Chapter 22

Treat You Better
Please Subscribe to read the full chapter

 

May exam kami ngayon kay Ma’am Seulgi. Dalawang oras yung exam pero wala pang 30 minutes nag pasa na yung mga kaklase ko.

 

Narinig ko pa yung dalawang lalaki sa likod ko.

 

“Pre mag papasa na ako, parang niloloko ko lang sarili ko”

 

“Sige tol ako rin, ang hirap mag panggap na nagsasagot” sagot naman nung isa, natawa naman ako.

 

Mahirap naman kasi talaga ang exam ni Miss Kang, magaling din naman kasi siya mag turo kaya expected ko na din na mahihirap pa exam niya.

 

Tapos na ako mag sagot, naka isang oras din siguro bago ko masagutan lahat.

 

Napatingin ako sa labas ng bintana.

 

Aba si Ningning?! Ang tagal ko siyang hindi nakita. Nagbakasyon na naman, tindi talaga nun kalagitnaan ng sem nag babakasyon.

 

Natawa naman ako nang kumaway siya sa akin at nag flying kiss pa bago nag deretso sa paglalakad.

 

Napatingin ako sa oras at malapit na din matapos ang exam ni Rina, hintayin ko na lang siya, icheck ko muna ‘tong answers ko kung wala na bang mali.

 

Nang masigurado kong wala nang mali sa solution ko tumayo na ako at nagpasa kay Miss, nakangiti naman siyang tumingin sa akin.

 

“Matagal ka atang nag sagot ngayon Kim? Mahirap ata exam ko” nakangiti niyang sabi sa akin na parang nang aasar.

 

Kanina pa naman ako tapos tinatamad lang ako mag pasa hmp

 

Nginitian ko na lang siya at nilagay ko na ang paper ko sa table niya.

 

“Thank you po ma’am una na po ako” ‘yun na lang sinabi ko at umalis na .

 

Pumunta na akong library, alam ko namang dito pupunta si Rina pagkatapos ng exam nila.

 

Pagkarating ko ng library nakita ko siya, maaga din siguro siya natapos. 

 

Pupunta na sana ako sa kaniya nang mapansin kong may kasama pala siya.

 

Yung Jay na naman na ‘yun!

 

Hindi na ako tumuloy papunta sa kaniya at umupo na lang sa table hindi kalayuan sa table nila, pero dun sa hindi makikita ni Karina.

 

Mukhang nagpapaturo kay Rina, sus gusto lang humarot eh.

 

Kumuha ako ng kahit anong libro at binuksan na ito.

 

“Minjeong hoy” napatingin ako sa bumati sa akin, si Yunjin pala.

 

Umupo siya sa tabi ko.

 

“Bakit parang badtrip ka?”

 

“Hindi kaya” tanggi ko, nakatingin ako kina Karina habang yung Jay na yun nilalapit pa upuan niya kay Karina.

 

Narinig ko naman ang pagtawa ni Yunjin kaya napatingin ako sa kaniya.

 

“Selos yarn?”

 

“Hindi” tanggi ko ulit.

 

“Kina Karina ka nakatingin eh” sabi nito habang natatawa pa

 

“Nagbabasa ako” sabi ko at pinakita ang libro na hawak ko.

 

“Sure… sige na magselo-“ sinamaan ko naman siya ng tingin “I mean mag basa ka na dyan, punta na ako sa room may exam pa ako” tinanguan ko naman siya.

 

Bago siya umalis kinuha niya sa akin ang libro na hawak ko at binaliktad ito.

 

“Galing mo naman mag basa Minjeong, kanina pa ‘yan nakabaliktad” sabi niya at umalis na.

 

Kaya pala pinagtitinginan ako kanina pa.

 

Nakakahiya!!

 

Tsk 

 

Matutulog na nga lang ako, kesa makita kong nilalandi nun si Rina.

 

 

Pagka mulat ko, nakita kong katabi ko na si Rina na nagbabasa.

 

Hindi muna ako gumalaw at pinagmasdan ko muna siya.

 

Ang ganda pala talaga niya?

 

Mas gumaganda siya sa pagtagal ng pagtitig ko sa kaniya.

 

Hayy

 

Karina… ang ganda ganda ganda mo.

 

Humarap siya sa akin kaya mabilis kong pinikit ang mga mata ko.

 

Nakakahiya naman kung mahuhuli niya akong nakatingin sa kaniya.

 

Naramdaman kong hinaplos niya ang mukha ko.

