jmjslrn #3
kung ang efficascent pinapahid bat si winter ng manhid🤣
swinder
#4
Chapter 12: Mali atang binasa ko to... last year pa yung update before nitong bago.
ryujinie__
694 streak #5
Chapter 10: Welcome back omggggg
rika_j
#6
Chapter 11: ♥️
jmjslrn #7
Chapter 10: maganda ung story👏

parang medj natrauma lang ako dun sa paBJ 🤣🤣🤣
Hooming
#8
Hi @leoheart otornim 😊 look do we have here?! Nakakauhaw kaya magfootball! E kung bigyan kaya ng jacket si Karina? 😂
leoheart
#9
Chapter 10: Bigyan ng maraming samalamig si Winter. Parang sobrang THIRSTY niya. HAHAHAHA
manduwyyy #10
Chapter 6: Shetttt ang ganda