Chapter 9
Treat You Better
Hindi naging maganda ang kinalabasan ng dinner namin… expected na din naman yun.
Lahat ng hinandang pagkain yung favorite ni Gyu kahit na alam naman nilang may allergy ako dun.
Para walang gulo hinayaan ko nalang, magtitinapay nalang sana ako kaya lang si ate Taeyeon hindi na niya napigilan, inaway niya si mom.
Kaya ang ending umalis nalang kami ni ate at nagdinner nalang kaming dalawa.
“Minjeong ayos ka lang ba talaga?” Tanong ni ate habang nagdadrive pauwi.
“panlimang tanong mo na yan, I’m fine ate”
Tiningnan niya ako parang tinitingnan niya kung nagsasabi ako ng totoo “ayos lang nga ako ate Taeng ano ba”
“Grabe lang kasi trip ng nanay mo” sabi ni ate
Natawa naman ako “next time ate hayaan mo nalang siya bakit mo kasi pinatulan kanina?”
“Alangan namang manahimik ako dun? Hindi naman talaga tama ginawa niya”
Si ate Taeng yung tipo ng tao na hindi mananahimik pag may nakikitang hindi tama, siya ang nagtatanggol sa akin tuwing sinasaktan ako ni mom dati habang si dad nakatingin lang. Never naman akong sinaktan ni dad pero mas masakit yung wala siyang ginagawa para ipagtanggol ako.
“Kinausap ako ni dad kanina”
Gulat na napatingin sa akin si ate “ano sabi?”
“Nag sorry siya lalo na sa pagtrato ni mom sa akin”
“Eh ano sabi mo?”
“Ayos lang” sagot ko, sinimangutan ako ni ate
“Ang sabi niya hindi naman daw nila ako sinisisi sa nangyare, hindi lang daw ako kaya makita ni mom kasi naaalala niya si Beomgyu” natawa naman ako “syempre maalala niya sa akin si Gyu, kambal kami eh”
Napailing nalang si ate “dapat yung sorry niya may kasama ng bagong kotse at bahay, kulang pa nga yun sa lahat ng ginawa nila sayo”
“Actually… binibigyan niya ako kanina ng sasakyan"
“Asan?” Tanong niya
“Hindi ko tinanggap”
Nanlaki ang mata ni ate “baliw bakit di mo tinanggap?!”
“Ayoko, magkakautang na loob pa ako sa kanila at may sasakyan naman ako” ang gamit kong sasakyan yung bigay ni ate nang mag 18 ako.
“Dapat tinanggap mo tapos binigay mo sa akin”
“Balik ka dun tapos hingiin mo” sagot ko naman
…
Nakarating na kami sa condo.
“Ate”
“Oh?”
“Salamat” sabi ko
“Kulang..” sabi niya nagtaka naman ako tumingin sakaniya “dapat salamat ate ikaw ang best ate in the whole world!” Sabi niya kasama pa ang kamay sa pagsabi ng world.
“Luh” sabi ko at bumaba na, narinig ko pa yung mala mangkukulam niyang tawa.
Kahit may pagkabaliw ang ate ko sobrang laki talaga ng pasasalamat ko sa kaniya, hindi ko alam kung ano mangyayare sa akin kung wala si ate Taeng, siya na din kasi ang tumayong magulang ko.
…
Hindi ako makatulog.
Ang daming nangyare sa araw na ‘to, hindi naman puro masama kasi andyan naman si ate at si Rina.
Nakausap ko si Rina kanina, nag aaral daw siya kaya hindi ko na siya kinausap nang matagal, sinabi ko lang sa kaniya na nakauwi na ako at ayos lang ako.
Gamit na gamit ko na yung ‘ayos lang ako’ pero hindi naman talaga.
Ayos lang, sanay na naman ako.
Ang drama… tama na nga
Mag road trip nalang ako, hindi kasi talaga ako makatulog.
Ilang araw ako nakadepende sa alak para makatulog pero hindi ko yun gagawin ngayon kasi lagot talaga ako kay Rina.
Nagdadrive lang ako hindi ko namalayan na nasa harap na ako ng bahay nina Rina.
For sure nag aaral parin yun kaya hindi ko nalang ipapaalam sa kaniya na andito ako.
…
Napatigil ako sa pagsusulat ko, para kasing may nakatingin sa akin.
May narinig akong katok sa may kanan.
Muntik ng umalis ang kaluluwa ko sa katawan ko!
Ito kasing nililigawan ko ang lakas ng trip, nakababa ang buhok niya tapos naglagay pa ng flashlight sa baba ng mukha niya.
Napaisip tuloy ako kung pagbubuksan ko siya ng pinto o iiwan ko na siya dito.
Nang hindi ko parin siya pinag bubuksan ng pinto lumipat na siya sa side ko, binaba ko ang bintana.
"baba ka na" utos niya
"ayoko" panloloko ko, inirapan naman niya ako agad na ikinatawa ko "bakit? ikaw nalang pumasok" sabi ko
"baba ka na kasi" naiinis na talaga siya kaya bumaba na ako sa sasakyan
Pagkababang pagkababa ko, niyakap niya ako.
Nang makabawi ako sa pagkagulat, niyakap ko na din siya.
Bumibilis na naman ang tibok ng puso ko.
I'm the type of person who doesn't like skinship hindi din ako clingy pero nagbago yun nang makilala ko si Rina. Wait... ayoko parin naman ng skinship mula sa iba kay Rina ko lang gusto.
Gusto ko na lagi siyang makasama, I want to hold her hand, at ang pinaka gusto ko ang mga yakap niya, ibang comfort talaga ang nabibigay niya sa akin.
She feels like home.
"are you okay?" sabi niya habang yakap parin ako, tumango naman ako
Lumayo siya nang kaunti para makita ang mukha ko, pero ang lapit parin kasi hindi naman nag hiwalay katawan namin, her hands on my shoulders.
I stared at her... eyes... nose... lips
Lumayo na ako kasi baka kung ano magawa ko.
"let's go?" sabi niya
"saan?"
"let's go for a walk" aya niya sa akin, napatingin ako sa suot niya.
"sige, pero magpalit ka muna baka lamigin ka" sabi ko naman, medyo malamig na din kasi nagpapasko na
"okay, wait lang" sabi niya at tumakbo na papasok
Hindi nagtagal lumabas na siya, nag hoodie lang siya
"let's go" sabi niya at hinawakan ang kamay ko
Habang naglalakad kami.
"I like night walks talaga, how about you?" tanong niya sa akin
"I like everything that we do together, I love being with you" sagot ko naman, hindi agad siya nakasagot kaya tiningnan ko siya at nakita kong namumula siya, aasarin ko sana siya pero hindi ko nalang tinuloy kasi baka akala niya biro na naman yung sinabi ko
"Min, don't forget to get your notes mamaya bago ka umuwi ah? Andun nakasulat din ang missed tests mo" nagulat ako sa sinabi niya, nag effort talaga siyang tanungin ang classmates ko kahit sobrang busy din niya
"thank you, sorry sa abala" sabi ko
"you're not abala sa akin Min" napangiti naman ako, nakakakilig naman yun!!
Natahimik na kami ulit, magkahawak parin ang kamay namin habang naglalakad.
"Min"
"hmm?" sagot ko at tumingin sa kaniya
Napabuntong hininga siya "never mind" sabi niya
Gusto niya siguro malaman ang nangyare kanina.
"kanina nung dinner namin yung mga nakahandang pagkain allergic ako sa mga yun..." natigilan ako "gusto na din niya ata ako patayin" sabi ko habang natatawa
"Minjeong it's not funny" ser
Comments