 

Hindi na ako makahinga sa pagpipigil ng kilig

 

GRABE NAMAN KASI KARINA BAKIT MAY PAG HAPLOS NG MUKHA.

 

“Ay bongga may pa ganun siya” si Ningning!!

 

Naramdman kong lumayo sa akin si Rina at tinanggal na ang pagkakahawak sa mukha ko.

 

Kung hindi dumating si Ning siguro inatake na ako sa puso.

 

“Hey Ning how’s your trip?”

 

“Masaya naman yung pasalubong ko pala sainyo nila tita nasa house bigay ko nalang mamaya”

 

“Thanks… nakapag aral ka ba sa mga exams mo ngayong week? Paano ka makakahabol sa mga missed activites mo?” Parang si Rina na yung nasestress para kay Ning

 

“Bahala na”

 

“Ning naman”

 

“Joke lang ‘to naman, nakausap ko na naman mga prof ko”

 

“Bakit ka kasi nag babakasyon, kalagitnaan ng sem?”

 

“Eh si mama sinama ako”

 

“Sumama ka naman”

 

“Syempre”

 

Ititigil ko na nga pagpapanggap ko…

 

“Hey” nakangiting bati sa akin ni Rina, nginitian ko din naman siya.

 

Humarap ako kay Ning at tinanguan siya.

 

“Grabe ka naman Minjeong tango lang talaga?”

 

“Ano ba gusto mo Ning? Kiss?”

 

“Ay pass ako dyan… si Rina gusto niyan”

 

Tumingin ako kay Rina.

 

“Gusto mo?” Gulat siyang napatingin sa akin.

 

Gulat din naman akong tinanong ko ‘yun… 

 

ANO BA PUMASOK SA UTAK KO KASI?!

 

“Hehe joke” sabi ko at nag iwas na ng tingin.

 

Narinig ko naman ang pagpipigil ng tawa ni Ning.

 

“Rina” napatingin naman ako sa tumawag.

 

At matic na umikot ang mata ko.

 

“Napansin ko kasing mahilig ka dito” sabi niya at pinakita ang pringles yung favorite na flavor ni Rina.

 

At ang dami pa.

 

“Thank you pero para saan ‘to?” Sabi ni Rina 

 

“Kasi tinuruan mo ako kanina, pa thank you lang”

 

Pa-thank you daw, daming echos

 

“Ahh you didn’t have to, nakakahiya naman ang dami nito”

 

“Sige na Rina tanggapin mo na” sabi niya at hinawakan pa sa balikat si Rina.

 

May pa hawak hawak pa!

 

 Tinanggap na din naman ni Karina kahit na halata na nahihiya siya.

 

O ayan tinanggap na, makakaalis ka na.

 

“Rina?” 

 

Tumingin naman ulit si Rina sa kaniya. 

 

“Baka gusto mo mag dinner tayo together?”

 

Utut

 

Napatingin sa akin si Rina, nag iwas naman ako ng tingin.

 

“Hm i have a lot of things to do eh”

 

“Next time na lang?” Tanong pa ni Jay

 

Tumango naman si Rina.

 

“Sige Rina una na ako ah? Ingat ka pauwi” kung makipag usap kay Rina akala mo walang kasamang iba eh

 

“Ingat din” sagot naman ni Rina

 

Pagkaalis nung hatdog.

 

“Let’s go na ba?” Tanong ni Rina, tinanguan ko naman siya.

 

“Sabay ka na sa amin Ning?” Tanong niya 

 

<
Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Domdomdim
last year pa yung last kong update pala ˚‧º·(′̥̥̥ o ‵̥̥̥)‧º·˚

Comments

You must be logged in to comment
howdoyouknowmee
538 streak #1
Mic test mic test
fanficethusiast #2
Chapter 24: hello 🥺
bigboy123
138 streak #3
Chapter 24: *kumatok* tao po? 🥹
wnddmks_ 659 streak #4
Chapter 24: Miss you, tor
CincoYoo
#5
otor🥹
wnddmks_ 659 streak #6
Chapter 24: Tao pooooo
elalalala_
#7
Chapter 24: NAG UPDATE PALA SI IDOL NGANGAYON Q NAKITA HWHDHSVAGAVA THANK U POOOO🤩🤩🤩🤩🤩
seulreneislife #8
Chapter 13: gulo mo mare😭
seulreneislife #9
Chapter 12: Gago ka rina sa birthday talaga sinabi lol bas2s kang bata ka
osumnevercease
#10
update😭